wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2nd Quarter Review Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?

a)

pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin

b)

panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid

c)

pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer

d)

patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo    

2.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng Price Support na ibinibigay ng pamahalaan, maliban sa:

a)

Subsidy   

b)

Interest   

c)

Tax exemption

d)

Tax Deduction

3.

Alin sa mga sumusunod na epekto ang di mabuti sa pagkakaroon ng Price Floor?

a)

mataas na sahod ng manggagawa

b)

malaking tubo sa nagtitinda

c)

mas mataas na presyo ng bilihin

d)

mas mataas na demand ng bilihin

4.

Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng Price Ceiling, maliban sa:

a)

mababang presyo

b)

dahilan ng pagkakaroon ng black market

c)

nagiging dahilan ng kakulangan

d)

mababang supply

5.

Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagpapahinto sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa.)

a)

price freeze 

b)

Price Ceiling     

c)

Price Floor

d)

Price stabilization

6.

May mga prodyuser na kabilang sa tinatawag na natural monopoly o iyong mga kompanyang binibigyang karapatang magkaloob ng serbisyo sa mga mamamayan dahil kaya nilang gawin ang mga ito sa mababang gastos. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?

a)

Maynilad 

b)

Meralco

c)

MRT/LRT

d)

Lahat ng nabanggit

7.

Ang pamahalaan ay nagpasa ng batas upang protektahan at isulong ang kapakanan ng mga mamimili. Ito ay ang

a)

Republic Act 7394

b)

Republic Act 3479

c)

Republic Act 4793        

d)

Republic Act 3749

8.

Kung susuriin ang mga balita tungkol sa presyo ng mga produktong petrolyo, mapapansin na palagian ang pagtaas ng presyo nito. Alin ang maaaring dahilan ng ganitong kaganapan?

a)

Mababa lamang ang demand sa mga produktong petrolyo kaya mataas ang presyo nito

b)

Ito ay nakabatay sa itinakda ng pamahalaan

c)

Itinatago ang mga produktong petrolyo upang magkulang ang suplay sa pamilihan na magdudulot ng pagtaas ng pangkalahatang presyo

d)

Lahat ng nabanggit

9.

Sa uri ng ganitong pamilihan, mayroon lámang iisang mámimíli ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.

a)

Monopolyo

b)

Monopsonyo    

c)

Oligopolyo

d)

Monopolistic Competition

10.

Ang advertisement ay isang mabisang pamamaraan na ginagamit ng mga prodyuser upang maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo.  Anong uri ng pamilihang may hindi ganap na kumpetisyon ang inilalarawan ng nabanggit na katangian.

a)

Monopolyo

b)

Monopsonyo

c)

Oligopolyo

d)

Monopolistic Competition

11.

Ito ay isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto o serbisyo.

a)

Monopolyo

b)

Monopsonyo

c)

Oligopolyo

d)

Monopolistic Competition

12.

Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon?

a)

Maraming maliliit na mámimíli at prodyuser kung kaya’t ang presyo ay walang kakayahang makaimpluwensya sa        pamilihan na pabor sa interes ninuman.

b)

Magkakatulad ang produkto (Homogenous) kung kaya’t maraming pagpipilian na produkto ang mga mámimíli.

c)

Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon kung kaya’t maraming maaaring pagkunan ng sangkap sa pagbuo ng isang produkto.

d)

Iisa lámang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili.

13.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagkakaroon ng ekwilibriyo?

a)

Pantay ang dami ng suplay at demand

b)

Mas madami ang demand kaysa suplay

c)

Labis ang suplay kaysa demand

d)

Kapag mataas ang presyo ng isang bilihin

14.

Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng uri ng mga produkto o serbisyong nakatutugon sa gusto at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

a)

 Supply

b)

Demand

c)

Pagkonsumo

d)

Wala sa nabanggit

15.

Ayon sa batas na ito, mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded o hinihinging dami ng isang produkto.

a)

Batas ng Pagkonsumo

b)

Batas ng Supply

c)

Batas ng Demand

d)

Batas ng Imitasyon

16.

Isa sa salik na nakakaapekto sa demand kung saan nakabase sa pagkahilig ng tao sa isang produkto o serbisyo.

a)

Kita

b)

Diminishing Utility

c)

Okasyon

d)

Panlasa

17.

Ang paggalaw ng demand curve ng paitaas at paibaba ay naaapektuhan ng anong uri ng salik?

a)

Okasyon

b)

Presyo

c)

Mga inaasahan

d)

Kita

18.

Dahil sa pandemya ay nawalan ng trabaho si Mang Kardo, kaya mula sa pagkain ng hotdog o ham sa agahan ay itlog at tuyo ang kanilang inuulam. Anong salik ng demand ang nakaapekto sa pamilya ni Mang Kardo?

a)

Panlasa

b)

Kita

c)

Okasyon

d)

Bilang ng mamimili

19.

Kung ilalagay sa kurba ng demand ang datos sa itaas, alin sa mga sumusunod ang maglalarawan dito?

a)

b)

c)

d)

20.

Bilang mamimili, dapat ay maging matalino tayo sa pagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa demand. Alin ang HINDI nagpapakita ng katangian ng matalinong mamimili?

a)

Kahit sumasahod nang higit sa pangangailangan ng pamilya ay hindi basta-basta gumagastos sa mga hindi importanteng bagay si Ryan.

b)

Kapag nagkakataong mataas ang presyo ng produktong gustong bilhin ni Cindy ay naghahanap siya ng alternatibo o maaaring ipamalit dito

c)

Hindi alintana ni Regie ang presyo ng mga produkto sa palengke. Katwiran nya, kaya siya nagtatrabaho ay para

makakain ng masarap

d)

Gumagawa ng listahan ng mga bibilhing produkto si Trixie upang masigurong aabot ang nakalaan niyang badyet hanggang sa susunod na sweldo.