NEW
Font size
WorksheetsREBYUWER SA AP 7-2ND QUARTER
Total questions: 52
Worksheet time: 26mins
Isipin mo na ikaw ay namumuno sa isang bayan na sinakop ng dayuhang bansa. Paano mo mararamdaman na direktang pinamamahalaan ang iyong bayan sa ilalim ng kanilang kontrol?
Magbigay ng insentibo sa mga lokal na mamumuhunan lamang.
Magpatupad ng batas para protektahan ang mga likas na yaman.
Ipagpatuloy ang kalakal sa mga dayuhan upang mapanatili ang relasyon.
Payagan ang mga dayuhan na kontrolin ang lahat ng kalakalan sa iyong bansa.
Ano sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng konsepto ng pananakop sa kasaysayan?
Ang paglaganap ng lokal na kultura.
Ang pag-angkin ng mga banyaga sa ibat-ibang lupain.
Ang pakikipagkalakalan ng mga lokal sa ibat-ibang lugar.
Ang pagtuturo ng mga banyaga ng kanilang kultura sa mga lokal.
Piliin kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng pagkontrol ng dayuhang bansa sa ekonomiya ng mahinang bansa.
Pagpapaunlad ng sistema ng kalakalan sa mga lokal.
Pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho.
Pagsigla ng kultura ng mga lokal.
Pagbubukas ng mga paaralan.
Sa paanong paraan magagamit ng mga katutubong pinuno ang kanilang limitadong kapangyarihan sa panahon ng pananakop upang mapanatili ang kanilang kultura?
Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga lokal na pagdiriwang at tradisyon.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng dayuhang mga batas.
Sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga lokal na paniniwala.
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga dayuhang alyansa.
Ito ay tumutukoy sa uri ng pagkontrol kung saan ang pribadong kumpanya o mga dayuhan ang namumuhunan sa mahihinang bansa.
Kolonyalismo
Economic Imperialism
Protektorado
Concession
Ano ang nangyari sa mga likas na yaman ng mga mahihinang bansa sa ilalim ng imperyalismo?
Nagpabuti sa antas ng pamumuhay ng mga lokal.
Lumaki ang halaga ng mga likas na yaman sa merkado.
Naingatan at napreserba ang paggamit sa likas na yaman.
Naubos at sinamantala ng mga imperyalista ang mga likas na yaman.
Ano ang naging epekto ng Economic Imperialism sa mga lokal na negosyo ng isang bansa nasakop ng mga Kanluranin?
Lumaki ang kita ng mga lokal na negosyante.
Tumaas ang kalidad ng serbisyo at produkto sa merkado.
Naging malaya ang mga lokal sa pagpili ng mga produktong kanilang tatangkilikin.
Nahirapan ang mga lokal na makipagkumpetensya sa mga dayuhang kumpanya.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mahahalagang kaganapan na naging dahilan ng pagpunta ng mga Europeo sa Asya?
Paglulungsad sa Krusada.
Pagtutunggalian ng Espanya at Pilipinas.
Pagbibigay importansya sa konsepto ng merkantilismo.
Paglilimbag ni Marco Polo ng aklat patungkol sa kanyang paglalakbay sa Asya.
Ano ang dalawang bansa na nagpasimulang tunggalian sa Paggalugad at Pagdiskubre sa Timog-Silangang Asya?
Portugal at Pilipinas
Spain at Netherlands
Portugal at Spain
Netherlands at Spain
ilangang Asya?
Portugal at Pilipinas
Spain at Netherlands
Portugal at Spain
Netherlands at Spain
Ito ay tumutukoy sa kagamitan sa paglalakbay na ginagamit upang matukoy ang Latitude ng barko gamit ang araw at mga bituin.
Astrolabe
Compass
Astrostar
Mapa
Paano nagbukas ang paglalakbay ni Marco Polo ng oportunidad para sa kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano?
Nagpasimula ito ng digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa at Asya.
Nagbigay ito ng impormasyon tungkol sa Yaman ng Asya.
Nagtatag ito ng mga bagong sistema ng kalakalan.
Nagsara ang mga tradisyunal na ruta ng kalakalan.
Anong salik ang nag-uugnay sa pagnanais ng mga Europeo na ipalaganap ang Kristiyanismo at ang kanilang paglalakbay sa Asya?
Ang pagkakaroon ng interes sa kultura ng Asya.
Ang pagnanais na makuha ang mga Likas na Yaman ng Asya.
Ang paghahanap ng bagong teritoryo para mapagkunan ng mga pampalasa.
Ang kanilang pananaw na dapat iligtas ang mga tao sa Asya muka sa kamangmangan at bisyo.
Paano nakatulong ang panahon ng pagtuklas at paggagalugad sa mga Europeo na makapag-angkat ng mga hilaw na materyales mula sa Asya?
Itinayo nila ang mga bagong pabrika sa Asya.
Nakahanap sila ng mga bagong ruta at kalakalan.
Nagbigay sila ng tulong sa mga lokal na komunidad.
Nagtayo sila ng mga paaralan at ospital na nag angat sa antas ng pamumuhay ng mga Asyano.
Batay sa iyong opinyon, ano ang pinakamalaking naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa mga bansang Asyano?
Ito ay nagdulot ng paglago ng turismo sa Asya.
Ito ay nagdulot ng pagbaba ng kalidad ng buhay ng mga Asyano.
Ito ay nagdulot ng pag-angat sa kapangyarihan ng mga lokal na lider.
Ito ay nagdulot ng pagkakaroon ng mas marami pang kalakalan sa ibang bansa.
Ano ang epekto ng tagumpay ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 sa mga lokal na komunidad sa Pilipinas?
Ito ay nag sanhi ng pagsigla ng kalakalan ng mga bansa sa Asya at ng mga Europeo.
Ito ay nagpasimula sa mahigit tatlong daang taon na kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas.
Nagbigay ito ng kapayapaan at kaunlaran sa Asya.
Nakatulong ito sa pag-unlad ng lokal na kultura ng mga bansa sa Asya.
Ang Polo Y Servicios ay sapilitang paggawa na ipinatupad sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, ano ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?
Ito ay nagpaunlad sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Ito ay nagdala ng kaisipan sa Pilipino na mag pursige katulad ng mga Espanyol.
Ito ay nagsanhi ng pag-aaklas ng mga katutubo dahil sa hindi makatarungan paggawa.
Ito ay nagbigay ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya sa mga manggagawang Pilipino.
Ano ang pangunahing layunin ng pagtatatag ng Dutch East India Company noong 1602?
Ito ay naglayon na lumikha ng mga sandatang pangdigma.
Ito ay naglayon maging monopolista ng kalakalan ng pampalasa.
Ito ay naglayon palakasin ang ugnayan pampolitika sa ibang bansa.
Ito ay naglayon na palaganapin ang kanilang kultura sa ibang bansa.
Sa pagkakasakop ng Netherlands sa Jakarta noong 1619, ano ang naging epekto nito sa kasaysayan ng Indonesia?
Nagdulot ito ng ng pag-unlad sa agrikultura at relihiyon.
Naging sentro ito ng kolonisasyon at kalakalan ng East Indies.
Naging sanhi ito ng malaking pag-aaklas ng mga lokal na mamamayan.
Nawala ang interes ng mga Europeo sa kalakalan sa Indonesia.
Sino ang nanguna sa unang Ekspedisyon ng mga Espanyol na dumating sa Homonhon noong 1521?
Sebastian El Cano
Alfonso de Albuquerque
Miguel Lopez de Legazpi
Ferdinand Magellan
Anong estratehiya ang ginamit ng mga British upang maimpluwensyahan ang malaking bahagi ng Malaysia?
Pagsasaayos ng mga lokal na pabrika.
Pagpapadala ng mga malalakas na hukbo.
Pakikipag-alyansa sa mga katutubong pinuno.
Pagkitil sa paglago ng mga lokal na tradisyon.
Anong taon nagsimula ang mahigit tatlong dantaon na kolonisayon ng mga Espanyol sa Pilipinas?
1521
1808
1602
1565
Ang polisiya na ito ay ipinatupad sa Indonesia na nagdulot ng pagkakawatak-watak ng mga samahan ng mga katutubo.
Divide Policy
Multiply Policy
Divide and Rule Policy
Multiply and Rule Policy
Ano ang naging epekto ng pananakop ng mga Kastila sa tradisyon at kultura ng mga Pilipino?
Ito ay nagturo ng mga ideolohiya ng pakikidigma at pakikipagtalo.
Ito ay nagturo sa mga Pilipino na sipiin ang kultura ng mga Espanyol.
Ito ay nagpasimula ng pagsasalin ng kultura na hanggang sa ngayon ay makikita sa bansa.
Ito ay nagbigay ng ideya sa mga Pilipino na ang mga kultura ng mga taga Espanya ay may mas mataas na antas.
Paano nakatulong ang pagpapatupad ng "Divide and Rule" policy sa pagkontrol ng mga Olandes sa Indonesia?
Nagpaunlad ito ng kaalaman ng mga katutubo.
Nagbigay ito ng mataas na edukasyon sa mga katutubo.
Nagdulot ito ng hindi pagkakaunawaan sa mga lokal na pinuno.
Nagbigay ito ng mga benepisyong magpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng mga Katutubo.
Kung ikaw ay isang lokal na pinuno sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, ano ang maari mong gawin upang mapanatili ang kultura ng mga Pilipino?
Makipagtulungan sa mga dayuhan upang makuha ang kanilang suporta.
Ipagbawal ang pagtangkilik sa kahit anong impluwensya ng mga banyaga.
Lumipat ng ibang lugar upang makaiwas sa impluwensya ng mga dayuhan.
Isulong ang lokal na kultura sa pamamagitan ng pagtatag ng mga organisasyon susuporta rito.
Paano mailalarawan ang epekto ng pagbabago sa kasuotan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila?
Ang mga Pilipino ay nagbihis ng magagarang damit.
Ang mga Pilipino ay huminto sa pagsusuot ng mga tradisyunal na damit.
Ang mga Pilipino ay nagbihis ng katulad ng mga Kastila.
Ang mga Pilipino ay nagdala ng mga damit na hindi akma sa klima sa Pilipinas.
Anong hakbang ang maari mong isagawa upang maipreserba ang tradisyon ng Pilipinas?
Mag-organisa ng mga handaan na nagtatampok sa mayaman kultura ng Pilipinas.
Ipagbawal ang pagpapalaganap ng impluwensya ng mga banyaga sa ating kultura.
Maglimbag ng mga babasahin na tatalakay sa masamang epekto ng pananakop ng mga Kastila.
Magsaliksik upang mapayaman ang kaalaman sa mga kultura ng ibang bansa.
Ano ang pangunahing produkto ng kinilala sa Indonesia na naging dahilan ng pagkakaroon ng interes ng mga bansang Kanluranin?
Ginto
Kape
Pampalasa
Tela
Ito ay ang patakarang na naglayon na ipasok ang kultura ng mga banyaga sa mga bansang kanilang sinasakop.
Cultural Exchange
Imperyalismo
Polisiyang Assimilation
Kolonyalismo
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng sapilitang paggawa sa mga kolonya?
Ito ay naglayon na palaganapin ang lokal na kultura.
Ito ay naglayon na piliting magtrabaho ang mga lokal para sa mga dayuhan.
Ito ay naglayon na mabigyan ng pormal na edukasyon ang mga lokal.
Ito ay naglayon na palaguin ang lokal na agrikultura.
Paano mailalarawan ang naging bunga ng paggamit ng dahas ng mga banyaga sa mga lokal na tribu sa Myanmar?
Ito ay nagresulta sa pag-urong mga lokal na pinuno sa pamamahala.
Ito ay nagbigay payapang kaisipan sa mga lokal na tribu sa Myanmar.
Ito ay nagpataas ng antas ng edukasyon ng mga lokal.
Ito ay nagpatibay ng nasyonalismo at pagkakaisa.
Bakit mahalaga ang hakbang ng assimilisasyon sa pananakop ng mga dayuhan?
Ito ay upang tulungan ang mga lokal na mamamayan.
Ito ay upang mabigyan ng benipisyo ng kaalaman ang mga lokal.
Ito ay upang maibahagi ang kanilang kultura at kontrolin ang mga lokal.
Ito ay upang makapagpatayo ng mga paaralan at iba pang institusyon sa lipunan.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangunahing epekto ng Assimilation Policy sa mga lokal na mamamayan?
Nanatili ang mga orihinal na tradisyon ng mga lokal na mamamayan.
Nawala ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
Napaunlad ang ekonomiya at politika ng mga lokal na mamamayan.
Nagkaroon ng pagkakataon makabalik sa mga katutubong kaugalian.
Bakit mahalaga na masakop ng England ang Burma sa panahon ng pananakop?
Dahil ito ay pagkukunan ng lakas paggawa.
Dahil ito ay pagmumulan ng mga hilaw na materyales.
Dahil ito magdadala ng ginto at katanyagan sa kanilang bansa.
Dahil ito ay magiging tagapagtanggol sa silangang bahagi ng kanyang teritoryo.
Ano ang pangunahing layunin ng Kasunduang Yandabo?
Upang makalaya ang mga Burmese mula sa Britanya.
Para itigil ang hidwaan at digmaan ng Burma at Britanya.
Para palakasin ang ugnayan ng mga bansa sa pakikipagkalakalan.
Upang makapagtayo ng bagong kolonya at mapagkukunan ng hilaw na materyales.
Ito ay ang kasunduang naglipat ng Arakan at Tenasserim ng Burma sa British East India Company?
Kasunduang Borneo
Kasunduang Manila
Kasunduang Paris
Kasunduang Yandabo
Ano ang pangunahing kahulugan ng "tunay na kalayaan" batay sa kaisipan ng nasyonalismo?
Pagtanggap ng mga dayuhang kultura.
Pagpapaunlad sa sariling ekonomiya ng bansa.
Pagpapatakbo ng sariling pamahalaan at gobyerno.
Pagsunod sa mga banyagang bansa na tumulong sa ating noong panahon ng digmaan.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga estratehiyang ginamit ng mga Europeo sa kanilang pananakop?
Pakikipagkaibigan
Pakikipagpalitan ng bansa
Pakikipagkasunduan
pananakop
Siya ay isa sa mga lider ng bansang Vietnam na nanguna sa pag-aalsa laban sa mga banyagang mananakop.
Aung San Suu Kyi
Ho Chi Minh
Pol Pot
Norodom Sihanouk
Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pananakop ng Japan sa Korea?
Paghahanap ng panibagong magpakukunan ng likas na yaman.
Pagsasakatuparan ng paghihiganti laban sa Tsina.
Pagsasagawa ng pagbabagong panlipunan.
Pagtulong ng mga Koreano sa ibang lahi.
Ano ang naging epekto nang pagwawagi ng Japan sa Digmaang Russo-Hapones?
Humina at naubos ang hukbo ng Japan.
Naging tanyag ang Japan bilang isang makapangyarihan bansa.
Lumawak ang teritoryo.
Ano ang naging epekto nang pagwawagi ng Japan sa Digmaang Russo-Hapones?
Humina at naubos ang hukbo ng Japan.
Naging tanyag ang Japan bilang isang makapangyarihan bansa.
Lumawak ang teritoryong sakop ng Russia.
Lumiit ang interes ng Japan na manakop pa ng ibang lupain.
Piliin kung alin sa mga sumusunod na kasunduan ang nagbigay daan sa paglipat ng kontrol ng Japan sa Korea?
Kasunduan ng Paris
Kasunduan ng Yandabo
Kasunduan ng Versailles
Kasunduan ng Kanagawa
Ano ang pagkakatulad ng estratehiya ng Japan sa Korea sa kanilang estratehiya sa China?
Pareho silang nagpalaganap ng takot at agresibong patakaran.
Pareho silang gumamit na mapayapang paraan.
Ipinaglaban nila ang mga lokal na mamamayan.
Parehas ang kanilang estratehiya.
Sa iyong palagay, bakit napagtagumpayan ng Japan ang mga digmaang na kanilang kinasangkutan?
Ang kanilang bansa ay nakakuha ng suporta mula sa mga Europeo.
Madami ang sundalo ng Japan, dahil sa malaki nilang populasyon.
Natatangi ang kanilang mga armas at teknolohiya sa pakikidigma.
Ang mga bansang kanilang nakatunggali ay walang pondo.
Paano nakatulong ang pag-unlad ng ekonomiya ng Japan sa militarisasyon ng bansa?
Ito ay nakapagpabuti sa antas ng pamumuhay sa lipunan.
Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa mamamayan na bumoto.
Ito ay pinagkunan ng pondo sa pagbili ng mga kagamitan pandigma.
Ito ay nagbigay salapi at katanyagan na nagamit sa pagpapalakas ng kanilang hukbo.
Piliin kung alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng impluwensya ng kultura ng mga Hapones sa ibat-ibang bansa.
Pakikipag kaibigan sa mga militar na alyansa.
Pag gamit ng banyagang salita sa pakikipag-usap.
Pag bebenta ng banyagang kagamitan at produkto.
Pag aangkat ng mga produkto katulad ng anime at manga.
Sa iyong palagay, ano ang posibleng mangyari kung hindi maayos na natugunan ang takot at pighati ng mga bansang nasakop ng Hapon?
Ito ay maaring nagdulot ng pag-unlad ng kanilang mga ekonomiya.
Ito ay maaring nagdulot ng pakikipagkaibigan ang mga bansa sa isat-isa.
Ito ay maaring nagdulot ng patuloy hindi pagkakaunawaan at hidwaan ng mga bansa.
Ito ay maaring nagdulot ng pagkawala ng orihinal na tradisyon at kultura ng mga bansang nasakop.
Ano ang kahalagahan ng impluwensiya ng Hapon sa ekonomiya ng mga bansang nasakop nito?
Ito ay nagpataas ng bilang ng mga turista.
Ito ay nagpaalis sa mga banyagang negosyante.
Ito ay nagpaangat ng antas at pag-unawa sa sining.
Ito ay nagdulot ng industriyalisasyon at modernisasyon.
Piliin kung alin sa mga sumusunod na aspeto ng kulturang Hapon ang nanatili sa mga bansang kanilang sinakop.
Mga kagamitan pangdigma at teknolohiyang militar.
Mga tradisyon pangtahanan at sining.
Mga paniniwal sa banyagang relihiyon.
Mga pag-aaral at papaunlad ng mga katutubong wika.
Ito ay epekto ng pananakop ng mga Hapones kung saan ang isang bansa ay nagnanais na gawin inspirasyon ang pamamahala ng mga Hapon sa panahon nang pananakop.
Epektong Politikal
Epektong Pang-ekonomiya
Epektong Pang-Kultura
Epektong Pang Edukasyon
