wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Science Q1 Reviewer

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

 Anong tawag sa flat na representasyon ng mundo?

a)
Mapa
b)
Diagram
c)
Atlas
d)
Globo
2.

 Ano ang eksaktong kinalalagyan ng pilipinas batay sa latitud at longhitud?

a)

4º 23’ at 21 º 25 hilagang latitude at 118º at 127 º silangang longhitude.

b)

5º 23’ at 21 º 25 hilagang latitude at 116º at 127 º silangang longhitude

c)

4º 23’ at 21 º 25 hilagang latitude at 117º at 127 º silangang longhitude

d)

4º 23’ at 21 º 25 hilagang latitude at 116º at 127 º silangang longhitude.

3.

Ang Pilipinas ay kabilang sa pinakamalaking kontinente sa mundo . Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang ating bansa?

a)
Hilagang Asya
b)
Timog-Silangang Asya
c)
Kanlurang Asya
d)
Timog Asya
4.

 Paano mo matutukoy ang tiyak na lokasyon ng isang lugar?

a)

Sa pamamagitan ng latitude at longhitud

b)
  1. Sa pamamagitan ng paggamit ng eskala

c)

Sa pamamagitan ng paggamit ng sinaunang mapa

d)

Sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga karatig na lugar gamit ang direksyon

5.

Bilang bansang arkipelago, napalilibutan ng mga katubigan ang Pilipinas. Anong uri ng lokasyon ang mainam na makapaglalarawan nito?

a)

Bisinal

b)

Insular

c)

Absoluto

d)

Pangunahin

6.

Ang Pilipinas ay kapuluang nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa at tubig tulad ng mga kabundukan at baybayin kasama na rin ang mga karatig karagatan at bansa na nakapalibot dito. Paano nakatulong ang mga ito sa pagkabuo ng ating kasaysayan?

a)

Masayang namuhay ang ating mga ninuno.

b)

Nakapag-asawa ng mga dayuhan ang lahing Pilipino.

c)
  1. Nakapaglakbay, nakasalamuha, nakipagkalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa ibang lahi.

d)

Ito ang naging pundasyon ng kabihasnan, kultura, at aspetong panlipunan ng mga sinaunang Pilipino.

7.

Ano ang tumutukoy sa kainaman o average na kondisyon ng atmospera sa loob ng mahabang panahon?

a)

Bagyo

b)

Klima

c)

Panahon

d)

Weather Condition

8.

Anong ahensya ng gobyerno na may tungkuling bigyan ng proteksyon ang mga tao laban sa mga natural na kalamidad?

a)

DepEd

b)

DTI

c)

DOH

d)

PAGASA

9.

Bakit mahalaga ang ekwador sa mapa at pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar?

a)
  1. Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Kanlurang hatingglobo

b)

Ang ekwador ang naghahati sa Silangan at Hilagang hatingglobo

c)
  1. Ang ekwador ang naghahati sa Timog at Kanlurang hatingglobo

d)

Ang ekwador ang naghahati sa Hilaga at Timog hatingglobo

10.

Ano ang tumutukoy sa kainaman o average nakondisyon ng atmospera sa loob ng isang araw?

a)

Bagyo

b)

Klima

c)

Panahon

d)

Weather Condition

11.

Batay sa pagkakatulad bg wikang ginamit ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko, pinatotohanan ni Peter Bellwood ang pinagmulan ng lahing Pilipino. Anong batayan ng nagpapaliwanag ukol rito?

a)

Relihiyon

b)

Mitolohiya

c)

Teoryang Austronesyano

d)

Teorya Core Population

12.

Ano ang tawag sa isang kaisipan o paliwanag ng isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraaan at pananaliksik?

a)

Report

b)

Teorya

c)

Thesis

d)

Summary

13.

Anong teorya na nagsasabing ang Pilipinas ay nabuo bunsod ng pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan?

a)
Teoryang Bulkanismo
b)
Teoryang Kontinentalismo
c)
Teoryang Drift ng Kontinente
d)
Teoryang Pagsabog ng Asteroid
14.

Ano ang teorya na binuo ni Alfred Wegener na nagpapahayag na ang daigdig ay nabuo mula sa isang malaking masa ng lupa na tinatawag na Pangaea?

a)

Teorya ng Bulkanismo

b)

 Teorya ng Tectonic Plate

c)
  1. Teorya ng Tulay na Lupa

d)

Teorya ng Continental Drift

15.

Ito ay mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigan na nakakabit sa mga kontinente.

a)
continental divide
b)
oceanic ridge
c)
seafloor trench
d)
continental shelf
16.

Ano ang batayang ispiritwal na nakabatay sa pananampalataya at konsepto ng creationalism na nag lahat ng bagay sa mundo ay nilikha ng Diyos?

a)

Mito

b)

Relihiyon

c)

Teorya ng Bulkanismo

d)

Teorya ng Tectonic Plate

17.

Anong teorya ng pinagmulan ng sinaunang lahing Pilipino ang nasasabing ang mga unang Filipino ay mula sa pangkat- pangkat na sinaunang tao na Negrito, Malay at Indones?

a)

Teorya ng Austronesian Migration

b)

Teorya ng Core Population

c)

Teorya ng Continental Drift

d)
  1. Teorya ng Wave Migration

18.

Alin sa sumusunod ang ibinigay na ebidensya sa Teorya ng Core Population ni Felipe Landa Jocano?

a)

Magkakatulad na itsura ng mga natagpuang labi ng Tabon Man o Taong Tabon

b)
  1. Magkakatulad ang itsura ng kasalukuyang tao

c)

Magkakatulad na salit o wika

d)
  1. Magkakatulad na klima

19.

Sino ang arkeologong nag-aral at nagsaliksik sa teorya ng Wave Migration?

a)
Dr. Jane Goodall
b)
Dr. Richard Leakey
c)
Dr. Louis Leakey
d)
Dr. Peter Bellwood
20.

Ano ang antas sa lipunan ng malalayang tao o taong lumaya mula sa pagkakaalipin?

a)

Alipin

b)

Datu

c)

Timawa

d)

Oripun

21.

Sa panahong ito, ang ating mga ninuno ay nanirahan sa mga kuweba at gumamit ng mga tinapyas na baton a magagaspang bilang kasangkapan. Nabuhay sila sa pangangaso at pangangalap ng pagkain.

a)

Panahaon ng Lumang Bato (Paleolitiko)

b)

Panahon ng Bagong Bato (Neolitiko)

c)
  1. Makalumang Panahon

d)

Makabagong Panahon

22.

Nilisan nang mga sinaunang tao ang mga kuweba at nagsimulang manirahan sa tabi ng mga ilog at dagat. Anong panahong pre-kolonyal ang inilalarawan?

a)

Panahon ng Lumang Bato (Paleolitiko)

b)

Panahon ng Bagong Bato (Neolitiko)

c)

Makalumang Panahon

d)

Makabagong Panahon

23.

Ito ang Sistema ng pamamahala na batay sa katuruan ng Islam.

a)

Barangay

b)

Sanduguan

c)

Tarsila

d)

Sultanato

24.

Anong tawag sa simbolo ng pagkakaibigan na kung saan hinihiwa ang kanilang bisig gamit ang punyal at pinapatulo ang dugo sa kapang may alak?

a)

Adat

b)

Babaylan

c)

Tarsila

d)

Sanduguan

25.

Sino ang huling propeta at tagapagtatag ng Islam?

a)
Muhammad
b)
Ali
c)
Abu Bakr
d)
Omar
26.

Ang Sultan bilang pinuno ng pamayanang Sultanato ay nagtataglay ng sumusunod na mga katangian MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

Mayaman ang angkan

b)

Mataas ang kanyang pinag-aralan

c)

Mataas ang bilang ng kanyang mga tagasunod

d)

May mahalagang ambag sa pamayanang Muslim

27.

Anong tawag sa paniniwala ng sinaunang Filipino sa mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran?

a)

Anito

b)

Babaylan

c)

Katalonan

d)

Animismo

28.

Ano ang tawag sa kinikilalang Diyos ng mga Muslim?

a)
Allah
b)
Zeus
c)
Brahma
d)
Yahweh
29.

Noong sinaunang panahon ang isang banwa o barangay ay pinamumunuan ng isang Raja o Datu. Sa kalalukuyang panahon, ano ang tawag sa namumuno sa isang barangay?

a)

Pangulo

b)

Kapitan

c)

Alkalde

d)

Gobernador

30.

Bakit sinasabing matatapang ang mga lalaking maraming tattoo noong sinaunang panahon?

a)

Ito ay kumakatawan sa kakayahan niyang Makita ang mangyayari sa hinaharap.

b)
  1. Ito ay kumakatawan sa bilang ng kanyang nahuling hayop sa pangangaso.

c)
  1. Ito ay kumakatawan sa bilang ng kalabang napatay sa pakikidigma.

d)
  1. Ito ay kumakatawan sa dami ng espiritung sumanib sa kanya.

31.

Ito ang pinakadulong bahagi ng mundo sa hilaga na naaabot ng pahilis na sinag ng araw.

a)

Ekwador

b)

Kabilugang Arktiko

c)

Kabilugan ng Antartiko

d)

 Tropiko ng Kaprikonyo

32.

Ito ang imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang araw?

a)
Equator
b)
Prime Meridian
c)
Tropic of Cancer
d)
International Date Line
33.

 Kung ang Pilipinas ay nasa bahagyang itaas ng ekwador, anong uri ng klima mayroon ito?

a)

Humid

b)

Temperate

c)

Tropikal

d)

Tundra

34.

Bakit kadalasang mainit Pilipinas?

a)
  1. Dahil ang Pilipinas ay nasa tropiko ng kanser at hindi tiyak ang klima.

b)

Dahil ang Pilipinas ay nasa kabilugang Arktiko kung saan bihira ang pag-ulan.

c)
  1. Dahil ang Pilipinas ay nasa tropiko ng kaprikornyo kaya mainit talaga ang panahon.

d)
  1. Dahil ang Pilipinas ay may klimang tropical, malapit sa ekwador kaya nakararanas ito ng direktang sikat ng araw sa buong taon.

35.

Paano nakarating sa Pilipinas ang mga sinaunang tao ayon sa Teorya ng Austronesyano?

a)
  1. Bunga ito ng tadhana

b)

Dahil sa pandarayuhan o migrasyon

c)

Upang magkaroon ng mas maraming kaibigan

d)
  1. Para mapalawak ang teritoryang nasasakupan

36.

Ang pagkatuklas ng mga labi sa Lipuun point sa Palawan ay nagbigay daan sa:

a)

Teorya ng Astranesian Migration

b)

Teorya ng Core Population

c)

Teorya ng Wave Migration

d)

Teorya ng Tulay na Lupa

37.

Ano ang naging batayan ni Bellwood sa kaniyangTeorya?

a)

Pagkakatulad ng kagamitan

b)
  1. Pagkakatulad ng pananamit

c)

Pagkakatulad ng itsura ng mga sinaunang tao

d)

Pagkakatulad ng wikang gamit sa timog-silangang Asya at sa Pacific

38.

Sa panahong ito natuklasan ang pagamit ng metal.

a)
Panahon ng Metal
b)
Panahon ng Bato
c)
Panahon ng Tanso
d)
Panahon ng Bagong Bato
39.

Ano ang tatlong pangkat ng tao na unang nandayuhan sa Pilipinas batay sa Teorya ng Wave Migration?

a)

Muslim, Indones at Negrito

b)

Negrito, Indones at Malay

c)
  1. Tabon, Callao at Cagayan Man

d)

Tabon Man, Negrito at Malay

40.

Ito ay tumutukoy sa isang lupon o sangay na nangangasiwa at humahawak ng kapangyarihang pampolitika para sa mga kasapi, mamayan, o katutubo ng isang pamayanan.

a)

Barangay

b)

Pamahalaan

c)

Sultanato

d)

Panitikan

41.

Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga muslim?

a)
Qur'an
b)
Vedas
c)
Torah
d)
Bible
42.

Bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa, ang Pilipinas ay may sariling antas nang lipunan. Ano ang tawag sa pinakamababang uri ng tao?

a)

Bagani

b)

Timawa

c)

Maharlika

d)

Alipin o Oripon

43.

Ang antas ng lipunan na ito ay maihahambing sa mayayamang angkan sa kasalukuyan. Sino sila?

a)

Alipin o Oripun

b)

Maharlika

c)

Timawa

d)

Bagani

44.

Ano ang tawag sa pamamaraan ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino kung saan ito ay pagpapalitan ng kani-kanilang mga produkto?

a)

Slash and burn

b)

Ploncitos

c)

Komunal

d)

Barter

45.

Ang alpabeto noong unang panahon na binubuo ng 17 titik na may 3 patinig at 14 na katinig ay tinatawag na _____.

a)

Slash and burn

b)

Komunal

c)

Baybayin

d)

Barter

46.

Bilang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Pilipino, ano ang tawag sa tanyag na sayaw na halaw sa galaw ng isang ibong tikling?

a)

Cariñosa

b)

Tinikling

c)

Pamulinawen

d)

Pandanggo sa Ilaw

47.

Anong uri ng kasuotan ng sinaunang Filipino ang isang piraso ng tela na ibinabalot sa ulo?

a)

Bahag

b)

Saya

c)

Putong

d)

Tapis

48.

Anong uri ng kasuotan ng sinaunang Filipino ang isang tsaleko na walang kuwelyo o manggas? 

a)

Bahag

b)

Kanggan

c)

Baro

d)

Tapis

49.

Ang sumusunod ay tumatalakay sa kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino MALIBAN sa isa.

a)
  1. May mahusay na sistema na ng pamumuhay ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga dayuhan.

b)

Ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon ay may malaking impluwensiya sa kanilang pamumuhay.

c)

Ang mayamang kulturang Pilipino ay pinayaman pa ng kanilang ugnayan sa mga dayuhan.

d)
  1. Ang impluwensiyang banyaga ang humubog sa kulturang Pilipino.

50.

Paano mo pahahalagahan ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano bilang isang mag-aaral?

a)
  1. Ibabahagi ko sa aking pamilya ang naging ambag ng kabihasnang Asyano sa lipunang Pilipino.

b)
  1. Gagamitin ko ang impluwensiya ng social media upang ito ay maibahagi sa mas nakararami.

c)
  1. Ipagmamalaki ko ito sapagkat ito ang humubog ng pagkakakilanlang Pilipino.

d)

Tama ang lahat ng sagot.