Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit 1

Total questions: 10

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

1. Ano ang pangunahing kontribusyon ng mga Austronesyano sa sinaunang Kabihasnang Pilipino?

a)

A. Paggamit ng alpabeto sa panitikan

b)

B. Pagkakaroon ng sistema ng edukasyon

c)

C. Pagpapakilala ng mga kasanayan sa pangingisda at pagsasaka

d)

D. Pagtuturo ng sistema ng paghahabi

2.

2. Sa anong okasyon kadalasang binibigkas o inaawit ang panitikan ng sinaunang Pilipino?

a)

A. Paglilinis ng tahanan

b)

B. Pagsasaka

c)

C. Pagtitipon at Ritwal

d)

D. Pangingisda

3.

3. Bakit hindi naisatitik ang mga panitikan ng sinaunang Pilipino?

a)

A. Dahil ang sistema ng panitikan noon ay nakatuon sa pagbigkas at hindi sa pagsulat.

b)

B. Dahil mas pinahahalagahan ng mga Pilipino ang tradisyon ng pasalin-dila.

c)

C. Dahil nagsusulat lamang ang mga Pilipino sa tuwing magpapadala ng liham o mensahe.

d)

D. Lahat ng nabanggit

4.

4. Ano ang naging epekto ng hindi paggamit ng alpabeto ng sinaunang Pilipino sa pagsusulat ng panitikan?

a)

A. Hindi naipasa sa ibang henerasyon ang mga akdang pampanitikan.

b)

B. Hindi naisalin ang mga kuwentong-bayan sa ibang rehiyon.

c)

C. Nabawasan ang halaga ng pasalitang panitikan.

d)

D. Naging limitado ang bilang ng mga naisulat na akda.

5.

5. Bakit mahalaga ang imprenta sa pagsulong ng panitikang Pilipino?

a)

A. Dahil naipasa at nailathala ang mga akda sa mas malawak na mambabasa.

b)

B. Dahil naituro nito ang alpabeto ng mga Austronesyano.

c)

C. Dahil napabilis nito ang pagsalin ng kuwentong-bayan sa iba’t ibang wika.

d)

D. Dahil napadali nito ang pagsusulat ng mga liham at dokumento.

6.

6. Paano naiiba ang patula sa prosa bilang anyo ng panitikan?

a)

A. Ang patula ay gumagamit ng sukat at tugma habang ang prosa ay hindi.

b)

B. Ang patula ay laging pasalaysay habang ang prosa ay liriko.

c)

C. Ang prosa ay kinakanta habang ang patula ay isinasalaysay.

d)

D. Ang prosa ay kathang-isip habang ang patula ay totoong pangyayari.

7.

7. Ano ang tawag sa mga salaysay ng kathang-isip na tauhan na kumakatawan sa pag-uugali ng mga mamamayan sa isang lipunan?

a)

A. Dula

b)

B. Kuwentong-bayan

c)

C. Nobela 

d)

D. Talambuhay     

8.

8.    Anong paraan ng pagkukuwento ang pangunahing ginagawa ng ating mga ninuno para ipahayag ang naiisip, nadarama, at iba pa?

a)

A. Palarawan

b)

B. Pasalindila

c)

C. Pasulat

d)

D. Pagte-text

9.

9. Paano madalas isunusulat ang mga kuwentong-bayan?

a)

A. Pabaliktad

b)

B. Palimbag

c)

C. Patula

d)

D. Tuluyan

10.

10. Ano-ano ang madalas na tampok sa mga kuwentong-bayan ng isang pook o lugar?

a)

A. Awit at sayaw

b)

B. Kaugalian at tradisyon

c)

C. Relihiyon at ritwal

d)

D. Wika at panitikan