Font size
WorksheetsOONE
Total questions: 20
Worksheet time: 12mins
Paano binigyang kahulugan ni Dr. Zues Salazar ang salitang 'KASAYSAYAN'?
Ang kasaysayan ay tumutukoy sa mga mahahalagang naganap sa isang lugar
Ang kasaysayan ay pag-aaral ng makabuluhang pangyayari
Ang kasaysayan ay salaysay na may saysay para sa sinasalsayang mga tao
Ang kasaysayan ay nagmula sa salitang Latin na 'historia
Ito ang salitang-ugat ng kasaysayan.
Salaysay
Kasaysay
Saysay
Sinalaysay
Ito ang mga dahilan kung bakit boring ang kasaysayan para sa iilan. Piliin lahat ng posibleng sagot
Teacher Factor
Kakulangan sa Records
Kwento lamang ng Mayayaman
Pure Memorization
Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang naglalarawan sa konsepto ng kasaysayan?
Ang pag-aaral ng mga kaganapan sa hinaharap at ang kanilang mga potensyal na resulta
Ang pag-aaral ng mga nakaraang kaganapan, kabilang ang mga sanhi, epekto, at interpretasyon ng mga ito.
Ang pag-aaral ng mga kasalukuyang kaganapan at ang kanilang agarang epekto.
Ang pag-aaral ng mga kathang-isip na pangyayari at mga haka-haka na mundo.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan o nagpapakita sa paggamit ng primaryang batis. Piliin lahat ng posibleng sagot.
Liham ng isang sundalo tungkol sa kanyang mga naranasan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Libro hango sa panulat ng isang historyador
Isang talaarawan ni Dr. Jose Rizal
Isang newscaster na itinalaga upang ipahayag ang lagay ng panahon base sa weather forecast ng PAGASA.
Maituturing na may kabuluhang pangkasaysayan ang isang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas kung ito ay nakatuon sa karanasan ng mga Pilipino.
TAMA
MALI
Lahat ng primaryang batis ay dapat nating paniwalaan.
TAMA
MALI
Layunin ng kursong “Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas” na maipakita sa mga mag-aaral ang iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng mga Pilipino sa pananaw ng mga saksi. Ang mga pananaw at mga naisulat ng mga saksi ay kinokonsidera bilang mga_________________.
Primaryang Batis
Sekundaryang Batis
Panloob na Kritisismo
Panlabas na Kritisismo
Ang kasaysayan ay isang makabuluhang salaysay tungkol sa nakaraan. Sapagkat ang salitang-ugat ng
kasaysayan ay “saysay,” binibigyan-diin nito ang elemento ng pagiging______________. PILIIN ANG LAHAT NG POSIBLENG SAGOT.
Mahalaga
Makabuluhan
May Pakinabang
Importante
amang nakatuon sa mga nakalipas na pangyayari, ang “kasaysayan” at “history” ay ____________.
May pinagkaiba
Magkasalungat
Pareho lamang
Walang pinagkaiba
Katawagan sa mga sumusulat ng kasaysayan.
Manunulat
Historyador
Antropologo
Saksi
Wala o hindi direktang nasaksihan ng nagkukwento ang pangyayari.
Primaryang Batis
Sekundaryang Batis
Panloob na kritisismo
Panlabas na Kristisimo
Sa Bagong Kasaysayan, ang pinahahalagahan lamang ay ang mga dokumento.
TAMA
MALI
Nagmula sa salitang Latin ang history (istoria/historia) na ang ibig sabihin ay _____________.
Pagsisiyasat
Pangangalap
Pagsusuri
Pagtataya
Pinag-aaralan ang Kasaysayan upang:
I. Upang maunawaan ang mga nangyari sa nakaraan
II. Upang mas lumawak ang kaalaman tungkol sa kasalukuyan
III. Sumasalamin sa mga kwento at kaisipan natin
IV. Upang pahalagahan ang ating pinagmulan sa malawak na pananaw
I, II, III
I, II
I, III, IV
I, II, III, IV
Sa pag-aaral sa nakaraan, mapapansin natin na ang mga kaganapan ay konektado sa isa’t isa
TAMA
MALI
Ang mga primarying batis ay maaring makabuo ng sekondaryang batis.
TAMA
MALI
Tukuyin kung ang halimbawa ng batis sa ibaba ay maituturing na primaryang batis o sekondaryang
batis:
MGA BATAS NA NILIMBAG NG GOBYERNO (e.g. R.A. 1425)
Primaryang Batis
Sekundaryang Batis
Tukuyin kung ang halimbawa ng batis sa ibaba ay maituturing na primaryang batis o sekondaryang
batis: Dokumentaryo ni Atom Atom Araullo ukol sa mga POGO.
Primaryang batis
Sekondaryang batis
Tukuyin kung ang halimbawa ng batis sa ibaba ay maituturing na primaryang batis o sekondaryang
batis: TALAARAWAN NI ANNE FRANK
Primaryang batis
Sekundaryang batis
