wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

HEINZ - UNANG PAGSUSULIT

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Anong teknikal-bokasyonal na sulatin ang tumutukoy sa isang pag-aaral upang malaman ang iba’t ibang

sangkap at epekto ng iminumungkahing produkto?

a)

Deskripsyon ng Produkto

b)

Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

c)

Feasibility Study

d)

Patalastas

2.

Anong bahagi ng feasibility study ang isinusulat ni Aliyah kung itatala niya ang pondong kaniyang ilalaan sa negosyo?

a)

Apendise

b)

Layunin

c)

Mapagkukunan

d)

Pagtutuos at Paglalaan Ng Pondo

3.

Alin bahagi ng feasibility study ang binigyang pansin ni Gayle kung nakaisip siya ng paraan at proseso kung paano niya ipamamahagi ang mga produkto ng kaniyang negosyo?

a)

Daloy ng Proseso

b)

Layunin

c)

Lugar

d)

Mapagkukunan

4.

Anong bahagi ng feasibility study ang binibigyang pokus kung ang distribusyon at paghahati sa gawain sa itinatayong negosyo ang itinatala?

a)

Kikitain

b)

Layunin

c)

Mamamahala

d)

Mapagkukunan

5.

Anong bahagi ng feasibility study isinusulat ang uri ng negosyong nais isakatuparan?

a)

Deskripsyon ng Negosyo

b)

Estratehiya sa Pagbebenta

c)

Mga Layunin

d)

Rekomendasyon

6.

Anong bahagi ng feasibility study ang isinusulat ni Gab sa paglalahad ng posibleng banta at solusyon para sa lugar ng pagtatayuan ng kaniyang negosyo?

a)

Apendise

b)

Layunin

c)

Pagsusuri ng Lugar

d)

Rekomendasyon

7.

Aling bahagi ng feasibility study ang binibigyang pokus ni Miguelkung iniisa-isa niya ang mga taong

makikinabang sa mga adhikain ng itatayong negosyo?

a)

Estratehiya sa Pagbebenta

b)

Layunin

c)

Lugar

d)

Mamamahala

8.

Sa aling bahagi ng feasibility study nabibilang ang isinulat ni Peter kung itatala niya ang ABCDE

Merchandise bilang supplier ng kaniyang sisimulang negosyo?

a)

Daloy ng Proseso

b)

Lugar

c)

Mamamahala

d)

Mapagkukunan

9.

Anong bahagi ng feasibility study ang pokus ni Jayson kung naisip niya ang pagbibigay ng flyers upang

mahikayat ang mga tao na tumangkilik sa kaniyang produkto?

a)

Artikulo

b)

Daloy ng Proseso

c)

Estratehiya sa Pagbebenta

d)

Rekomendasyon

10.

Anong bahagi ng feasibility study nabibilang ang isinusulat ni Jenny na tungkol sa mga dokumentong

kanilang kinakailangan para sa itatayong negosyo?

a)

Apendise

b)

Layunin

c)

Mamamahala

d)

Paglalaan ng Pondo

11.

Ano ang tungkulin ng paggawa ng feasibility study sa pagtatayo ng negosyo?

a)

Lumikha ng ibang gastusin bago mag negosyo

b)

Sumulat ng pag-aaral para maaprubahan ang negosyo

c)

Gumawa ng pag-aaral para marami ang gumaya sa negosyo

d)

Pag-aralan at suriing mabuti ang pangkalahatang kalagayan nakaapekto sa isang negosyo

12.

Anong teknikal-bokasyonal na sulatin ang naglalaman ng mga hakbang kung paano binubuo o ginagawa

ang isang bagay o produkto?

a)

Deksripsyon ng Produkto

b)

Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

c)

Feasibility Study

d)

Patalastas

13.

Paano isinasaayos ang mga hakbang sa dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

a)

Ilista sa una ang pangalawang hakbang

b)

Itala sa panghuli ang unang hakbang

c)

Kailangan kronolohikal ang pagsulat ng hakbang

d)

Kahit hindi sunod-sunod ang mga hakbang

14.

Bago itala ang mga hakbang sa dokumentasyon sa paggawa ng produkto, anong impormasyon muna ang dapat isulat upang magawa ang mga hakbang?

a)

Kagamitan at Materyales

b)

Pamagat

c)

Proseso

d)

Rekomendasyon

15.

Anong paraan ng pagsulat ng pangungusap ang ginagamit upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa ang mga hakbang sa dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

a)

Maligoy

b)

Patula at Matalinhaga

c)

Payak at Direkta

d)

Puno ng Idyoma

16.

Anong wika ang dapat gamitin sa sulating dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

a)

Balbal

b)

Dayalek

c)

Kolokyal

d)

Pormal

17.

Bukod sa mga hakbang, anong impormasyon ang maaring ilakip upang mas lalong maintindihan ang

sulating dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

a)

Apendise

b)

Disenyo

c)

Estadistika

d)

Ilustrasyon at Larawan

18.

Anong paraan ng paglalahad ang dapat gamitin upang maging malinaw sa mga mambabasa ang mga

hakbang sa dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

a)

Bilingual

b)

Detalyado

c)

Malikhain

d)

Patalon-talon

19.

Anong uri ng teknikal-bokasyonal na sulatin ang maaring isulat ni Jonathan kung nais niyang turuan ang

mga mag-aaral sa senior high school tungkol sa paggawa ng leche flan?

a)

Deskrispyon ng Produkto

b)

Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

c)

Menu ng Pagkain

d)

Paunawa

20.

Bakit kinakailangang sundin nang maigi ang mga hakbang na nakatala sa dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

a)

Upang makagawa ng bagong produkto

b)

Upang mabago ang inilikhang produkto

c)

Upang makamit ang inaasahang layunin at resulta

d)

Upang maging kakaiba at malikhaing ang ginagawang produkto

21.

Anong uri ng teknikal-bokasyonal na sulatin ang naglalahad ng kronolohikal na pagkakaayos ng mga

pangyayaring naganap?

a)

Anunsyo

b)

Babala

c)

Feasibility Study

d)

Naratibong Ulat

22.

Paano nakatutulong ang naratibong ulat sa mga pananaliksik?

a)

Naglalaman ito ng Mahalagang Tala

b)

Nagpapaliwanag ito ng Sanggunian

c)

Nakabubuo ng ito ng Resulta

d)

Nailalahad dito ang mga Metodolohiya

23.

Anong elemento ng naratibong ulat ang binibigyang pansin kung maayos ang paglalahad ng mga pangyayari sa isinusulat na naratibong ulat ni Josh?

a)

Kronolohikal na Porma

b)

Obhetibo

c)

Subhetibo

d)

Walang Pagkiling

24.

Anong elemento ng naratibong ulat ang pinopokus ni Lionel kung hindi niya inilahad ang kaniyang opinion

at pananaw sa inililikhang naratibong ulat?

a)

Malikhain

b)

Maliwanag

c)

Organisado

d)

Walang Pagkiling

25.

Paano nagagamit ang naratibong ulat sa mga programa?

a)

Nagagamit ito bilang pananaliksik

b)

Nagagamit ito sa paggawa ng anekdota

c)

Nagagamit sa pagbibigay ng opinyon at pananaw

d)

Nagagamit ito sa mga pagpaplano at pagsusuri sa isang pangyayari