WorksheetsQuarter 1 Exam - Edukasyong sa Pagpapakatao 8
Total questions: 51
Worksheet time: 51mins
Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
pagkakaroon ng mga anak
pagtatanggol ng karapatan
pagsunod sa mga patakaran
pinagsama ng kasal ang magulang
Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?
pagiging disiplinado
pagiging matatag sa sarili
walang anumang alitan ang bawat isa
may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon
"Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag." Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.
"Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya." Anong positibong impluwensiya ang ipinahiwatig sa pahayag?
Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.
Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may pagmamahalan.
Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?
paghamon sa anak na magtagumpay
pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House & Lot ng Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa anak ni Aleng Nina?
pag-aalaga sa kaniyang Ina
pagmamahal sa kaniyang Ina
pag-aasikaso sa kaniyang Ina
pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina
Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
pagiging matatag
pagiging madasalin
pagiging masayahin
pagiging disiplinado
Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?
pagiging madasalin
pagkakaroon ng pag-asa
pagiging maramot sa iba
pagiging matulungin sa kapuwa
Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?
hinahatid sa eskuwelahan
laging binibigyan ng pera ang anak
pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kaniyang ina na nakahandusay sa sala sa sobrang sakit ng tiyan. Dali-dali namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala ang ina sa hospital. Alin sa sumusunod ang positibong pag-uugali ang ipinakita sa sitwasyon?
ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital
labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid
ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari
nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan
Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda.
Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.
Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at Linda ang kanilang mga anak na magmano sa sinumang panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
pagiging maalalahanin sa ibang tao
huwag makinig sa payo ng mga magulang
maging magalang sa nakatatanda at panauhin
umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala
Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay dito?
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali.
Kung nabibigyan ng sapat na atensiyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging isang mabuting indibidwal.
Nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng salita ng Diyos kasama ang pamilya. Pinayuhan din niya ang tatlong anak na palaging manalangin at magpasalamat. Paano naging maimpluwensiyang ama si Ernie sa mga anak?
pagiging masipag na ama at mapagbigay sa kaniyang pamilya
pagsuporta sa mga pangangailangan ng kaniyang anak sa paaralan
pagpapakita ng mabuting pagpapasya at desisyon sa buhay bilang ama
sa pagpapayo sa mga anak na hindi makalimot sa Panginoon at magpasalamat
Hindi naging madali ang pagharap ni Mang Berto sa pumaslang sa kaniyang asawa ngunit nagkaroon ng puwang ang pagpatawad dahil sa kaniyang mataimtim na pananampalataya. Anong aral ang mapupulot mula sa sitwasyon?
hindi madaling ibigay ang pang-unawa sa ibang tao
may puwang ang pagpapatawad sa bawat puso ng tao
malayang magdesisyon ang tao para sa kaniyang ikabubuti
hindi kailangang ipagpilit ang paghingi ng tawad at pagpapatawad
Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Shina. Sila ay pinatira muna nila Janna sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila. Anong kaugalian ang umiiral kay Janna?
ang pagkamatulungin ni Janna
naging mapagkumbaba siya sa iba
pagpapakita ng malasakit sa kapuwa
pagiging mabait sa mga nangangailangan
Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang biyenan upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang biyenan?
madasalin
matulungin
mapagkunwari
mapagkumbaba
Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya?
Upang maging matatag ang pamilya.
Upang maging maayos ang pagtrato sa bawat isa.
Upang mapanatili ang respeto sa isa't isa.
Upang magkaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.
Tuwing Linggo hindi lumiliban ang pamilyang Malabanan sa pagsisimba. Anong kaugalian ang umiiral sa pamilyang Malabanan?
walang kaguluhan sa pamilya
nanatiling masunurin ang pamilya
umiiral ang pagmamahalan sa pamilya
may matatatag na pananampalataya ang pamilya
Ang mag-asawang Lorna at Lino ay matagal nang gustong magkaroon ng anak. Pumunta sila sa lugar ng Obando, Bulacan upang manalangin, sumayaw sa harap ng simbahan sa paniniwalang diringgin ang kanilang panalangin. Ano ang gustong iparating ng karanasan ni Lorna at Lino?
milagrong maituturing
may matatag na paniniwala
pagnanais nilang magkaroon ng anak
pagbibigay halaga sa pananampalataya
Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?
pagtanaw ng utang na loob sa ina
pagpapakita ng pagkamatulungin
pagiging maalalahanin sa kaniyang ina
resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina
Lumaki si Lucas na hindi niya parating nakasama ang kaniyang mga magulang dahil sa trabaho nila. Ang lagi niyang kasama ay ang kaniyang Lola. Halos ito na ang nagpalaki sa kaniya, kaya gagawin niya ang lahat para sa kaniya. Anong katangian ang ipinapakita ni Lucas sa kaniyang Lola?
naaawa siya sa kaniyang lola
pagpapakita ng pagkamatulungin
labis na pagmamahal para sa kaniyang lola
sinusuklian niya ng kabutihan ang ginawa ng kaniyang lola sa kaniya
Nakasanayan ni Melba na tuwing pasko ay may handog siyang laruan sa mga batang mahihirap. Anong damdamin ang pinapairal ni Linda tuwing pasko?
mapagbigay sa mga bata
matulungin lalo na sa mga bata
ibinabalik lamang niya ang biyaya sa iba
labis na pagmamahal sa mga mahihirap na bata
Ang baryo Pag-asa ay isang liblib at malayong lugar. Kaya laking tuwa ng mga taga roon nang may dumating na doktor na libre ang panggagamot. Anong katangian ang pinapairal ng doktor?
matulungin sa lahat ng tao
isang mabait na doktor
may malasakit sa mga nangangailangan
umiiral ang pagmamahal sa baryo Pag-asa
"Mas diringgin ng Panginoon kung marami ang nagdarasal sa isang pamilya kaysa nag-iisa." Anong kaugalian ang ipinapahiwatig ng kasabihan?
nakagawian na sa pamilya
sama-samang nagdarasal ang mag-anak
binigyan ng halaga ang pananampalataya
masidhing pananampalataya sa Panginoon
Ang kumain nang sabay-sabay ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ano ang magandang dulot ng kaugaliang ito?
respeto sa pamilya
pagiging buo ng pamilya
pagpapahalaga sa kaugalian
nagpapatibay ng samahan ng pamilya
Sa mga pagsubok o suliranin na kinakaharap ng bawat pamilya, hindi nawawala ang paghingi ng tulong sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin. Bakit kailangang pairalin ang pagiging madasalin ng pamilyang Pilipino?
Upang sa tulong ng panalangin ay malampasan ang lahat ng suliranin.
Upang mapagtibay ang samahan ng pamilya.
Upang mas tumatag ang ugnayan sa Panginoon.
Upang hindi madaling sumuko sa anumang pagsubok.
Tuwing kaarawan ng anak ni Gng. Yabut sila ay naghahanda ng pagkain hindi lamang sa kanilang mahahalagang bisita kundi maging sa kanilang mga kapitbahay tanda ng kanilang pasasalamat. Anong kaugalian ang ipinapakita ng pamilyang Yabut?
mababait ang pamilya Yabut
umiiral sa kanila ang pagkamatulungin
may pantay-pantay na pakikitungo sa kapuwa
likas talaga sa kanila ang pagbibigay sa kapuwa
Bakit umiiral sa pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya?
dahil may bukas na komunikasyon ang pamilya
dahil may respeto ang bawat miyembro ng pamilya
dahil may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya
dahil pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa't isa
Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang pinagsasabay nito ang pag-aaral at pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang ipinamamalas ni Ana?
pagtulong
pagmamahal
pakipagkapuwa
pananampalataya
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pag-aaral?
Oras ang naging kalaban ni Chacha sa pagtapos ng mga gawaing bahay.
Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagtapos si Marco ng kolehiyo.
Nagsusumikap ang magkapatid na Nina at Nene upang may maipambili ng pagkain araw-araw.
Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Janine na iwanan ang pamilya at tumayo sa sariling mga paa.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pananampalataya?
Social Media ang naging dahilan kung bakit hindi nakapagtapos si Marco sa kolehiyo.
Ang kahirapan ang nagtulak sa magkapatid na Maria at Martha na maghanapbuhay.
Naging mabigat ang kalooban ni Arturo sa kapatid dahil sa pagsisinungaling nito.
Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Jose na magduda sa kaniyang pananampalataya.
Paano malalagpasan ang banta sa pagbibigay nang maayos na edukasyon?
sa pag-unawa sa mga ginawang pasya
sa pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya
sa pagpaplano sa sariling buhay at kinabukasan
sa pagsasabuhay sa mga gawi, tulad ng paggalang
Ano ang maaaring maidudulot sa pamilyang may pagkakaiba ng paniniwala?
pagkalito at pagkagulo
pagkapoot at pagkamuhi
kalungkutan at kasiyahan
pagmamahalan at pagtutulungan
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasya?
maingat na paghuhusga
pag-unawa sa kalagayan
walang maayos na unawaan
padalos-dalos sa paghuhusga
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa pagbibigay ng edukasyon?
Nalagpasan ni Martin ang lahat ng problema sa loob at labas ng tahanan.
Makailang beses na inisip ni Keil ang sasabihin bago ito magbitiw ng salita.
Kahit na napakahirap ng kalagayan ni Nel nakapagtapos pa rin ito ng may medalya.
Sa labis na pangungulila ni Gaze nakagawa siya ng desisyong nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na pagharap sa mga banta sa paggabay sa pagpapasiya?
Si William ang gumagawa ng desisyon para sa kaniyang mga anak.
Nakagawa ng pasiya si Alisah na pinagsisihan niya sa bandang huli.
Hindi nababahala si Marga sa kaniyang kinabukasan dahil handang ibigay ng ina ang lahat ng kaniyang gusto.
Binigyan ng pagkakataon ni Aling Susan ang anak na unawain ang sitwasyong kinalalagyan dahil sa ginawang pagpapasiya.
Suriin ang mga pahayag. Alin sa sumusunod ang may katotohanan tungkol sa mga banta sa pamilya?
I- EDUKASYON
II- KAHIRAPAN
III- ORAS
IV- TEKNOLOHIYA
I, II, III at IV
I, II at III
I, II at IV
II, III at IV
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pananampalataya?
Patuloy na nangangarap si Rosas na maging isang mahusay na tagakuha ng larawan.
Mahal na mahal ni Aling Indang ang anak na si Kimpoy kahit ito ay may problema sa pag-iisip.
Nakalimutan na ng pamilyang Dela Saturna ang lingguhang pagsisimba dahil naging abala ito sa mga negosyo.
Magaling sa pagsusulat si Reymundo kaya gusto nitong maging isang mahusay na manunulat, ngunit hindi siya pinayagan ng kaniyang ina, sa halip ipinakuha sa kaniya ang kursong hindi niya gusto.
Paano malalampasan ang banta sa pagbibigay ng edukasyon sa anak?
tumigil sa pag-aaral
pagpapahalaga sa diwa ng edukasyon
pagbabad sa paglalaro ng mobile games
ugaliing makinig sa desisyon ng magulang
Narinig mong pinag-uusapan ka ng iyong mga kaklase dahil umano sa pagnanakaw ng selpon ng iyong guro, alam mo sa sarili na hindi naman ito totoo ngunit nakaramdam ka pa rin ng sobrang galit kung kaya agad mong sinuntok ang pinanggalingan ng maling balita. Tama ba ang iyong pagpapasiya?
Hindi, dahil nasaktan ang damdamin
Oo, dahil mali ang magpakalat ng maling balita
Oo, dahil napahiya ka sa harap ng maraming tao
Hindi, dahil pinairal ang galit sa halip na mag-isip muna
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggabay sa pagpapasiya ng anak?
Pinahahalagahan ni Ethan ang desisyon ng kaniyang anak.
Sinasalungat ni Iza ang opinyon ng asawa dahil hindi niya ito gusto.
Sinisigiwan ni Aileen ang bunsong anak dahil lumabas ito ng walang paalam.
Pinakikinggan ni Alexa ang pasya ng anak bagamat ipinagpipilitan pa rin ang kaniyang gusto.
Alin sa sumusunod ang pinakapangunahing banta sa pagbibigay ng edukasyon?
kahirapan
oras
panahon
Paniniwala
Alin sa sumusunod ang banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak?
pagkakaiba ng paniniwala
labis na pagmamahal ng magulang
hindi angkop ang oras ng pagdedesisyon
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba
Alin sa sumusunod ang banta sa pananampalataya ng pamilya?
pagsubok sa buhay
pagkakaiba ng kultura
pagkilos ng hindi pinag-iisipan
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba
Tumawag si Joel sa kanyang kaibigan upang kumustahin ang kalagayan ng katrabaho nito matapos sumailalim sa isang operasyon dahil sa pagkahulog nito sa sinasakyang motorsiklo. Anong antas ng komunikasyon ang nangyayari sa sitwasyong ito?
interpersonal
intrapersonal
pangkaunlaran
organisasyonal
Habang nakaupo sa sala ng kanilang bahay ang mag-inang Susan at Carlo, napansin ng anak ang lungkot sa mukha ng kanyang ina. Maya-maya ay hindi niya napigilang tanungin kung may problema ba ito. "Okay lang ako anak huwag kang mag-alala," mahina at basag na sagot ng ina. Ano ang mahihinuha sa pag-uusap na ito?
Walang problema at dinaramdam ang ina hindi lang ito palangiti.
May inaalala lang ang ina ngunit hindi ito malungkot gaya ng nakita ng anak.
May seryosong bagay na iniisip ang ina kaya mukhang pangit siya sa paningin ng anak.
Sinabi lang ng ina na okay siya para maitago sa anak ang tunay na dahilan kung bakit siya malungkot sa pagkakataong iyon.
Alin sa sumusunod na halimbawa ng komunikasyon ang nasa antas na pangmasa?
Talumpati ng isang kandidatong tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.
pakikinig sa radyo ng mga anunsiyo tungkol sa mga patakaran at programa ng lungsod.
Nagbigay ng mensahe ang pangulo sa telebisyon sa mga nasalanta ng lindol sa Davao.
Pagkakaroon ng teleconferencing ang iba't ibang bansa ng Timog Asya tungkol sa COVID-19 pandemic.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak?
Humingi ng payo ang anak kung anong mabuting gawin sa sitwasyon nila ng kaniyang nobya ngunit hindi pinakinggan ng magulang.
Nagalit ang magulang sa sinabi ng anak na mayroon na siyang nobya kahit hindi pa narinig ang kabuoang kuwento ng kaniyang anak.
Pinakinggan ang buong kuwento ng anak saka pinagalitan dahil sa desisyong ginawa nito sa kabila ng mga payo ng magulang sa anak.
Nakinig ang magulang sa sinabi ng anak tungkol sa kanyang nobya at pinayuhan niya ang anak sa mabuting desisyon. Sinunod naman ng anak ang payo ng kanyang magulang.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng maaaring bunga ng pagkakaroon ng pag-unawa at pagiging sensitibo sa di-berbal at berbal na pagpapahayag ng iyong kausap?
magkasamaan ng loob
magandang pagsasama
mapapaunlad ang ugnayan
masaya at produktibong pag-uusap
Ano ang buong pangalan ng iyong guro sa asignaturang EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO?
CHRISTIAN D. PIREGRINO
CHRISTIAN D. PEREGRENO
CHRISTIAN D. PERIGRENO
