NEW
Font size
WorksheetsPagtataya sa Ekonomiks
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng pamahalaan. Ito ay may kinalaman sa
paggamit ng mga produkto at serbisyo
paglikha ng mga produkto at serbisyo
paglinang ng likas na yaman
pamamahagi ng pinagkunang-yaman
Aling pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan ang sapilitang iniaatas sa bawat tao, at mga negosyo para sa kapakinabangan ng pamahalaan?
pangungutang
kita sa buwis
kita mula sa pribadong tanggapan at negosyo
pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan
Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?
ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.
ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kaniyang rasyonal na pagdedesisyon
ito ay pag-aaral n tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks na magagamit sa kolehiyo
makakatulong ang mga konsetong malalaman upang maging kritiko ng pamahalaan
mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang makakatulong upang maging matalino sa pagpapasya
makakatulong upang makakapagturo ng ekonomiks sa hinaharap
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat___________.
pinag-aaralan ditto kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang material na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
pinag-aaralan ditto kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?
ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanyang pagdedesisyon.
ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung paano haharapin ang mga pangkabuhayan.
ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa bahaging ginagampanan ng sambahayan?
nagmamay-ari ng salik ng produksiyon
nagbabayad ng upa o renta sa lupa
gumagamit ng mga salik ng produksiyon
nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na isang agham ang ekonimiks?
nagsasagawa ito ng mga eksperimento sa laboratory
pinag-aaralan nito ang kalikasan
pinapatunayan nito ang katotohanan batay sa ebidensiya
pinag-aaralan nito ang mahahalagang isyu ng bansa
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang________na pinagkukunang yaman upang matugunan ang kanyang__________ pangangailangan.
sapat; walang hanggang
limitado; walang hanggang
sapat; may hangganan
limitado; may hangganan
Isa itong mahalagang salik sa produksiyon na kung saan ito ang pinanggagalingan ng lakas at talino. Aling salik ito?
lupa
puhunan
entreprenyur
paggawa
Ang ekonomiks ay galling sa salitang Griyego na “oikonomia”, samakatuwid ang ekonomiks ay nagsisimula sa
pamahalaan
pamayanan
tahanan
bansa
Ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
Ang __________ at ___________ ang sentro ng pag-aaral ng ekonomiks
tao: lipunan
agham: matematika
likas na yaman: pangangailangan
suplay: demand
Ang mga ekonomista ay gumagamit ng pangangatwirang ekonomiko sa pagsusuri ng mga problema. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit ng mga ekonomista sa pagsusuri?
istatistika at datos
paniniwala at mungkahi
mg akonsepto
mga modelo
Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay
may hangganan din
kaunti lamang kayat madaling tugunan
parami nang parami at walang katapusan
kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan
