WorksheetsHISTORIKAL (PAGSUSULIT)
Total questions: 15
Worksheet time: 7mins
1. Alin sa sumusunod ang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng wikang Filipino sa modernong panahon?
a. Paglaganap ng makabagong teknolohiya at paggamit ng Ingles
b. Pagtaas ng bilang ng mga guro ng Filipino sa mga paaraan
c. Pagiging opisyal na wika ng ibang bansa
d. Pagsasama ng wikang Filipino at Espanyol sa kurikulum
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang wikang Filipino sa pangkasalukuyan?
a. Upang maging eksklusibong wika ng edukasyon
b. Upang mapanatili ang pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa
c. Upang mapalitan ang Ingles bilang global na wika
d. Upang magkaroon ng iisang wika sa buong mundo
3. Paano maaaring maging mahalaga ang wikang Filipino sa hinaharap sa konteksto ng globalisasyon?
a. Bilang pangunahing midyum ng pakikipagkalakalan sa mundo
b. Bilang tagapagtaguyod ng kaalaman at teknolohiya sa bansa
c. Bilang hadlang sa paggamit ng iba pang wika
d. Bilang opisyal na wika ng United Nations
4. Ano ang pangunahing isyung panlipunan na tinalakay sa nobela?
a. Edukasyon
b. Karapatang pantao
c. Teknolohiya
d. Ekonomiya
5. Bakit mahalaga ang wikang Filipino bilang pambansang wika?
a. Dahil ito ay ginagamit lamang sa paaralan.
b. Dahil ito ang nagbubuklod sa mga Pilipino mula sa iba't ibang rehiyon.
c. Dahil ito ang pinakamaikling wika sa buong mundo.
d. Dahil ito ay ginagamit lamang tuwing Buwan ng Wika.
6. Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa wikang Filipino?
a. Paggamit nito lamang tuwing Linggo.
b. Pagsusulat ng mga sanaysay at tula gamit ang banyagang wika.
c. Patuloy na paggamit nito sa araw-araw na komunikasyon.
d. Pag-aaral ng mga banyagang wika kaysa sa Filipino.
7. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng wikang Filipino sa modernong panahon?
a. Upang makasabay sa globalisasyon.
b. Upang mapanatili ang sariling pagkakakilanlan bilang Pilipino.
c. Upang mapadali ang pakikisalamuha sa ibang lahi.
d. Upang mabawasan ang paggamit ng teknolohiya.
8. Alin sa mga sumusunod na akda ang nagtataglay ng kasaysayan at mahalagang mensahe tungkol sa nasyonalismo?
a. Florante at Laura
b. Noli Me Tangere
c. Ibong Adarna
d. Alamat ng Pinya
9. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng globalisasyon sa paggamit ng wikang Filipino?
a. Tumaas ang paggamit ng mga dayuhang wika sa iba’t ibang larangan.
b. Bumaba ang pagpapahalaga sa sariling wika at kultura.
c. Lumawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa iba’t ibang wika.
d. Lahat ng nabanggit.
10 . Ano ang pangunahing layunin ng linggwistika bilang agham?
A. Upang magturo ng tamang balarila sa bawat tao
B. Upang maunawaan ang estruktura, kahulugan, at gamit ng wika
C. Upang lumikha ng bagong mga wika para sa mundo
D. Upang ihambing ang kultura ng iba't ibang lahi
11. Paano nakatutulong ang pag-aaral ng linggwistika sa pag-unlad ng wika?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa makabago at makasaysayang aspeto ng wika
B. Sa pagtuturo ng simpleng balarila lamang
C. Sa pag-iwas sa paggamit ng dayalekto sa isang komunidad
D. Sa pagsugpo ng mga banyagang salita
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng linggwistika sa modernong panahon?
A. Pagbuo ng makabagong salita gamit ang teknolohiya at agham
B. Pagpapatupad ng mas mahigpit na panuntunan sa paggamit ng wika
C. Pagpapatigil ng paggamit ng tradisyunal na wika
D. Pagbawas ng iba’t ibang diyalekto sa isang bansa
13. Ito ang pag-aaral ng mga tunog ng wika.
a. Semantika
b. Ponolohiya
c. Morpolohiya
d. Semantiko
14. Ang pag-aaral ng kahulugan ng mga salita, parirala, at pangungusap.
a. Morph
b. Morpolohiya
c. Semantika
d. Ponolohikal
Sa loob ng 2-3 pangungusap, ilahad ang iyong natutunan sa asignaturang ito?
