wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 3

Total questions: 28

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Tumutukoy sa mga salitang magkapareho ang tunog sa huling pantig ng mga salita.

a)

magkatugma

b)

magkasingkahulugan

c)

magkasalungat

d)

magkaparehas ang baybay

2.

Magbigay ng halimbawa ng salitang magkatugma.

a)

mata - siko

b)

baso - paso

c)

gulong - paso

d)

baso – gulong

3.

Alin ang hindi katugma ng salitang tulay?

a)

gulay

b)

kilay

c)

tulya

d)

palay

4.

Ano ang iyong ipinagdiriwang tuwing araw ng iyong kapanganakan?

a)

arawan

b)

kaaraw-arawan

c)

kararawan

d)

kaarawan

5.

Ito ay isang hanapbuhay kung saan ikaw ay kumikita.

a)

trabaho

b)

trabahu

c)

tarabaho

d)

tarabahu

6.

Ano ang kasingkahulugahan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?

Mapagkumbaba ang aking ina kaya siya’y pinagpapala.

a)

mayabang

b)

mahinahon

c)

mayaman

d)

maganda

7.

Alin ang salitang-ugat ng may salungguhit sa pangungusap?

Kapayapaan ang hangad ng lahat ng tao.

a)

kapaya

b)

yapaan

c)

payapa

d)

papaya

8.

Matapat na bata si Grace. Minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan niya.   Mabuti na lang at kilala niya kung sino ang may-ari nito. Ano kaya ang gagawin niya?

a)

Kukuha ng pera sa pitaka at itatapon niya sa kalsada.

b)

Itatago ang pitaka sa kaniyang kuwarto.

c)

Ipagwawalang bahala niya ito.

d)

Isasauli sa may-ari ang pitaka.

9.

Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Cathlyn at Cristelle.

             Agad silang kumuha ng walis tingting at nagwalis sa kanilang bakuran.

a)

Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.

b)

Pinagawa pa sila ng iba pang gawaing bahay.

c)

Pinaalis sila ng kanilang ina.

d)

Nagalit ang kanilang ina.

10.

Ano ang itinuturo ng guro sa paglilinis ng silid-aralan?

a)

Pagtatapon ng basura kahit saan.

b)

Pag-aayos ng gamit pagkatapos gamitin.

c)

Pag-iwan ng kalat sa sahig.

d)

Paglalagay ng basura sa ilalim ng upuan.

11.

Ano ang ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hunyo?

a)

bagong taon

b)

araw ng mga puso

c)

araw ng kalayaan

d)

araw ng mga bayani

12.

Kung ang bukirin ay may magandang tanawin, ano naman ang mayroon sa siyudad?

a)

sariwang hangin

b)

tahimik na paligid

c)

mga bundok

d)

ingay nang maraming sasakyan

13.

Ano ang pagkakapareho ng puno ng mangga at niyog?

a)

parehong namumunga

b)

. pareho ng laki ng katawan

c)

pareho ng dahon

d)

parehong may buto ang bunga

14.

Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?

a)

pagiging masunurin

b)

pagiging magalang

c)

mapagkakatiwalaan

d)

pagiging masinop

15.

Aling simbolo ang nagpapakita ng “Bawal Pumarada”?

a)

b)

c)

d)

16.

Ano ang ipinahihiwatig ng babalang “Bawal Pumitas ng mga Bulaklak”?

a)

Pitasin ang mga bulaklak at ibigay sa nanay.

b)

Magtanim ng mga halaman.

c)

Ang dahon lang ang pwedeng kuhanin.

d)

Hindi maaaring pitasin kahit nagagandahan ka.

17.

Ito ay tumutukoy sa kulay, hugis, katangian o pisikal na kaanyuan ng isang tao, bagay, hayop, at lugar.

a)

pang-uri

b)

pandiwa

c)

pangngalan

d)

panghalip

18.

Alin ang hindi naglalarawan sa isang lugar?

a)

malinis

b)

matingkad

c)

malawak

d)

maaliwalas

19.

Alin ang maaaring maglarawan sa mangga?  

a)

matapang

b)

mabagal

c)

matamis

d)

maamo

20.

Aling ang salitang naglalarawan sa pangungusap?

Umakyat kami sa matayog na bundok.

a)

umakyat

b)

umakyat

c)

kami

d)

matayog

21.

Ano ang maaaring mabuong tanong tungkol sa larawan?

a)

Bakit nakatanggap si Jewen ng medalya?

b)

Kailan ang kaarawan ni Jewen?

c)

Saan namasyal si Jewen?

d)

Paano nakatulong si Jewen sa mga nangangailangan?

22.

Ano ang mabubuong katanungan batay sa teksto?

Maliit pa lamang si Kirby ay iniwan na siya ng kaniyang ina.

Pumunta ito sa ibang bansa upang magtrabaho para matustusan ang

 pangangailangan ng pamilya. Ilang taon din ang bibilangin bago siya makauwi.

a)

Ano ang pangalan ng kanyang ina?

b)

Sino ang iniwan ng kaniyang ina para maghanap buhay sa ibang bansa?

c)

Kailan namamasyal ang pamilya ni Kirby?

d)

Saan ipinanganak si Kirby?

23.

Alin ang may tamang bantas sa pangungusap?

a)

Madalas makakuha ng mikrobyo ang kamay!

b)

Marami tayong hinahawakang maruming bagay?

c)

Magsabon ng kamay na hindi bababa sa 20 segundo.

d)

Punasan, ng malinis na tela ang mga kamay.

24.

Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin?

a)

tuldok (.)

b)

tandang pananong (?)

c)

kuwit (,)

d)

tandang padamdam (!)

25.

Nahuli sa klase si Gabriel dahil nasira ang kaniyang bisikleta sa daan.

Paano niya ito ipapaliwanag sa kaniyang guro?

a)

Patawad po, nasiraan po kasi ako ng bisikleta sa daan.

b)

Wala kayong pakialam kung mahuli man ako sa klase.

c)

Nahuli ako dahil nasiraan ako ng bisikleta.

d)

Hindi ko kagustuhan na masiraan sa daan kaya nahuli ako.

26.

Tinanong ka ng iyong tatay kung bakit gising ka pa na napakalalim na ng gabi.

               Ano ang sasabihin mo?

a)

Hindi ako makatulog!

b)

Nag-aaral pa po kasi ako sa aking mga aralin.

c)

Hindi na po ninyo ako dapat tinatanong.

d)

Wala kayong pakialam sa akin.

27.

Inimbitahan ka ng iyong kaibigan sa kaniyang kaarawan. Paano mo ito ipapaalam sa iyong ina?

a)

Payagan niyo akong dumalo sa kaarawan ng aking kaibigan!

b)

Dadalo ako sa kaarawan ng aking kaibigan.

c)

Gusto ko pong dumalo sa kaarawan ng aking kaibigan. Sana po ay payagan niyo ako.

d)

Sa ayaw at gusto ninyo dadalo ako sa kaarawan ng aking kaibigan.

28.

Nabasag mo ang plorera ng iyong guro. Paano mo ito ipapaliwanag sa kaniya?

a)

Hindi ko po kasalanan iyan.

b)

Hindi ako ang may gawa niyan!

c)

Papalitan ko na lang para hindi kayo magalit.

d)

Patawarin po ninyo ako. Hindi ko po sinasadya.