wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REBYUWER SA AP 8-2ND QUARTER

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang may malaking kontribusyon sa kasaysayan ng Greece?

a)

Klasiko at Romano

b)

Minoan at Mycenean

c)

Minoan at Romano

d)

Mycenean at Klasiko

2.

Saan umusbong ang Kabihasnang Minoan?

a)

Athens

b)

Sparta

c)

Crete

d)

Corinth

3.

Dahil sa heograpiya ng Greece na watak-watak na mga pulo, ang mga tao dito ay nakabuo ng maliliit na malayang lungsod-estado. Ano ang tawag sa mga lungsod na ito?

a)

Agora

b)

Población

c)

Polis

d)

Siyudad

4.

Ano ang pangalan ng polis na nagpairal ng Oligarkiyang pamahalaan at kinilalang estadong militar?

a)

Sparta

b)

Thrace

c)

Phrygia

d)

Laconia

5.

Sino ang kinilalang "Ama ng Kasaysayan"?

a)

Euclid

b)

Herodotus

c)

Pythagoras

d)

Socrates

6.

Kung ikaw ay isang Mycenaean, paano mo maipapakita ang iyong pamana sa kasaysayan ng Greece?

a)

Sa pagpapatatag ng mga kuta at gusali sa kalakalan.

b)

Sa pagpapalakas ng mga pook-pangalakal sa mga isla.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

d)

Sa paglikha ng mga sistema ng pamahalaang demokratiko.

7.

Paano mo magagamit ang sistema ng batas ng mga Romano sa kasalukuyang panahon?

a)

Sa pagpapalaganap ng relihiyon.

b)

Sa pagpapatibay ng sistema ng edukasyon.

c)

Sa pagsasakatuparan ng mga bagong kasanayan sa sining.

d)

Sa paglikha ng makatarungang batas at pagkakapantay-pantay.

8.

Kung ikaw ay isang pinuno ng isang lungsod, aling aspeto ng kabihasnang Romano ang iyong isasama sa pamamahala upang mapanatili ang kaayusan?

a)

Pagpapalakas ng sistema ng aqueduct para sa suplay ng tubig.

b)

Pagpapalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng digmaan.

c)

Pagkakaroon ng mga gladiatorial games bilang libangan.

d)

Pagbuo ng mga sistema ng aliwan sa buong lungsod.

9.

Ano ang pangunahing layunin ng mga aqueduct ng Romano, at paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa panahong iyon?

a)

Para sa pagsasanay ng mga sundalo.

b)

Para sa pagkakaroon ng maayos na suplay ng tubig at kalinisan.

c)

Para sa pagtatayo ng mga templo at estruktura ng simbahan.

d)

Para sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo sa Europa.

10.

Sa iyong palagay, ano ang epekto ng sistema ng batas ng mga Romano sa mga kolonya nito?

a)

Naging sanhi ng kaguluhan sa bawat kolonya.

b)

Walang gaanong epekto sa mga kolonya ng Roma.

c)

Nagbigay-daan sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya.

d)

Nagkaroon ng pagkakaisa dahil sa patas na sistema ng hustisya.

11.

Kung ikaw ay magdidisenyo ng isang modernong lungsod, alin sa mga pamana ng kabihasnang Romano ang iyong gagamitin upang masiguro ang kaginhawaan at kaayusan ng mga naninirahan?

a)

Pagtayo ng mga monarkiyang sistema ng gobyerno.

b)

Paglikha ng sariling sistema ng batas at pagkakaroon ng mga plaza.

c)

Pagtuturo ng sinaunang wikang Latin bilang pangunahing wika ng lungsod.

d)

Pagkakaroon ng mga pampublikong paliguan at mga arena para sa libangan.

12.

Paano mo maisasama ang ideya ng "pax Romana" o Roman Peace sa paglikha ng mga polisiya sa inyong komunidad?

a)

Sa pagsasakatuparan ng makatarungang batas na nagtataguyod ng pagkakaisa at katahimikan.

b)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga agresibong patakaran sa mga kalapit na komunidad.

c)

Sa paglalagay ng mahigpit na mga batas na nagpaparusa nang walang paglilitis.

d)

Sa pagtatayo ng mga pook-pangalakal na may eksklusibong kalakal.

13.

Sa anong rehiyon ng Sudan umusbong ang mga estado na may yaman dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara?

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnang Roma

d)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

14.

Alin sa mga sumusunod ang bumuo ng lungsod-estado na nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan?

a)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

b)

Kabihasnang Africa

c)

Kabihasnang America

d)

Kabihasnang Greece

15.

Alin sa mga sumusunod napapaloob ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnang Egypt

d)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

16.

Alin sa sumusunod na pangkat ng mga pulo sa Pacific ang may pinakamalawak na nasasakupang teritoryo?

a)

Australia

b)

Melanesia

c)

Micronesia

d)

Polynesia

17.

Alin sa mga sumusunod na klasikong kabihasnan ng daigdig nagawa ang istrukturang tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu?

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnang Egypt

d)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

18.

Bakit sa huling bahagi ng kanilang kasaysayan ay bumagsak din ang imperyong Inca?

a)

Nagkaroon ng mahihinang pinuno ang imperyo.

b)

Nagkaroon ng epidemya na kumutil ng maraming buhay.

c)

Dumating ang mga Espanyol at sinakop ang imperyo ng Inca.

d)

Nagkaroon ng mga rebelyon sa nasakop nilang mga pamayanan.

19.

Kung ikaw ay isang pinuno ng Songhai, paano mo mapapanatili ang kaayusan at kalakasan ng iyong kabihasnan?

a)

Sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga sentrong pang-relihiyon at edukasyon.

b)

Sa paglalakbay upang makipagkalakalan sa ibang kontinente.

c)

Sa pagsulong ng agrikultura at paggawa ng mga teritoryal na digmaan.

d)

Sa pagpapalaganap ng militarisasyon sa bawat komunidad.

20.

Paano mo magagamit ang mga disenyong Nazca sa pagpapakilala ng kulturang Pacific sa kasalukuyang panahon?

a)

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ritwal na nag-aalay sa mga diyos.

b)

Sa paglalarawan ng kanilang disenyo bilang simbolo ng pagkakakilanlan ng rehiyon.

c)

Sa pagpapalawak ng teritoryo upang mas marami ang makakita sa mga ito.

d)

Sa pagtayo ng mga palatandaang makabago sa gitna ng kabundukan.

21.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-unlad ng mga kabihasnang Songhai at Mali sa Africa?

a)

Paggamit ng mga bagong teknolohiya sa pagsasaka.

b)

Ang pagtaguyod ng matatag na sistema ng edukasyon.

c)

Kanilang pagkontrol sa mga ruta ng kalakalan sa Sahara.

d)

Kanilang kakayahan sa pagpapalawak ng teritoryo sa kanlurang Africa

22.

Paano nakatulong ang sistemang pampolitika ng mga Maya sa katatagan ng kanilang kabihasnan?

a)

Sa pagsunod sa utos ng isang emperador na sentralisado ang kapangyarihan.

b)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang pinuno para sa lahat ng lungsod.

c)

Sa pagkakaroon ng malayang pamahalaan para sa bawat lungsod-estado.

d)

Sa pagsama ng mga lungsod sa isang imperyo.

23.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Aztec sa pagpapanatili ng kanilang mga seremonyang panrelihiyon at sakripisyo?

a)

Para sa paghingi ng tulong sa kanilang mga diyos at pagpapanatili ng kaayusan.

b)

Para sa pagpapakita ng kapangyarihan ng kanilang Emperador.

c)

Para sa pagpapalawak ng kanilang kultura sa mga karatig-lugar.

d)

Para sa pagpapakita ng kanilang kaalaman sa medisina.

24.

Mayroong paniniwala ang mga pamayanan sa mga pulo sa Pacific. Alin sa mga sumusunod ang konsepto ng relihiyon mayroon sila?

a)

1. Animismo

b)

2. Buddhismo

c)

3. Kristiyano

d)

4. Mana

25.

Sa pamumuno ni Mansa Musa sa Imperyong Mali, hinikayat niya ang pagpunta ng mga iskolar at ang paniniwlang Islam. Ano ang naging mabuting epekto nito sa Imperyo?

a)

Lumaganap ang kalakalan.

b)

Dumami ang tao sa imperyo.

c)

Dumami ang bilang ng mga iskolar.

d)

Lumaganap ang karunungan sa Imperyo.

26.

Naging malaganap noong Gitnang Panahon ang paggamit ng salapi at ang pagpapalitan nito na naging daan sa sistema ng pagbabangko. Ano ang naging kahalagahan ng sistema ng pagbabangko sa mga mangangalakal?

a)

Sumigla ang kalakalan.

b)

Naging ligtas ang paglilipat ng salapi.

c)

Dumami ang salapi ng mga mangangalakal.

d)

Nagkaroon ng maraming uri ng salapi ang mga mangangalakal.

27.

Noong ika-25 ng Disyembre taong 800 ay kinoronahan si Charlemagne bilang Emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Ano ang naging bunga ng pagkakatatag ng Imperyong ito?

a)

Bumagsak ang pamumuno ng Simbahan.

b)

Dumami ang kalabang barbaro ang Rome.

c)

Binuhay muli nito ang Imperyong Romano.

d)

Sinikap bawiin ng mga obispo ang pamumuno kay Charlemagne.

28.

Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang tungkulin ng mga monghe noong Gitnang Panahon?

a)

Sila ang naging pinuno ng mga pamayanan.

b)

Sila ang nagsisilbing tagapagdasal ng mga tao.

c)

Sila ang tagapag-ingat ng mga itinayong Simbahan.

d)

Sila ang tagapagpalaganap ng relihiyon sa utos ng Papa.

29.

Malaking bahagi ng mga mamamayan noong Panahong Medieval ay nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang panginoong may lupa. Ano ang tawag sa pangkat na ito ng mga tao?

a)

Baron

b)

Lord

c)

Serf

30.

Ano ang tawag sa pangkat na ito ng mga tao?

a)

Baron

b)

Lord

c)

Serf

d)

Vassal

31.

Ano ano ang mga kaasalang ito?

a)

Katapangan, Kahinahunan, Maginoo

b)

Katapangan, Kahinahunan, Marangal

c)

Katapangan, Maginoo, Marangal

d)

Kahinahunan, Maginoo, Marangal

32.

Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?

a)

Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.

b)

Ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.

c)

Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksiyon.

d)

Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro.

33.

Bakit ito ginawa?

a)

Dahil nagrerebelde ang mga mamamayan laban sa kanila.

b)

Dahil malaki ang tiwala ng hari sa mga panginoon ng lupa.

c)

Dahil hindi kayang ipagtanggol ng Hari ang kanyang lupain.

d)

Dahil labis na malaki ang lupain upang maging kanyang pag-aari.

34.

Sino ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahan noong Gitnang Panahon?

a)

Kardinal

b)

Obispo

c)

Obispo ng Roma

d)

Papa

35.

Bakit inilunsad ng simbahan ang Krusada?

a)

Dahil nais bawiin ng Simbahan ang Jerusalem na isang banal na lugar sa mga Kristiyano sa kamay ng mga Turkong Muslim.

b)

Dahil maraming European ang nabihag ng mga Muslim na nais nilang palayain.

c)

Dahil nais ipalaganap ng Simbahan ang Kristiyanismo sa mga Muslim

d)

Dahil nais palawakin ng Simbahan ang kanyang nasasakupan.

36.

Paano nakaapekto ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire sa pag-unlad ng kulturang Europe sa Panahong Medieval?

a)

Nagbigay ito ng bago at natatanging kultura sa mga Romano.

b)

Naging paraan ito upang mapasok ng kulturang Silangan ang Europe.

c)

Nagsilbi ito bilang tulay ng ugnayan sa pagitan ng mga kultura ng Europe at Asia.

d)

Pinangalagaan nito ang kulturang Greco-Roman at ipinasa sa mga susunod na henerasyon ng Europe.

37.

Paano inilarawan ang kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy) noong panahong ito?

a)

Bilang politikal na pinuno, nagkaroon ng malakas na kapangyarihan ang Papa sa Vatican.

b)

Tinutukoy ang Papa bilang 'AMA' ng lahat ng Kristiyano, isang titulo na patuloy na ginagamit.

c)

Ang Kapapahan ay sumisimbolo ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa lipunan at pulitika ng Medieval na Europe.

d)

Ang Kapapahan ay kumakatawan sa tungkulin at kapangyarihan ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko at tagapagpatupad ng panrelihiyong kautusan.

38.

Bilang isang serf noong Panahong Medieval, ano ang pinakamalaking hamon na kinakaharap mo sa iyong buhay?

a)

Ang posibilidad ng araw-araw na parusa mula sa panginoon ng lupa.

b)

Ang kawalan ng permanenteng tirahan na maaring tawagin mong tahanan.

c)

Lahat ng ani mo ay awtomatikong napupunta sa basalyo at hindi sa'yo.

d)

Ang kawalan ng kalayaang gumawa ng sariling desisyon na hindi dumadaan sa pahintulot ng panginoon.

39.

Bakit mahalaga ang sistemang Piyudalismo sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Europe noong Panahong Medieval?

a)

Naging daan ito upang mapanatiling maayos at protektado ang komunidad laban sa barbarong pagsalakay.

b)

Tumutulong ito sa paglutas ng kahirapan sa pamamagitan ng paglalaan ng lupa sa mga magsasaka.

c)

Nagbigay ng proteksyon ang sistemang Piyudalismo sa mga tao sa gitna ng kaguluhan at walang kasiguruhan.

d)

Mahinang pamahalaan ang dahilan ng mga pagsalakay ng barbaro, kaya kinailangan ang sistemang Piyudalismo para mapanatili ang kaayusan.

40.

Sino ang naging emperador ng imperyo noong 800 C.E.?

a)

Charlemagne

b)

Charles Martel

c)

Clovis

d)

Peppin the Short

41.

Ano ang isa sa mga pangunahing pagbabagong naganap sa politika ng Europa sa Gitnang Panahon?

a)

Pagsasagawa ng Krusada

b)

Paglakas ng Simbahang Katoliko

c)

Pag-usbong ng Pyudalismo

d)

Pagkakatatag ng Holy Roman Empire

42.

Ano ang isa sa mga impuwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon sa sosyo-kultural na aspeto ng Europa?

a)

Pagsasagawa ng Krusada

b)

Paglakas ng Simbahang Katoliko

c)

Pag-unlad ng Manoryalismo

d)

Pagkakatatag ng Holy Roman Empire

43.

Ano ang naging epekto ng paglakas ng Simbahang Katoliko sa Europa sa Gitnang Panahon?

a)

Paglaganap ng mga pag-aalsa ng mga layko laban sa Simbahang Katoliko.

b)

Pagsulong ng mga krusada upang mabawi ang Banal na Lupa mula sa mga Muslim.

c)

Pagkakaroon ng malawakang impluwensiya at kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.

d)

Paglinang ng mga institusyong edukasyonal na pinamamahalaan ng Simbahang Katoliko.

44.

Paano nakaimpluwensiya ang mga krusada sa mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon?

a)

Pagpalaganap ng mga kaalaman at teknolohiya mula sa mga Muslim.

b)

Pagpapalawak ng pag-unawa sa iba't ibang kultura at relihiyon sa Europa.

c)

Pagdulot ng pagkabahala at pagdududa sa mga turo ng Simbahang Katoliko.

d)

Pagpapalakas ng ugnayan at kalakalan sa mga bansa sa Silangan at Kanluran.

45.

Aling mga pagbabagong politikal, pang-ekonomiya, at sosyo-kultural ang maaaring idagdag sa larawan ng Gitnang Panahon sa Europa?

a)

Pag-usbong ng komersyo at kalakalan sa mga baybayin.

b)

Pag-unlad ng arkitekturang Romanesko sa mga simbahang Katoliko.

c)

Paglawak ng kapangyarihan ng Ottoman Empire sa Silangang Europa.

d)

Paglakas ng mga monarkiya at pagbaba ng kapangyarihan ng mga nobya.