NEW
Font size
WorksheetsESP10 QUARTER REVIEWER
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Nabigyan ng pagkakataon na sumali sa isang organisasyon si Daniel na naglalayong magsagawa ng mga protestang laban sa mga polisiya ng gobyerno. Siya ay nag-aalala sa mga posibleng legal na komplikasyon at epekto sa kanyang relasyon sa pamilya. Ano ang pinakamainam na paraan upang ipakita ang tunay na gamit ng kalayaan sa kanyang desisyon?
Sumali sa organisasyon nang walang pag-iisip sa mga posibleng epekto at panganib, upang makiisa sa layunin ng grupo.
Tanggapin ang alok ng organisasyon at isantabi ang kanyang mga alalahanin upang makuha ang pansamantalang benepisyo ng pagiging bahagi ng grupo.
Iwasan ang sumali sa organisasyon upang hindi magdulot ng hidwaan sa kanyang pamilya at maiiwasan ang mga legal na komplikasyon, kahit na ito ay labag sa kanyang personal na paniniwala.
Maglaan ng oras upang pag-aralan ang mga epekto ng pagsali sa organisasyon sa kanyang buhay at pamilya, at makipag-usap sa kanyang pamilya tungkol sa kanyang desisyon bago gumawa ng pinal na desisyon.
Nahaharap sa isang pasiya si Mia kung tutulong siya sa isang proyekto ng kanyang mga kaibigan na tumutulong sa mga batang nangangailangan, o kung gagamitin ang kanyang oras para sa sariling proyekto na magbibigay sa kanya ng personal na kapakinabangan ngunit hindi makatutulong sa iba. Paano siya malayang pipili sa sitwasyong ito?
Pumili na maglaan ng oras sa sariling proyekto dahil ito ay makapagbibigay sa kanya ng personal na tagumpay at kasiyahan, kahit na hindi ito makatutulong sa iba.
Tumulong sa proyekto ng kanyang mga kaibigan upang ipakita ang kanyang kakayahan na tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod sa iba.
Maglaan ng oras para sa parehong proyekto, ngunit iwasan ang pagpapakita ng aktibong suporta sa alinman sa mga ito.
Iwasan ang anumang proyekto upang hindi maapektuhan ang kanyang oras at makapagpatuloy sa kanyang sarili.
Si Julian ay isang estudyanteng nabigyan ng pagkakataon na sumali sa isang prestihiyosong programa sa ibang bansa na makatutulong sa kanyang karera, ngunit nangangahulugan ito ng pagbitaw ng kanyang responsibilidad sa isang lokal na proyekto na tumutulong sa mga batang may kapansanan. Paano maipakikita ni Julian ang tunay na kalayaan sa kanyang pagpili?
Iwasan ang anumang desisyon upang mapanatili ang kasalukuyang sitwasyon at iwasan ang stress ng paggawa ng pasiya.
Sumali sa prestihiyosong programa sa ibang bansa upang makamit ang kanyang mga personal na layunin, kahit na nangangahulugan ito ng pag abandona sa lokal na proyekto na kanyang nasimulan.
Maglaan ng oras para sa parehong pagkakataon sa pamamagitan ng paghahanap ng paraan upang magtrabaho sa lokal na proyekto kahit na nasa ibang bansa, kahit na maaaring hindi ito maging epektibo o walang mangyari.
Ipagpatuloy ang oportunidad na natanggap bilang pagtupad sa pag-unlad ng sarili, at humanap ng mapagkakatiwalaang hahalili sa maiiwan na proyekto sa mga bata upang matiyak na sila ay matutulungan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan.
Mayroong alok na binigay kay Shad na maging bahagi ng isang kasapi ng grupo na nagtataguyod ng environmental conservation, ngunit nangangailangan ito ng pag-aalay ng kanyang oras na dati nang inilaan para sa personal na interes. Sa kabila ng alok, iniisip niyang maaaring magdulot ito ng pag-abala sa kanyang mga personal na plano. Ano ang pinakaangkop na hakbang na maaaring gawin ni Shad?Ano ang pinakaangkop na hakbang na maaaring gawin ni Shad?
Maglaan ng oras para sa environmental group kapag may pagkakataon at iwasan ang pakikialam sa kanyang mga personal na plano.
Iwasan ang alok ng environmental group upang mapanatili ang kanyang mga personal na plano at interes, kahit na hindi siya makatutulong sa layunin ng grupo.
Timbangin ang mas mahalaga sa pagitan ng mga personal na plano nito ngunit tungo sa sariling pag-unlad at pakikilahok sa gawaing pangkalikasan tungo sa pagsalba sa nagbabagong panahon.
Gawing limitado ang oras na ilalaan sa magiging gawaing pangkalikasan at patuloy na gawin ang kanyang mga personal na plano sa natitirang oras bilang pagbibigay oras sa personal na pag-unlad tungo sa pagiging ganap.
Nais ni Carla na makamit ang pinakamataas na posisyon sa kanyang kumpanya, ngunit masasakripisyo nito ang kanyang nakasanayang gawaing pangkomunidad, tulad ng pagtuturo sa mga batang nasa lansangan. Paano isasagawa ni Carla ang sukdulang responsibilidad gamit ang kalayaan?Paano isasagawa ni Carla ang sukdulang responsibilidad gamit ang kalayaan?
Magdesisyon si Carla na ipagpatuloy ang pagtuturo at itigil ang kanyang ambisyon para sa pinakamataas na posisyon sa kumpanya, kahit na ito ay magpapababa sa kanyang karera.
Magpasiya si Carla na isaalang-alang ang posibilidad ng remote work o flexible hours para makasabay sa kanyang mga responsibilidad sa parehong karera at pagtuturo sa mga batang lansangan.
Piliin ni Carla na pagtuunan ang kanyang karera at iwan ang pagtuturo, ngunit maglaan ng oras para sa isang part-time na pagbibigay-tulong sa mga batang lansangan sa tuwing may pagkakataon.
Iwan ni Carla ang kanyang gawaing pangkomunidad upang makamit ang mataas na posisyon, ngunit tutulong siya sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga fund-raising events para sa mga batang lansangan.
Sina Daniel at Marco ay parehong binibigyan ng buwanang allowance ng kanilang mga magulang. Napansin ni Daniel na mahirap ang sitwasyon ng kanilang pamilya, kaya't nagdesisyon siyang ipunin ang bahagi ng kanyang allowance para makatulong sa mga gastusin. Samantalang si Marco naman ay ginagamit ang kanyang allowance para bumili ng mga bagong gamit para sa sarili. Ano ang pangunahing pagkakaiba sa kilos ng dalawa kaugnay ng kanilang responsibilidad bilang miyembro ng pamilya?
Si Daniel ay nag-iingat sa pera, samantalang si Marco ay walang pakialam sa kanilang pamilya.
Si Daniel ay nag-iimpok para sa kanyang kinabukasan, samantalang si Marco ay nagsasayang lamang ng pera.
Si Daniel ay nagkukusa na tumulong sa pamilya, samantalang si Marco ay naghihintay na utusan bago gumawa ng aksyon.
Si Daniel ay nagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa kanyang pamilya, samantalang si Marco ay mas inuuna ang sariling interes.
Si Karen ay napansin na ang kanyang mga kapatid ay madalas na nag-aaway dahil sa mga simpleng bagay, tulad ng paggamit ng laruan at paglilinis ng kwarto. Bilang isang nakatatandang kapatid, nais ni Karen na magpakita ng pagmamahal at tulungan ang mga nakababata niyang kapatid na maging mas responsable. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat gawin ni Karen upang mas epektibong matulungan ang kanyang mga kapatid?
1.Ipaliwanag sa mga kapatid ang kahalagahan ng pagbibigayan at responsibilidad.
2.Magtakda ng mga simpleng tuntunin sa bahay para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
3.Magbigay ng halimbawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin na itinakda.
4.Hikayatin ang mga kapatid na mag-usap at magpatawad kapag may hindi pagkakaunawaan.
a. 1-3-2-4
b. 2-1-4-3
c. 1-2-3-4
d. 3-2-1-4
Si Bea ay madalas na tumutulong sa kanilang tahanan, ngunit napansin ng kanyang mga magulang na ginagawa niya ito nang may reklamo at hindi bukal sa kanyang kalooban. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang mga reklamo, palagi pa rin siyang nakatutulong sa mga gawaing-bahay. Ano ang maaaring maging konklusyon tungkol sa kilos ni Bea?
Si Bea ay hindi dapat pilitin na tumulong sa mga gawaing-bahay kung hindi niya ito nais.
Si Bea ay nagpapakita ng responsibilidad kahit na hindi siya lubos na masaya sa kanyang ginagawa.
Si Bea ay tumutulong lamang dahil napipilitan siyang gawin ito at hindi dahil sa tunay na pagmamahal.
Si Bea ay tumutulong lamang upang mapansin ng kanyang mga magulang at makatanggap ng papuri.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na paliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao?
Ang dignidad ng tao ay ang kakayahang magpasya para sa sarili at hindi umasa sa iba.
Ang dignidad ng tao ay ang kakayahan ng bawat isa na magtagumpay sa anumang larangan ng buhay.
Ang dignidad ng tao ay ang karapatan ng bawat isa na maipakita ang kanilang sariling kakayahan at talento.
Ang dignidad ng tao ay ang likas na kahalagahan at pagpapahalaga sa bawat isa, anuman ang kanyang estado sa buhay o nagawa.
Nasaksihan ni Jairus ang isang insidente kung saan ipinahiya ng isang grupo ng kabataan ang kanilang kaklase dahil sa kanyang kahirapan. Siya ay may malalim na pag-unawa sa kahulugan ng dignidad ng tao. Ano ang posibleng aksyon na gagawin ni Jairus batay sa kanyang pagkakaunawa sa dignidad ng tao?
Hahayaan na lamang ni Jairus ang pangyayari at aalis upang maiwasang madamay.
Sasabihan ni Jairus ang kanyang kaklase na huwag na lang pansinin ang mga nang-iinsulto.
Lalapitan ni Jairus ang grupo at papayuhan silang igalang ang kanilang kaklase dahil sa dignidad ng bawat tao.
Mananatiling tahimik si Jairus upang hindi mapansin ng grupo at maipagpatuloy ang kanyang ginagawa at hindi mapahamak.
Palaging nagbibigay ng pantay na pagtrato sa kanyang mga kaklase si Miguel, anuman ang kanilang estado sa buhay. Isang araw, may bagong estudyante na pumasok sa kanilang klase na tahimik at tila nahihiya makihalubilo dahil sa kanyang pananamit. Sa kabila ng pangungutya ng ilan niyang kaklase, nilapitan ni Miguel ang bagong estudyante, ipinakilala sa kanyang mga kaibigan, at inimbitahan siyang sumali sa kanilang grupo. Batay sa kilos ni Miguel, anong antas ng pag-unawa sa dignidad ng tao ang naipakikita niya?
Pagpapakita ng simpatiya sa mga taong mababa ang tingin sa sarili.
Pagsunod sa utos ng guro na maging mabait sa mga bagong estudyante.
Pagpapakita ng pakikisama upang mapanatili ang magandang samahan sa klase.
Pagkilala na ang bawat tao ay may pantay-pantay na halaga, anuman ang kanilang katayuan sa buhay.
May isang pag-aaral na nagpapakita na ang mga indigenous communities sa isang lugar ay madalas na hindi nabibigyan ng pantay na oportunidad sa edukasyon at kalusugan. Ang mga magulang ng mga bata sa komunidad na ito ay nagtatrabaho sa mababang sahod at hindi makapagbigay ng sapat na pangangalaga sa kanilang mga anak dahil sa kakulangan sa pangangailangan. Bakit maaaring masabi na ang kakulangan sa oportunidad sa edukasyon at kalusugan dahil sa kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga indigenous groups?
a.Ang pagkakaroon ng mababang sahod ay nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga miyembro ng komunidad.
b.Ang kakulangan sa oportunidad ay nagpapakita ng kawalang-interes ng gobyerno sa komunidad, ngunit hindi direktang nakaaapekto sa dignidad ng mga tao.
c. Ang pagkakaroon ng hindi sapat na edukasyon at kalusugan ay nagpapakita ng kakulangan ng mga tao sa komunidad, na maaaring magdulot ng diskriminasyon.
d.Ang pagkakaroon ng hindi sapat na oportunidad ay nagreresulta sa pagbaba ng kalidad ng buhay at paglabag sa kanilang karapatang makakuha ng pantay na oportunidad.
Ang isang organisasyon ay nagsagawa ng isang pag-aaral na nagpapakita ng epekto ng kahirapan ng mga indigenous groups. Napag-alaman nila na ang kakulangan sa access sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan, kasama ng hindi pagkakaroon ng sapat na tirahan at pagkain, ay nagdudulot ng mababang kalidad ng buhay at kakulangan ng oportunidad sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paraan upang maipakita ang pagtugon batay sa resulta ng kanilang pag-aaral?
a.Magsagawa ng kampanya sa social media upang ipakita ang kaguluhan na dulot ng kahirapan sa mga rural na komunidad.
b. Mag-organisa ng mga protestang nakatuon sa pagpapakita ng mga problemang dulot ng kahirapan sa mga urban na lugar.
c.Magpatupad ng mga programa na nagbibigay ng access sa edukasyon at kalusugan sa mga mahihirap at indigenous groups upang mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.b. Magdaos ng mga workshop sa mga komunidad upang mapalakas ang kanilang kasanayan sa pamamahala ng kanilang mga yaman.
d. Magpatupad ng mga programa na nagbibigay ng access sa edukasyon at kalusugan sa mga mahihirap at indigenous groups upang mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.
Sa ilalim ng konteksto ng paggalang sa dignidad ng mga katutubong grupo, aling sitwasyon ang pangunahing lumalabag sa kanilang dignidad?
a.Pagbibigay ng mga libreng edukasyon sa mga katutubong kabataan sa mga paaralan na may modernong pasilidad
b.Pag-imbita sa mga lider ng katutubong komunidad upang maging bahagi ng mga desisyon sa mga lokal na proyekto
c.Pagkakaloob ng pondo para sa mga proyekto na sumusuporta sa pagpapalago ng kanilang tradisyonal na sining at kultura
d. Pagpapakilala ng mga produkto at serbisyo na naglalaman ng mga simbolo at disenyo ng kanilang kultura nang walang pahintulot
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI umaayon sa prinsipyo ng dignidad ng tao bilang pagkakawangis sa Diyos?
a.Pagpapasakop ng isang tao sa desisyon ng iba nang walang pag-consulta sa kanyang sariling opinyon at damdamin
b. Pagpapahintulot sa isang indibidwal na gumawa ng sariling desisyon ukol sa kanyang personal na buhay at kinabukasan
c.Pagbibigay ng oportunidad sa isang tao na ipahayag ang kanyang mga opinyon at pananaw sa isang bukas na talakayan
d.Pagkilala sa mga karapatan ng bawat tao upang makapagbigay ng kanilang mga ideya at pananaw sa mga isyung nakaaapekto sa kanila
Paano dapat ipakita ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao bilang pagkabukod tangi sa isang sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay hindi nakikilala ang kanyang personal na kontribusyon sa lipunan?
a.Pagpili ng mga tao para sa mga posisyon batay sa popularidad at hindi sa kanilang mga natatanging kakayahan
b.Pag-alis sa kanyang mga karapatan at pagtingin sa kanya bilang hindi mahalaga dahil sa kakulangan sa pagkilala
c.Pagpapababa ng kanyang kontribusyon at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa ibang mga tao na walang kakayahan
d.Pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang kakayahan tungo sa pagtupad ng kanyang ganapan bilang tao
Ano ang nararapat na hakbang upang tiyakin na ang bawat indibidwal ay nasusuri at nakikita bilang may dignidad?
a.Pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat ng tao, ngunit walang konsiderasyon sa kanilang mga personal na kakayahan o pangangailangan
b.Pagkilala sa bawat isa bilang natatangi at pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magpahayag ng kanilang mga opinyon at desisyon
c.Pagiging mababa ang tingin sa halaga ng opinyon ng mga tao na hindi umaayon sa pangunahing pananaw ng mga nakararami
d.Pagpapatuloy ng mga desisyon na walang konsultasyon sa mga indibidwal na apektado
Ano ang pinakamahusay na hakbang na maaari mong gawin upang maipakita sa isang tao na mababa ang tingin sa sarili na siya ay may halaga at dignidad?
a.Bigyan siya ng isang magarbong regalo na makikita niyang materyal na simbolo ng pagpapahalaga.
b.Makipag-usap sa kanya nang may paggalang at suporta, pagbibigay ng positibong papuri at pagpapakita ng tunay na interes sa kanya.
c.Ihambing siya sa ibang tao na ayon sa iyo ay mas matagumpay upang ipakita sa kanya kung ano ang kanyang puwedeng maging kahihinatnan
d.Iwasan ang pakikipag-ugnayan sa kanya kung hindi mo alam kung paano siya tutulungan, upang hindi ka makadagdag sa mga suliranin na kinakaharap.
Sa loob ng klase ay may isa kang kamag-aral na iba ang relihiyon. Napansin mo na hindi ito sumasabay sa tuwing kayo ay nagdadasal bago magsimula ang klase dahil nakabatay sa relihiyon ng nakararami ang ginagamit na panalangin. Kinabukasan ay ikaw ang naatasan na manguna sa pagdarasal. Paano ka bubuo ng sariling hakbang ng may pagsasaalang-alang sa dignidad nito?
a.Humanap ng panalangin para sa lahat ng relihiyon at bigyan ng paalala ang lahat na respetuhin ang paniniwala ng iba
b.Manatili sa nakasanayang panalangin dahil karamihan naman ng nasa loob ng silid-aralan aymagkakatulad ng paniniwala
c.Ipaunawa sa kamag-aral na iba ang relihiyon na hindi naman intensyon na hindi bigyang galang ang kanyang paniniwala kung kaya’t sumabay na lang siya
d.Kausapin ito ng masinsinan na lumipat na lang ng relihiyon upang hindi makaranas ng diskriminasyon at makasabay sa mga tradisyon na nakasanayan sa loob ng paaralan
Ano ang tamang pag-uugali upang ipakita sa isang kaklase na may mababang self-esteem na siya ay karapat-dapat ng respeto at pagpapahalaga?
a.Palaging ipakita ang pagmamataas sa harap ng iba kapag nagkakamali siya upang ipakita kung ano ang kanyang mga pagkukulang.
b.Pagsabihan siya ng mga negatibong puna upang mapagtanto niya ang kanyang mga pagkukulang at magbago.
c.Maglaan ng oras para makinig at magbigay ng suporta sa kanya, at ipakita ang mga positibo sa kanyang pagkatao.
d. Pabayaan siyang mag-isa at maghintay na siya ang lumapit sa iyo kapag siya ay handa nang magbago.
Napagdesisyunan ni Sigma na hindi makilahok sa isang aktibidad ng kanyang grupo dahil hindi siya komportable sa direksyon ng kanilang gawa. Ano ang tamang paraan upang ipakita ang tunay na gamit ng kalayaan sa kanyang desisyon?
a.Ipahayag ang kanyang mga alalahanin sa grupo nang may respeto, at makipag-usap sa kanila kung paano ayusin ang proyekto upang mas maging komportable sa kanyang bahagi.
b.Iwasan ang aktibidad nang walang pagbibigay ng paliwanag at magpatuloy na lamang sa kanyang sariling gawain.
c.Ibigay ang kanyang opinyon sa grupo at sabihin ito sa guro upang magpatuloy na hindi sumali sa aktibidad.
d.Sumali sa aktibidad kahit na hindi niya ito gusto upang hindi magmukhang hindi interesado sa grupo.
Ano ang tinataglay ng isang tao?
a.Panlabas na Pandama, Panloob na Pandama, Isip at Kilos-loob
b.Panlabas na Pandama, Isip at Kilos-loob
c.Panloob na Pandama, Isip at Kilos-loob
d. Isip at Kilos-loob
Ano ang HINDI tamang paliwanag sa pagbuod o pagkuha ng esensiya ng mga bagay na umiiral bilang mataas na gamit ng isip?
a.Pagsusuri ng kalikasan ng mga bagay upang tuklasin kung ano ang tunay na mahalaga o kung ano ang pinakadiwa ng isang bagay
b.Tumutukoy sa proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng isang bagay, ideya, o sitwasyon
c.Pagbibigay ng pansin sa mga pinakamahalagang bahagi ng isang bagay o sitwasyon
d.Ito ay may direktang ugnayan sa realidad upang makaalam ng katotohanan
Sa isang pagtatalo ng iyong mga kaibigan, nagkakaroon ng hidwaan dahil sa hindi pagkakaintindihan. Paano mo magagamit ang mataas na gamit ng isip at kilos loob upang mapayapa ang sitwasyon?
a.Magbigay ng solusyon na pabor sa iyong pinakamatandang kaibigan upang mapanatili ang pagkakaisa, kahit na hindi ito ang pinaka-makatarungan para sa lahat ng partido basto ito ang tatapos ng pagtatalo ng magkaibang panig.
b.Makinig sa bawat panig ng pagtatalo, suriin ang kanilang mga opinyon at emosyon, at gamitin ang iyong pagsusuri upang imungkahi ang isang solusyon na nagtataguyod ng pagkakaintindihan at paggalang sa lahat ng panig.
c.Piliin na huwag makialam sa pagtatalo upang iwasan ang pag-aaway at maghintay na ang mga kaibigan mo ang magsalita ng solusyon sa kanilang sarili.
d.Gumamit ng mga argumento upang ipakita na ikaw ang tama at kailangan sundin ang iyong opinyon, kahit na ito ay magdudulot ng higit pang tensyon sa pagitan ng mga kaibigan.
Palaging problemado sa pagpapasiya si Sophia na may kinalaman sa kanyang academic performance, tulad ng pagpili niya kung anong strand sa SHS ang nais niya. Ano ang maaaring mga sanhi ng kanyang suliranin sa pagpapasiya?
a.Kakulangan sa pananaliksik at pagsusuri sa bawat strand sa SHS, na nagreresulta sa kakulangan sa impormasyon.
b.Pagkakaroon ng hindi tiyak na layunin at pangarap sa hinaharap, na nagiging sanhi ng pag-aalinlangan sa pagpili ng strand sa SHS na posibleng hindi maging akma sa kanyang pangmatagalang plano.
c.Kakulangan sa kumpiyansa sa sarili na nagiging sanhi ng takot na magkamali sa pagpili ng strand sa SHS, kahit na may sapat na impormasyon, na nagpapahirap sa kanya na gawin ang desisyon.
d.Kakulangan ng suporta at payo mula sa mga guro at magulang na magbibigay ng tiyak na gabay at impormasyon tungkol sa mga posible at angkop na strand sa kanya para sa SHS na magagamit niya sa kurso sa kolehiyo.
