NEW
Font size
WorksheetsQ2 Prelim EsP 10
Total questions: 45
Worksheet time: 28mins
Ano ang likas na kilos na nangyayari sa mga tao tulad ng paghinga, tibok ng puso, pagdilat, at paghikab?
Malayang kilos
Makataong kilos
Kilos ng Tao
Kilos-loob
Ano ang kilos na likas sa mga tao ayon sa kanilang kalikasan bilang tao at hindi nangangailangan ng isip at kilos-loob?
kusang loob
walang kusang loob
Kilos ng tao
makataong kilos
Ano ang kilos na isinagawa ng isang tao na may kaalaman, malaya at kusa?
kusang loob
walang kusang loob
Kilos ng Tao
di kusang loob
Ano ang likas na kilos na nagaganap sa mga tao tulad ng paghinga?
malayang kilos
act of man
human act
Kilos-loob
Ayon sa mga turo ni Aristotle, anong uri ng kilos ang ipinakita ng isang ama na sumugod sa isang bata bilang ganti sa ginawa sa kanyang anak na pambubully.
Kilos-loob
walang kusang loob
kusang loob
di kusang loob
Kung kinikilala natin ang mga aral ni Aristotle, anong uri ng kilos ang ipinapakita ng isang estudyante na biglang humikab nang malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro?
Kilos loob
walang kusang loob
kusang loob
di kusang loob
Alin sa mga sumusunod na kilos ang ginagamitan ng isip at kilos-loob?
Pagkurap ng mata
Pagtulong sa mga biktima ng sakuna
Paghinga
Pagpintig ng puso
Ano ang uri ng kilos kung saan may kaalaman ngunit kulang sa pag sang-ayon?
kusang loob
di kusang loob
walang kusang loob
makataong kilos
Base sa kilos ayon sa pananagutan, anong uri ng kilos ang ipinapakita ng isang tao na may sakit sa pag-iisip na inutusan upang agawin ang wallet ng isang matandang babae?
kusang loob
walang kusang loob
di kusang loob
makataong kilos
Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na GAWI?
Pagkain ng agahan
Paggising sa gabi
Papasok ng maaga
Pagsuporta sa pagsusugal sa mga kaklase
Ito ay normal na damdamin subalit ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kanyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao, ano ang salik ang tinutukoy dito?
karahasan
gawi
Takot
masidhing damdamin
Ano ang tinutukoy kapag pinag-uusapan ang pagpataw ng puwersa tulad ng pananakit o pagpapahirap sa isang tao upang mapilit silang kumilos laban sa kanilang kalooban?
Takot
Paghihiganti
Karahasan
Matinding emosyon
Ang mga sumusunod ay salik na nakakaapekto sa pananagutan ng isang tao para sa mga kahihinatnan ng kanilang kilos at pasya maliban sa isa?
Takot
Karahasan
sirkumstansiya
kamangmangan
Ang mga sumusunod na kilos ay dulot ng takot, MALIBAN sa?
Ang pag-iingat ng doktor sa panahon ng operasyon
Pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
pagnanakaw ng kotse
pagsisinungaling ng tunay na sakit
Ano ang mga salik na nakakaapekto sa kilos ng tao?
Karahasan, panganib, takot
Emosyon, galit, takot
gawi, masidhing damdamin, takot
asal, ugali, personalidad
Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
Takot
Kamangmangan
Karahasan
Masidhing damdamin
Ang pangarap ni Raine ay maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan at tapusin ang kanyang pag-aaral upang mabago ang kanilang buhay. Gayunpaman, dahil sa pag-ibig, isinantabi niya ang kanyang pangarap at sa halip, si Raine ay sumamang magtanan sa kanyang kapareha. Alin sa mga sumusunod na salik ang nakaapekto sa pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasya?
masidhing damdamin
takot
gawi
kamangmangan
Anong uri ng kamangmangan ang maaari pang maitama dahil may mga paraan pa upang masolusyunan ito?
nadaraig
di nadaraig
madaraig
di madaraig
Ang mga ito ang nagsisilbing batayan ng tao sa pagsasagawa ng makataong kilos upang maging mabuti ang kalalabasan ng mga kilos na kanilang isasagawa?
yugto ng makataong kilos
Mga Salik na Nakakaapekto sa makataong kilos
Pagkukusa ng makataong kilos
kabutihan o kasamaan ng kilos
Ayon kay St. Thomas Aquinas, mayroong 12 Yugto ng makataong kilos na dapat sundin bilang gabay sa makataong pagkilos. Saan nakabase ang mga ito?
Intensyon at Layunin
Paghuhusga at Pagpili
Isip at Kilos-loob
Dahilan at Bunga
Anong yugto ng makataong kilos kung saan ang tao ay gumagawa na ng malayang desisyon/pagpapasya, ang tao ay may katiyakan na sa kanyang pasya
bunga
pagpili
Utos
Paggamit
Anong yugto ng makataong pagkilos kung saan nauunawaan ng isang tao kung ang kanilang mga kilos ay angkop, Dito malalaman kung naging angkop ang isinagawang pasya.?
Bunga
Pagpili
Utos
Paggamit
Sa yugtong ito ng Makataong kilos makikita ang resulta ng ginawang pagpapasya
Bunga
Pagpili
Utos
Paggamit
Si Cardo ay naglalakad pauwi at nakita ang puno ng mangga ng kanilang kapitbahay na hitik sa bunga. ilang araw na na niyang tinitingnan ito at nais itong kainin. Nasa anong yugto ng makataong pagkilos si Cardo?
Intensyon ng layunin
Pag-unawa sa layunin
Maingat na pagsusuri ng mga paraan
Nais ng layunin
Habang naglalakad sa mall, nakita ni Elnar ang isang pares ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Elnar?
Intensyon ng layunin
Nais ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Praktikal na paghuhusga sa pinili
Pinagisipan ni Elnar ang iba't ibang paraan upang mabili ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kanyang mga magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito? Nasa Anong yugto ng makataong kilos si Elnar?
Intensyon ng layunin
Pagka-unawa sa layunin
Masusing pagsusuri ng paraan
Paghuhusga sa kung ano ang nais niyang makamit
Upang masigurado na ang paraan na pipiliin ay angkop sa layunin, kailangang suriin ang bawat panig o posibilidad (positibo at negatibo) na maaring idulot ng mga pagpipilian. Nasa anong yugto ito ng makataong kilos
Masusing Pagsusuri ng paraan
Paghuhusga ng Paraan
Praktikal na Paghuhusga sa Pinili
Pangkaisipang kakayahan ng layunin
Binili ni Elnar ang sapatos. Pagkatapos bilhin ang mga ito, ginamit niya agad ang mga ito. Anong yugto ng aksyon ang ipinapakita ni Elnar?
Pagpili
Intensyon ng layunin
Utos
nais ng layunin
Inimbitahan si Kian ng kanyang mga kaklase na huwag pumasok sa paaralan at pumunta na lang sa isang computer shop. Hindi agad sumagot si Kian kundi nag-isip nang mabuti kung ito ay tama o mali at kung ano ang mga posibleng epekto kung siya ay sumama. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Kian?
Tingan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Sa lahat ng bagay na ginagawa ni Agnes, siya ay nag-iisip at palaging pumipili ng pinakamahusay/pinakamabuti na paraan. Anong yugto ng pagkilos ng tao ang kanyang ipinapakita?
Masusing Pagsusuri ng paraan
Paghuhusga ng Paraan
Praktikal na paghuhusga sa pinili
Pangkaisipang kakayahan ng layunin
Ano ang unang hakbang na dapat gawin sa paggawa ng moral na pagpapasiya?
isaisip ang mga posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Maghanap ng patunay
Tingnan ang kalooban
Ito ang paraan o kasangkapan upang makamit o maisakatuparan ang layunin. Ito ay sumasalamin sa layunin.
Kahihinatnan
Layunin
kilos
Sirkumstansiya
Ito ang tumutukoy sa kalalagyan/kondisyon ng kilos na nagiging batayan ng lawak at bigat ng pagkamabuti o pagkamasama ng isang kilos
Kahihinatnan
Paraan
Layunin
Sirkumstansya
May babae na nagustuhan at minahal si Kenshin ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
Masidhing damdamin
Karahasan
Takot
Kamangmangan
Ito ay tinatawag na isang panlabas na aksyon na nagsisilbing kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
Resulta
Paraan
Layunin
Kondisyon
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa panloob na kilos kung saan ang kilos-loob ay nakatuon at tumutukoy din sa taong nagsasagawa ng aksyon?
Resulta
Paraan
Layunin
Kondisyon
Ano ang antas ng sirkumstansiya na tumutukoy sa kung paano isinasagawa ang kilos?
Paano
Saan
Sino
Ano
Sa Makataong Pagkilos, kung ang papel na ginagampanan ng kilos-loob ay tumungo sa layunin o intensyon ng isip. Ano naman ang papel na ginagampanan ng isip?
Gumagabay sa paggawa ng kilos
Isinasakatuparan ang panloob na kilos
Magsuri ng impormasyon
Umunawa, Humusga at mag-utos
Dahil sa kakulangan ng pangtustos para sa kanyang pag-aaral, nagtrabaho si Bryan bilang working student sa isang fast food chain upang makapagtapos. Anong batayan ng kabutihan o kasamaan ng kilos ang tinutukoy sa pahayag?
kahihinatnan
Paraan
sirkumstansya
layunin
Binati mo ang iyong kamag aral sa kaniyang suot, na na ito ay maganda kahit hindi mo ito gusto upang mapagawa mo sa kanya ang iyong proyekto sa EsP. Sa anong batayan ng kabutihan o kasamaan ng kilos ito napapabiilang?
Kahihinatnan
Paraan
Sirkumstansya
Layunin
Ang mga sumusunod ay maaaring tawaging mabuting Kilos MALIBAN sa ____?
Kung palagi niyang ipinapahayag ang kanyang nararamdaman at nagbibigay inspirasyon sa iba
Kung siya ay nagmamalasakit sa sitwasyon ng iba
Kung siya ay may kapangyarihan ngunit ginagamit ito upang saktan ang iba
Kung siya ang dahilan ng tagumpay ng isang tao
Si Jen at Jolo ay magkaibigan. Nagkakagusto sila sa isa't isa ngunit si Jolo ay kasalukuyang nasa isang relasyon. Sa kabila ng hadlang, ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang relasyon. Anong prinsipyo ng sirkumstansiya ang sumasakop sa sitwasyong ito?
Maaring gawing Mabuti ang kilos na masama
Hindi pwedeng gawing Mabuti ang masama
Pwedeng lumikha ng kakaibang kilos na Mabuti o masama
Hindi pwedeng lumikha ng kakaibang kilos na Mabuti o masama
Kung mali ang layunin, magiging mali rin ba ang mga paraan at sirkumstansiya?
Hindi, dahil ang mga paraan at sirkumstansiya ay iba sa intensyon
Hindi, dahil tanging ang layunin lamang ang naapektuhan, hindi ang kilos
Oo, dahil kung ang panloob na gawa ay masama, ang buong gawa ay magiging masama rin
Oo, dahil ang mga gawa ay magkakaugnay/ konektado
Nasunugan ang isang pamilya sa lugar ni Chris. Sa halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang pagkakataon upang makapag nakaw sa pamilya. Nabawasan ba o nadagdagan ang kasamaan ng kanyang kilos?
Nabawasan, dahil sa matinding pangangailangan
Nadaragdagan, dahil sa halip na tulungan ay sinamantala pa niya
Nabawasan, dahil sa pamilya niya naman ito
Nadaragdagan, dahil sa sitwasyon ng pamilyang nasunugan
Alin sa mga sumusunod na antas ng sirkumstansiya o kalagayan ng kilos na nagiging batayan ng lawak at bigat ng pagkamabuti o pagkamasama ng isang kilos na siyang tumutukoy sa nagsasagawa ng kilos?
sino
ano
paano
saan
