wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz tungkol sa Ekspedisyon ng mga Espanyol

Total questions: 85

Worksheet time: 55mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang nagpatunay na maaaring marating ang Asya sa pakanlurang ruta?

a)

Ferdinand Magellan

b)

Alvaro de Saavedra

c)

Sebastian Cabot

d)

Ruy Lopez de Villalobos

2.

Ano ang layunin ng unang tatlong ekspedisyon?

a)

Makarating sa Moluccas

b)

Maghanap ng bagong ruta

c)

Makakuha ng ginto

d)

Makipagkaibigan sa mga katutubo

3.

Ano ang pangalan ng ekspedisyong pinangunahan ni Garcia Jofre de Loaisa?

a)

Ekspedisyong Villalobos

b)

Ekspedisyong Legazpi

c)

Ekspedisyong Loaisa

d)

Ekspedisyong Cabot

4.

Ano ang pinangalan ni Ruy Lopez de Villalobos sa bansa?

a)

Las Islas Filipinas

b)

Islas de la Luz

c)

Islas de la Reina

d)

Islas de San Lazaro

5.

Sino ang naging kauna-unahang gobernador general ng Espanya sa Pilipinas?

a)

Ruy Lopez de Villalobos

b)

Sebastian Cabot

c)

Miguel Lopez de Legazpi

d)

Ferdinand Magellan

6.

Ano ang pangalan ng panahanan ng mga Espanyol sa Cebu?

a)

Intramuros

b)

Villa de Santisimo de Jesus

c)

Villa de San Juan

d)

Villa de la Paz

7.

Anong taon matagumpay na naitatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang pamahalaang kolonyal sa Pilipinas?

a)

1580

b)

1560

c)

1565

d)

1571

8.

Ano ang nangyari kay Alvaro de Saavedra sa kanyang ekspedisyon?

a)

Nadakip ng mga Portuguese

b)

Namatay sa bagyo

c)

Naging kaibigan ng mga katutubo

d)

Nakarating sa Moluccas

9.

Sino ang pinuno ng Bohol na nakipagsanduguan kay Legazpi?

a)

Rajah Sikatuna

b)

Rajah Humabon

c)

Rajah Sulayman

d)

Rajah Matanda

10.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagbabalik ng ekspedisyong Villalobos sa Espanya?

a)

Nadakip ng mga Portuguese

b)

Kakulangan ng pagkain

c)

Nawala ang barko

d)

Namatay ang kapitan

11.

Ano ang naging epekto ng pakikipaglaban ng mga katutubo sa mga Espanyol?

a)

Naging kaibigan sila

b)

Nawalan ng mga yaman

c)

Napilitan silang magbayad ng buwis

d)

Naging malaya sila

12.

Ano ang pangunahing ambag ni Ferdinand Magellan sa larangan ng paglalayag?

a)

Napatunayan na bilog ang mundo

b)

Nakarating sa Moluccas

c)

Nagtayo ng Intramuros

d)

Naging gobernador general

13.

Sino ang nagpadala ng huling ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi?

a)

Haring Felipe II

b)

Ferdinand Magellan

c)

Rajah Sikatuna

d)

Sebastian Cabot

14.

Ano ang naging sentro ng pamahalaan sa Pilipinas na itinayo ni Legazpi?

a)

Cebu

b)

Bohol

c)

Intramuros

d)

Manila

15.

Ano ang pangunahing layunin ng ekspedisyong Loaisa?

a)

Maghanap ng ginto

b)

Makipagkalakalan sa mga katutubo

c)

Maghanap ng bagong ruta patungong Asya

d)

Magtatag ng kolonya sa Pilipinas

16.

Sino ang nagbigay ng pangalan sa mga pulo ng Pilipinas?

a)

Ferdinand Magellan

b)

Ruy Lopez de Villalobos

c)

Miguel Lopez de Legazpi

d)

Alvaro de Saavedra

17.

Ano ang naging pangunahing kalakal ng mga Espanyol sa kanilang pagdating sa Pilipinas?

a)

Asukal

b)

Ginto

c)

Spices

d)

Silk

18.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagdating ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas?

a)

Maghanap ng ginto

b)

Maghanap ng bagong ruta patungong Asya

c)

Makipagkalakalan

d)

Magtaguyod ng relihiyon

19.

Sino ang nagtatag ng unang misyon ng mga Espanyol sa Pilipinas?

a)

Ferdinand Magellan

b)

Miguel Lopez de Legazpi

c)

Ruy Lopez de Villalobos

d)

Alvaro de Saavedra

20.

Suriing mabuti kung Tama o Mali. Kung Mali, piliin ang nararapat na kapalit ng salitang nakasalungguhit:

Si Pigafetta ang namumuno sa huling ekspedisyong ipinadala sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Legazpi

c)

Magellan

d)

Villalobos

21.

Tama o Mali: Ang Mexico ang bansang kolonya ng Espanya na naatasang mamahala sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Tama o Mali: Ang gobernador heneral ang siyang namumuno sa pamahalaang sentral sa kolonya.

a)

Tama

b)

Gobernadorcillo

c)

Hari ng Espanya

d)

Alcalde Mayor

23.

Suriing mabuti kung Tama o Mali. Kung Mali, piliin ang nararapat na kapalit ng salitang nakasalungguhit: Ang gobernadorcillo ay tagasiyasat at taga-ulat sa hari ng Espanya tungkol sa gawain ng gobernador heneral.

a)

Tama

b)

residencia

c)

visitador

d)

inquilino

24.

Suriing mabuti kung Tama o Mali. Kung Mali, piliin ang nararapat na kapalit ng salitang nakasalungguhit:

Si Datu Puti ng Cebu ay nakipagtunggali kay Miguel Lopez De Legazpi.

a)

Tama

b)

Rajah Tupas

c)

Lakan Dula

d)

Magat Salamat

25.

Suriing mabuti kung Tama o Mali. Kung Mali, piliin ang nararapat na kapalit ng salitang nakasalungguhit:

Si Miguel Lopez de Lagazpi ang kasama ni Juan De Salcedo na nanguna sa unang pagsakop sa Maynila noong 1570

a)

Tama

b)

Martin De Goiti

c)

Ferdinand Magellan

d)

Francisco De Sande

26.

Suriing mabuti kung Tama o Mali. Kung Mali, piliin ang nararapat na kapalit ng salitang nakasalungguhit:

Si Lakan Dula ang tinuturing na hari ng Tondo noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Rajah Matanda

c)

Rajah Sulayman

d)

Magat Salamat

27.

Suriing mabuti kung Tama o Mali. Kung Mali, piliin ang nararapat na kapalit ng salitang nakasalungguhit:

Reduccion ang sistema ng mga Espanyol kung saan ang mga katutubo ay pinalilipat mula sa malalayong lugar tungo sa mga komunidad upang manirahan nang sama-sama.

a)

Tama

b)

Polo Y Servicio

c)

Divide et Impera

d)

Conquista

28.

Suriing mabuti kung Tama o Mali. Kung Mali, piliin ang nararapat na kapalit ng salitang nakasalungguhit:

Mestizo ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubo.

a)

Tama

b)

Indio

c)

Insulares

d)

Principalia

29.

TAMA O MALI:

Masayang tinanggap ni Raha Tupas ang pagtungo ng mga Espanyol sa   kanilang lupain sa Cebu. 

a)

TAMA

b)

MALI

30.

TAMA O MALI:

Ang pagtatayo ng mga pasilidad at paaralan para sa pagsasanay sa nabigasyon ay mas lalong nagpaigting sa pananakop at pagtuklas.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

TAMA O MALI:

Sa Cebu nila itinatag ang unang pamayanan ng mga Espanyol. 

a)

TAMA

b)

MALI

32.

TAMA O MALI:

Ang Panay ang ikalawang pamayanan na itinatag ng mga Espanyol.

a)

TAMA

b)

MALI

33.

TAMA O MALI:

Noong Nobyembre 21, 1564, nagsimulang maglayag mula sa Navidad,   Mexico ang ekspedisyon ni Legaspi.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Tukuyin kung kaninong ekspedisyon nangyari ang mga sumusunod na pahayag:

Kasama si Raha Kolambu at nakipagsandugo rin o nakipagkaibigan sila kay Raha Humabon.

a)

Ekspedisyon ni Magellan 

b)

Ekspedisyon ni Loaisa   

c)

Ekspedisyon ni Cabot         

d)

Ekspedisyon ni Saavedra       

e)

Ekspedisyon ni Villalobos

35.

Tukuyin kung kaninong ekspedisyon nangyari ang mga sumusunod na pahayag:

Nobyembre 1, 1542, naglayag na ang ekspedisyon gamit ang rutang pakanluran.

a)

Ekspedisyon ni Magellan 

b)

Ekspedisyon ni Loaisa   

c)

Ekspedisyon ni Cabot         

d)

Ekspedisyon ni Saavedra       

e)

Ekspedisyon ni Villalobos

36.

Tukuyin kung kaninong ekspedisyon nangyari ang mga sumusunod na pahayag:

Sila ay dumaong sa Moluccas at kumuha ng mga rekado.

a)

Ekspedisyon ni Magellan 

b)

Ekspedisyon ni Loaisa   

c)

Ekspedisyon ni Cabot         

d)

Ekspedisyon ni Saavedra       

e)

Ekspedisyon ni Villalobos

37.

Tukuyin kung kaninong ekspedisyon nangyari ang mga sumusunod na pahayag:

Sa tagal ng kanilang paglalayag, gutom at sakit ang kanilang inabot kung kaya dahil dito, mas ninais nilang bumalik noong Agosto 1530 sa Spain na bigo.

a)

Ekspedisyon ni Magellan 

b)

Ekspedisyon ni Loaisa   

c)

Ekspedisyon ni Cabot         

d)

Ekspedisyon ni Saavedra       

e)

Ekspedisyon ni Villalobos

38.

Tukuyin kung kaninong ekspedisyon nangyari ang mga sumusunod na pahayag:

Si Urdaneta at ang 24 na naligtas ang nakarating sa Moluccas ngunit bumalik din sa Spain noong 1536 sakay ng Potugese India Armada sa ilalim ng mga sundalong Potuges.

a)

Ekspedisyon ni Magellan 

b)

Ekspedisyon ni Loaisa   

c)

Ekspedisyon ni Cabot         

d)

Ekspedisyon ni Saavedra       

e)

Ekspedisyon ni Villalobos

39.

Ito ay sapilitang kontribusyon na ibinabayad ng mga sinaunang Pilipino sa pamahalaang Espanyol.

(a)  

40.

Ito ay pagtitipon ng mga tao sa isang lugar na itinalaga ng mga Espanyol kung saan sila ay nagpatayo ng mga simbahan, paaralan, munisipyo, plaza, libingan, at mga pamilihan

(a)  

41.

Ito ay tumutukoy sa isang tiyak na teritoryo na iginawad  sa isang Espanyol upang pangasiwaan. 

(a)  

42.

Ito ay isang patakaran kung saan ang mga produktong agrikultural ng mga magsasaka ay kailangang ibenta sa pamahalaan ng Espanyol sa itinakdang presyo nito.

(a)  

43.

Ito ay isang patakaran upang makatipid sa mga pangangailangan sa serbisyo ang pamahalaang Espanyol.

(a)  

44.

Sinong pinuno ng Mactan ang tumanggi na tanggapin at mapasailalaim ng kapangyarihan ng Espanya?

a)

Humabon

b)

Lapulapu

45.

Aling ekspedisyon ang nakarating sa Luzon at pinangalanan niya itong Las Islas Felipinas Bilang parangal kay Haring Felipe II?

a)

Ekspedisyong Villalobos

b)

Ekspedisyong Cabot

46.

Sino ang namagitan sa tunggalian ng Espanya at Portugal sa pagtuklas ng lupain?

a)

Pope Alexander VI

b)

Ruy Lopez de Villalobos

47.

Anong ekspedisyon ang nakapagpatunay na mararating ang silangan sa pamamagitan ng rutang pakanluran at ang mundo ay pabilog?

a)

Ekspedisyong Villalobos

b)

Ekspedisyong Magellan

48.

Anong ekspedisyon ang limang beses nagpalit ng pinuno?

a)

Ekspedisyong Loaisa

b)

Ekspedisyong Cabot

49.

Ano ang naging papel ni Sebastian del Cano sa Ekspedisyon ni Magellan? Siya ang...

a)

namuno sa unang misa sa Limasawa

b)

nagpatuloy at matagumpay na nakabalik sa Espanya

50.

Ano ang ibinigay ni Ferdinand Magellan kina Rajah Humabon at Hara Amihan bilang regalo?

a)

Imahen ng Birheng Maria

b)

Imahen ng Sto. Niño

51.

Sino-sinong mga katutubo ang unang nabinyagan bilang Kristiyano?

a)

Rajah Humabon, Hara Amihan at 800 na tauhan

b)

Datu Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigmang tauhan

52.

Anong pangyayaring naganap sa Limasawa noong Marso 31, 1521?

a)

Unang Labanan sa Pilipinas

b)

Unang Misa sa Pilipinas

53.

Noong 1518, inihain ni Magellan ang kaniyang balak na ekspedisyon kay Haring Carlos I ng Espanya. Tinanggap ng Hari ang alok ni Magellan na ipagkaloob sa Espanya ang mga lupaing matutuklasan ng kaniyang Ekspedisyon.

Ano ang ibig sabihin ng Ekpedisyon?

a)

Paglalakad

b)

Pagtatalon

c)

Paglalakbay

d)

Pagtatakbo

54.

Nagsimula ang ekspedisyon ni Magellan noong Sept.20, 1519. Binigyan siya ng limang barko ng Hari ng Espanya bilang pagsuporta. Ano ang pangalan ng barko na nakabalik ulit sa Espanya.

a)

Trinidad

b)

San Antonio

c)

Santiago

d)

Victoria

55.

Noong March 6, 1521, nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa pulo ng Guam. Hindi maganda ang pagtingin ng mga katutubo sa kanila at ninakawan pa sila ng bangka. Tinawag ni Magellan bilang "Islas Ladrones" o _________________.

a)

Pulo ng magaganda

b)

Pulo ng magnanakaw

c)

Pulo ng matatalino

d)

Pulo ng masisipag

56.

Nang dumating sa Pilipinas si Magellan noong March 16, 1521. Anong pulo ang kanilang unang napuntahan.

a)

Pulo ng Homonhon

b)

Pulo ng Mactan

c)

Pulo ng Limasawa

d)

Pulo ng Leyte

57.

Noong April 7, 1521. Dumaong ang barko ni Magelllan sa Cebu. Sino ang katutubong pinuno ang magiliw na tumanggap sa kanya.

a)

Raha Sikatuna

b)

Raha Kulambo

c)

Raha Humabon

d)

Raha Tupas

58.

Umaga ng April 27, 1521. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan. Nagkaroon ng labanan at sa huli nagwagi si Lapu-lapu at mga taga-Mactan laban sa mga Espanyol. Nasawi si Magellan dahil sa pagtama sa kaniyang ulo, braso at binti ng mga _______________.

a)

Bala ng baril

b)

Espadang matalim

c)

panang may lason sa dulo

d)

boomerang

59.

Bagamat hindi nakabalik si Magellan sa Espanya, naging matagumpay ang ekspedisyon na kaniyang pinamunuan. Ang paglalayag o paglalakbay ni Magellan ang nagpatunay na ______ang mundo at tama ang paniniwala ni Columbus tungkol sa hugis ng daigdig.

a)

Parisukat

b)

Tatsulok

c)

Parihaba

d)

bilog

60.

Naging interesado ang Hari sa mga lupaing natuklasan ng mga Espanyol partikular ang kapuluan ng Pilipinas. Kaninong Ekspedisyon pinangalanan ang Leyte bilang Felipina bilang parangal sa susunod na hari ng Espanya. Paglaon ito na ang ipinangalan sa buong kapuluan.

a)

Legazpi

b)

Villalobos

c)

Saavedra

d)

Loaisa

61.

Noong April 27, 1565, nakarating si Legazpi sa Cebu. Nagsimulang magtatag ng pamayanang Espanyol at tinawag niya itong _____________________________.

a)

La Villa del Santisima Novembre de Jesus

b)

La Villa del Santisimo Nombre de Jesus

c)

La Villa del Norte de Jesus

d)

La Villa del Sur de Jesus

62.

Noong Hunyo 24, 1571, Kinilala ang Maynila bilang isang ciudad o Lungsod ng ___________.

a)

Portugal

b)

Egypt

c)

Spain

d)

Italy

63.

Idinaos ang unang misa sa Pilipinas malapit sa dalampasigan ng Limasawa.

a)

Marso 31, 1521

b)

Marso 30, 1521

c)

Marso 31, 1522

64.

Hari ng Espanyang sumuporta sa paglalayag ni Magellan.

a)

Haring Carlos I

b)

Haring Emmanuel I

c)

Rajah Colambu

65.

Nag-alsa sa Bohol dahil sa hindi pagbibigay ng Katolikong libing sa kanyang kapatid.

a)

Juan Ponce Sumuroy

b)

Francisco Dagohoy

66.

Ipinagpatuloy ang pag-aalsang sinimulan ng kanyang asawa dahil ito ay pinatay.

a)

Gabriela Silang

b)

Lakandula

67.

Matapang na pinuno ng Maguindanao na nakipaglaban para sa kanyang mga kababayan at upang hindi mapalitan ang kanilang pananampalatayang Islam.

a)

Rajah Soliman

b)

Sultan Kudarat

68.

Itinuturing na pinakamatagal na pag-aalsa

a)

Diego Silang

b)

Francisco Dagohoy

69.

Hindi nabigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid kaya ito ang isa sa rason kung bakit siya nag-alsa.

a)

Andres Malong

b)

Francisco Maniago

c)

Juan Dela Cruz Palaris

d)

Francisco Dagohoy

70.

Siya ang nanguna sa pag-aalsa noong 1762 sa Binalatongan Pangasinan.

a)

Andres Malong

b)

Francisco Maniago

c)

Juan Dela Cruz Palaris

d)

Lakadula

71.

Nagsimula ang kanyang pag-aalsa nang siya ay dakpin at ikulong ng mga Espanyol nang magpetisyon siya na alisin ang pagpataw ng buwis sa mga Pilipino.

a)

Soliman

b)

Diego SIlang

c)

Sultan Kudarat

d)

Francisco Dagohoy

72.

Siya ang pinakadakilang bayani ng Mindanao.

a)

Sultanato

b)

Sultan Kidapawa

c)

Sultan Lapu-Lapu

d)

Sultan Kudarat

73.

Ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya upang makipaglaban ay ang pagkapanalo ng mga Ingles laban sa mga Espanyol nang pasukin ang lungsod ng Manila.

a)

Juan Dela Cruz Palaris

b)

Francisco Maniago

c)

Andres Malong

d)

Diego Silang

74.

Siya ang namuno ng pag-aalsa sa Bohol dahil sa kanilang pakikipaglaban na talikuran ang relihiyong Katolisismo.

a)

Sultan Kudarat

b)

Sumuroy

c)

Andres Malong

d)

Tamblot

75.

Ang pag-aalsang ito ay nagsimula ng sapilitang ipinadala ang kanyang mga kababayan ng gobernador-heneral Fajardo sa Cavite upang gumawa ng mga galyon.

a)

Pag-aalsa ni Sultan Kudarat

b)

Pag-aalsa ni Sumuroy

c)

Pag-aalsa ni Andres Malong

d)

Pag-aalsa ni Tamblot

76.

Siya ang namuno sa pag-aaalsa sa Pampanga noong 1660.

a)

Francisco Maniago

b)

Francisco Daguhoy

c)

Francisco Dagohoy

d)

Andres Malong

77.

Itinuturing na ang kanyang pag-aalsa ang pinakamatagal na pakikipaglaban na nangyari sa bansa.

a)

Tamblot

b)

Lakandula

c)

Francisco Dagohoy

d)

Andres Malong

78.

Siya ay nag-alsa dahil inalis ni Gobernador -heneral Guido de Lavezares ang kanyang mga karapatang tinatamasa na ipinagkaloob ni Miguel Lopez de Legazpi.

a)

Tamblot

b)

Lakandula

c)

Francisco Dagohoy

d)

Andres Malong

79.

Unang konstitusyon ng Spain

a)

Cadiz Constitution ng 1812

b)

La Illustracion

c)

Padiz Constitution

80.

Mga Pilipino o mestisong mula sa mataas na uring panlipunan at kadalasang galing sa hanay ng mga dating pinuno sa Pilipinas

a)

gobernadorcillo

b)

principales

c)

timawa

81.

Tawag sa Enlightenment o kaliwanagan sa Spain

a)

Cadiz Constitution ng 1812

b)

La Illustracion

c)

Sekularisasyon

82.

Siya ang pumalit kay dela Torre sa pamumuno sa Pilipinas at isa din sya sa pinakamalupit na namuno

a)

Rafael de Izquierdo

b)

Mariano Gomez

c)

William Drapper

83.

Sila ang paring martir na idinawit sa pag-aalsa ng mga Pilipino

a)

FRAMUNSAN

b)

GOMBURZA

c)

POLMERUZ

84.

Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz

a)

panrelihiyon

b)

pang ekonomiko

c)

politikal

85.

Asawa ng isang namatay na pinuno ng rebelyon na nagpatuloy sa pakikipaglaban, tinagurian siyang “Joan of Arc ng Ilocos.”

a)

Lakandula

b)

Gabriela Silang

c)

Diego Silang