wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paghahanda ng mga Kagamitang Panturo

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay nakatuon sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang mabisang pagkatuto ay posibleng mangyari kung aktibo ang mga mag-aaral.

a)

Behavior (Gawi)

b)

Conditions (Kalagayan)

c)

Audience (Mag-aaral)

d)

Degree (Antas)

2.

Nararapat na kasama sa paglalahad ng mga

layunin ang kalagayan na kung saan ang pagsasagawa ng mga inaasahang gawi ay

kapansin-pansin.

a)

Degree (Antas)

b)

Conditions (Kalagayan)

c)

Behavior (Gawi)

d)

Audience (Mag-aaral)

3.

Ang pinakapuso ng paglalahad ng layunin ng naglalarawan sa mga kakayahang maisasagawa ng mga mag-aaral matapoa ang pagtuturo. Ito ay nararapar na kanyang maisagawa ng mga mag-aaral.

a)

Conditions (Kalagayan)

b)

Degree (Antas)

c)

Behavior (Gawi)

d)

Audience (Mag-aaral)

4.

Nararapat na kasamang nakalahad sa layunin ang pamantayan na kung saan makikita ang gawing inaasahan.

a)

Conditions (Kalagayan)

b)

Degree (Antas)

c)

Behavior (Gawi)

d)

Audience (Mag-aaral)

5.

Naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa?

a)

Dyornal

b)

Workbuk

c)

Pahayagan

d)

Han-awts

6.

Isang masistemang pagsasaayos ng paksang-aralin para sa isang tiyak ng asignatura at antas.

a)

Manwal ng Guro

b)

Kopya ng Balangkas

c)

Materyales na Suplemental

d)

Teksbuk

7.

Regular na ulat na kinakalabasan ng isang pananaliksik.

a)

Indexes

b)

Dyornal

c)

Phamphlets

d)

Manwal ng Guro

8.

Set ng mga panuto at tanong na makatutulong sa pagtatalakay ng bagong aralin.

a)

Talahanayan ng Ispesipikasyon

b)

Banghay-Aralin

c)

Patnubay sa Gawaing Pangmag-aaral

d)

Modyul

9.

Ginuguhit na manwal/kamay ang paraan sa pagbubuo ng isang bagay, tao lugar at pangyayari.

a)

Mga Larawan

b)

Tsart/graphic organizer

c)

Chalkboard Display

d)

Illustrasyon

10.

Mga larawan at talang nakaguhit o nakasulat sa isang darkcolored na bagay.

a)

Mga Larawan

b)

Chalkboard Display

c)

Awtentikong Kagamitan

d)

Whiteboard o Marketboard Display

11.

Ito ay awtentikong kagamitan, foreign coins, at artifacts.

a)

Modelo

b)

Realia

c)

Mock-up 'Replica'

d)

Papet

12.

Nalasulat na salita, pangungusap, larawang maaaring may kulay o wala.

a)

Cue cards

b)

Dayorama

c)

Plaskard

d)

Komik strip

13.

Maaaring sanaysay, kuwento, tula, dula, talambuhay at iba pa na magagamit na lunsaran sa pagtuturo.

a)

Seleksyong Pampanitikan

b)

Kasuotan (Costume)

c)

Cassette

d)

Teyp Rekorder

14.

Ito'y balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan at mga hakbang na sunod-sunod na isasagawa upang maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga ng isang partikular na aralin.

a)

Maiksing Aralin

b)

Mala-masusing Aralin

c)

Patnubay Aralin

d)

Banghay-Aralin

15.

PAPASA AKO SA BOARD EXAM!!!

Maagang Pagbati sa'yo! Claim mo na ang iyong lisensya!

a)

Papasa ako sa board exam.

b)

Super sure ako na papasa sa board exam

c)

Handa na akong kunin ang aking lisensya

d)

Papasa ako dahil malakas ang aking paniniwala