NEW
Font size
WorksheetsEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9 PAGTATAYA
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Pagbibigay ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit.
A. Pakikilalahok
B. Bolunterismo
2. Pagdadalo sa isang pagtitipon dahil sa pagkumbinsi ng mga kaibigan.
A. Pakikilalahok
B. Bolunterismo
3.Pagiging miyembro ng isang grupo ayon sa listahan na isinumite.
A. Pakikilalahok
B. Bolunterismo
4.Pagpapagamit ng personal na sasakyan para sa paghatid-sundo ng mga tao sa isang libing.
A. Pakikilalahok
B. Bolunterismo
5.Pagdo-donate ng dugo sa Red Cross ng walang hinihinging bayad.
A. Pakikilalahok
B. Bolunterismo
6.Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.
C. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
7.Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang _____.
A. Pananagutan
B. Karapatan
C. Dignidad
8. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
C. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling iyon.
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng Bolunterismo?
A. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumuto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno.
B. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
C. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
10.Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagkakaisa
B. Kabutihang Panlahat
C. Pag-unlad
