NEW
Font size
WorksheetsQuiz Bee Elimination Purposes
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
Ano ang pangunahing layunin ng Likas na Batas Moral?
Upang makamit ang kayamanan.
Upang magkaroon ng kaalaman.
Upang magabayan ang tao sa paggawa ng mabuti at pag-iwas sa masama.
Upang makipagkompetensya sa iba.
Ang tungkulin ng isang mamamayan na respetuhin ang iba’t ibang pananampalataya ay kaugnay ng alin sa mga sumusunod na karapatan?
Karapatan sa pagkakapantay-pantay.
Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
Karapatan sa kalayaan sa pananalita
Karapatang magtrabaho
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng karapatan na kaakibat ng tungkulin?
Karapatan sa buhay at tungkuling ingatan ang sariling kalusugan.
Karapatang mag-aral at tungkuling magbayad ng buwis
Karapatan sa pribadong ari-arian at tungkuling pumasok sa trabaho
Karapatan sa pagkakapantay-pantay at tungkuling maging mabuting kapitbahay
Bakit mahalaga ang pagsunod sa Likas na Batas Moral?
Upang maiwasan ang anumang parusa
Upang makuha ang pansin ng ibang tao
Upang magkaroon ng mas maraming kaibigan
Upang mapanatili ang kaayusan sa lipunan
Bakit mahalaga na kilalanin at isabuhay ang karapatan at tungkulin sa pamayanan?
Upang maging tanyag at kilala sa komunidad.
Upang magkaroon ng mas maraming benepisyo sa gobyerno.
Upang mapanatili ang kaayusan, pagkakaisa, at pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan.
Upang makuha ang suporta ng mga kilalang tao sa komunidad.
Paano ipinapakita ng paggawa ang pagmamalasakit ng isang tao sa kanyang kapwa?
Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng sariling interes para sa sariling kapakinabangan lamang.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na antas ng serbisyo at kalidad sa kanyang trabaho.
Sa pamamagitan ng paggawa lamang ng mga trabahong maginhawa para sa kanya.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mataas na suweldo at magandang posisyon.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang balanse sa karapatan at tungkulin ng isang mag-aaral?
May karapatang mag-aral at pumasok sa paaralan ngunit hindi kailangang makisali sa
mga gawaing pang-akademiko.
May karapatang mag-aral at tungkuling pumasok sa klase at sundin ang mga patakaran
ng paaralan.
May karapatang pumili ng mga guro at tungkuling magbigay ng kontribusyon sa paaralan.
May karapatang mag-absent anumang oras at tungkuling humingi ng tulong sa guro sa
lahat ng asignatura.
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang bawat mamamayan ay may tungkuling magbayad ng buwis sa pamahalaan?
Upang matustusan ang sariling pangangailangan ng pamahalaan.
Bilang kapalit ng mga karapatang tinatamasa ng bawat mamamayan.
Upang makontrol ang bilang ng mga mamamayang may trabaho.
Bilang gantimpala para sa mga taong masipag magtrabaho.
Ano ang unang hakbang sa pagsunod sa mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
Paglabag sa mga alituntunin ng pamahalaan.
Pag-unawa sa mga konsepto ng mabuti at masama.
Pagsisinungaling para sa sariling kapakanan.
Pagiging makasarili sa lahat ng oras.
Bakit mahalaga ang paglilingkod sa kapwa bilang bahagi ng paggawa?
Dahil ito ay nakakatulong na mapataas ang posisyon at suweldo ng tao sa kanyang trabaho.
Dahil ang paglilingkod sa kapwa ay isang tungkulin na nagpapakita ng pagsasakripisyo at pagmamalasakit.
Dahil ito ay nagpapakita ng kakayahan ng tao na maging mas mababa sa iba.
Dahil ito ay humahadlang sa mga pagkakaibigan sa loob ng pinagtatrabahuhan.
Sa ilalim ng anong sitwasyon maaaring ituring na ang paggawa ay hindi na nakakapagtaguyod ng dignidad ng tao?
Kapag ang tao ay binabayaran ng sapat para sa kanyang trabaho.
Kapag ang trabaho ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan at kaligtasan ng manggagawa.
Kapag ang trabaho ay hindi nagtataglay ng pisikal na hirap o pagod.
Kapag ang paggawa ay nagpapakita ng kakayahan at galing ng tao..
Alin sa mga sumusunod na pagpapahayag ang pinakaangkop upang mailarawan ang kaugnayan ng paggawa sa dignidad ng tao?
Ang paggawa ay paraan lamang upang kumita ng salapi para sa pangangailangan ng tao.
Ang paggawa ay may kakayahang itaas ang sariling halaga at dangal ng tao sa lipunan.
Ang paggawa ay isang responsibilidad na nagdudulot ng sakit at pagod sa katawan.
Ang paggawa ay kinakailangan para maiwasan ang pagiging tamad at mawalan ng direksyon.
Ano ang pangunahing prinsipyo ng Likas na Batas Moral na nagsasabing ang lahat ng tao ay may kakayahang makaalam ng tama at mali?
Prinsipyo ng Pagkakapantay-pantay
Prinsipyo ng Katarungan
Prinsipyo ng Pagiging Makatao
Prinsipyo ng Moral na Kaalaman
Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” ng mga medikal na doktor?
Gawin lagi ang tama
Gamutin ang sarling sakit bago ang iba
Ingatan na huwag saktan ang tao
Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit
Alin sa sumusunod na mga karapatan ang may kaakibat na tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa?
Karapatan sa Buhay
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Ano ang pangunahing prinsipyo ng Likas na Batas Moral na nagsasabing ang lahat ng tao ay may kakayahang makaalam ng tama at mali?
Prinsipyo ng Pagkakapantay-pantay
Prinsipyo ng Katarungan
Prinsipyo ng Pagiging Makatao
Prinsipyo ng Moral na Kaalaman
Nagsabi na ang 32 gulang na si Mary Hope sa kaniyang ina na mag-aasawa na siya. Napagtapos na niya ang
kaniyang dalawang kapatid sa kolehiyo at nasa Junior High School na ang bunso. Ngunit sinabi ng kaniyang
ina na kailangan munang magtapos ang bunso bago siya magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang
ina. Anong uri ng likas na karapatan ng tao ang nilabag sa sitwasyon?
. Karapatan sa pananampalataya
Karapatang magpakasal
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatan sa magtrabaho o maghanapbuhay
Ikaw ay tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo at hindi ka lamang nagbibigay ng mga damit o pagkain kundi pati ang iyong oras sa pagrerepack ng mga relief goods. Anong karapatan ang may kaakibat na tungkulin ang iyong ipinapakita dito?
Karapatan
sa buhay
Karapatan sa magtrabaho
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatan pumunta sa ibang lugar
Ayon kay Jacques Maritain, manunulat ng aklat na "The Person and the Common," bakit hinahanap ng tao
na mamuhay sa isang lipunan? Tukuyin ang mga mahalagang dahilan batay sa kanyang paliwanag.
Likas sa kanya ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.
Nais ng tao na makakuha ng kapangyarihan mula sa iba upang umunlad
. Likas sa tao ang maghanap ng kasiyahan at kaluwagan mula sa kanyang mga kapitbahay
Hinihiling ng tao ang mag-isang kumilos at umiwas sa anumang relasyon sa kapwa
Ang kwento ng langgam at ng gansa ay isa lamang sa mga halimbawa na nagpapakita at nagpapatunay na
kaya nating maisakatuparan ang diwa ng prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng solidarity. Ano ang kanilang
ipinamalas sa kwentong napag-usapan at natalakay?
I. Kumikilos ng may buong kahusayan at pagmamalasakit ng bawat bahagi ng kaharian.
II. Lumilipad ng V-pormasyon hanggang sa maging malayo ang kanilang mararating.
III. Humihiwalay sa pormasyon, upang magbigay tulong at proteksyon hanggang sa ito’y
tuluyang makapanumbalik ng dating kalakasan
IV. Naglalakad at nakikipag-usap habang naghahanap ng pagkain kahit saan man mapunta
na lugar.
I & IV
II & III
I & III
II & IV
