NEW
Font size
WorksheetsAraling Panlipunan Quiz
Total questions: 80
Worksheet time: 40mins
Ito ay modelo ng ating daigdig.
Globo
Mapa
Direksiyon
Kasaysayan
Ano ang tawag sa guhit latitud na nasa gitna ng globo?
Latitud
Longhitud
Ekwador
Grid
Ito ay ang guhit patayo o paayon na nagsisimula sa Hilaga at Timog Polo.
Latitud
Longhitud
Ekwador
Direksiyon
Ito ang naging batayang guhit sa pagbabago ng oras sa iba't ibang panig ng mundo.
Grid
Ekwador
Latitud
Internatonal Date Line
Ano ang tawag sa paulit-ulit na pagsasalubong ng mga guhit latitud at longhitud sa globo.
Grid
Direksiyon
Compass rose
Ekwador
Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
Silangang Asya
Hilagang Asya
Kanlurang Asya
Timog Silangang Asya
Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
4°23' at 21°25' hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud
2°43' at 25°31' hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud
1°32' at 15°21' hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud
3°23' at 20°29' hilagang latitud at 121°14 at 148°25 silangang longhitud
Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
Karagatang Indian
Karagatang Atlantiko
Karagatang Pasipiko
Karagatang Arktiko
Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
para maging sikat ang isang bansa
para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
para maunawaan kung paano nahubog ang iba't ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
Ito ay patag o lapad na larawan na nagriripresenta sa isang lugar tulad ng mundo.
globo
mapa
ekwador
prime meridian
Ang mga bansang nasa hilaga ng Pilipinas ay ang...
Guam at China
Vietnam, Thailand, Cmabodia, Myanmar, at Laos
Taiwan, China, Japan, at Korea
Brunei at Indonesia
Sa pagtukoy ng kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa ay ginagamit ang lokasyong bisinal at lokasyong insular. Anong uri ng lokasyon ang ga ito?
Tiyak na lokasyon
Di - tiyak na lokasyon
Relatibong lokasyon
Permanenteng lokasyon
Matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng _______ at ________.
laptop at google
latitude at longitude
mapa at globo
papel at lapis
Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang latitud?
prime meridian
ekwador
Tropiko ng Kanser
Kabilugang Antartiko
_________ ang tawag sa paraan ng pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas.
bisinal
insular
relatibong lokasyon
absolute na lokasyon
Ano ang tawag sa pinakadulong bahagi ng daigdig sa timog na naaabot ng pahilis na sinag ng araw?
Kabilugang Antarktiko
Kabilugang Arktiko
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikornyo
Nasa pagitan ng ekwador at _________________ ang Pilipinas
Tropiko ng Kaprikornyo
Tropiko ng Kanser
Kabilugang Artiko
Kabilugang Antartiko
Nasa anong pinakamalaking kontinente sa daigdig nabibilang ang Pilipinas?
Africa
Asya
Europe
Antarctica
Alin ang naiiiba sa pangkat?
Guam
Taiwan
West Philippine Sea
Vietnam
Ito ang pag-aaral ng pisikal na daigdig at atmospera nito pati na ang mga tao rito at ang kanilang ugnayan sa kapaligiran.
Kasaysayan
Topograpiya
Heograpiya
Arkeolohiya
Kalagayan ng atmospera na may kaugnayan sa hangin, temperatura, presyur, at iba pa.
Pabago-bago sa loob ng 24 oras o isang araw.
Klima
Panahon
Bisinal
Anong mga buwan ang tag-ulan o bagyo sa Pilipinas.
Hunyo hanggang Nobyembre
Mayo hanggang Hulyo
Disyembre hanggang Marso
Hulyo hanggang Marso
Nakararanas ng mainit na panahon ang Pilipinas dahil ito ay ______________________.
nasa mataas na latitude
nasa mababang latitude
nasa tropiko ng kaprikorniyo
nasa mataas na altitude ito
Madalas na nakararanas ng bagyo ang Pilipinas dahil ito ay ____________________.
malapit Karagatang Pasipiko
malapit sa West Philippine Sea
napapaligiran ng karagatan
malapit sa South China Sea
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng ekwador at tropiko ng kanser kaya't ito ay nakararanas ng panahon ng ____________________________.
tag-ulan at tag-araw
taglagas at taglamig
tag-init at tagsibol
taglagas at tagsibol
Ito ay ang pag-ikot ng Mundo sa paligid ng araw.
rotasyon
aksis
rebolusyon
orbit
Dahil dito, nagkakaroon ng araw at gabi sa mundo.
aksis
rebolusyon
rotasyon
orbit
Ilan ang bilang ng araw ng isang kumpletong rebolusyon?
mahigit 225 na araw
mahigit 7,474 na araw
mahigit 365 na araw
mahigit 435 na araw
Ilan ang bilang ng bagyong nananalasa sa ating bansa taon-taon?
12-15
16-20
20-25
25-30
Ano ang kabuuang sukat ng Pilipinas?
500 000 kilometro kuwadrado
200,000 kilometro kuwadrado
300,000 kilometro kuwadrado
400,000 kilometro kuwadrado
Ilang pulo ang bumubuo sa Pilipinas?
2,000
1,107
7,107
1,170
Bakit walang snow sa Pilipinas?
dahil sa pagbagsak ng ekonomiya
dahil ang Pilipinas ay malayo sa ekwador
dahil yun ang batas ng ating pangulo
dahil ang Pilipinas ay malapit sa ekwador
Ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng ulat sa kalagayan ng panahon sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
DSWD
PHIVOLCS
PAGASA
DEPED
Ano ang apat na seasons?
Tag-init, Taglamig, Taglagas, at Tagsibol
Tagyelo, Taglamig, Taglagas, at Tag-ulan
Tag-init, Tag-araw, Taglagas, at Tagsibol
All of the above
Ano ang kahulugan ng salitang 'bansang arkipelago'?
Isang bansa na binubuo ng magkakaugnay na mga pulo
Isang bansa na walang katubigan
Isang bansa na mahirap tukuyin ang mga hangganan
Isang bansa na matatagpuan sa kontinente
Bakit magkakaiba-iba nag panahong nararanasan sa iba't-ibang bahagi ng mundo?
Dahil sa araw at gabi.
Dahil sa rotasyon at rebolusyon.
Dahil sa atmospera
Dahil sa temperatura
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming bagyo ang dumaranas sa Pilipinas?
Ang taas ng bundok sa bansa
Ang posisyon ng Pilipinas sa Pacific Typhoon Belt
Ang kakulangan sa mga kagubatan
Ang direksyon ng mga ilog
Ano ang epekto ng El Niño at La Niña sa dalas ng mga bagyo sa Pilipinas?
El Niño ay nagdudulot ng higit pang bagyo, habang ang La Niña ay nagpapababa ng kanilang bilang
La Niña ay nagdudulot ng higit pang bagyo, habang ang El Niño ay nagpapababa ng kanilang bilang
Pareho silang walang epekto sa bilang ng mga bagyo
Pareho silang nagpapataas ng bilang ng mga bagyo sa Pilipinas
Bakit ang karagatang Pasipiko ay partikular na mahalaga sa pagbuo ng mga bagyo?
Dahil ito ay mas malamig kaysa sa iba pang mga karagatan
Dahil ang tubig nito ay mainit, na nagbibigay ng enerhiya sa mga bagyo
Dahil ito ay may maraming isda
Dahil ito ay walang ulan
Ano ang Teorya ng Bulkanismo?
Ito ay tumutukoy sa paggalaw ng mga kontinente.
Ito ay nagpapaliwanag na ang mga isla ay nabuo dahil sa aktibidad ng mga bulkan.
Ito ay nagsasaad na ang mga kontinente ay dating isang malaking masa ng lupa.
Ito ay tumutukoy sa pagbaba ng lebel ng dagat noong panahon ng yelo.
Sino ang nagpanukala ng Teorya ng Continental Drift?
Charles Darwin
Isaac Newton
Alfred Wegener
Albert Einstein
Ano ang ibig sabihin ng 'Pangaea' sa Teorya ng Continental Drift?
Isang malaking bulkan
Isang napakalaking masa ng lupa o supercontinent
Isang sinaunang ilog
Isang bundok na nabuo dahil sa bulkanismo
Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang 'Pacific Ring of Fire,' na kilala sa aktibidad ng mga bulkan?
Sa paligid ng Karagatang Pasipiko
Sa rehiyon ng Arctic
Sa Europa
Sa paligid ng Indian Ocean
Bakit lumitaw ang mga tulay na lupa ayon sa Teorya ng Tulay na Lupa?
Dahil sa paggalaw ng mga tectonic plate
Dahil sa pagbaba ng lebel ng dagat noong panahon ng yelo
Dahil sa mga pagsabog ng bulkan
Dahil sa paglindol
Ano ang pangunahing ebidensya na sinusuportahan ang Teorya ng Continental Drift?
Pagkakatulad ng fossil at rock formations sa magkabilang gilid ng mga karagatan
Pag-aalsa ng mga bulkan sa buong mundo
Pagtaas ng lebel ng dagat noong panahon ng yelo
Paggawa ng mga tulay sa pagitan ng mga kontinente
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga kontinente ay patuloy na gumagalaw ayon sa Teorya ng Continental Drift?
Dahil sa aktibidad ng mga bulkan
Dahil sa tidal forces mula sa buwan
Dahil sa paggalaw ng mga tectonic plates
Dahil sa pagbabago ng klima
Alin sa mga sumusunod na teorya ang nagpapaliwanag na ang mga Austronesian ay nagmula sa Taiwan o Timog Tsina at naglakbay patungong Timog-Silangang Asya?
Teorya ng Wave Migration
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Core Population
Teorya ng Out of Africa
Ayon sa Teorya ng Wave Migration, alin sa mga sumusunod na grupo ang unang dumating sa Pilipinas?
Malay
Indones
Negrito
Austronesian
Ano ang tawag sa teorya na nagsasabing ang mga sinaunang Pilipino ay nanggaling sa mga Austronesian na naglakbay mula Taiwan?
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Core Population
Teorya ng Wave Migration
Teorya ng Continental Drift
Alin sa mga sumusunod na teorya ang nagsasabi na may naunang pangkat ng mga tao sa Pilipinas na umunlad mula sa malaking pangkat ng mga tao sa timog-silangang asya?
Teorya ng Wave Migration
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Core Population
Teorya ng Ice Age
Sino ang nagpanukala ng Teorya ng Wave Migration?
Dr. F. Landa Jocano
Dr. Henry Otley Beyer
Wilhelm Solheim
Charles Darwin
Ano ang pangunahing ebidensya na ginagamit upang suportahan ang Teorya ng Austronesian Migration?
Mga lokal na alamat
Pagtutugma ng mga wika sa iba't ibang isla
Mga fossil ng dinosaur
Mga modernong teknolohiya
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit tinutulan ng ilang iskolar ang Teorya ng Wave Migration?
Walang sapat na ebidensya ng sunud-sunod na migrasyon
Napakahaba ng panahon ng migrasyon
Dahil ito ay labag sa relihiyon
Dahil walang tulay-lupa noon
Saan natagpuan ang mga labi ng Tabon Man?
Callao Cave
Tabon Caves
Sierra Madre
Sumatra Island
Sino ang nanguna sa pangkat na nakatuklas ng mga labi ng Tabon Man noong 1962?
Dr. Armand Mijares
Dr. Robert Fox
Dr. Alfred Wegener
Dr. Jose Rizal
Gaano katanda ang labi ng Callao Man na natagpuan noong 2007?
24,000 taon
50,000 taon
67,000 taon
100,000 taon
Ano ang ibig sabihin ng natuklasang labi ng Tabon Man sa kasaysayan ng Pilipinas?
Ipinapakita nito na walang tao sa Pilipinas noong panahon ng yelo.
Ipinapakita nito ang maagang presensya ng sinaunang tao sa Pilipinas noong Paleolithic period.
Ipinapakita nito na ang Pilipinas ay isang disyerto noong nakaraan.
Ipinapakita nito na ang Pilipinas ay bahagi ng isang malaking supercontinent.
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang pagkakatuklas sa Callao Man ay mahalaga sa pag-aaral ng sinaunang tao?
Ito ang pinakamatandang labi ng tao sa buong mundo.
Ito ay nagpapakita na ang mga sinaunang tao ay dumating sa Pilipinas mas maaga kaysa sa inaasahan.
Ito ay isang ebidensya na may buhay na banyaga sa Pilipinas.
Ito ay nagpapakita ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Callao Man at Tabon Man sa edad ng kanilang mga labi?
Ang Callao Man ay mas bata kaysa sa Tabon Man.
Ang Callao Man ay mas matanda kaysa sa Tabon Man.
Pareho silang magkaparehong edad.
Ang kanilang mga edad ay hindi matutukoy.
Saang yugto ng Panahon ng Bato nagsimula ang mga tao na manirahan sa permanenteng mga pamayanan?
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Panahon ng Metal
Sa aling yugto ng Panahon ng Bato unang ginamit ang apoy para sa pagluluto at proteksyon?
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Panahon ng Metal
Ano ang tawag sa yugtong ito kung saan natutunan ng mga tao ang pagsasaka at domestikasyon ng mga hayop?
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Panahon ng Bakal
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Panahon ng Bato at Panahon ng Metal?
Ang Panahon ng Bato ay ginamit ang mga kahoy, habang ang Panahon ng Metal ay gumamit ng mga bato.
Ang Panahon ng Bato ay umasa sa mga kasangkapang gawa sa bato, habang ang Panahon ng Metal ay gumamit ng mga metal tulad ng tanso, bronse, at bakal.
Ang Panahon ng Bato ay naganap pagkatapos ng Panahon ng Metal.
Walang pagkakaiba sa mga ito.
Ano ang pangunahing dahilan ng paglipat ng mga tao mula sa Panahon ng Bato patungo sa Panahon ng Metal?
Natuklasan nila ang mga mineral at natutunan ang teknolohiya sa pagpapanday.
Napagod na sila sa paggamit ng mga kasangkapang gawa sa bato.
Natutunan nila kung paano magtanim.
Dahil sa pagkakaroon ng global na pag-init.
Ano ang tawag sa pinuno ng isang barangay sa sinaunang lipunan ng Pilipino?
Babaylan
Panday
Datu
Sultan
Ano ang pangunahing tungkulin ng isang datu sa sinaunang lipunan?
Magtrabaho bilang mangangalakal
Pangalagaan ang kanyang nasasakupan at pamahalaan
Gumawa ng mga kasangkapa
Mag-ayos ng kasal
Paano maaaring magbago ang antas panlipunan ng isang tao mula sa pagiging alipin patungo sa pagiging timawa?
Pag-aasawa sa anak ng datu
Paglaya mula sa tungkulin at magkaroon ng yaman
Pagiging panday
Pagiging babaylan
Ano ang pangunahing pagkakaiba sa tungkulin ng 'Aliping Namamahay' at 'Aliping Saguiguilid'?
Ang 'Aliping Namamahay' ay naglilingkod sa ibang bayan, habang ang 'Aliping Saguiguilid' ay nagsisilbi sa mismong tahanan ng panginoon.
Ang 'Aliping Namamahay' ay may sariling tirahan at ari-arian, habang ang 'Aliping Saguiguilid' ay walang sariling tahanan at direktang nakatira sa bahay ng panginoon.
Ang 'Aliping Namamahay' ay maaaring maging datu, habang ang 'Aliping Saguiguilid' ay hindi.
Ang 'Aliping Namamahay' ay pinuno ng barangay, habang ang 'Aliping Saguiguilid' ay mandirigma.
Anong uri ng tao ang mga 'timawa' sa sinaunang lipunan ng Pilipino?
Mga alipin na walang kalayaan
Mga panday na gumagawa ng kasangkapan
Mga espiritwal na lider ng barangay
Malalayang tao na nagbibigay ng serbisyo sa datu
Ang mga babaylan ay ang mga kababaihan at ilang kalalakihan na nagsisilbing mga tagapamagitan sa tao at Panginoon, ano ang katumbas nito sa mga Bisaya?
Katalonan
Umalohokan
Rajah
Datu
Nahahati ang sinaunang lipunan ng Katalugan sa Maguinoo, Maharlika, Timawa at Alipin, ano ang katumbas ng alipin sa mga Bisaya?
Tumarampok
Tumataban
Umalohokan
Uripon
Ilan ang karaniwang binubuo ng mag-anak sa isang barangay?
10 - 30
30 - 50
30 - 100
50 - 100
Sasakyang pandagat ng ating mga katutubo kung saan hinango ang salitang barangay.
Balangay
Balingoy
Balinghoy
Barangay
Ginagamit bilang tanda ng paggalang at pagkilala sa antas panlipunan na ito salitang 'Gat' o 'Lakan'.
Maginoo
Bagani
Ayuey
Alipin
Mahuhusay na mandirigma at tagapagtanggol ng barangay.
Bagani
Timawa
Maginoo
Ayuey
Alin sa sumusunod ang tungkulin ng isang sultan?
Pangalagaan ang kapakanan ng kanyang nasasakupan
Gumaganap bilang tagapagpaganap, tagahukom at tagapagbatas
Sumusuporta sa mga gawaing panrelihiyon gaya ng pananalangin sa moske
Lahat ng nabanggit
Ano ang tawag sa pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya na pinamumunuan ng isang datu o rajah?
Barangay
Komunidad
Bansa
Teritoryo
Ano ang reliiyong gumagabay sa pamahalaang sultanato?
Islam
Kristiyanismo
Paganismo
Protestantismo
Ito ay tumutukoy sa aklat ng kasaysayan ng mga pamilyang Muslim na bahagi ng kanilang nobilidad.
Adat
Tarsila
Lakan
Rajah
Sa anong panahon namuno ang mga datu?
Amerikano
Hapones
Kasila
Sinaunang Pilipino
