wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.



1. Ang sumusunod ay ang mga layunin ng dula
MALIBAN sa isa.

a)

Magbigay-libangan sa mga manonood.

b)

Magbigay-buhay ang mga tauhan sa kuwento.

c)

Maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.

d)

Maipakita sa mundo na ang mga Pilipino ay magaling sa larangan ng pagtatanghal.

2.

2. Dito makikita ang mga diyalogo ng mga tauhan, mga kagamitang kinakailangan, mga kilos, at mga detalyeng mahalaga sa pagtatanghal ng dula.

a)

Direktor

b)

Iskrip

c)

Tanghalan

d)

Tauhan

3.

3. Elemento ito ng dula na nagbibigay ng buhay sa kuwento.

a)

Direktor

b)

Iskrip

c)

Tanghalan

d)

Tauhan

4.

4. Ito ay mga dulang itinatanghal sa lansangan na naglalayong magbigay ng magandang pagtatanghal sa taong-bayan.

a)

Dulang pantahanan

b)

Dulang pampaaralan

c)

Dulang panlansangan

d)

Dulang pang-entablado

5.

5. Naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan dahil ito ay __.

a)

may maraming tauhan

b)

may maraming tagpuan

c)

nahahati ito sa iba’t ibang yugto

d)

lahat ng nabanggit

6.

6. Ang dulang “Ang Mahiwagang Tandang ay dula mula sa ______________.

a)

Luzon

b)

Maguindanao

c)

Mindanao

d)

Visayas

7.

7. Ito ay isang panitikang itinatanghal sa entablado.

a)

Dula

b)

Kuwentong-bayan

c)

Pabula

d)

Tula

8.

8. Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay kilala bilang isang akdang pampanitikan na may layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay at ipinalalabas sa ______.

a)

labas ng bahay

b)

lansangan

c)

paaralan

d)

tanghalan

9.

Suriin kung anong elemento o bahagi ng banghay ng akdang tuluyan ang tinutukoy sa bawat bilang.

11. Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng Panay.

a)

Kasukdulan

b)

Simula

c)

Tauhan

d)

Tagpuan

10.

12. Nalunod ang kanyang mga anak nang ang sinasakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito. Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Tagpuan

d)

Wakas

11.

13. Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga.

a)

Kakalasan

b)

Saglit na kasiglahan

c)

Simula

d)

Wakas

12.

9. Isa itong elemento ng dula na tinatawag ding kaluluwa ng dula.

a)

Direktor

b)

Iskrip

c)

Tanghalan

d)

Tauhan

13.

10. Siya ang nangangasiwa sa kabuoang pagtatanghal at nagpapakahulugan sa iskrip.

a)

Direktor

b)

Iskrip

c)

Tanghalan

d)

Tauhan

14.

14. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero. Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang nagsipayag. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. 

a)

Saglit na kasiglahan

b)

Tauhan

c)

Tunggalian

d)

Wakas

15.

15. Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan. Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga.

a)

Kasukdulan

b)

Simula

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

16.

Panuto:
Suriin ang mahahalagang pangyayari sa tekstong binasa.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

16. Ano ang nakita ni Pilandok na akala niya ay isang batingaw?

a)

isang bato

b)

isang bundok

c)

isang sako ng bigas

d)

isang bahay-pukyutan

17.

17. Sino ang manlalakbay na dumaan at nakausap ni Pilandok?

a)

Ang sultan

b)

Si Somusun

c)

Isang sundalo

d)

Isang magsasaka

18.

18. Bakit nagpasya si Somusun na patunugin ang inaakalang batingaw?

a)

Dahil siya ay gutom

b)

Dahil iniutos ng Sultan

c)

Dahil gusto niyang malaman ang tunog nito

d)

Dahil gusto niyang ipagmalaki ang kanyang pagiging Maharlika

19.

19. Ano ang inialok ni Somusun kapalit ng pahintulot na patunugin ang batingaw?

a)

isang kalabaw

b)

isang palasyo

c)

ginto at diyamante

d)

pagkain at tubig

20.


20. Ano ang nangyari kay Somusun matapos niyang patunugin ang inaakalang batingaw?

a)

walang nangyari

b)

napagalitan siya ng Sultan

c)

napatunog niya ito at natuwa

d)

nilusob siya ng mga pukyutan