wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Balik Aral Unang Markahan

Total questions: 50

Worksheet time: 2hrs 28mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang nansyonalismo?

a)

Ito ay tumutukoy sa pagmamahal sa bansa.

b)

Ito ay tumutukoy sa pagsuporta sa mga dayuhan.

c)

Ito ay tumutukoy sa pagpapalaganap ng relihiyon

d)

Ito ay tutmutukoy sa pagpapalawak ng kalakakalan

2.

Anong anyong tubig ang matatagpuan sa pagitan ng Mediterranean Sea at Red Sea na isang rutang pangkalakalan?

a)

Celebes Sea

b)

Suez Canal

c)

Cape of Good Hope

d)

Indian Ocean

3.

Ano ang tawag sa kaisipan na nagsusulong ng pagakakapantay-patay, kalayaan at kapatiran?

a)

indio

b)

ilustrado

c)

kaisipang liberal

d)

monopolyo

4.

Ano ang tawag sa mga Pilipino na umangat ang pamumuhay sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan?

a)

liberalismo

b)

kapitalismo

c)

gitnang uri

d)

mababang uri

5.

Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa mga patakarang ipinatutupad ng mga Espanyol?

a)

natuwa

b)

nagalak

c)

nagalit

d)

nasiyahan

6.

Sinong gobernador heneral ang nagustuhan ng mga Pilipino?

a)

Rafael Izquierdo

b)

Fernando La Madrid

c)

Carlos Maria dela Torre

d)

Narciso Francisco Saldua

7.

Sino ang tatlong paring martir?

a)

Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora

b)

Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena

c)

Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, Macario Sakay

d)

Rafael Izquirdo, Carlos Maria dela Torre, Ramon Blanco

8.

Paano nakatulong sa Pilipinas ang pagbubukas ng Suez Canal?

a)

Umunlad ang kalakalan sa bansa

b)

Pumasok ang kaisipang liberal sa Pilipinas

c)

Napadali ang biyahe mula Pilipinas patungo sa Espanya

d)

Lahat ng nabanggit

9.

Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Paano nito nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino?

a)

Nagkaroon ng impluwensya ang mga Espanyol sa ating relihiyon

b)

Nagkaroon ng impluwensya ang mga Espanyol sa ating kultura

c)

Nagkaroon ng impluwensya ang mga Espanyol sa ating tradisyon

d)

Lahat ng nabanggit

10.

Ano ang naging epekto ng kaisipang liberal sa mga Pilipino?

a)

Pumayag silang maging kakampi ng mga Espanyol.

b)

Sinuportahan nila ang pamamalakd ng mga Espanyol.

c)

Sila ay namulat sa maling pamamalakad ng mga Espanyol.

d)

Sumunod sila sa mga patakarang mapang-abuso ng mga Espanyol.

11.

Ano ang naidulot ng pagkakaroon ng sapat na kayamanan ng mga pamilyang Pilipino sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan?

a)

Sumuporta sila sa mga Espanyol

b)

Pinondohan ang pananakop ng Espanyol

c)

Nagtayo sila ng mas madaming negosyo

d)

Napag-aral nila ang kanilang mga anak sa Espanya

12.

Si Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo del Pilar ay ilan sa mga Pilipino na tinatawag na ilustrado. Paano sila tumulong sa ating bansa?

a)

Sila ay nakipagpalit ng kalakalal

b)

Sila ay bumiyahe ng bumiyahe sa Europa

c)

Sila ay nanguna sa pambabatikos sa mga prayle

d)

Sila ay naging mga kakampi ng Espanyol sa pamamahala sa ating bansa.

13.

Kung ikaw ay isang ilustrado, paano mo gagamitin ang kaisipang liberal na natutunan mo sa pag-aaral sa Europa?

a)

Sasarilinin ang natutunan.

b)

Gagamitin ang natutunan upang suportahan ang Espanya.

c)

Isusulong ang pagkakapantay-pantay, kalaayan at pagkakaisa.

d)

Mangunguna sa pakikiiisa sa mga prayle at gobernadora heneral

14.

Paano nakatulong ang mga ilustrado sa ating kasaysayan?

a)

Nagpadala sila ng mga kalakal sa Espanya.

b)

Pinuri nila ang mga gawain ng mga paring Espanyol.

c)

Nagbukas sila ng mga paaralan para sa lalaki at babae.

d)

Pinangunahan nila ang pagbatikos sa mga gawain ng Espanyol.

15.

Bakit nagustuhan ng mga Pilipino ang gobernador heneral na pinairal ang liberalismo sa pamumuno?

a)

Dahil sa pagbibigay ng lupain sa mga Pilipino.

b)

Dahil sa isinusulong nito ang kalayaan at pagkakapantay-pantay.

c)

Dahil sa pangako na magiging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

d)

Dahil sa pagpapatupad ng labis na parusa sa mga nagk

16.

Aling pangungusap ang tama ang konseptong ipinahahayag?

a)

Ang mga principalia ay mga mababang uri ng tao sa lipunan.

b)

Ang mga insulares ay mga Pilipinong may dugong Espanyol.

c)

Ang mga indio ay ang mga tao na nasa pinakamababang antas ng lipunan.

d)

Ang mga mestizo ang mga Pilipinong nasa pinakamaataas na antas sa lipunan

17.

Ano ang Kilusang Sekularisasyon?

a)

Ito ay ang pagsusulong ng mga paring Pilipino na magkaroon ng sarili nilang simabahan.

b)

Ito ay ang pagsusulong ng mga paring Pilipino na gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas.

c)

Ito ay ang pagsusulong ng mga paring Pilipino na magkaroon ng Karapatan sa pamumuno ng mga Parokya.

d)

Ito ay ang pagsusulong ng mga paring Pilipino na patalsikin ang mga prayle sa mga simbahan sa Pilipinas.

18.

Tinawag na Indio ang mga pangkaraniwang Pilipino noong panahon ng Espanyol. Paano nila tinatrato ang mga Indio noon?

a)

Sila ay mga alipin at mababang uri

b)

Sila ay laging binibigyan ng prayoridad

c)

Sila ay may mataas na papel sa lipunan

d)

Sila ay may pantay na Karapatan sa mga Espanyol

19.

Paano nakaapekto ang pagpapatayo ng mga paaralan ayon sa Dekretong Edukasyon ng 1863?

a)

Dumami ang mga Pilipinong walang alam

b)

Bumuhos ang suporta nila sa mga Espanyol

c)

Tinanggap ng mga Pilipino ang pagiging alipin

d)

Namulat ang mga Pilipino sa katayuan ng kanilang buhay

20.

Dapat ba na hiwalay ang paaralan ng mga lalaki sa mga babae ayon sa Dekretong Edukasyon ng 1863?

a)

Opo. Iba ang dapat na pag-aralan ng lalaki at babae.

b)

Hindi po. Dapat may pantay na Karapatan ang lalaki at mga babae.

c)

Opo. Mas dapat bigyan ng higit na atensyon ang mga lalaki kaysa mga babae.

d)

Hindi po. Dapat hindi na nagtayo ng mga paaralang pambayan para sa mga Pilipino.

21.

Bakit pinarusahan ng kamatayan ang tatlong paring martir?

a)

Sila ay namumuno sa kilusang sekularisasyon.

b)

Sila ay malapit sa mga magsasakang nakilahok sap ag-aalsa sa Cavite.

c)

Sila ay pinagbintangang may kinalaman sa naganap nap ag-aalsa sa Cavite.

d)

Lahat ng nabanggit

22.

Paano nakatulong ang kaisipang liberal sa mga Pilipino?

a)

Ang mga ideyang liberal ay naghikayat sa Pilipinas na gamitin ang kultura at tradisyon ng mga Espanyol.

b)

Ang mga ideyang liberal ay pangunahing nakatuon sa mga reporma sa ekonomiya at walang epekto sa nasyonalismo.

c)

Ang mga ideyang liberal ay humantong sa agarang kalayaan ng Pilipinas mula sa lahat ng dayuhang kapangyarihan.

d)

Ang mga ideyang liberal ay nagbigay inspirasyon sa Rebolusyong Pilipino sa pamamagitan ng pagtataguyod ng nasyonalismo at pagnanais ng sariling pamamahala

23.

Aling samahan ang binuo upang humingi ng pagbabago sa mga Espanyol?

a)

Katipunan

b)

Allied Forces

c)

Kilusang Propaganda

d)

Samahan ng Nagkakaisang Bansa

24.

Anong samahan ang itinatag ni Jose Rizal?

a)

La Solidaridad

b)

La Liga Filipina

c)

Kilusang Sekularisasyon

d)

Kataasan Kagalang-galangang Katipunan

25.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Katipunan?

a)

Ito ay isang samahan na humihingi ng pagbabago sa mga Espanyol.

b)

Ito ay isang samahan nais gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

c)

Ito ay isang samahan na lumaban sa mga Espanyol sa mapayapang paraan.

d)

Ito ay isang samahan na humihingi ng ganap na kalayaan mula sa mga Espanyol.

26.

Ano ang angkop na paglalarawan kay Marcelo H. del Pilar?

a)

Siya ang sumulat ng Fray Botod.

b)

Siya ang patnugot ng La Solidaridad.

c)

Siya ang sumulat ng Noli Me Tangere.

d)

Siya ang patnugot ng Diariong Tagalog.

27.

Kung ikaw si Graciano Lopez Jaena, ano ang iyong naitulong sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?

a)

Armadong pakikipaglaban sa mga Espanyol.

b)

Pamumuno sa mga gerilya sa pakikipaglaban.

c)

Pagsusulat ng Fray Botod na pumupuna sa pamumuhay ng mga prayle.

d)

Pagsusulat ng Kartilya ng Katipunan na naglalaman ng utos sa mga Katipunero.

28.

Sa paanong paraan naging magkatulad ang Kilusang Propaganda at Katipunan?

a)

Pareho itong ayaw sa pang-aabuso ng mga Espanyol.

b)

Pareho ito ng paraan ng pakikipaglaban sa mga Espanyol.

c)

Pareho itong gusto ng ganap na kalayaan sa mga Espanyol.

d)

Pareho itong nais nag awing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

29.

Paano nakatulong ang KKK sa kasaysayan ng ating bansa?

a)

Armado silang nakipaglaban sa mga Espanyol.

b)

Nais ng samahan na magkaroon ng ganap na kalayaan.

c)

Hinangad nila na wakasan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

d)

Lahat ng nabanggit

30.

Bakit naging mahalaga ang papel ng Kilusang Propaganda sa ating kasaysayan?

a)

Nakatulong ang samahan sa pagpapaalis sa mga Espanyol sa Pilipinas.

b)

Nakatulong ang samahan sa pagpapabuti ng ugnayan ng Pilipino-Espanyol.

c)

Nakatulong ang samahan sa pagpapalaganap sa mga aral na itinuturo ng mga Espanyol.

d)

Nakatulong ang samahan sa pagmulat ng mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol.

31.

Sino ang tinawag na Lakambini ng Katipunan?

a)

Gabriella Silang

b)

Trinidad Tecson

c)

Gregoria de Jesus

d)

Marina Dizon Santiago

32.

Si Melchora Aquino ay kilala din sa tawag na Tandang Sora. Paano siya nakatulong sa Katipunan?

a)

Pinangunahan niya ang mga gerilya

b)

Namuno siya sa labanan sa San Miguel, Bulacan

c)

Pinatuloy at ginamot ang sugatang Katipunero sa kanyang bahay

d)

Naging unang kasapi ng Katipunan at nangasiwa sa aspetong pinansyal ng Katipunan.

33.

Kung ikaw si Gregoria de Jesus, ano ang iyong naitulong sa samahan?

a)

Nanguna sa mga gerilya.

b)

Nagsilbing tagapayo ni Emilio Aguinaldo

c)

Nanguna sa gawaing pinansyal ng samahan.

d)

Nagtago ng mahalagang dokumento ng KKK

34.

Ano ang pagkakatulad nina Gabriela Silang at Trinidad Tecson?

a)

Sila ay naglingkod sa mga prayle.

b)

Sila ay namuno sa mga Katipunero.

c)

Sila ay lumaban sa mapayapang paraan.

d)

Sila ay naging tapat kay Gob. Hen. Rafael Izquierdo.

35.

Nakatulong ba ang mga kababaihan sa rebolusyon?

a)

Opo. May mga namuno sa labanan, nagsilbing espiya at manggagamot.

b)

Opo. Pinaglingkuran nila ang mga prayle at naging tapat sila sa mga Espanyol.

c)

Hindi po. Ang mga babae ay nasa bahay lamang at nag-aalaga ng kanilang mga anak.

d)

Hindi po. Nakatuon ang pansin ng mga babae sa pagdadasal at pag-aasikaso sa tahanan.

36.

Nakabuti ba ang pakikilahok ng mga kababaihan sa KKK?

a)

Opo. Nagkaroon ng dadgdag na pwersa ang mga Katipunero.

b)

Opo. Hindi pinaghihinalaan ng mga Espanyol ang mga kababaihan.

c)

Opo. Nakatulong sila sa panggagamot sa mga sugatang Katipunero.

d)

Lahat ng nabanggit.

37.

Bakit nabunyag ang lihim na samahan ng KKK?

a)

Dahil pabuyang ibibigay ng Espanyol.

b)

Dahil sa Katipunero na nagsiwalat sa prayle.

c)

Dahil sa nagkaaway-away ang mga Katipunero.

d)

Dahil sa paghahangad na makaganti sa kapwa

38.

Tukuyin ang dalawang pangkat ng mga Katipunero sa Cavite.

a)

Magdalo at Magdiwang

b)

Dimasalang at Plaridel

c)

Propaganda at Repormista

d)

La Solidaridad at Kalayaan

39.

Alin ang naglalarawan sa Kasunduan sa Biak na Bato?

a)

Nakipagkasundo si Aguinaldo sa mga Espanyol na itigil ang himagsikan kapalit ng P800 000.

b)

Nakipagkasundo ang mga Amerikano sa Hapon na isuko ang Pilipinas kapalit ng P20 000 000.

c)

Nakipagkasundo si Aguinaldo sa mga Amerikano na ipagpatuloy ang labanan kapalit ng P800 000.

d)

Nagkipagkasundo ang mga Espanyol sa Amerikano na isuko ang Pilipi

40.

Alin ang naglalarawan sa kumbensyon sa Tejeros?

a)

Isa itong pagpupulong upang pag-awayin ang Magdalo at Magdiwang.

b)

Isa itong pagpupulong upang pagkasunduin ang Magdalo at Magdiwang.

c)

Isa itong pagpupulong upang papiliin ang mga Katipunero sa Madalo o Magdiwang.

d)

Isa itong pagpupulong upang magkaroon ng sanduguan sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang.

41.

Bakit naging makasaysayan ang Sigaw ng Pugadlawin?

a)

Ito ang hudyat ng simula ng himagsikan.

b)

Ito ang hudyat ng pagdating ng mga Amerikano.

c)

Ito ang hudyat ng simula ng pananakop ng mga Hapones.

d)

Ito ang hudyat ng simula ng pagkakasundo ng Pilipino at Espanyol.

42.

Bakit ipinapatay si Andres Bonifacio?

a)

Upang hindi mahati ang mga maghihimagsik.

b)

Upang mapaunlad ang kalakalan sa Pilipinas

c)

Upang mabili ang pakikipagkasundo sa mga Espanyol.

d)

Upang makuha ang mga dokumento ng KKK na itinago ni Gregoria de Jesus.

43.

Aling pahayag ang tama tungkol sa pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas?

a)

Nais ng Amerika na palawakin ang kanilang teritoryo.

b)

Nais ng Amerika na gamitin ang likas na yaman ng Pilipinas.

c)

Nais ng Amerika na gumanti sa Espanyol dahil sa nangyari sa Cuba

d)

Lahat ng nabanggit.

44.

Paano nakaapekto sa mga Pilipino ang kawalan ng pagkakaisa?

a)

Nagdulot ito ng kaunlarang pambansa.

b)

Nagdulot ito ng pagpapalakas ng pwersang political sa rehiyon.

c)

Nagdulot ito ng pagkakahati-hati ng pwersa ng mga maghihimagsik

d)

Nagdulot ito ng pagpapalawak ng political empire sa Timog-silangang Asya.

45.

Saang bansa nagtungo si Emilio Aguinaldo matapos ang makipagkasundo sa mga Espanyol?

a)

Vietnam

b)

Indonesia

c)

Cambodia

d)

Hong Kong

46.

Bakit inutusan si Commodore George Dewey na padalhan ng telegrama si Emilio Aguinaldo?

a)

Upang himukin na ipagpatuloy ang laban sa mga Espanyol.

b)

Upang piliting isuko ang Pilipinas at pakikipaglaban sa mga Espanyol.

c)

Upang mamagitan sa pakikipagkasundo ng mga Amerikano, Espanyol at Pilipino.

d)

Upang pilitin ang Pilipinas na kumampi sa mga Espanyol at labanan ang bansang Japan.

47.

Kung ikaw si Apolinario Mabini, tututol ka din ba kay Emilio Aguinaldo na ideklara ang kalayan?

a)

Oo. Dahil hindi pa lubusang malaya ang Pilipinas.

b)

Oo. Dahil hindi pa bayad ang mga Espayol sa kasunduan.

c)

Oo. Dahil hindi pa nagkakaisa ang Magdalo at Magdiwang.

d)

Oo. Dahil hindi pa sapat ang pwersa ng mga Pilipino laban sa Espanyol.

48.

Bakit naging mahalaga sa mga Pilipino ang Hunyo 12, 1898?

a)

Ito ang deklarasyon ng Araw ng Kasarinlan

b)

Ito ang deklarasyon ng pananakop ng mga Espanyol.

c)

Ito ang deklarasyon ng Araw ng Kasunduan sa Paris.

d)

Ito ang deklarasyon ng pananakop ng mga Amerikano.

49.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?

a)

Natalo ng mga Espanyol ang mg Amerikano sa labanan sa Manila Bay.

b)

Bukal sa loob ng mga Amerikano na tulungan ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.

c)

Nang tumagal, lumabas din ang tunay na pakay ng mga Amerikano na sakupin ang Pilipinas.

d)

Nagkaroon ng sabwatan ang mga Pilipino at mga Espanyol upang labanan ang mga Amerikano.

50.

Bakit mahalagang magkaroon ng pagpapahalaga sa deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas?

a)

Upang matutunan ang kasaysayan ng ibang bansa.

b)

Upang ipagdiwang ang kalayaan at pagkakaisa ng mga Pilipino.

c)

Upang makilala ang mga sikat na tao sa Pilipinas.

d)

Upang maipakita ang mga kultura ng ibang lahi.