wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEWER IN ESP 9 QUARTERLY EXAM

Total questions: 31

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang dapat isaalang-alang ng gobyerno sa pagbuo ng mga polisiya?

a)

Interes ng mga dayuhan

b)

Interes ng mga mamamayan

c)

Kapakanan ng mga pribadong sektor

d)

Kapakanan ng mga negosyante

2.

Ang layunin ng sukatang pang-ekonomiya ay makita kung pantay-pantay ang pagkakahati ng yaman sa lipunan.

a)
TAMA
b)

MALI

3.

Ang pamahalaan ay walang ginagampanang papel sa proteksyon ng mga karapatan at kalusugan ng mga manggagawa.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Ang buwis ay kinokolekta ng gobyerno upang pondohan ang mga serbisyong publiko tulad ng paaralan at ospital.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Ang kawalan ng trabaho ay hindi nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Ang espiritwalidad ay tungkol lamang sa relihiyon at walang kinalaman sa personal na layunin sa buhay.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Ang mga institusyong pang-ekonomiya ay nagtatakda ng mga patakaran sa kung paano kikita ang mga tao.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang mga mamimili ay hinihikayat na tangkilikin ang lokal na produkto sa pamamagitan ng kampanyang 'Buy Filipino.'

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Ang produksyon, distribusyon, at paggamit ng mga produkto at serbisyo ay walang epekto sa ekonomiya.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang Corporate Social Responsibility (CSR) ay tungkulin ng mga negosyo na pangalagaan ang kapaligiran, komunidad, at mga empleyado.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Tumutukoy sa mga bagay na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan, layunin, at koneksyon sa buhay ng tao, karaniwan sa konteksto ng pananampalataya o relihiyon.

a)

PANGANGAILANGANG ESPIRITWAL

b)

PANGANGAILANGANG MATERYAL

12.

Mga pisikal na pangangailangan o ari-arian na kinakailangan ng tao upang mabuhay nang komportable, tulad ng pagkain, tirahan, at damit.

a)

PANGANGAILANGANG ESPIRITWAL

b)

PANGANGAILANGANG MATERYAL

13.

Ang sistema ng produksyon, distribusyon, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa o lugar.

a)

EKONOMIYA

b)

KANULARANG PANG-EKONOMIYA

c)

PROSESONG PANG-EKONOMIYA

14.

Isang agham panlipunan na nag-aaral kung paano pinamamahalaan ng mga tao at lipunan ang mga limitadong pinagkukunan upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan.

a)

EKONOMIYA

b)

ECONOMICS

c)

ARALING PANLIPUNAN

15.

Tumutukoy sa pag-unlad ng isang ekonomiya sa pamamagitan ng pagtaas ng yaman, kabuhayan, at kalidad ng pamumuhay ng mga tao.

a)

KAUNLARANG-PANG-EKONOMIYA

b)

SUKATANG PANG-EKONOMIYA

c)

KATARUNGANG PANG-EKONOMIYA

16.

Isang organisasyon o sistema na may kapangyarihang mamahala at magpatupad ng batas sa isang bansa o komunidad.

a)

PAARALAN

b)

PAMAHALAAN

c)

OSPITAL

17.

Isang ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas na naglalayong magbigay ng mga teknikal at bokasyonal na pagsasanay upang mapabuti ang kasanayan ng manggagawang Pilipino.

a)

BSP

b)

TESDA

c)

FDA

18.

Ang responsibilidad ng mga korporasyon na isaalang-alang ang kanilang epekto sa lipunan at kapaligiran sa pamamagitan ng makataong pagkilos at makatarungang negosyo.

a)

CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY

b)

MAXIMIZING SHAREHOLDER PROFIT

c)

IGNORING ENVIRONMENTAL AND SOCIAL ISSUES

19.

Ang kabayaran na natatanggap ng isang manggagawa bilang kapalit ng kanyang trabaho o serbisyo.

a)
BUWIS
b)

SUWELDO

20.

Mga taong bumibili o gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.

a)

MANGGAGAWA

b)

MAMIMILI

c)

NEGOSYANTE

21.

Isang kampanya o kilusan na hinihikayat ang mga mamamayan na bilhin ang mga produktong gawa sa Pilipinas upang suportahan ang lokal na industriya.

a)

BUY FILIPINO

b)

SUPPORT LOCAL

22.

Prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa mga pagkakataon at pamamahagi ng yaman, karapatan, at mga benepisyo batay sa pangangailangan ng bawat isa.

a)

EQUALITY

b)

EQUITY

c)

ECONOMICS

23.

Pagbibigay ng parehong karapatan, pagkakataon, at benepisyo sa lahat ng tao, anuman ang kanilang estado, lahi, kasarian, o relihiyon.

a)

EQUALITY

b)

EQUITY

c)

ECONOMICS

24.

Tumutukoy sa mga hakbang na ginagawa ng isang bansa o komunidad upang mapaunlad ang kanilang ekonomiya, kabilang ang produksyon, distribusyon, at pagkonsumo.

a)

PROSESONG PANG-EKONOMIYA

b)

KAUNLARANG PANG-EKONOMIYA

c)

SUKATANG PANG-EKONOMIYA

25.

Isang uri ng sapilitang kontribusyon na kinokolekta ng pamahalaan mula sa mga mamamayan at negosyo upang tustusan ang mga serbisyo at proyekto ng gobyerno.

(a)  

26.

Ang kilalang Griyegong pilosopo na nagsabi na ang tao ay isang panlipunang nilalang.

(a)  

27.

Ito ay komunidad o pangkat ng mga tao na nagkakasama sa isang lugar at nagbabahagi ng kultura, may iisang tradisyon, institusyon, at sama-samang mga gawain at interes.

(a)  

28.

Ito ang tumutukoy sa buong proseso ng pagkakaroon ng kultura.

(a)  

29.

Ito ay bansag sa salitang Ingles na nagsasabing likas sa mga tao ang pakikipag-ugnayan.

(a)  

30.

Siya ang nagsabi ng pahayag na: "Ang sarili ay isang bagay na umuunlad; hindi ito ganito nang tayo ay isinilang kundi bunga ng proseso ng ating mga karanasan at gawain sa lipunan.

(a)  

31.

Isang organisadong grupo ng mga tao na may magkakatulad na kultura, batas, tradisyon, at pagpapahalaga, at nakikipag-ugnayan sa isa't isa upang matugunan ang kanilang pangangailangan at layunin.

(a)