Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 7 5th 2025 2nd

Total questions: 21

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na imperium. Ano ang ibig sabihin ng imperium?

a)

mag-utos o “to command”

b)

pananahan sa isang lugar

c)

tuwirang pananakop

d)

di-tuwirang pananakop

2.

Ang salitang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonia. Ano ang ibig sabihin ng colonia?

a)

pananahan sa isang lugar

b)

mag-utos o “to command”

c)

tuwirang pananakop

d)

di-tuwirang pananakop

3.

Ano ang tawag sa mga bansang nagpataw ng kanilang kultura, wika, at iba pang aspekto ng pamumuhay sa nasakop na teritoryo?

a)

kolonyalista

b)

kolonya

c)

teritoryo

d)

estado

4.

Aling sitwasyon ang gumagamit ng misyong panrelihiyon bilang katwiran sa pangongolonya?

a)

pagpapataw ng pananampalataya upang talikuran ng mga katutubo ang animismo

b)

pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya sa sinakop na lugar

c)

paniningil ng buwis at taripa sa lahat ng iniluluwas na produktong pangkalakalan

d)

pagtuturo ng wikang dayuhan upang mabura ang katutubong wika at tradisyon

5.

Sa ilalim ng mga Espanyol, ang Pilipinas ay pinamunuan ng isang gobernador-heneral mula sa Espanya. Anong tawag sa pamamaraang ipinatupad ng mga Espanyol?

a)

tuwirang kolonyalismo

b)

di-tuwirang kolonyalismo

c)

imperyalismo

d)

lokal na pamamahala

6.

Sa ilalim ng Estados Unidos, naranasan ng Pilipinas na magkaroon ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Pilipino ngunit sumusunod naman sa mga batas at atas ng Estados Unidos. Anong tawag sa pamamaraang ipinatupad sa sitwasyong ito?

a)

di-tuwirang kolonyalismo

b)

tuwirang kolonyalismo

c)

diktadurya

d)

lokal na pamamahala

7.

May nabasa kang artikulo sa internet na nagsasabing kinakailangang sakupin ang mga mamamayang “barbaro” upang turuan silang mamuhay nang sibilisado. Alin sa sumusunod na mga kaisipan ang pinakamalapit na maiuugnay rito?

a)

white man’s burden

b)

pang-ekonomiyang interes

c)

misyong panrelihiyon

d)

di-tuwirang kolonyalismo

8.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng pag-aaral at pagsusuri sa kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya?

a)

upang mapahalagahan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa ibang mga bansa

b)

upang magkaroon ng kritikal na pag-iisip sa pagharap sa kasalukuyang mga isyung pambansa at pandaigdig

c)

upang matukoy ang katutubong kultura at tradisyong nabago o nawala

d)

upang maipagmalaki ang paglaban ng ating mga ninuno para sa ating kalayaan at pagkakakilanlan

9.

Ano ang pangunahin kaibahan ng kolonyalismo sa imperyalismo?

a)

Ang kolonyalismo ay may pormal na okupasyon at tuwirang pag-aari sa teritoryo. Sa imperyalismo, naisasagawa ang pagkontrol kahit walang okupasyon.

b)

Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonia, habang ang imperyalismo ay nagmula sa salitang Romano na imperium.

c)

Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa kontrol sa kultura, ekonomiya, at politika ng isang teritoryo. Sa imperyalismo, tanging ang kultura lamang ang kinokontrol.

d)

Ang kolonyalismo ay may kaugnayan sa pag-aari ng dayuhan sa mga lupain ng ibang bansa. Sa imperyalismo, ang pagmamay-ari lamang ay ang mga gusali at impraestruktura.

10.

Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na paglalarawan sa tuwirang kolonyalismo?

a)

Ito ang direktang kontrol at pamamahala sa ekonomiya, politika, at kultura ng sinakop na teritoryo.

b)

Ito ang pag-aari at kontrol sa sinakop na teritoryo sa pamamagitan ng mga lokal na pinuno, estruktura, at institusyon.

c)

Ito ang kontrol sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng sinakop na teritoryo nang walang aktuwal na okupasyon.

d)

Ito ang paghahati-hati at pag-aagawan ng makakapangyarihang bansa sa mga teritoryo sa mundo.

11.

Ang salitang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonia na nangangahulugang __________.

a)
kolonya
b)

“pananahan sa

isang pook” o

“settlement”

c)

imperyo

d)

komunidad

12.

Ang __________ ay tumutukoy sa tuwirang kontrol o pag-aari ng isang bansa sa isa pang bansa o teritoryo

a)

imperyalismo

b)

republika

c)

militarismo

d)

kolonyalismo

13.

Ang __________ ay maaaring maganap nang walang aktuwal na pagsakop, ngunit may kontrol sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng isa pang bansa.

a)

imperyalismo

b)

republika

c)

militarismo

d)

kolonyalismo

14.

Ang salitang imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na imperium na nangangahulugang __________.

a)

mag-utos

b)

makiusap

c)

magsalita

d)

makinig

15.

Sa konteksto ng Pilipinas, ang pananakop ng mga __________ mula 1565 hanggang 1898 ay isang halimbawa ng kolonyalismo.

a)
Amerikano
b)
Espanyol
c)
Briton
d)
Hapones
16.

Ang __________ ay uri ng pananakop kung saan hinahayaan ang mga lokal na pinuno na magpatuloy sa kanilang pamumuno basta’t sumusunod sila sa ipinag-uutos ng kolonyal na kapangyarihan

a)

tuwirang kolonyalismo

b)

tuwirang imperyalismo

c)

di-tuwirang imperyalismo

d)

di-tuwirang kolonyalismo

17.

Ang __________ ay uri ng pananakop kung saan naglalagay ang kolonyal na kapangyarihan ng kanilang mga opisyal sa lokal na pamahalaan.

a)

tuwirang kolonyalismo

b)

tuwirang imperyalismo

c)

di-tuwirang imperyalismo

d)

di-tuwirang kolonyalismo

18.

Ang ideolohiyang __________ ay ang kaisipang may “sagradong tungkulin” ang mga Kanluranin na gawing sibilisado ang “mas mabababang lahi.”

a)

white man's burden

b)

white man's dream

c)

white man's challenge

d)

white man's trial

19.

Ang pang-ekonomiyang interes sa likod ng kolonyalismo at imperyalismo ay ang pagkontrol sa maraming teritoryo na pinagkukunan ng __________ at ginagawang merkado ng mga produkto.

a)
mga produkto
b)
mga serbisyo
c)
mga kalakal
d)

hilaw na materyales

20.

Ang pangunahing pinagkaiba ng kolonyalismo at imperyalismo ay ang __________ ng pagkontrol sa isang bansa o teritoryo.

a)
pagsasakop
b)

pamamaraan

c)
pagsasama
d)
pagsasalin
21.
  • paghahati-hati at pag-aagawan ng makakapangyarihang bansa upang buuin ang kanilang saklaw ng impluwensiya o sphere of influence

a)
Imperyalismo
b)
Sosyo-ekonomiya
c)
Kolonyalismo
d)
Diktadura