wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 Summative Test in AP 9

Total questions: 35

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks na nakasentro sa gawi at pagdedesisyon ng indibidwal, negosyante at pamilihan ay tinatawag na ___________.

a)

Econometric

b)

Microeconomics

c)

Macroeconomics

d)

normative economic

2.

Sa kasalukuyan, saan nagaganap ang pinakamabilis na transakyon ng pakikipagpalitan ng produkto o serbisyo?

a)

bahay-kalakal

b)

tindahan

c)

online

d)

lahat ng nabanggit

3.

Ito ang tawag sa presyong dapat bayaran ng prodyuser sa pamahalaan.

a)

Taripa

b)

Buwis

c)

Subsidy

d)

Wage Rate

4.

Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo.

a)

Demand

b)

Demand Function

c)

Demand Curve

d)

Demand Schedule

5.

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

a)

Demand

b)

Ekwilibriyo

c)

Supply

d)

Produksyon

6.

Ito ang mabisang pamamaraan para maipakilala ng mga prodyuser ang kanilang mga produkto.

a)

Agreement

b)

Advertisement

c)

Announcement

d)

Propaganda

7.

Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o kasangkapan na nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.

a)

Halaga ng Produksyon

b)

Teknolohiya

c)

Bilang ng Nagtitinda

d)

Presyo

8.

Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.

a)

Presyo

b)

Konsyumer

c)

Prodyuser

d)

Nagtitinda

9.

Ito ay isang matematikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.

a)

Demand Curve

b)

Demand Function

c)

Demand Slope

d)

Demand Schedule

10.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI itinuturing na paksa sa microeconomics?

a)

pamamahagi ng lupain

b)

kompetisyon sa pamilihan  

c)

dahilan ng pagkawala ng produkto

d)

dahilan ng pagbaba ng presyo ng harina

11.

Ito ay mabubuo kung ilalapat ang demand schedule sa isang grap.

a)

Demand Curve

b)

Demand Function

c)

Demand Slope

d)

Demand Schedule

12.

Ano ang tawag sa pagtatakda ng pamahalaan sa pinakamataas na presyo ng mga produkto at serbisyo para matuguan ang hinaing ng mga konsyumer?

a)

price ceiling

b)

price freeze    

c)

market clearing price

d)

floor price

13.

Bilang isang mag-aaral mahalagang isabubuhay mo ang batas ng demand.  Papano mo ito gagawin?

a)

Marunong nang mag-ipon para sa gusto mong gadget.

b)

Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat pagbili.

c)

Gagastos ayon sa pangangailangan.

d)

Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili

14.

Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan ng interaksyon ng suplay at demand?

a)

pagtatakda ng makatarungang buwis

b)

pagtatakda ng dami ng paninda

c)

pagtatakda ng bilang ng mamimili

d)

pagtatakda ng presyo ng bilihin

15.

Noong panahon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na maubusan ng produkto para sa kaligtasang pangkalusugan.  Ano ang nangyayari sa demand ng face mask?

a)

Mananatili ang pangangailangan ng face mask

b)

Bababa ang pangangailangan ng face mask.

c)

Tataas ang pangangailangan ng face mask.

d)

Regular ang pangangailangan ng face mask.

16.

Dito itinatakda ang mga produkto at serbisyong gagawin at kung gaano ito karami.

a)

Sanglaan

b)

Kusina

c)

Pamilihan

d)

Bangko

17.

Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng magkaroon ng pandemya.  Bakit naapektuhan ang kanyang benta?

a)

Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan

b)

Dahil marami ang nawalan ng trabaho

c)

Dahil bawal na lumabas

d)

Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan

18.

Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan.  Ano ang magiging epekto nito sa supply ng bigas?

a)

Bababa ang magiging supply

b)

Tataas ang magiging supply

c)

Mananatili ang dami ng supply

d)

Aangkat ng supply

19.

Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili.  Kung kayo ay may negosyong pater, ano ang gagawin mo para dumami ang benta ninyo?

a)

Tataasan ko ang presyo ng pater

b)

Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili

c)

Mamimigay ako ng libreng sample

d)

Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa aming tindahan

20.

Ang product differentiation ay nangangahulugang ___________________.

a)

Maraming produkto ang ipinagbibili ng iisang prodyuser lamang

b)

Eksaktong magkakahawig ang mga produkto

c)

Walang pagkakapareho ang mga katangian ng mga produkto

d)

May pagkakapareho ngunit di eksaktong magkakahawig ang katangian ng mga produktong ipinagbibili 

21.

Para makatipid, bumili si Samuel ng tsokolate para sa kanyang nobya kahit sa susunod na linggo pa ang araw ng mga puso.  Bakit nagdesisyon si Samuel na gawin ito?

a)

Dahil sa dami ng mamimili

b)

Dahil sa kanyang panlasa

c)

Dahil sa inaasahang niyang kita

d)

Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito.

22.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng malaking papel ng pamahalaan para mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan?

a)

panghuhuli sa mga illegal vendors

b)

pagtatakda ng suggested retail price bilang gabay sa presyo 

c)

pagpapatupad ng Consumers’ Welfare Act

d)

panghihikayat sa maliliit na negosyante na palawakin ang kanilang mga negosyo

23.

Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding sa pamilihan?

a)

 Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.

b)

Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng mga ito sa pamilihan.

c)

Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas mataas na presyo.

d)

Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.

24.

Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga di-presyong salik na nakaapekto sa demand?

a)

Kita o tubo ng nagtitinda

b)

Panlasa ng Mamimili

c)

Populasyon sa lugar

d)

Espekulasyon o inaasahan ng mamimili

25.

Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang presyo at supply. Anong pahayag ang nagpapatunay nito?

a)

Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag mababa ang presyo, mababa din ang supply.

b)

Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa ang presyo, tataas ang supply.

c)

Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag mababa ang presyo, bahagyang tataas ang supply.

d)

Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at kapag mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.

26.

Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa ang presyo?

a)

Dahil mag-aagawan ang mga tao     

b)

Dahil marami siyang magiging kakompetensya sa pagtitinda

c)

Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto

d)

Dahil mababa ang salik ng produksyon nito

27.

Ito ang tawag sa presyo na itinakda na mas mataas sa presyong ekilibriyo.

a)

suggested price

b)

price control

c)

price ceiling

d)

individual price

28.

 Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply schedule at supply curve.  Paano mo mailalarawan ang mga ito?

a)

Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan.

b)

Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan sa presyo.

c)

Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang supply curve ay talaan ng presyo at dami ng supply.

d)

Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan ng dami ng supply.

29.

Nagkakaroon ng collusion sa pagitan ng dalawang bahay-kalakal kapag ________________.

a)

pag-aagawan ng mga suki o tapat na mga mamimili

b)

pagtatakda ng araw ng pagtitinda ng kanilang mga produkto sa pamilihan

c)

pagtatakda ng presyo at paghahati sa mga pamilihang magbebenta ng kanilang mga produkto

d)

pagtatakda ng parusa sa mga lumalabag sa wastong paggamit ng sangkap at sukatan ng timbang

30.

Kapag nasa state of calamity ang bansa bunga ng pagkakaroon ng kalamidad, ang mga pangunahing bilihin ay isinasailalim sa ____.

a)

price tag

b)

price control

c)

floor price

d)

price support

31.

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mamimili.

a)

Demand function

b)

Demand 

c)

Demand schedule

d)

Demand curve

32.

Ito ang tawag sa salaping ipinapataw sa mga produktong iniaangkat o binibili sa ibang bansa.upang proteksyonan ang mga lokal na industriya laban sa kompetisyon ng mga dayuhan.

a)

Subsidy

b)

Wage Rate

c)

Taripa

d)

Buwis

33.

Kapag may nagaganap na sabwatan sa pamamagitan ng kartel ng mga negosyante, ito ay   may ___________.

a)

monopolyo

b)

kompetisyong monopolistiko

c)

oligopolyo

d)

monopsonyo

34.

Sa uring ito ng pamilihan iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at nagbibigay ng serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili?

a)

Monopolyo

b)

Monopsonyo

c)

Oligopolyo

d)

Monopolistic Competition

35.

Ang negosyante at tumatanggap ng bayad sa kaniyang serbisyo sa sariling negosyo na isinasama sa gastusin sa produksiyon ay isang halimbawa ng _________.

a)

explicit cost

b)

implicit cost

c)

Economic Cost

d)

opportunity cost