WorksheetsEdukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ano ang kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko?
Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.
Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang maaaring gawin upang makagawa ng compost?
Gumamit ng lumang timba na may takip.
Gumamit ng baso.
Gumamit ng papel na karton.
Gumamit ng tissue paper.
Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga pakinabang ng Fermented Fruit Juice o FFJ maliban sa isa. Alin dito?
Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (K) para sa pagpapalaki ng bunga.
Ang Fermented Fruit Juice o FFJ ay nagbibigay ng karagdagang resistensiya sa tanim laban sa insekto.
Ang lupa at mga tanim ay pinatataba ng Fermented Fruit Juice o FFJ.
Pinapaiksi ng Fermented Fruit Juice o FFJ ang buhay ng mga pananim.
Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang unang dapat gawin?
Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, bulok na prutas, gulay, tira-tirang pagkain at iba pang nabubulok na mga bagay.
Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anong pantakip.
Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang sa umabot ito ng 12 pulgada o 30 sentemetro ang taas.
Bago gamiting pataba sa halaman ang mga nabulok na bagay tulad ng dahon, gulay, prutas, tirang pagkain at dumi ng hayop ay kailangang palipasin muna ang ____________.
Dalawang araw
Dalawang linggo
Dalawang oras
Dalawang buwan
Upang maging pataba ang mga basura, ito ay pinabubulok muna sa isang lalagyan tulad ng compost pit. Ano ang tawag sa paraang ito?
composting
basket making
intercropping
double digging
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasaad ng kahalagahan sa paggamit ng abonong organiko?
Ang paggamit ng abonong organiko ay nakapagbibigay ng sapat na ani at nakatutulong sa pagpapalago ng mga pananim.
Dumarami ang mga insekto sa halamanan kung nilalagyan ng abonong organiko ang lupa.
Ano ang basket composting?
Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan tulad ng lumang drum o balde.
Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
Wala sa nabanggit.
Isa sa mga halimbawa ng abonong organiko ay tinatawag na Fermented Fruit Juice o FFJ. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan dito?
Ito ay mula sa pinaghalong muscovado sugar o kalamay at hinog na mga prutas na hindi maasim.
Ito ay mula sa mga nabubulok na dahon, tirang pagkain at dumi ng mga hayop.
Ito ay mula sa pinaghalong paminta, asin at isda.
Lahat ng nabanggit.
Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng dahon, balat ng gulay, prutas at mga tirang pagkain?
Pagpapausok ng basura.
Pagkakalat ng basura.
Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan.
Paglilinis ng basura.
Upang mapanatili ang iyong kaligtasan dapat na gumamit ng ___________ habang gumagawa ng abonong organiko.
sabón
payong
Personal Protective Equipment o PPE
manipis na kasuotan
Mas mainam na gumamit ng _____________ habang gumagawa ng abonong organiko sa ilalim ng init ng araw.
payong
sombrero
kapote
sarong
Sa paggawa ng hukay para gagamitin sa paggawa ng abonong organiko, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod, maliban sa _____________.
lugar na tuyo
lugar na patag
lugar na malayo-layo sa bahay
lugar na palaging dinadaanan ng mga tao
Ang mga sumusunod ang pagsasama-samahin upang makabuo ng abonong organiko maliban sa __________.
natuyong dahon
nabubulok na prutas at gulay
nabubulok na pagkain, at iba pang nabubulok na bagay
maliliit na bato
Kailan dapat diligan ang ginawang abonong organiko?
oras-oras
araw-araw
linggo-linggo
buwan-buwan
