wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 DIAGNOSTIC TEST VALUES EDUC 7

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tradisyunal na uri ng pamilya, madalas ay naroon ang ama at in ana gumagabay at nagtuturo ng mabuting asal at pagpapahalaga.

a)

Blended na pamilya

b)

Joint na pamilya

c)

Nukleyar na pamilya

d)

Pinalawak (Extended) na pamilya

2.

Ito ay pinalawak na nukleyar na pamilya, maaaring matuto ang anak sa mga pinsan, tito at tita at kasama ang pamilya.

a)

Blended na pamilya

b)

Joint na pamilya

c)

Nukleyar na pamilya

d)

Pinalawak (Extended) na pamilya

3.

Ito ay binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng pamilya mula sa lolo’t lola, mga magulang, anak at apo sa tuhod.

a)

Blended na pamilya

b)

Joint na pamilya

c)

Nukleyar na pamilya

d)

Pinalawak (Extended) na pamilya

4.

Si Rita ay nag-iisang anak, kaya’t todo suporta ang ipinararanas ng kaniyang magulang sa kaniya, anong pagpapahalaga ang maaaring matutunan ni Rita?

a)

pag-iingat

b)

pagkalinga

c)

pagmamalasakit

d)

pagmamahal at suporta

5.

Kapag nagsasalita si Mang Darwin, ang mga anak niya ay masusing nakikinig sa mga pangaral na sinasabi niya. Ang pagpapahalagang maaring mapulot ay ang

a)

pagiging magalang

b)

mapagmalasakit

c)

masunurin

d)

mabait

6.

Nakita ni Rose ang mga batang namamalimos , nagdesisyon siyang bigyan niya ng pagkain ang mga bata, anong mabuting asal ang taglay ni Rose?

a)

maaasahan

b)

mapagbigay

c)

masunurin

d)

maalalahanin

7.

Si Botchoy, bunsong anak ay likas na maharot sa tuwing binibigyan siya ng mga laruan ng kaniyang magulang, mababanaag mo sa kaniyang mukha ang kasiyahan, anong pagpapahalaga ang ipinapahiwatig nito?

a)

mapagbigay

b)

maalalahanin

c)

mapagpasalamat

d)

matiisin

8.

“Ang pamilya ay may mahalagang ugnayan sa lipunan dahil ito ang pundasyon nito at patuloy nitong pinapangalagaan sa pamamagitan ng papel nito sa paglilingkod sa sangkatauhan” ang pahayag na ito ay nagmula kay

a)

John Paul II

b)

Dr. Manuel Dy Jr.

c)

Thorndike

d)

Esther Esteban

9.

Ano kaya ang mangyayari kung ang mga bata ay namumuhay mag-isa gaya ng puno?

a)

walang matututunang pagpapahalaga

b)

mapapabuti ang bata

c)

magkakaroon ng magandang buhay

d)

magiging pag-asa ng bayan

10.

Miyembro ng pamilya na may tungkuling disiplinahin ang anak at nagbibigay proteksyon sa pamilya.

a)

Ina

b)

Ama

c)

Ate

d)

Kuya

11.

Miyembro ng pamilya na may tungkuling alagaan ang mga anak, gumagawa ng gawaing bahay at nagbabadyet ng gastusin sa bahay

a)

Ina

b)

Ama

c)

Ate

d)

Kuya

12.

Tungkulin niyang tulungan ang ina sa gawaing bahay at nag-aalaga sa kapatid, sino siya?

a)

Ina

b)

Ama

c)

Ate

d)

Kuya

13.

Isang mahalagang yunit sa ating lipunan at paaralan kung saan natututo ng mga aral at halaga na magbubukas ng landas ng kinabukasan.

a)

Paaralan

b)

Pamilya

c)

Pamahalaan

d)

Simbahan

14.

Pananagutan o responsibilidad na dapat gampanan ng isang tao

a)

Kautusan

b)

Pagpapahalaga

c)

Pananampalataya

d)

Tungkulin

15.

Bilang isang anak, paano mo masasabing isa kang responsableng anak?

a)

Ginagampanan ang gawain sa bahay nang buong puso

b)

Ginagampanan ang gawain sa bahay nang may kapalit

c)

Ginagampanan ang gawain sa bahay kung gusto lamang

d)

Ginagampanan ang gawain sa bahay kapag may nakakakita

16.

Si Allan ay nasa ikapitong taon ng hayskul. Sa tuwing dumarating siya ng bahay galing eskwela ay hindi na niya nagagawa ang kaniyang gawain sa bahay dahil sa paglalaro ng basketball. Tama ba ang ginawa ni Allan?

a)

Tama, dahil gusto niyang magrelaks muna.

b)

Tama, dahil napagod na siya sa mga gawaing pampaaralan.

c)

Mali, dahil may tungkulin siya sa bahay na nararapat niyang tapusin bilang kasapi ng pamilya.

d)

Mali, dahil hindi naman niya responsibilidad ang paggawa ng mga gawaing bahay.

17.

Bilang haligi ng tahanan, paano mo mapapatunayan at mapaninindigan ang pagiging responsableng ama?

a)

Tutulungan ang kabiyak sa mga gawaing bahay

b)

Itataguyod ang pamilya dahil ito lamang ang kaniyang responsibilidad.

c)

Pangaralan ang mga anak.

d)

Uuwi ng gabi na susuray-suray dahil sa kalasingan

18.

Narito ang mga hakbang na nagpapakita ng masayang pamilya, alin sa mga inilahad ang hindi kabilang?

a)

Nagtutulungan sa mga gawaing bahay.

b)

Nagdadarasal nang sabay-sabay.

c)

May paggalang sa bawat kasapi ng pamilya.

d)

Hindi magkasundo sa lahat ng bagay.

19.

Ang itinuturing bilang likas na institusyon ng pagmamahalan at pundasyon ng Lipunan ay tinatawag na :

a)

Pamayanan

b)

Paaralan

c)

Pamilya

d)

Simbahan

20.

Isang lipunan o samahan na itinatag para sa isang relihiyon, edukasyon, panlipunan o mga katulad na layunin

a)

Institusyon

b)

Pangkat

c)

Organisasyon

d)

Asosasyon

21.

Maaari itong tumukoy sa isang matibay na bagay na umaalalay para hindi mawasak ang kabuoan ng isang bagay,gusali, bahay at iba pa, ito ay tinatawag na:

a)

haligi

b)

institusyon

c)

lugar

d)

pundasyon

22.

Ayon kay Pierangelo Alejo(2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo dahil sa pagpapakasal ng isang babae at lalaki bunga ng kanilang pagmamahalan, ang pahayag na ito ay:

a)

Tama, dahil ito ang nagpapatibay ng isang pamilya.

b)

Tama, dahil sila ay iisa na sa harap ng Diyos at tao.

c)

Mali, dahil walang forever sa isang samahan.

d)

Mali, dahil mag-aaway din naman sila.

23.

Ayon sa dalawang arsobispo na sina Luis Cardinal Tagle at Socrates Villegas, ang pangunahing hamon na kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan ay _______.

a)

apat

b)

lima

c)

anim

d)

pito

24.

Ang paghubog ng isang palayok ng luwad ay maihahambing sa pagpapalaki ng mga bata sa maraming paraan. Ito ay maaring kumatawan sa mga sumusunod maliban sa isa:

a)

potensyal ng bata

b)

kailangan din ng pasensya at pangangalaga sa bata

c)

proseso ng pagpapalaki ng bata

d)

pabayaan ang bata

25.

Ang mga salita ng pagpapatibay ay daan sa pagpapahayag ng pagmamahal kabilang dito ay ang mga sumusunod maliban sa isa:

a)

pagbigkas ng mga salitang nakasisiya

b)

pagsang-ayon sa mabuting nagawa

c)

pagbibigay ng papuri sa nagawang kabutihan

d)

pagsasabi ng mga masasakit na salita

26.

Bilang isang anak, paano mo maipadarama ang pagmamahal mo sa iyong magulang?

a)

pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon lamang

b)

pagpapabaya sa pag-aaral

c)

pagsunod sa kanilang mga utos

d)

pagdadabog kapag inuutusan

27.

Nakita mo ang iyong ina na abala sa mga gawaing bahay, bilang isang anak paano mo maipakikita ng iyong pagiging mabuting anak?

a)

Tutulungan ko ang aking ina sa gawaing

b)

Tatawagin ko ang aking ate at sabihing tulungan niya ang aking ina

c)

Hahayaan ko ang aking ina sa kaniyang ginagawa

d)

Aalis ng bahay at pupunta sa barkada

28.

Tumutukoy sa isang tradisyong Pilipino na unti-unti na naglalaho dahil sa mga pagbabago sa pamilya.

a)

Pananampalataya

b)

Pananalangin

c)

Pagdarasal

d)

Pagtitiwala

29.

Ang _______ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang matulungan ang iyong pamilya na umunlad.

a)

Pananampalataya

b)

Pananalangin

c)

Pagdarasal

d)

Pagtitiwala

30.

Ayon sa kanyang isinulat na aklat, ang paglikha sa tao ay resulta ng kagustuhan ng Diyos na magkaroon ng pamilya.

a)

Dr. Manuel Dy

b)

Sto.Tomas de Aquino

c)

Dr. Myles Munroe

d)

Sto.Tomas Aquinas

31.

Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. (Exodo 20:12).” Ano ang nais iparating ng teksto?

a)

Kahalagahan ng presensiya

b)

Pagmamahalan

c)

Paggalang sa magulang

d)

Tamang pagtuturo sa mga anak

32.

Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagka't ang pag-ibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan: (1 Pedro 4:8)." Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

a)

Kahalagahan ng presensiya

b)

Pagmamahalan

c)

Paggalang sa magulang

d)

Tamang pagtuturo sa mga anak

33.

May mga pagkakataon na hindi sumasama sa pampamilyang pananalangin si Mario dahil sa kadahilanang marami itong kailangang tapusing takda at aktibidad sa paaralan. Kung ikaw si Mario, ano ang marapat mong gawin?

a)

a. Kakausapin ang magulang at ipaliliwanag sa kanila ang dahilan ng hindi ko pagsama palagi sa pananalangin.

b)

b. Sasabihin ko sa aking magulang na bukod na lamang ako mananalangin kapag natapos ko na ang aking mga gawain.

c)

c. Hahayaan ko na lamang ang aking pamilya dahil mas may kailangan pa akong intindihin.

d)

d. Pipilitin kong maglaan ng oras upang makasama at makasabay sa pampamilyang pananalangin dahil ito ay tunay na mahalaga.

34.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan patungkol sa kahalagahan ng Sama-samang Pananalangin ng Pamilya?

a)

Ito ay nagsisilbing daan upang makapasok sa presensiya at kalooban ng Diyos.

b)

Pinapatibay nito ang integridad at pananampalataya ng pamilya.

c)

Pinaghuhusay nito ang katatagan ng pag-ibig at komunikasyon ng pamilya.

d)

Lahat ng nabanggit

35.

Maagang umuuwi mula sa paaralan ang magkapatid na May at Jun, gayundin ang kanilang mga magulang dahil ika-7 ng gabi ang itinakdang oras ng kanilang pananalangin bilang isang pamilya. Sa iyong palagay tama ba ang ganitong gawi?

a)

Tama, dahil binibigyan nila ng pagpapahalaga ang sama-samang pananalangin.

b)

Tama, dahil iginagalang nila ang itinakdang-oras at ang kanilang pamilya.

c)

Mali, dahil ipinapakita nito ang kawalang ng paggalang sa oras ng iba lalo na kung may importante itong ginagawa.

d)

Mali, dahil ito ay kanilang ginagawa lamang upang makatupad sa itinakdang gawi.

36.

Ang ____________ ay ang personal na pamantayang moral ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang tama at mali sa kasalukuyang pagkakataon.

a)

isip

b)

puso

c)

konsensya

d)

katawan

37.

Ang salitang konsensya ay mula sa salitang Latin na cum at scientia na nangangahulugang _______.

a)

with heart

b)

with knowledge

c)

with mind

d)

with feelings

38.

Batas na nagbibigay sa tao ng kakayahan sa tao na makilala ang mabuti at masama.

a)

batas ng paaralan

b)

batas ng tao

c)

batas ng bansa

d)

likas na batas moral

39.

Sobra ang sukli na natanggap ni Stella nang bumili siya ng pagkain sa canteen. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Stella?

a)

tamang konsensya

b)

pekeng konsensya

c)

maling konsenya

d)

tunay na konsenya

40.

Ang mga sumusunod ay mga tamang kaisipan tungol sa konsensya maliban sa:

a)

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay may taglay na konsensya.

b)

Tumutulong ang konsensya na suriin ang isang kilos bago ito isagawa (antecedent).

c)

Sinusuri ng konsensya ang isang kilos habang ito ay isinasagawa (concomitant)

d)

Hinuhusgahan ng konsensya ang isang desisyon pagkatapos itong isagawa (consequent).

41.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapairal ng maling konsensya?

a)

Si Hannah na hinusgahan ang mali bilang mali.

b)

Si Robert na walang kakayahan humusga.

c)

Si Twinkle na hinuhusgahan ang mali bilang tama.

d)

Si Sean na hinuhusgahan ang tama bilang tama.

42.

“Maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang kilos.” Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil sa kamangmangan at kawalan ng kaalaman sa isang bagay.

b)

Mali, perpekto ang konsensya at hindi kailanman nagkakamali.

c)

Parehas na tama ang pahayag A at B.

d)

Parehas na mali ang pahayag A at B.

43.

Paano mo huhubugin ang iyong konsensya upang gawin at pillin ang mabuti at tama?

a)

sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga birtud

b)

pagkakaroon ng social support at modelong moral

c)

makabuluhang edukasyon na may kasamang mga aral sa etika

d)

lahat ng mga naunang pagpipilian ay tama

44.

Ano ang simpleng paraan upang bawasan ang paggamit ng plastic sa bahay?

a)

Gumamit ng reusable bags

b)

Bumili ng bottled water

c)

Gumamit ng disposable plates

d)

Wala sa nabanggit

45.

Ano ang maaaring gawin ng pamilya tuwing Linggo upang makatulong sa kalikasan?

a)

Manood ng TV

b)

Magtanim ng mga puno

c)

Maglaro sa computer

d)

Wala sa nabanggit

46.

Ano ang pangunahing dahilan para mag-recycle?

a)

Upang magmukhang maganda

b)

Upang mabawasan ang basura

c)

Upang magkaroon ng extra money

d)

Lahat ng nabanggit

47.

Paano makakatulong ang mga bata sa pagtuturo ng tamang pag-aalaga sa kalikasan?

a)

Pagsasagawa ng mga proyekto sa paaralan

b)

Pagsunod sa mga magulang

c)

Paglalaro sa labas

d)

Lahat ng nabanggit

48.

Aling uri ng enerhiya ang mas mabuti para sa kalikasan?

a)

Fossil fuels

b)

Renewable energy

c)

Nuclear energy

d)

Coal

49.

Ano ang maaaring gawin ng pamilya upang makatipid ng kuryente?

a)

Pagsisindi ng ilaw kapag walang tao

b)

Paggamit ng LED bulbs

c)

Pag-iwan ng mga appliances na nakasaksak

d)

Wala sa nabanggit

50.

Paano makakatulong ang lokal na komunidad sa pagpapalaganap ng mga sustainable practices?

a)

Pagsasagawa ng community clean-up drives

b)

Pagtuturo sa mga tao tungkol sa climate change

c)

Pag-organisa ng mga workshops

d)

Lahat ng nabanggit

51.

Anong mga hakbang ang dapat isagawa ng mga pamilya upang makatulong sa mitigasyon ng climate change?

a)

Pagtatayo ng renewable energy sources

b)

Pagbabawas ng meat consumption

c)

Pagtuturo sa mga kaibigan

d)

Lahat ng nabanggit

52.

Paano nakakaapekto ang urbanization sa pagbabago ng klima?

a)

Nagdudulot ng mas maraming green spaces

b)

Nagpapalawak ng natural habitats

c)

Nagiging sanhi ng mas mataas na carbon emissions

d)

Wala sa nabanggit

53.

Ang makasaysayang araw na ito ang naging hudyat ng pagbabalik ng Kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador.

a)

Araw ng Rebolusyong Edsa

b)

Araw ng Kagitingan

c)

Araw ng Manggagawa

d)

Araw ng Kalayaan

54.

Ang pagdiriwang ay paggunita sa isang kuwento ng mga bayani na nagtangkang labanan ang mga puwersa ng karahasan at ipakita ang kagitingan.

a)

Araw ng Rebulosyong Edsa

b)

Araw ng Kagitingan

c)

Araw ng Manggagawa

d)

Araw ng Kalayaan

55.

Ang mga sumusunod ay mga paraan na angpapakita ng pagmamahal sa ating bayan maliban sa isa.

a)

Pagbibigay galang sa watawat o bandila ng bansa

b)

Pagmamalaki sa lahing Pilipino sa la loob at labas man ng bansa

c)

Pagsunod sa bawat batas na ipinatutupad ng pamahalaan

d)

Pagtangkilik sa mga produktong banyaga

56.

Anong pagpapahalaga ang isinasabuhay ng pamilya kapag ito ay nakikisangkot sa mga pambansang pagidiriwang?

a)

Patriotismo

b)

Nasyonalismo

c)

Kaugalian

d)

Tradisyon

57.

Kung ang bawat pamilya ng isang Lipunan ay walang pagkakaisa ano ang magiging epekto nito sa Lipunan?

a)

Mabagal ang pag-unlad

b)

Walang pag-unlad sa sarili

c)

Magiging maunlad ang pamayan

d)

Makabubuo ng matiwasay na pagsasama

58.

Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapamalas ng isang pamilyang makabubuo ng mapagmahal na Lipunan?

a)

Pagmamalupit sa mga kapus-palad

b)

Pambubuska sa mga pulubi sa halip na tumulong

c)

Pagbubulag-bulagan sa nakitang hinablutan ng bag

d)

Pagiging aktibo sa asosasyong naglalayon ng pangangalaga sa kalikasan

59.

Sinabi ni Ben sa kaibigang si Jose na ipinagbili niya ang kanyang boto sa halagang dalawang daang piso kaya napagsabihan niya ito na huwag ipagpalit sa anumang halaga ang dignidad bilang tao. Anong pananagutan ang ipinamalas ni Jose sa sitwasyon?

a)

gampaning panlipunan

b)

gamapaning panghalalan

c)

gampaning pampolitikal

d)

gampaning pampolitikal at panlipunan

60.

Alin sa mga tungkulin ang kailangang gampanan ng isang pamilya bilang bahagi ng lipunan?

a)

tungkuling bigyan ng kasiyahan ang bawat kasapi ng lipunan

b)

tungkuling makiisa sa mga rally na isinasagawa laban sa gobyerno

c)

tungkuling magbigay ng sampung porsyento (10%) sa kaniyang kinikita

d)

tungkuling panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan