NEW
Font size
WorksheetsSummative-FIlipino 9
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Pinakamaliit na yunit ng salitang may kahulugan.
Morpema
Ponema
Salitang-ugat
Pantig
Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 pantig.
Ambahan
Haiku
Tanaga
Tanka
Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.
Maikling Kuwento
Kuwentong-bayan
Parabula
Pabula
Ano ang tawag sa kalipunan ng mga tula kung saan nakalagay ang pinakaunang Tanka ng mga
Hapon?
Panulaan
Manyoshu
Kana
Antolohiya
Mula sa isang tuldok ng kaluwalhatian, anak, ikaw ay sumilang. Inaruga ka ng iyong ama at ipinaghehele sa oyayi nang walang pag-iimbot na pag-ibig. Ni sa lamok ay ayaw kang padapuan. Ni sa langgam ay ayaw kang pagapangan. Ngunit paminsan-minsan, anak, ikaw ay umaatungal ng iyak. Pagkat ayaw mo sa iyong yaya. Ni sa iyong mga tiya. Ang gusto mo’y sa akin magpaalaga, magpakuwento, magpatulog. Gusto mo’y magpaheleng katulad noong ika ‘y sanggol pa. Kung kailan pa naman ako subsob sa pagmamakinilya. Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit minsan ay kailangang mas harapin ko pa ang pagmamakinilya kaysa sa pagkarga sa iyo?
Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?
Padapuan – pagapangan
Wagas – Dalisay
iyak nang iyak – umaatungal
Magpahele -
magpa-alaga
Tenyong: Tatang, ikaw po’ y ititihaya ko nang hindi mangalay... Inggo: Huwag na ... anak ko ... hindi na maaari ... luray-luray na ang katawan ko ... Tayo’y maghihiwalay nang walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin ... Julia-Juana ... kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila ... Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala! Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako’y iyong patawarin ... Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.
Ang Kulturang Pilipino na lantad sa bahaging ito ng dula.
Maluwag na pagtanggap sa kamatayan
Pag-iiwan ng habilin bago lumisan
Paghingi ng tawad sa naging pagkakasala
Pagmamahal at pagmamalasakit sa magulang
Ponemikong karakter na ginagamit ng mga hapon sa kanilang pagsulat.
Kiru
Kireji
Aristocrats
Kana
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang anino ng sabungang iyan. Celing: Nawa’y magkatotoo na sana iyan, Kulas. Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman. Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon. (Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni Kulas ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.
Ang senaryong ipinakita sa bahagi ng dulang “Sa Pula, Sa Puti” ay ______________.
pagsisisi sa huli sanhi ng pagkatalo
panghihinayang
pagkahilig sa sugal
pag-aaway
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang anino ng sabungang iyan. Celing: Nawa’y magkatotoo na sana iyan, Kulas. Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman. Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon. (Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni Kulas ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Tukuyin sa sumusunod ang angkop na ayos ng tanghalan o tagpuan ng dulang nasa itaas.
Sa bakuran ng
mag-asawang Kulas at Celing
Sa dampa ng
mag-asawang Kulas at Celing
Sa sala ng
mag-asawang Kulas at Celing
Sa tarangkahan ng mag-asawang Kulas at Celing
Ama ng maikling kwento: Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang Pabula:________________.
Aesop
Basho
Nukada
Ki no Tomonori
Nagugunita pa ng mga taga-Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos. Isang trak ang unang naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinalululanan ng mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang bahay ng tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na lalabing-animing taon lamang. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Ang sadya ng inhinyero sa bayan ng Tulikan ay upang _____________________.
makilala si Derang
mamahala sa mga kagamitan
makilala ang bayan
mamahala sa pagbubukas ng daan
Nagugunita pa ng mga taga-Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos. Isang trak ang unang naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinalululanan ng mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang bahay ng tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na lalabing-animing taon lamang. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Batay sa reaksiyon ng mga taga-Tulikan sa mga pangyayari sa kuwento, masasabing sila’y:
Malapit sa isa’t isa
Hindi nagkakasundo
Mainggitin sa kapuwa
Hindi nagkakaisa
Nagugunita pa ng mga taga-Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos. Isang trak ang unang naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinalululanan ng mga piko at pala. Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang bahay ng tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na lalabing-animing taon lamang. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kaniyang kuwento ay:
Ipakilala ang mga tauhan
Ilarawan ang lugar at mga kaugalian
Isalaysay ang mga pangyayari
Maghatid ng mga aral
Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag? Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit balang-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo. Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin
Ang tono ng nagsasalita sa sanaysay ay:
Nagdaramdam
Nagpapaunawa
Nagtatampo
Nanghihikayat
Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag? Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit balang-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo. Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin
Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang _________________________.
isa-isahin ang pagkukulang ng inadaramdam
ipaunawa sa anak ang kaligayahan ng ina
ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina sa anak
makonsensiya ang ina sa kawalan ng panahon
Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag? Kung sa ngayon, anak, ako muna’y patawarin. Ngunit balang-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo. Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin
Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay:
Pantahanan lamang
Abala sa labas ng tahanan
Aktibong bahagi ng lipunan
Katuwang sa paghahanapbuhay
Ang mga sumusunod ay tauhan sa pabulang Hatol ng Kuneho MALIBAN sa isa.
Kuneho
Tigre
Baka
Tutubi
Ang kaibahan ng tanaga sa Pilipinas at tanka ng Japan.
May tugma sa tanaga, sa tanka ay wala.
Mas mahaba ang tanka kaysa sa tanaga.
Malalim ang kahulugan ng tanka, ang tanaga’y mababaw.
Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang tanka ay sa panahon.
Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang _________________.
Mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas.
Maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat.
Maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid.
Maipaabot sa kausap ang maling mensahe at damdamin.
Ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga tanka ng Japan ay _____________.
Paglipas ng panahon
Malapit na ang taglamig
Mainit na ang panahon
Nalanta na ang Cherry Blossoms
Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito ay _____.
Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.
Isang genre ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran.
Balita
Sanaysay
Talumpati
Tula
Uri ng kuwentong nagbibigay-diin sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Tauhan
Kababalaghan
Katatawanan
Makabanghay
Ito ang pinakakaluluwa ng dula.
Aktor
Iskrip
Direktor
Tanghalan
Ito ang kadalasang ipinakikita sa isang dula.
Kabayanihan ng mga tauhan
Pinagmulan ng isang bagay
Nagaganap sa buhay ng tao
Kagandahan ng kapaligiran
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga tagaTulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay_____________________.
Pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago
Pagdating ng mga taga-Maynila
Pagbabago ng kanilang lugar
Pangingibig ni Derang sa iba
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga tagaTulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Ang kuwentong ito ay mauuri sa______________________.
Pangkatauhan
Makabanghay
Pangkatutubong-kulay
Pangkaisipan
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga tagaTulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento ay ang _________________
Tauhan
Pangyayari
Lugar
Aral
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga tagaTulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Ang ibig sabihin ng “magkatugon ang damdamin" ay_________________.
Pareho ang minamahal
Iisa ang itinitibok ng puso
Pareho ang iniibig
Wala sa nabanggit
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon, si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang dating mairog na pakikisama sa kaniyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala ang mga tagaTulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan. Ang tanging dinaramdam lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang na si Tandang Tiyago. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal
Ang ibig sabihin ng pariralang “ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang” ay
Naging mayabang
Mahirap itong pakisamahan
Nagbago ang pakikitungo sa kapuwa
Nanatili ang magandang pag-uugali
“Magandang tanawin ang talon ng Pagsanjan.” Ang paraan ng pagbigkas ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap ay __________________.
/tah.lon/
/ta.lon/
/ta.LON/
/TA.lon/
Ang sumusunod ay mga elemento ng dula MALIBAN sa isa.
Iskrip
Direktor
Diyalogo
Tanghalan
Ang Pangatnig ay mga kataga o salitang ____________ ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap.
nagsasama
nag-uukol
nagtuturing
nag-uugnay
Tukuyin sa talaan ng mga halimbawa ang mga Pangatnig.
akin, iyo, kanya
noon, ngayon, bukas
subalit, datapwat, ngunit
dito, doon, diyan
Tukuyin ang hindi suprasegmental.
Impit
Hinto
Diin
Tono
“Hindi, ako ang guro.” Ang ibig sabihin ng pahayag ay__________________.
Itinatanggi ng nagsasalita na siya ang guro.
Sinasabi ng nagsasalita na hindi siya ang guro.
Itinatanggi ng nagsasalita na siya ay guro pagkat siya ay nars.
Ang nagsasalita ay nagsasabing siya ang guro na maaaring siya’y pinagkamalang iba.
Ang ipinahihiwatig ng hatol nina Pino at Baka na dapat kainin ng tigre ang tao ay __________.
Naiinis sina Pino at Baka kaya ito ang kanilang hatol.
Malupit ang tao sa kalikasan kaya nais nilang mamatay ang tao.
Walang silbi ang tao sa puno at baka kaya walang pakialam kung kainin man ng tigre.
Hindi makatotohanan ang kuwento sapagkat walang nagsasalitang puno at baka sa tunay na buhay.
Tukuyin sa talaan ng mga halimbawa ang mga Pangatnig.
mo, iyo, ikaw
o, kung, ngunit
ang, si, sina
mas, kaysa, higit
Tukuyin kung alin ang may tamang pagkakasunod-sunod ng pagpapasidhi ng damdamin.
Pagsinta, pagliyag, pagmamahal, paghanga
Paghanga, pagsinta, pagliyag, pagmamahal
Pagmamahal, paghanga, pagsinta, pagliyag
Pagliyag, pagmamahal, paghanga, pagsinta
Ang kahalagahan sa pag-aaral ng pabula ay _________________.
Ang pabula ay sumasalamin sa ating kultura.
Ito ay bahagi ng ating panitikan kaya mahalagang pag-aralan.
Mayaman sa talinghaga ang pabula kaya nagpapalawak ng ating isipan.
Nahuhubog ng pabula ang mabuting pag-uugali ng taong bumabasa nito.
