wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGPAPAKATAO

Total questions: 45

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.

Anong pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapuwa ang gagawin mo kung may nakasalubong ka na isang matandang pulubi na humingi sa dala mong tinapay kasi gutom na gutom na daw siya?

a)

Hindi ko siya bibigyan ng tinapay kasi gutom din ako.

b)

Hayaan ko siyang magutom.

c)

Kakainin ko ang pagkain sa harap niya.

d)

Ibibigay ko ng kusa ang tinapay at kakain nalang ako pagdating ng bahay.

2.

May dumating na ayuda galing sa Barangay. Nagkataon na may kumatok sa inyong pintuan na isang taong mahirap at humingi ng tulong at makiinom ng tubig.

a)

Pagsarahan ko siya ng pinto.

b)

Sasabihan ko na umalis kasi wala kaming maibigay sa kanya.

c)

Tatawag ako ng Barangay Tanud para paalisin siya.

d)

Paiinumin ko ng tubig at bibigyan ko ng makakain.

3.

Dahil sa madalas na paglindol, pansamantalang natigil ang araw-araw na face to face classes at mas minarapat na manatili sa bawat bahay ang mga mag-aaral.

a)

Hihinto nalang muna ako sa pag- aaral.

b)

Maghapon akong maglalaro sa aking gadget.

c)

Lubos akong matutuwa dahil makakalabas ako ng bahay kasama mga kaibigan ko

d)

Susunod ako sa Stay at Home na polisiya at tutulong ako sa mga gawaing bahay.

4.

Umalis ang nanay mo at tanghali na. Pagtingin mo sa kusina wala pang sinaing. Alam mo sa sarili mo, na marunong kang magsaing. Ano ang iyong gagawin?

a)

Hayaan ko na walang sinaing.

b)

Matulog na lang ako.

c)

Kusa po akong magsasaing kahit hindi ako sinabihan ni nanay.

d)

Maghihintay ako na dumating si nanay at siya na ang magsaing.

5.

Tumawag ang kapamilya ninyo at ikaw ang nakasagot. Ipinaalam na marami ang nawalan ng bahay sa kanilang lugar dahil sa malakas na lindol na naganap sa kanila.

a)

Hindi ko ipapaalam sa mga magulang ko na may tumawag.

b)

Pagsasabihan ko sila na huhingi ng tulong sa iba.

c)

Papupuntahin ko sila sa kanilang Mayor at doon humingi ng tulong.

d)

Ipapaalam ko sa aking mga magulang at ibibigay ang konting naipon ko para maidagdag sa tulong sa kapamilya naming nabiktima ng sakuna.

6.

Palaging tumutulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.

a)

Sumasang-ayon

b)

Hindi sumasang-ayon

7.

Mas priyoridad ang sarili sa oras ng kalamidad.

a)

Sumasang-ayon

b)

Hindi sumasang-ayon

8.

Magbibigay ng tulong sa abot ng makakaya sa panahon ng kalamiad.

a)

Sumasang-ayon

b)

Hindi sumasang-ayon

9.

Huwag mong pakialaman ang kapakanan ng iyong kapitbahay lalo na sa oras ng pangangailangan.

a)

Sumasang-ayon

b)

Hindi sumasang-ayon

10.

Ang Punong Barangay ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kabarangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at tulong pinansyal.

a)

Sumasang-ayon

b)

HIndi sumasang-ayon

11.

1. Bilang isang mag-aaral, paano mo masasabi ang isang katotohanan

kahit alam mong makakasakit ka ng damdamin ng ibang tao?

a)

A. Hindi na lamang ako magsasalita para walang masaktan.

b)

B. Ipagtatapat ko nang mahinahon ang katotohanan

c)

C. Magagalit ako para hindi na makapagsalita.

d)

D. Ipagsasawalang bahala ko ang pangyayari

12.

Pinagagawa kayo ng inyong guro ng ulat tungkol sa “Epekto ng

Makabagong Teknolohiya sa Kabataan Ngayon”. May nakita kang ulat

tungkol dito na maaari mong kopyahin na lamang. Ano ang gagawin

mo?

a)

A. Babasahin ko ito at gagawing batayan sa aking pag-uulat.

b)

B. Kokopyahin ko na lamang ito para hindi na ko mag-isip.

c)

C. Hindi na gagawa ng ulat

d)

D. Iibahin ko lang ang umpisa at kokopyahin ko ang nilalaman.

13.

Nakita mong nagbubukas ng kwaderno ang kaibigan mo habang

kumukuha ng pagsusulit. Ano ang gagawin mo?

a)

A. Hahayaan ko siya at baka magalit pa

b)

B. Hihingan ko siya ng sagot

c)

C. Pagsasabihan ko siya na maging tapat sa pagkuha ng

pagsusulit

d)

D. Hindi ko na siya kakausapin

14.

Isang pamaypay na may larawan ng paborito mong idolo ang

nahulog mula sa isang naglalakad. Matagal mo ng hinihiling sa iyong

ina na magkaroon ka nito subalit hindi ka maibili dahil sa may

kamahalan ito. Ano ang gagawin mo sa iyong napulot?

a)

A. Hahabulin at ibabalik ito sa may-ari

b)

B. Itatago ko ito at aariing akin

c)

C. Kukunin agad at lalagyan ng aking pangalan

d)

D. Sisirain upang di na mapakinabangan

15.

Nainis ka sa iyong kamag-aral kaya bilang ganti pinutol mo ang mga

krayola niya. Walang nakakita ng ito ay iyong ginawa subalit

nagtatanong ang iyong guro kung sino ang may sala. Ano ang gagawin

mo?

a)

A. Itatanggi ko ito dahil wala namang nakakita

b)

B . Ibibintang sa ibang kamag-aral ang ginawa

c)

C. Hahayaan ko silang mag-imbestiga

d)

D. Kakausapin ko ang aking guro at aamin ko ang aking ginawa

16.

Si Eliana ay kumandidato bilang pangulo ng Student Supreme Council sa kanilang paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota na siyang gagamitin sa botohan, agad - agad ay ibinalik niya ang mga ito sa gurong tagapangasiwa.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Hindi nakapag-aral ng leksyon si Enrique kaya’t nangopya siya sa

kanyang katabi.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Nagpapagawa ang iyong guro ng proyekto sa Science. Pag-uwi mo sa bahay,

ipinagawa mo ito sa iyong nanay at nagdahilang masama ang pakiramdam.Pagpasok mo sa klase, ipinagmalaki mo na ito ay iyong gawa.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Nagustuhan mo ang gamit ng iyong kamag-aral sapagkat may larawan ito ng paborito mong artista. Kinuha mo ito nang hindi nagpapaalam.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

Ipinagtapat mo sa iyong magulang na ikaw ay bumagsak sa pagsusulit sa Mathematics kahit alam mo na mapagsasabihan ka nila.

a)

TAMA

b)

MALI

21.

1.       Pinagtawanan mo ang kamag-aral na nadapa sa harap ng maraming tao.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

22.

Nagtago ka dahil nakita mong uutusan ka ng iyong magulang.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

23.

Nakita mong hindi maabot ng iyong kapatid ang laruan sa ibabaw ng cabinet kaya ikaw ay lumapit at inabot ang laruang ito para  sa kaniya.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

24.

Hindi mo pinansin ang proyektong ipinakikita ng isa mong kamag- aral dahil galit ka sa kanya.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

25.

Tinulungan mo ang iyong kamag-aral na nahihirapang magbungkal ng lupa sa iyong proyektong paghahalamanan.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

26.

Tumanggi kang tulungan ang iyong kaibigan sa pakikipag-away.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

27.

Sinabi mo sa iyong kamag-aral na galit sa kanya ang isa ninyong kamag-aral kahit hindi naman ito totoo.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

28.

Ipinaalam mo sa guro ang nakita mo na inagaw ng iyong kamag-aral ang pagkain ng nakababata mong kapatid.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

29.

1.       Napansin mong nagmamasid at nag-iisa ang isang bata na nakaupo sa ilalim ng puno sa parke kaya inaya mo siyang makipaglaro sa iyo.

a)

pagkakawanggawa

b)

hindi pagkakawanggawa

30.

May nakasalubong kang matandang babae na may maraming pasa sa mukha at hindi makalakad ng maayos. Wala kang kasama. Ano ang gagawin mo para makatulong?

a)

A. Sasabihan ko siya na ayusin ang paglalakad

b)

B. Walang gagawin o balak na tulungan siya.

c)

C. Humingi ng saklolo sa mga nmas nakatatandang nakakasalubong ko.

d)

D. Hindi poproblemahin ito dahil hindi mo siya kamag-anak.

31.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

a)

A. Huwag bigyan ng pagkain

b)

B. Tulungan ang nasalanta ng bagyo

c)

C. Suntukin ang kaaway.

d)

D. Pabayaan ang mga nangangailangan

32.

1. Ang tunay na pagkakawanggawa ay mula sa puso.

a)

A. Tama

b)

B. Mali

33.

Kapag sobra ang biyayang natanggap, mabuting ibahagi ito sa nangangailangan

a)

A. Tama

b)

B. Mali

34.

Ipagyabang ang nagawang kabutihan sa ibang tao.

a)

A. Tama

b)

B. Mali

35.

Tatanggihan natin ang mga taong humihingi ng tulong.

a)

A. Tama

b)

B. Mali

36.

Nasubukan kong maging maingat sa paggamit ng multi-media tulad ng computer at cellphone.

a)

tama

b)

mali

37.

Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o internet

a)

tama

b)

mali

38.

Lahat ng napapanood sa telebisyon ay pawang kabutihan.

a)

tama

b)

mali

39.

Ang mga impormasyon na maaaring nating mabasa at mapakinggan sa iba’t ibang uri ng media ay nangangailangan nang masusing pagsusuri.

a)

tama

b)

mali

40.

Pangangalap ng mga impormasyon sa iba’t ibang sanggunian sa tuwing pinagagawa ka nang pag-uulat sa klase.

a)

tama

b)

mali

41.

Nakatutulong sa pag-aaral ang multi-media kung gagamitin nang maayos.

a)

tama

b)

mali

42.

Agad-agad maniwala sa mga balitang nakapost sa facebook.

a)

tama

b)

mali

43.

Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong darating na malakas na lindol sa inyong lugar. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Ibalita kaagad ang narinig

b)

Suriin muna kung totoo ang balita.

c)

Maghanda kaagad sa paparating na lindol.

d)

Aalis kaagad sa inyong lugar.

44.

Alin sa mga sumusunod ang magandang balita?

a)

Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng Senado.

b)

Pag-aaagawan sa West Philippine Sea

c)

Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

d)

Lindol sa Batangas

45.

Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang dapat manaig upang magkaroon nang maayos na pamayanan.

a)

Katapangan

b)

Katotohanan

c)

Kasinungalingan

d)

Karangyaan