Font size
Worksheets1ST QUARTER-MGA PAKSA SA AP 8
Total questions: 53
Worksheet time: 27mins
Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o cultural?
lokasyon
paggalaw
lugar
rehiyon
Ang mga nilalang sa daigdig ay nabubuhay at kumikilos sa lithosphere, hydrosphere, atmosphere, at biosphere. Ano ang ipinapahiwatig nito tungkol sa mga bahagi ng daigdig?
Ang mga bahagi ng daigdig ay maganda.
Ang mga bahagi ng daigdig ay malalaki.
Ang mga bahagi ng daigdig ay magkakaugnay.
Ang mga nilalang sa daigdig ay mahilig maglakbay
Ang daigdig ay 70% tubig at 30% lupa. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa ugnayan ng tubig at ng mga tao?
Mahilig sa tubig ang mga tao kaya maraming lugar kung saan maaaring lumangoy at mangisda.
Madalas maligo ang mga tao kaya tama lang na malaking bahagi ng daigdig ay tubig.
Maraming tubig sa daigdig kaya maaari itong aksayahin.
Mahalaga ang tubig para mabuhay ang mga nilalang sa mundo kaya dapat itong gamitin nang wasto
Ayon kay Alfred Wegener, dati magkakaugnay ang mga kontinente sa isang superkontinente na tinatawag na
Plate
Gondwana
Pangaea
Laurasia
Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad ng katotohanan.
Ang Hilagang Amerika at Timog Amerika ay magkatabi.
Ang Aprika ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
Ang Antartika ay hugis tatsulok.
Ang Europa ay matatagpuan sa itaas ng Aprika
Ano ang naghihiwalay sa mga kontinente ng Asya at Europa?
Kabundukang Ural
Kabundukang Everest
Kabundukang Timbuktu
Kabundukang Apo
Ano ang pagkakaiba ng Australia sa iba pang kontinente ng daigdig?
Ang Australia ay may malaking populasyon.
Ang Australia ay isang kontinente, pulo, at bansa.
Ang Australia ay hugis tatsulok.
Ang Australia ay may napakalamig na klima.
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng mga sumusunod MALIBAN sa
Wika
Pangkat -etniko
Klima
Relihiyon
Paano nakatutulong ang relihiyon sa lipunan?
Nagpapasa ito ng mga batas ukol sa relihiyon.
Nagiging batayan ito ng mabuting asal
Nagsasagawa ito ng mga prayer meeting
Nahahatid nito ang paniniwala ng mga tao
Ano ang pinaka hindi mabuting epekto ng pagkakaiba-iba ng wika sa isang bansa?
Naging maayos ang lipunan
Umunlad ang ekonomiya nila
Humahantong sa hindi pagkakaunawaan
Iba't iba ang wikang ginagamit ng mga tao
Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang _______________ ang mga (nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
Australopithecus
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Sapiens
Ang kontinente ng _______________ ay itinuturing ng lunduyan ng ebolusyon dahil dito natagpuan ang mga labi ng species ng mga sinaunang tao?
Asya
Aprika
Europa
Australia
Ang kontinente ng _______________ ay itinuturing ng lunduyan ng ebolusyon dahil dito natagpuan ang mga labi ng species ng mga sinaunang tao?
Asya
Aprika
Europa
Australia
Ayon sa kanyang aklat na Origin of Species, ipinapalagay na ang tao ay nagmula sa lahi ng unggoy at sa proseso ng ebolusyon unti-unting nalinang ang kanyang pisikal na kaanyuan. Sino ang siyentistang ito?
John Dewey
Galileo Galilei
Charles Darwin
Aristotle
Isa sa mga unang _____________ ay si Lucy na sinasabing ninuno ng tao.
Proconsul
Australopithecine
Cro-Magnon
Ape
Sa paglipas ng panahon, lumitaw ang taong nakakagawa ng mga bagay mula sa bato na mas kilala bilang
Australopithecine
Homo Habilis
Homo Erectus
Homo Sapiens
Ano ang natatanging katangian ng Homo Erectus?
Gumagamit ng kamay
Nakakapagsulat at nagpipinta
Nakakalangoy
Nakakatayo at nakakalakad ng tuwid
Suriin ang larawan sa ibaba. Alin ang nagpapakita ng utak ng Homo Sapiens?
(a)
Ang mga sumusunod ay uri ng pamumuhay ng taong neolitiko. Alin ang hindi kabilang dito?
Pag-aalaga ng hayop
Pagsasaka
Paggamit ng makinis na kasangkapang bato
Pangangalap ng pagkain
Sa anong yugto unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao?
Paleolitiko
Panahon ng Tanso
Neolitiko
panahon ng Bakal
Sa panahong ito ang mga tao ay may kakayahan na gumawa ng gamit mula sa bato.
Mesolitiko
Neolitiko
Paleolitiko
Metal
Bakit masasaning parasitiko sa kapaligiran ang mga tao sa panahong paleolitiko?
Umaasa lamang sila sa kung ano ang biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na makapupuno sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Natuto silang mag-alaga ng hayop at manirahan sa isang kugar
Umaasa lamang sila sa mga bunga ng punong kahoy na malalaglag bilang kanilang pagkain.
Sila ay natutong makipagkalakalan
Ito ang nagsilbing transisyon sa panahon ng lumang bato at bagong bato.
Paleolitiko
Neolitiko
Mesolitiko
Metal
Bunsod ng patuloy na pagbabago sa llipunan, anong panahon ito kung saan ang mga tao ay nadiskubre ang paggamit ng mga kasangkapang yari sa tanso at bakal?
Panahong Mesolitiko
Panahon ng Metal
Panahon ng Bato
Panahon Neolitiko
Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari noong panahong Neolitiko
Nadiskubre ng tao ang apoy
Natutong magtanim ang tao
Nagkaroon ng uri ang lipunan
Natanto ng tao ang kanyang kaganapan
Sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman ng tao, nadiskubre niya ang paggamit ng metal. Alin sa mga sumusunod na metal ang nadiskubre ng mga Hititte?
Tanso
Bronse
Bakal
Ginto
Sa anong panahon naibibilang ang ating kasalukyang daigdig?
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Metal
Sinasabing ang salitang kabihasnan at sibilisasyon ay magkasingkahulugan. Ano ang ibig sabihin ng sibilisasyon?
Tumutukoy ito sa pamumuhay sa isang lungsod
Tumutugon ito sa pamumuhay sa mga lipunang umusbong sa lambak-ilog
Tumutukoy ito sa kultura ng mag sianunang tao
Tumutukoy ito sa urbanisasyon ng mga lugar
Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan.
Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya.
Pamumuhay na nkagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
Kapag nagkaroon ng malaking populasyon at napangkat ang tao ayon sa Kakayahan.
Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang nagpapahayag na may umiiral na kabihasnan o sibilisasyon?
Kapag ang tao ay natutuong humarap sa hamon ng kapaligiran
Kapag ang tao ay marunong bumasa o sumulat
Kapag ang tao ay may hanapbuhay
Kapag ang tao ay may nalinang na relihiyon
May mga batayang salik sa pagbuo ng kabihasnan. Piliin sa mga sumusunod ang mga batayang nakapaloob sa pagbuo nito.
I. May organisado at sentralisadong pamahalaan
II. Espesyalisasyon sa paggawa at uring panlipunan
III. May mataas na kaalaman,sining,at arkitektura
IV. May masalimuot na relihiyon at sistema ng pagsulat
I, II, III, IV
II, III, IV
I, II, IV
I, II, III
Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga unang kabihasnan MALIBAN sa
Tatlo sa mga unang kabihasnan ay makikita sa Asya.
Ang mga kabihasnang Mesopotamia, Indus, Egypt at China ay nagsimula sa mga lambak-ilog.
Lingid sa kaalaman ng lahat na may mga naging kabihasnan sa Mesoamerica
Nanatiling matatag ang mga unang kabihasnan magpahanggang ngayon
Bakit hindi kaagad nadiskubre ang mga unang kabihasnan sa Mesoamerica?
Dahil sa lokasyon nito sa karamihan
Dahil magulo ang lipunan dito
Dahil hindi nila ito kasundo
Dahil maynnatatago itong yaman
Ang kinilala bilang "cradle of civilization' dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao sa Asya.
Mesopotamia
Shang
Indus
Greece
Sinasabing may pagkakatulad ang mga lugar kung saan umusbong ang mga sinaunang kabihasnan at isa na dito ang pagkakaroon nila ng malalaking ilog. Anong kabihasnan ang naitatag sa sa ilog Indus?
Mesopotamia
Indus
Shang
Roman
Naging tagpuan ng Kabihasnang China ang tinawag na Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.
Tigris at Euprates
Huang Ho
Indus
Nile
Hindi man magkakasabay na lumitaw sa daigdig ang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Egypt at China ay magkakapareho naman itong umusbong sa
Bundok
Lambak-ilog
Kapatagan
Dalampasigan
Sa mga kabihasnang naitatag sa daigidg, ano ang pagkakatulad sa kanilang pisikal na katangian?
Matabang lupa at malalaking ilog
Malalawak na damuhan at kagubatan
Tabing dagat at malawak na pangisdaan
Matataas na bundok at burol
Ipinapalagay ng mga dalubhasa na nagkaroon ng migrasyon ng tao mula Asya papuntang Mesoamerica bago matapos ang Ice Age. Saan ipinapalagay na sila'y dumaan?
Bering Strait
Atlantic Ocean
Pacific Ocean
Hudson Bay
Saang kontinente makikita ang kabihasnang Egypt?
(a)
Saan ipinapalagay na sila'y dumaan?
Bering Strait
Atlantic Ocean
Pacific Ocean
Hudson Bay
Saang kontinente makikita ang kabihasnang Egypt?
Asya
Africa
Europe
Australia
Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag aaway sa lugar na ito
Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
Bakit lubhang limitado ang nakatalang impormasyon sa kasaysayan ukol sa kabihasnang Indus?
Dahil walang naisulat ukol sa kabihasnang Indus
Dahil hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga eksperto ang pictogram ng kabihasnang Indus
Dahil walang nahukay na ebidensya tungkol sa kanila
Dahil nalibing na sa limot ang kabihasnang ito
Tinuturing na pinakauna at pinakamatandang kabihasnan sa daigdig ang Sumer. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatibay sa kaisipang ito?
Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
Dahil kinilala silang unang sibilisasyon ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig
Dahil nagkaroon sila ng matatag na sistemang political
Dahil sila ang may pinakamatatag na sistemang pangrelihiyon
Bakit itinuturing na isang mahalagang pamana ng Sinaunang Ehipto ang mga pyramid?
Dahil naging libingan ito ng mga pharaoh ng Ehipto.
Dahil natatangi at kahanga-hanga ang arkitektura at paraan ng pagtatayo ng mga pyramid.
Dahil napakalaki ng mga pyramid at halos umabot sa mga ulap.
Dahil maraming ginto, alahas, at kayamanang nakatago sa loob ng mga pyramid.
Kung pagmamasdan sa mapa masasabing magkakalapit ang mga unang kabihasnang sumibol sa daigdig, subalit ang kabihasnan sa Mesoamerica ay lubhang naging malayo sa isa't- isa. Ano ang maaaring mabuong implikasyon nito?
Naging medaling sakupion ng mga mananakop ang kanilang kabihasnnan
Naging lihim sa kaalaman ng mga Europeo ang mga kabihasnang ito sa loob ng mahabang panahon
Lumaganap ang mga iba't-ibang kaisipan, paniniwla at relihiyon.
Umunlad ang sining at teknolohiya ng mga kabihasnang ito
Anong bansa ngayon ang Mesoamerica?
Mexico
Canada
Peru
USA
Ang Caste System sa India ay sinaunag paghahati ng lipunan na may iba't-ibang antas o pangkat ng mga tao. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?
May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
Ang Sudras ang pinakamataas na uri ng lipunan.
May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras
Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas at karapatan.
Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga katutubo sa mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica?
Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking bahagi ng kasalukuyang Mexico
Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica dahil sa sistematikong paraan ng pagsasaka at pakikipagkalakalan.
Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kaniyang kapaligiran at sa kakayahan niyang alagaan at linangin ang taglay nitong yamang likas.
Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa pamamagitan ng muling pagtangkilik sa naging paraan ng kanilang pamumuhay
Bilang isang Asyano, tunay na kahanga-hanga at maipagmamalaki na sa aitn nagmula ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ano ang kahalagahang nakapaloob sa damdaming ito?
Masasabi nating superyor ang ating lahi at namumukod-tangi sa iba
Mas angat tayo sa iba dahil sa atin nagmula ang sinaunang kabihasnan
Dapat nating ingatan ang kabihasnang ito upang di magaya sa iba
Mahalaga ang naging papel ng mga sinaunang kabihasnang ito na nagsilbing pundasyon ng kasalukuyan
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ng daigidig?
Makilala ang mga bansang mahilig sa mga pagkaing maaanghang.
Malaman ang mga museo na maaaring pasyalan sa iba pang bansa sa daigdig.
Matukoy ang mga lugar na makikitaan ng mga templo.
Maunawaan kung bakit ang kultura ng maraming bansa sa daigdig ay karaniwang naimpluwensiyahan ng kanilang kultura at paniniwala.
