Font size
WorksheetsPagsusulit sa Filipino 7
Total questions: 44
Worksheet time: 22mins
Ano ang tawag sa kuwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay?
Mito
Alamat
Maikling Kuwento
Kuwentong-bayan
Anong elemento ang nagbibigay-buhay sa akdang maaaring maging masama o mabuti?
Banghay
Simula
Tagpuan
Tauhan
Ano-ano ang madalas na tampok sa mga kuwentong-bayan ng isang pook o lugar?
Wika at kultura
Pagkain at sayaw
Kaugalian at tradisyon
Relihiyon at paniniwala
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan ng alamat?
Nagbibigay paliwanag sa pinagmulan ng isang bagay o pook.
Ito ay karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon. kadalasan angmga tauhan ay nakakaaliw tulad nina Pilandok, Juan Tamad at iba pa.
Ito ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan. Karaniwang tinatalakay nito ang mga diyos at diyosa.
Lahat ng nabanggit
Sinong dalubhasa ang nagsabi na ang Unang nanirahan sa Pilipinas ay ang mga Austronesian?
Aristotle
Peter Bellwood
Wilhelm Solheim Henry
Otley Bayer
Sino ang tinaguriang " Ama ng Sinaunang Pabula"?
Aesop
Socrates
Milo Winter
George Orwell
Anong akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang mga tao?
Dagli
Pabula
Parabola
Maikling kuwento
Bakit hindi nag-alis ng sumbrero si Juan Osong nang dumaan siya sa kuwartel ng militar?
Nakalimutan niya
Wala siyang sumbrero
Ayaw niyang sumunod sa utos
Nais niyang itago ang kanyang ulo sa init
Alin sa sumusunod ang hindi katangian na taglay ng pabula?
Nababasa sa isang upuan lamang
Napupulutan ng magagandang -asal
Nakaaaliw ang mga tauhang hayop
Nagsasalaysay ng makatotohanang pangyayari
Paano dumaan si Juan Osong sa munisipyo nang hindi nilalabag ang utos ng sundalo?
Gumapang siya
Dumaan siya sa ibang daan
Sumakay siya ng kabayo
Nakaapak siya sa sarili niyang lupa na inilagay sa kariton
Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa entablado?
Dula
Nobela
Alamat
Moro-Moro
Ano ang pinahahalagahan ng dula?
Kailangan iisang nangingibabaw na paksa o tema ang namamayani.
Mula sa guni-guni ng mambabasa o sa paningin at pananalig sa manonood.
Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng tao at mga suliranin.
Ang kalimitang paksa ay hango sa nabasang panitikan o napanood sa pelikula o telebisyon.
Naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan dahil ito ay __________.
May maraming tauhan
Nahahati ito sa iba't ibang yugto
May maraming tagpuan
Lahat ng nabanggit
Bakit mahalaga ang mga manonood sa isang dula?
Sila ang magbabayad sa ginastos ng produksyon.
Kailangan ng pupuna sa mga kahinaan ng pagtatanghal
Kailangan ng gagawa ng ingay habang itatanghal ang dula.
Kailangan ng saksi sa matagumpay na pag
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng dula sa moral na aral ng tao?
Pagtuturo na laging magpasya sa pamamagitan ng swerte
Pag-iwas ng tauhan sa responsibilidad sa buong kuwento.
Tauhang nagsumikap sa gitna ng pagsubok at nagwagi sa huli.
Pagpapakita ng tauhan na nagtatagumpay gamit ang panlilinlang.
Anong anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon at tinatawag din itong ekspositori?
Tekstong Prosidyural
Tekstong Impormatibo
Tekstong Persweysib
Tekstong Argumentatibo
Ano ang tawag sa dahilan ng pangyayari?
Bunga
Sanhi
Paghahambing
Pagkokontrast
Paano mo malalaman kung ang isang teksto ay ekspositori?
Kapag ang teksto ay naglalaman ng mga tula at salawikain.
Kapag ang teksto ay nagbibigay ng mga personal na opinyon.
Kapag ang kuwento ay naglalaman ng mga tauhan at kuwento
Kapag ang teksto ay nagbibigay ng mga detalye at paliwanag tungkol sa isang paksa
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na estruktura sa isang tekstong ekspositori?
Upang gawing masaya ang pagbabasa
Upang mapanatili ang mahabang talata
Upang mapanatili ang interest ng mambabasa sa pamamagitan ng kuwento.
Upang mas madaling maiparating ang impormasyon at ideya sa mga mambabasa.
Paano nagagamit ang mga listahan ng mga hakbang sa isang tekstong ekspositori?
Upang magbigay ng opinion.
Upang magbigay aliw sa mambabasa.
Upang magbigay ng mga personal na kuwento.
Upang ipaliwanag ang proseso o paraan ng paggawa ng isang bagay.
Mga Sangkap: 3 kutsarang mantika, 1 kutsaritang bawang, 1 pirasong sibuyas, ½ kilong manok, ½ kilong hipon, 1 tasang toyo, ¼ kutsaritang paminta, 1 pirasong carrot, 1 tasang repolyo, ½ tasang bitsuelas, 2 tasang sabaw ng manok at ½ kilong bihon. Paraan ng Pagluluto: Painitin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon. Timplahan. Idagdag ang mga gulay. Sangkutsahin. Ibuhos ang sabaw. Pagkulo, ilagay ang bihon. Lutuin hanggang matuyo. Ihaing may kasamang patis at kalamansi. Handa nang kainin ang Pansit.
resipe
journal
brochure
transkripsyon ng talumpati
Personal na sanaysay
Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa chess. Kung minsan ay maghapon kaming naglalaro ni Tatay. Di ko akalain na dahil sa larong ito, magiging varsity player ako sa kolehiyo. At ang aking kasintahan ay manlalaro rin ng ng chess. Ngayon, tinuturuan ko na ring maglaro ang aming dalawang anak. Chess ang laro ng aking pamilya.
Personal na sanaysay
brochure
memoir
Talumpati
Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagsusuri sa apat na nobela ni Lualhati Bautista. Layunin ng pag-aaral na kilalanin ang papel ng mga kababaihan sa nobelang "Dekada 70", "Bata, Bata, Paano ka Ginawa", "Gapo" at "Desaparecidos". Sa pamamagitan ng pananaliksik ay nagiging malinaw ang konsepto ng Feminismo at kung paano ito naging bahagi ng Panitikang Pilipino.
transkripsyon ng Talumpati
Memoir
Brochure
Personal na sanaysay
Ipinahayag ni pangulong BBM ang kaniyang mga naging programa sa unang dalawang
Memoir
Resipe
Journal
Transkripsyon ng Talumpati
Ano ang tawag sa isang pahayag kung ang panghalip na humahalili sa pangngalan ay nasa hulihan nito?
Pangngalan
Anapora
Katapora
Kohesyong gramatikal
Ano naman ang tawag sa isang pahayag kung ang panghalip ay ginamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan?
Pangngalan
Anapora
Katapora
Kohesyong gramatikal
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay-diin sa wastong salitang angkop gamitin depende kung pormal o impormal ang paglalahad.
Diksyon
Estilo
Pagtukoy sa Paksa
Mekaniks sa Pagsulat
Nagsilbing tagapayo ni Bonifacio si Emilio Jacinto. Siya ang kinikilalang “Utak ng Katipunan.” Ang pahayag ay isang halimbawa ng______.
Pangngalan
Anapora
Katapora
Kohesyong gramatikal
Ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng disenyo para sa brochure?
Dapat laging itim at puti upang maging propesyonal.
Dapat puno ng kulay kahit walang kaugnayan sa tauhan.
Dapat ito'y simple ngunit naaayon sa personalidad ng tauhan.
Dapat may kasamang interactive elements tulad ng QR codes.
Bakit mahalaga ang speech bubble sa isang comic brochure?
Upang magbigay ng mga talata at sanaysay.
Upang palamutian lamang ang bawat pahina.
Upang gawing malinaw ang mga dialogue o pahayag ng tauhan.
Upang magdagdag ng mga dekorasyong walang kinalaman sa kuwento.
Ano ang tungkulin ng captions sa isang comic brochure?
Magpakita ng oras at petsa.
Magbigay ng pangalan ng mga tauhan
Magbigay ng mga nakatatawang linya sa bawat pahina.
Magpaliwanag ng eksena o magdagdag ng impormasyon tungkol sa nangyayari.
Ano ang tawag sa mga imahen o larawan na nagpapahayag ng mensahe o impormasyon?
Komiks
Ekspositori
Tekstong Biswal
Comic Brochure
Ano ang tawag sa anyo ng pagsulat na naglalarawan at nagkukuwento ng buhay ng isang tao?
Nanghihikayat
Sanhi-bunga
Bayograpikal
Argumentatibo
Alin ang dapat tandaan sa pagsulat ng bayograpikal na sanaysay?
Pagsulat ng mga papuri lamang
Pagtukoy ng napakaraming detalye
Pagtutok sa obhektibong pagsusuri
Pagbanggit ng maraming kasabihan
Anong uri ng impormasyon ang mahalaga sa pagsulat ng bayograpikal na sanaysay?
Mga katanungang retorikal.
Mga balitang pangkalakalan.
Petsa ng mga mahahalagang pangyayari.
Opinyon ng ibang tao sa kanyang personalidad.
Ang mga sumusunod ay elemento ng comic book MALIBAN sa________.
kulay/anyo
Imahen
Taludtod
Tupi
Kung magsusulat ka ng isang bayograpikong sanaysay. Ano ang unang hakbang na gagawin mo?
Pumili ng tauhan/paksa
Sumulat ng panimula
Magsulat ng kongklusyon
Mag-edit at mag rebisa.
Ang mga Austronesyano ay pinaniniwalaang dumating sa panahon ng ____________.
Mesolitiko
Metal
Neolitiko
Paleolitiko
Anong uri ng Tunggalian ang "Nasira ang bahay nina Alvin dahil sa matinding bagyo."?
Tao vs.Tao
Tao vs.Sarili
Tao vs.Kalikasan
Tao vs. Kalikasan
Sa kuwentong "Juan Osong" paano masasalamin sa kuwento ang kaugalian ng mga Pilipino?
Pagkiling sa mga banyagang tradisyon.
Pag-iwas sa paglaban sa mga awtoridad.
Pagtitiwala lamang sa mga taong nasa kapangyarihan.
Pagpapahalaga sa pagiging masayahin at mapamaraan.
Sa kuwentong "Juan Osong" Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng impluwensiya ng panahon sa Kuwento?
Ang paggamit ng mga teknolohiyang modern
Ang pagbibigay-diin sa agham at matematika
Ang pagdalo sa mga seminar at pagpupulong
Ang pagtukoy sa mga tradisyunal na paniniwala ng mga tao.
Kung gagawa ka ng pabula tungkol sa pagiging matulungin, aling hayop ang pipiliin mo at bakit?
Kuneho, dahil ito ay masipag.
Aso, dahil ito ay tapat at handang tumulong
Pilandok, dahil ito ay independiyente at matalino
Agila, dahil ito ay matatag at mataas ang pananaw
Nakarating ang pabula sa modernong panahon kasama na ang Pilipinas dahil sa_____________.
pagbabasa ng mga pabula
palabas sa telebisyon
pasalindila ng ating mga ninuno.
pandarayuhan ng iba't-ibang lahi
Ano ang nangyari kay Somusun matapos niyang patunugin ang inaakalang batingaw?
Walang nangyari
Napatunog niya ito at natuwa
Napagalitan siya ng Sultan
Nilusob siya ng mgapukyutan
