wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Quiz 2

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Kaukulan ng pangngalang na kung saan ang pangngalan ay bahagi ng panaguri.

a)

Kaganapang Pansimuno

b)

Palayon

c)

Palagyo

d)

Paari

2.

Ano ang gamit ng nakasalungguhit na pangngalan sa pangungusap na ito:

Keith, pumasok ka na sa silid-aralan.

a)

Simuno

b)

Pamuno

c)

Kaganapang Pansimuno

d)

Panawag

3.

Alin sa mga pangngalan ang ginamit bilang pamuno?

Jason, pinapapunta ka ni Gng. Reyes, ang iyong gurong taga-payo, sa Faculty Room.

a)

Faculty Room

b)

Jason

c)

Gng. Reyes

d)

Gurong taga-payo

4.

Alin sa mga pangungusap ang gumagamit ng pangngalang pamuno?

a)

Loreen, ikaw ay pupunta sa France.

b)

Si Loreen ay pupunta sa France.

c)

Si Loreen, isa sa mga magagaling na mag-aaral, ay sasali sa patimpalak sa France.

d)

Si Loreen ay isang magaling na mag-aaral.

5.

Ano ang gamit ng pangngalang nakasalungguhit?

Ang mga pagkain na ito ay para sa mga pamilyang nasunugan ng bahay.

a)

Tuwirang Layon

b)

Tagaganap ng pandiwang nasa tinig ng balintiyak

c)

Pamuno

d)

Layon ng Pang-Ukol

6.

Alin-alin sa mga ito ang may pangngalang paari?

a)

Pumunta ka sa tindahan ni Aling Pacita.

b)

Si Rita ay nagluto ng dinuguan.

c)

Si Myra ay isang maaasahang kaibigan.

d)

Si Bella ay nanay ni Cassandra.

7.

Ano ang gamit ng nakasalungguhit na pangngalan:

Si Marlon ay nagsindi ng paputok para sa Bagong Taon.

a)

Kaganapang Pansimuno

b)

Tuwirang Layon

c)

Layon ng Pang-Ukol

d)

Tagaganap ng Pandiwang Nasa Tinig na Balintiyak

8.

Ano ang balintiyak?

a)

isang anyo o paraan sa wikang Filipino kung saan ang diin o pokus ay nasa simuno

b)

isang anyo o paraan sa wikang Filipino kung saan ang diin o pokus ay nasa tagatanggap o epekto ng kilos

9.

Ano ang gamit ng nakasalungguhit na pangngalan:

Si Ed ang nagdala ng pagkain.

a)

Kaganapang Pansimuno

b)

Simuno

c)

Pamuno

d)

Panawag

10.

Ano ang gamit ng nakasalungguhit na pangngalan:

Pumunta sina Elias at Salome sa parke.

a)

Panawag

b)

Tuwirang Layon

c)

Pamuno

d)

Paari

11.

Ito ang panauhan ng panghalip panao na kung saan ang panghalip ay tumutukoy sa taong kausap ng nagsasalita.

a)

Dalawahan

b)

Ikatlo

c)

Una

d)

Ikalawa

12.

Ang isahan, dalawahan, at maramihan ay tumutukoy sa _______ ng panghalip panao.

a)

Kailanan

b)

Panauhan

c)

Antas

d)

Gamit

13.

Anu-anong mga panghalip na panao ang ginagamit bilang isahan sa unang panauhan?

a)

Siya, niya, kanya

b)

Kata

c)

Tayo, atin, namin, kami, amin, natin

d)

Ako, ko, akin

14.

Piliin ang naaangkop na panghalip na kukumpleto sa pangungusap:

Cyrus, pakisabi kay Andrea na ____ ang nakatoka na maglaba ngayon.

a)

niya

b)
ka
c)
siya
d)
kami
15.

Ano ang kaukulan ng panghalip na nakasalungguhit:

Sila ang tumatakbo bilang opisyal ng student council.

a)

Simuno

b)

Paari

c)

Paukol

d)

Palayon

16.

Ito ay pamalit sa pangngalan sa paraang patanong.

a)

Panghalip na Panaklaw

b)

Panghalip na Pananong

c)

Panghalip na Paari

d)

Panghalip na Panao

17.

Ang panghalip pananong na ano ay kumakatawan sa...

a)

Halaga

b)

Pinipili

c)

Tao

d)

Bagay/Pangyayari

18.

Anong panghalip pananong ang ipapalit sa pangngalang nakasalungguhit?

Sina Kriselle at Natalia ang magdadala ng mga dekorasyon para bukas.

a)

Kanino

b)

Ano-ano

c)

Sino-sino

d)

Sino

19.

Anong panghalip pananong ang ipapalit sa pangngalang nakasalungguhit?

Kailangang magbayad ng dalawang-daang piso para sa biyahe.

a)

Gaa-gaano

b)

Alin

c)

Ilan

d)

Magkano

20.

_________ sa mga sangkap ang hindi kailangan sa lulutuin mo?

a)

Ano

b)

Magkano

c)

Gaano

d)

Sino