wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagtataya - Pagtatalumpati

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik at may matagal na panahon sa paghahanda

(a)  

2.

Ang talumpating may layuning magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig.

(a)  

3.

Ang talumpating madalas marinig tuwing panahon ng halalan.

(a)  

4.

Ito ay talumpating papuri para sa taong namatay.

(a)  

5.

Ang layunin ng talumpating ito ay magbigay ng kasiyan sa mga nakikinig kaya mainam samahan ito ng birong nakatatawa ngunit may kaugnayan sa paksang tinatalakay.

(a)  

6.

Ang talumpating mahusay na pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng tagapakinig ngunit may kahinaang pagkalimot sa nilalaman nito.

(a)  

7.

Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari.



(a)  

8.

Sa talumpating panghikayat, paano mahihikayat ang mga tagapakinig?



(a)  

9.

Ang talumpating ito ay may layuning tanggapin ang bagong kasapi ng samahan.

(a)  

10.

Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.



(a)  

11.

Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati sa hulwarang ito ay nakabatay sa pangunahing paksa.

a)

a. Kronolohikal na Hulwaran

b)

Topikal na hulwaran

c)

Hulwarang problema-solusyon

12.

Ang bahaging naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.

a)

Introduksiyon

b)

Diskusyon

c)

Kongklusyon

13.

Ito ang pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin sa talumpati na siyang iikotan ng pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig.

a)

Punto

b)

Datos

c)

Tesis

14.

Tumutukoy sa lawak ng kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa.

a)

Edad ng mga makikinig

b)

Edukasyon o antas sa lipunan

c)

Saloobin at dati nang alam ng mga makikinig

15.

Bakit mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang na dadaluhan kapag gumagawa ng talumpati?

a)

. upang makapagsuot nang nababagay sa pagdiriwang

b)

upang makapagbaon ng sapat na lalagyan ng pagkain

c)

upang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon

16.

Ito ay paghahanay na ang mga detalye ay nakasasalalay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari at hakbang na dapat mabatid.

a)

Kronolohikal na hulwaran

b)

Topikal na hulwaran

c)

Hulwarang problema -solusyon

17.

Sa bahaging ito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.

a)

Introduksiyon

b)

Diskusyon

c)

Kongklusyon

18.

Ang _______ ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minute o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.

a)

Datos

b)

Haba

c)

Lakas

19.

Mahalagang malaman natin ito dahil malaki ang kinalaman nito sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa.

a)

Edukasyon o antas sa lipunan

b)

Bilang ng mga makikinig

c)

Edad ng mga makikinig

20.

Ang pagkakahabi ng nilalaman ng talumpati rito ay paglalahad ng suliranin at pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa.

a)

Kronolohikal na hulwaran

b)

Topikal na hulwaran

c)

Hulwarang problema-solusyon