Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st Summative Test sa Filipino-7

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang unang sistema ng pagsusulat ng mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Espanyol? Ito ay binubuo ng 3 patinig at 14 na katinig.

a)

Abakada

b)

Abecedario

c)

Alibata

d)

Baybayin

2.

Ang panitikan ng mga Pilipino ay katulad ng panitikan ng ibang mga bansa na pasalita at __________ (written) na nagpapahayag ng mga damdamin na may kaugnayan sa trabaho at mga kaugalian sa lipunan, atbp.

a)

pasalita

b)

buhay

c)

pagsusulat

d)

tula

3.

Bago ang __________, ang ating mga ninuno ay mayaman sa panitikan.

a)

Amerikanong kolonisasyon noong ika-16 na siglo

b)

Hapones na kolonisasyon noong ika-16 na siglo

c)

Britanikong kolonisasyon noong ika-16 na siglo

d)

pananakop ng Kastila noong ika-16 nasiglo

4.

Ayon sa Teorya ng Migrasyon ng mga Alon' ni Henry Otley Bayer (Chua, 2013) ang mga unang naninirahan sa Pilipinas ay __________ na nangangahulugang sila ay maliit at maitim ang balat.

a)

Austronesian

b)

Indones

c)

Ita

d)

Malayo

5.

Ang mga Malayo ang mga ninuno ng __________ sa Mindanao.

a)

Visayan

b)

Isneg

c)

Muslim

d)

Waray

6.

Ang __________ na teksto ay naglalayong ipaliwanag at ipakita ang impormasyon at mga ideya. Mahalaga ito para sa pagpapakalat ng kaalaman at edukasyon dahil nakatutulong ito sa mga mambabasa na maunawaan ang mga kumplikadong paksa.

a)

Argumentatibo

b)

Biswal

c)

Ekspositori

d)

Persweysib

7.

Ang layunin ng Expository text ay magbigay ng __________ kung ito man ay historikal o siyentipiko.

a)

impormasyon tungkol sa paksa

b)

impormasyon na malabo

c)

impormasyon na walang paksa

d)

impormasyon na hindi kapani-paniwala

8.

Ang Beyblade ay isang laro na nagmula sa Japan. Upang umikot, gumagamit ito ng mahaba at nababaluktot na plastik. Ang tekstong ito ay isang halimbawa ng __________.

a)

Argumentatibo

b)

Biswal

c)

Expositori

d)

Persweysib

9.

Ang Ekspositori na teksto ay maaaring ikategorya sa paglalarawan, sanhi at epekto, pagkakasunod-sunod, problema at solusyon, at __________.

a)

pagkakaiba

b)

pagkakaiba-iba

c)

pagkakatulad

d)

pagkakaiba at pagkakatulad

10.

…Higit pa sa dekorasyon ang papel ng Baybayin sa pagbubuo natin ng pagkakakilanlang Pilipino. Bago pa dumating ang mga Kastila, ginagamit na ito ng mga Babaylan sa panggagamot. Sa pananaliksik ni Dr. Vicente Villan (2009) ng UP Diliman ay sinabi niyang "Tinintindigan ko ang Baybayin bilang mahalagang sagisag ng ating pagkamamamayan at pagkabansa…Ang seleksiyon ng tekstong ito ay mula sa isang sanaysay na pinamagatang 'Mula Baybayin hanggang Text Messaging' na isinulat ni ___?

a)

Joel MC

b)

Joel Costa

c)

Joel Mala

d)

Joel Costa Malabanan

11.

Baybayin ang tawag sa sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga _____________mananakop?

a)

Amerikano

b)

Briton

c)

Hapones

d)

Espanyol

12.

…Higit pa sa dekorasyon ang papel ng Baybayin sa pagbubuo natin ng pagkakakilanlang Pilipino. Bago pa dumating ang mga Kastila, ginagamit na ito ng mga Babaylan sa panggagamot. Sa pananaliksik ni Dr. Vicente Villan (2009) ng UP Diliman ay sinabi niyang "Tinintindigan ko ang Baybayin bilang mahalagang sagisag ng ating pagkamamamayan at pagkabansa…

Ano ang pananaw ni Dr. Villan sa sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino?

a)

Dapat buhayin ang Baybayin.

b)

Hindi mahalaga ang Baybayin sa ating pagkamamamayan.

c)

Mahalaga ang Baybayin sa ating pagkamamamayan at nasyonalidad.

d)

Ang Baybayin bilang mahalagang sagisag ng ating pagkamamamayan at pagkabansa.

13.

Mula pa rin sa sipi ng sanaysay…Mas malala pa ang pagkasira ng konsepto ng pamanahunan ng pandiwa at ang maling paggamit ng pang-ugnay na nang na bunga na rin ng pagkasanay ng mga mag-aaral sa pagpapaikli ng mensahe sa cellphone …

Ano ang problema na hinaharap ng maraming estudyante tungkol sa pagsusulat?

a)

Paggamit ng cellphone

b)

Kakulangan ng cellphone

c)

Paggamit ng social media

d)

Maikling mensahe sa cellphone

14.

Ang _______ na grapikong medyum na ito ay binubuo ng mga diyalogo, salita, at mga ilustrasyon na nagsasalaysay ng isang kwento.

a)

Anekdota

b)

Komiks

c)

Maikling Kwento

d)

Sanaysay

15.

Hindi lamang simpleng kanta ang mga awiting-bayan kundi mga buhay na salaysay ng kanilang pakikibaka at pananatiling matatag sa kabila ng mga hamon at pagbabago sa kanilang kapaligiran. Masasalamin ang kulturang Pilipino sa kaugaliang_____.

a)

Malungkot

b)

Masaya

c)

Mahina

d)

Matatag

16.

Dandansoy

(Awiting-bayan ng Negros Occidental)

Dandansoy, bayaan ta ikaw

Pauli ako sa payaw

Ugaling kon ikaw hidlawon

Ang payaw imo lang lantawon. Ano ang kwento o himig na nagpapasidhi ng emosiyon na nakapaloob sa awit-bayan?

a)

Isang kwento ng nawawalang bata

b)

Isang kwento ng isang taong pumanaw na

c)

Pagbabakasakali na maaaring sumunod ang minamahal

d)

Isang pagninilay na hindi na maibabalik

17.

Ano ang orihinal na diyalekto ng awiting bayan na 'Dandansoy'?

a)

Surigaonon

b)

Sugbuwanon

c)

Tagalog

d)

Ilonggo/Hiligaynon

18.

18. Anong salita sa pagpipiliian ang katumbas na kahulugan ng Hiligaynon na salitang hidlawon?

a)

Pag-asa

b)

Pagdiriwang

c)

Pag-aasam

d)

Kalituhan

19.

Ang salawikain, kasabihan, idyoma, at bugtong ay lahat ng anyo ng _____ bayan.

a)

awit

b)

karunungang

c)

kwento

d)

sayaw

20.

Ang ipinahahayag ng karunungang-bayan ay maaaring pasalita lamang.

a)

Totoo na ito ay nakasaad sa kasaysayan.

b)

Totoo na ito ay nakasaad sa literatura.

c)

Hindi ito totoo kung hindi ito malinaw na naipahayag sa literatura.

d)

Mali sapagkat maaaring sa pasulat(written) napag-alaman ng ibang mambabasa/mananaliksik.

21.

18. Ubos-ubos na biyaya, bukas nakatunganga. Ano ang konotatibong pagpapakahulugan mula sa pariralang nakahaylayt?

a)

Walang pakialam

b)

Walang maasahan

c)

Masuwerteng bukas

d)

Walang himala

22.

Sa anumang lalakarin, makapito munang isipin Ano ang konotatibong pagpapakahulugan mula sa pariralang nakahaylayt?

a)

Pagsisisi

b)

Pagkabigo

c)

Gagawin sa buhay

d)

Maging alerto sa paggising

23.

Kung ang persona sa tula ay siyang nagsasalita sa akda. Ano namang elemento ng tula ang tumutukoy sa bilang pantig?

a)

Sukat

b)

tugma

c)

Talinghaga

d)

Lahat ng nabanggit

24.

Ang Tanaga ay may apat na linya na may sukat na 7, 7, 7, at ____.

a)

6

b)

7

c)

8

d)

9

25.

Ano ang kahulugan ng terminong 'bigay-kaya' sa konteksto ng mga tradisyon sa kasal?

a)

Pera/regalo mula sa pamilya ng babae

b)

Pera/regalo mula sa pamilya ng lalaki

c)

Pera/regalo mula sa babae

d)

Pera/regalo mula sa mga magulang ng lalaking ikakasal

26.

Maraming natatakot na lumusong sa malalim na bahagi ng katubigan dahil sa takot silang makain ng isang berkakan.

a)

Ibon

b)

Isda

c)

tao

d)

halimaw

27.

Anong emosyon ang naipahayag sa diyalogo: 'Hayaan mong magdalamhati ang aking puso, ikaw na unang nakalimot!'?

a)

Minahal

b)

Minahal at nadismaya sa pag-ibig

c)

Nagbibiro

d)

Rebelde sa buhay

28.

Pansinin ang larawan ito ay isang biswal na larawan hudyat ng pagbibigay BABALA. Anong tawag dito?

a)

Zodiac Sign

b)

Pedestrian lane

c)

Environmental Signage

d)

Construction Signage

29.

Ano ang ipinapahiwatig ng Environmental Signage kapag nakita mo ang katulad nito?

a)

Magkalat dito

b)

Itapon ang iyong basura dito

c)

Huwag magkalat

d)

Ipagbabawal ang pagtatapon ng basura dito

30.

Ano ang epekto kung lalabagin ang babala ng karikatura sa kapaligiran?

a)

Maaari nitong sirain ang kapaligiran

b)

Posibleng pagbagsak ng gusali

c)

Magtapon ng basura dito!

d)

Maaari itong magdulot ng samot saring sakit