NEW
Font size
WorksheetsQ1 FILIPINO 3 2024-2025
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at pangyayari.
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Masayang naglalaro ang mga bata sa parke. Alin sa mga sumusunod na salita mula sa pangungusap ang pangngalang tumutukoy sa pook o lugar?
Masayang
bata
parke
Umakyat ng puno si Waren para pumitas ng bunga. Tukuyin ang salita sa pangungusap ang pangngalangang tumutukoy sa tao.
Waren
Umakyat
puno
Namasyal ang Pamilya Gomez sa Baguio. Anong kategorya ng pangngalan ang salitang may salungguhit?
tao
bagay
lugar
Manika ang napiling regalo ni Gwen para sa kanyang kaarawan. Ang salitang may salungguhit ay nahahanay sa pangngalan ng ___________.
tao
lugar
bagay
Ang SM Mall of Asia ay ang pinakamalaking mall sa bansa. Ang salitang sinalungguhitan ay Pantangi.
Tama
Mali
Wala sa nabanggit
Humiram ka ba ng aklat mula sa silid-aklatan? Ang salitang sinalungguhitan ay Pambalana.
Tama
Mali
Wala sa nabanggit
Si Ginang Corazon Aquino ang dating pangulo ng Pilipinas. Ang salitang sinalungguhitan ay Pambalana.
Tama
Mali
Wala sa nabanggit
Ang dyaryo na binabasa ni Tatay araw-araw ay ang Philippine Star. Ang salitang sinalungguhitan ay Pantangi.
Tama
Mali
Wala sa nabanggit
Gusto kong bumisita sa probinsya. Ang salitang sinalungguhitan ay Pambalana.
Tama
Mali
Wala sa nabanggit
Nais mong malaman kung kailan nailimbag ang aklat. Saang bahagi ito maaaring makita?
Paunang Salita
Pahina ng Karapatang Sipi
Indeks
Ito ang nagsisilbing proteksyon ng libro.
Pabalat
Glosari
Pahina ng Pamagat
Mayroon kang hindi naintindihang salita sa ginagamit na libro, saang bahagi ng libro maaaring makita ang kahulugan nito?
Glosari
Talaan ng Nilalaman
Pabalat
Nagtataglay ito ng nais iparating ng may akda sa mambabasa.
Pabalat
Pahina ng Pamagat
Paunang salita
Ito ang pinakamahalagang bahagi at kabuuan ng lahat ng paksang tatalakayin sa aklat.
Katawan ng Aklat
Talaan ng Nilalaman
Pabalat
Ilang pantig ang mayroon sa salitang ipaglaban?
2
3
4
Ano ang tamang pagpapantig sa salitang Miyerkoles?
M ▪ iy ▪ er ▪ ko ▪ les
Miy ▪ erk ▪ oles
Mi ▪ yer ▪ ko ▪ les
Alin sa mga sumusunod na salita ang may tatlong pantig?
guro
mabuhay
katahimikan
Mataas ang nakuhang grado ni Maris sa Filipino. Alin sa mga sumusunod na salita mula sa pangungusap ang klaster?
Mataas
grado
Maris
Ang mga sumusunod na salita ay mga kambal katinig maliban sa isa. Ano ito?
ilaw
troso
nars
Ano ang wastong baybay ng ngalan ng larawan?
pisara
pesara
peysara
Ano ang wastong baybay ng ngalan ng larawan?
trisekel
traysikel
traycikel
Ano ang wastong baybay ng ngalan ng larawan?
palaruan
palaroan
pallaruan
Ano ang wastong baybay ng ngalan ng larawan?
misa
mesa
meysa
Ano ang wastong baybay ng ngalan ng larawan?
telebisyon
tilibesyon
telebisyun
Marcos ang pangalan ko. ______ ay nasa ikatlong baitang. Anong wastong panghalip panao ang gagamitin?
ako
kami
siya
Nurse ang ate ko. _______ ay nagtratrabaho sa Pasay City General Hospital. Anong wastong panghalip panao ang gagamitin?
mo
siya
sila
Ako at si Willy ay magkaklase. _______ ay magkapitbahay din. Anong wastong panghalip panao ang gagamitin?
kami
ako
tayo
Sina Andres Bonifacio at Jose Rizal ay mga bayani. ______ ay matatapang. Anong wastong panghalip panao ang gagamitin?
ako
mo
sila
Naiwan ni Zaya ang kanyang I.D. Ibigay _____ sa kanya ito pag-uwi niya galing sa eskuwelahan. Anong wastong panghalip panao ang gagamitin?
ako
mo
siya
Pinahiram si Alden ng aklat ng kanyang kaklase. Ano ang dapat niyang sabihin?
Salamat.
Walang anuman
Akin na iyan!
Binigyan ka ng baon ng iyong nanay. Anong magalang na salita ang dapat mong sabihin?
Wala pong anuman
Salamat po.
Maaari po bang dagdagan?
Bumisita si Shiela sa bahay ng kaibigan niyang si Grace. Ang ate ng kaibigan mo ang nagbukas sa iyo ng pintuan. Paano ipakikilala ni Shiela ang kanyang sarili?
Ako si Sheila. Nasaan si Grace?
Ako po si Shiela, kaibigan ni Grace.
Nasaan po si Grace?
“Magandang umaga mga bata,” bati ni Gng. Flora sa klase niya. Ano ang magalang na pagsagot?
Magandang umaga.
Magandang hapon din po sa iyo Gng. Flora
Magandang umaga rin po sa iyo Gng. Flora
Hindi mo sinasadyang nabasag ang baso ng nanay mo. Ano ang sasabihin mo?
Nanay nabasag ang baso.
Pasensya na po nanay, hindi ko po sinasadya.
Itatago na lang ang baso at hindi sasabihin sa nanay.
Ano ang pamagat ng kwento?
Ang Gutom na Lobo
Ang Lobo at ang Ubas
Ang Hinog na Ubas
Saan naganap ang kwento?
Kapatagan
Kabundukan
Kagubatan
Ano ang nakita ng lobo sa kagubatan?
puno ng mangga
puno ng bayabas
puno ng ubas
Bakit nasabi ng lobo na maasim ang bunga ng ubas?
Dahil ito ay hilaw pa
Dahil hindi niya makuha at maabot ang ubas
Dahil busog na siya
Anong aral ang makukuha sa kwentong binasa?
Masarap at matamis ang ubas.
Sumuko nalang kapag napagod na.
Gawin ang lahat ng makakaya upang abutin ang pangarap.
