NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Pakikipagkapwa
Total questions: 25
Worksheet time: 25mins
Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?
Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.
Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa _________.
kakayahan ng taong umunawa
pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
pagtulong at pakikiramay sa kapwa
Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
hanapbuhay
libangan
pagtutulungan
kultura
Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng paghahanapbuhay?
Panlipunan
Pangkabuhayan
Politikal
Intelektwal
Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.
kusa at pananagutan
sipag at tiyaga
talino at kakayahan
tungkulin at karapatan
Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
kakayahan nilang makiramdam
kanilang pagtanaw ng utang na loob
kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa?
“Bakit ba nahuli ka na naman?”
“Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
“Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
“Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo titik ng pinakatamang sagot.
Paano makamit ng tao ang kaniyang kaganapan?
sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa pangangailangan ng sariling pamilya.
sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa.
sa pamamagitan ng pagiging mausisa sa mga pangyayari sa barangay
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming kakilala
Ano ang isinasaad sa Golden Rule?
Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo
Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili
Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mong ring pakitunguhan ka.
lahat ng nabanggit
Bawat bagay na materyal ay may katumbas na ___________ .
halaga
dignidad
pagmamahal
trabaho
Ang paglilingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda kang ibahagi ang sarili sa iba, ay pagpapakita ng anong mga pagpapahalaga?
pagpapakumbaba at pagtulong
pagpapasalamat at pagmalasakit
pagmamalasakit at pagmamahal
pagkamalikhain at pagmamahal
Sa anong Parabula pinapakita na kung sino ang ating kapwa at kung paano tayo dapat makitungo sa ating kapwa?
Parabula ng Banga
Parabula ng Mabuting Samaritano
Parabula ng Sampung Dalaga
Parabula ng Nawawalang Anak
Ano-anong mga birtud ang kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa?
katarungan at pagmamahal
pagmalasakit at pagmamahal
pagtulong at pagpapasalamat
pagkamalikhain at pagpapakumbaba
Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay may katumbas na ______
kasamaaan
kagandahan
mabuti
kaayusan
Ang matugunan ang pangangailangan ng kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat sa kanya ang paggalang ng kaniyang ____________.
yaman
dignidad
sitwasyon
pangangailangan
Isa sa mga kalakasan natin bilang Pilipino ay ang pakikipagkapwa. Paano natin naipapamalas ito?
pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
pagiging matulungin at pakikiramay
pagpapakita ng bayanihan
lahat ng nabanggit
Nakasalalay ang tagumpay natin sa pakikipag-ugnayan sa kapwa sa ating kakayahang ibahagi ang ating sarili sa pamamagitan ng ____________
paglilingkod sa kapwa
paglilingkod sa pamilya
pagsunod sa utos ng nakatatanda
pagtupad sa mga hinahabilin ng pamilya
Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa pakikipagkaibigan maliban sa:
Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa
Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan
Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit anghalaga kaysa sa isang ordinaryong kakilala lamang
Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
pagpapayaman ng pagkatao
simpleng ugnayang interpersonal
pagpapaunlad ng mga kakayahan
pagpapabuti ng personalidad
Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa:
Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili
Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba
Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon
Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin
Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang pinapasukan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maalalahanin ni Zeny. Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ang iskor ni Zeny sa kanilang pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay pumupuri sa magagandang gawaing naipamalas ni Cely, sa ibang kaklase sumasama ang huli. Nasasaktan si Cely pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.
Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Zeny?
Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya
Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kaniya
Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal / ugali ng kaibigan
