Font size
WorksheetsTTL -Quiz
Total questions: 10
Worksheet time: 50secs
1. Ano ang ibig sabihin ng personal na pahayag ng misyon sa buhay o personal mission statement?
A. Mithiin na nais marating
B. Pamantayan sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay.
C. Isang personal o pansariling motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang kabuluhan ng iyong buhay.
D. Tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap
2. Ang mga sumusunod ay pamantayan sa pagsulat ng personal na pahayag sa
buhay MALIBAN sa:
A. Mangolekta ng mga kasabihan
B. Gamitin ang paraang tinatawag na “brain dump”
C. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
D. Hayaan na ang magulang na lamang ang magpasiya ng magiging layunin sa buhay.
3.Ano ang ibig sabihin ng "S" sa SMART goals?
A) Significant
B) Simple
C) Specific
D) Strategic
4. Bakit mahalaga na Attainable ang isang layunin?
A) Upang magmukhang mas madali ito para sa iba
B) Upang tiyakin na posible itong maabot ng mga nangangarap
D) Upang magdagdag ng higit na hamon sa sarili
C) Upang gawing mas mahirap ang layunin
5.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang Relevant na layunin?
A) "Makapag-ipon ng pera para sa isang bakasyon."
B) "Mag-aral upang makapasa sa board exam sa kursong napili."
C) "Magpinta ng larawan araw-araw."
D) "Mag-post ng limang beses sa social media bawat araw."
6. Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag sa buhay upang _____.
A. mapanatiling matatag sa anomang unos na dumating sa iyong buhay.
B. bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay
C. maging gabay sa ating mga pagpapasiya.
D. lahat ng nabanggit
7. Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong malalim na ugat. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na
lumalago.
B. Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa
buhay.
C. Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay nang matagal.
D. Wala sa nabanggit
8. Si Paul ay nagnanais na maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa buhay?
A. Kumuha ng maraming kurso
B. Magsimba tuwing Linggo.
C. Sumali sa patimpalak sa debate ng barangay.
D. Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa bar exam.
9. Ano ang benepisyong makukuha ni Paul at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado?
A. Yayaman ang pamilya.
B. Maging sikat sa kanilang lugar
C. Makatulong sa mga nangangailangan na ipagtanggol ang kanilang
karapatan.
D. Makakapagtayo siya ng negosyo
10.Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago o mapalitan. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan
B. Tama, dahil patuloy nanagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.
C. Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin
D. Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa atin
