wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

DOLORES (REBYU)

Total questions: 37

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Isang sining ng pagpapahayag na sumasalamin sa kakayahan ng tao na makapanghikayat, magpahayag ng kaisipan, at magbigay-inspirasyon sa iba.

(a)  

2.

Ito ay isang paraan ng komunikasyon na binibigyang diin ang paggamit ng salita upang maipahayag ang isang mensahe sa publiko.

(a)  

3.

Bahagi ng talumpati kung saan ipinakikilala ng tagapagsalita ang kanyang sarili at nagpapahayag ng layunin ng talumpati.

(a)  

4.

Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang konklusyon o buod ng talumpati sa bahaging ito.

(a)  

5.

Pinakamahalagang bahagi ng talumpati.

(a)  

6.

Sa bahaging ito, inilalahad ng tagapagsalita ang kanyang mga punto, argumento, at mga ideya.

(a)  

7.

Siya ang kauna-unahang pangulong babae ng Brazil.



(a)  

8.

Tawag sa mga taong nakatira sa Brazil.

(a)  

9.

Taon kung kailan isinagawa ang talumpati para sa inagurasyon ng unang pangulong babae ng Brazil.

(a)  

10.

Pangulong nanungkulan sa Brazil sa loob ng dalawang termino kung saan nagkaroon ng kamalayang panlipunan.

(a)  

11.

Nagsalin sa Filipino ng talumpating tinalakay.

(a)  

12.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

(a)  

13.

Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

(a)  

14.

Tumutukoy kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.

(a)  

15.

Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

(a)  

16.

Diwa ng tula.

(a)  

17.

Porma ng tula.

(a)  

18.

Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.

(a)  

19.

Anyo ng panitikan na ginagamit upang maipahayag ang damdamin sa isang masining na pamamaraan.

(a)  

20.

Pangunahing tauhan sa kuwentong “Ako Po’y Pitong Taong Gulang.”

(a)  

21.

Tawag sa lalaking namamagitan sa isang balagtasan.

(a)  

22.

Tawag sa babaeng namamagitan sa isang balagtasan.

(a)  

23.

Tawag sa isang taong sumusulat ng tula.

(a)  

24.

Kilala sa pagiging maikli at mabilis na pagsasalaysay ng mga pangyayari.

(a)  

25.

Isla kung saan nagmula ang akdang “Ako Po’y Pitong Taong Gulang.”

(a)  

26.

Narito ang ilang mga pagpapahirap na ginawa ng mayamang pamilya sa pangunahing tauhan sa "Ako Po'y Pitong Taong Gulang."

Pag-iigib ng tubig sa (a)  

27.

Narito ang ilang mga pagpapahirap na ginawa ng mayamang pamilya sa pangunahing tauhan sa "Ako Po'y Pitong Taong Gulang."

Paghuhugas ng (a)  

28.

Narito ang ilang mga pagpapahirap na ginawa ng mayamang pamilya sa pangunahing tauhan sa "Ako Po'y Pitong Taong Gulang."

Paghahanda ng (a)   sa umaga

29.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang Pangulo.

a)

TAGAGANAP

b)

SANHI

c)

TAGATANGGAP

d)

GANAPAN

30.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Tatakbo, tatalon, isisigaw ang pangalan mo.

a)

TAGAGANAP

b)

SANHI

c)

LAYON

d)

GANAPAN

31.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Ipanliligo ni Juanita ang mainit na tubig.

a)

KAGAMITAN

b)

SANHI

c)

LAYON

d)

GANAPAN

32.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.

a)

KAGAMITAN

b)

SANHI

c)

LAYON

d)

TAGATANGGAP

33.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling pabula.

a)

KAGAMITAN

b)

SANHI

c)

LAYON

d)

TAGATANGGAP

34.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Ang makapal na dyaket ay isinuot ni Regina.

a)

KAGAMITAN

b)

SANHI

c)

LAYON

d)

TAGATANGGAP

35.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Ang mga dahon ng lagundi ay ipinanggagamot sa iba’t ibang karamdaman.

a)

KAGAMITAN

b)

GANAPAN

c)

LAYON

d)

TAGAGANAP

36.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Ikasasaya ng mga magulang ko ang matataas na markang nakuha ko ngayong kwarter.

a)

KAGAMITAN

b)

GANAPAN

c)

SANHI

d)

TAGAGANAP

37.

Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang pangungusap sa ibaba.

Ang kawali ay pinaglutuan ni Ate Flor ng adobong manok.

a)

KAGAMITAN

b)

GANAPAN

c)

GANAPAN

d)

TAGAGANAP