Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 9: Mga Batayang Konsepto ng Ekonomiks sa AP

Total questions: 6

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa price elasticity ng suplay ng isang produkto kung ito ay may coefficient na mas mataas sa isa ( |Es| > 1 )?

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Null Elastic

d)

Unit Elastic

2.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa talahanayan ng bilang ng produkto at serbisyo na handang ibenta ng mga negosyo sa iba’t ibang presyo?

a)

Supply Curve

b)

Function ng supply

c)

Iskedyul ng supply

d)

Pagbabago ng supply

3.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng batas ng demand?

a)

Kapag tumataas ang presyo, tumataas ang dami ng produktong gustong bilhin ng mga konsyumer.

b)

Kapag bumababa ang presyo, tumataas ang dami ng produktong gustong bilhin ng mga konsyumer.

c)

Kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng produktong gustong ibenta ng mga prodyuser.

d)

Kapag bumababa ang presyo, tumataas ang dami ng produktong gustong ibenta ng prodyuser.

4.

Ang quantity demanded at quantity supplied ng mga produkto

ng gulay mula sa Benguet ay ibibigay sa mga equation na 𝑄𝑑 (Quantity demanded) = 400 − P at 𝑄𝑠 (Quantity Supply) = P − 50. Hanapin ang equilibrium price sa pamilihan para sa produktong ito.

a)

₱100

b)

₱150

c)

₱200

d)

₱250

5.

Sa panahon ng pandemiya, maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at bumagsak ang mga negosyo. Ano ang pangunahing dahilan ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda o financial assistance sa mga mamamayan?

a)

Upang gawing mas mataas ang buwis sa mga mamamayan.

b)

Upang pataasin ang kita ng mga negosyo sa panahon ng pandemiya.

c)

Upang matulungan ang mga mamamayang nawalan ng hanapbuhay.

d)

Upang hikayatin ang mga tao na mag-impok ng mas malaking halaga ng pera.

6.

Si Maria ay nagtatrabaho bilang sales clerk na tumatanggap ng minimum wage. Dahil sa masamang panahon, tumaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ano ang pinakaangkop na pamamaraan ang maaring gawin ng pamahalaan upang tulungan ang mga manggagawa tulad ni Maria?

a)

Magpatupad ng batas na nagbabawal sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

b)

Itaas ang minimum wage upang makatugon sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

c)

Ipagbawal ang pagtanggap ng mga bagong empleyado upang mapanatili ang kasalukuyang antas ng sahod.

d)

Magbigay ng libreng pagkain sa lahat ng manggagawa upang hindi sila maapektuhan ng pagtaas ng presyo.