WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ito ay tumutukoy sa pakikialam o tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa ibang lupain upang isulong ang interes nito.
kapitalismo
kolonyalismo
imperyalismo
sosyalismo
Kailan nagsimula ang pagsagawa ng kolonyalismo sa daigdig?
Nang magtagumpay ang mga kanluranin sa pagtuklas ng mga bagong lupain.
Nang nakarating ang mga Espanyol sa Pilipinas.
Nang makuha nila ang kalooban ng mga katutubong Pilipino
Nang pinayagan ang mga Espanyol na pumasok sa Pilipinas.
Aling mga bansa sa Europa ang nanguna sa pagtuklas ng ibang lugar o bansa sa mundo?
Portugal at Amerika
Portugal at Espanya
Espanya at India
Espanya at Mexico
Anu-ano ang layunin sa pananakop ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas, maliban sa isa?
kayamanan
kristiyanismo
kapangyarihan
karagatan
Ano ang tawag sa isang kasunduan sa pagitan ng Spain at Portugal kung saan ay hinati ni Pope Alexander VI ang mga lupain sa labas ng Europa?
Kasunduang Tordesillas
Kasunduang Pananakop
Kasunduang Panrelihiyon
Kasunduang Pamahalaan
Anu-ano ang dahilan ng pananakop ng Kolonyalismong Espanyol?
kayamanan
Karangalan at kapangyarihan
Kristiyanismo
Lahat ng Nabanggit
Aling barko ang ginamit ni Ferdinand Magellan sa paglalayag maliban sa isa?
Concepcion
San Miguel
Victoria
Santiago
Saang lugar sa Pilipinas ang unang sinalakay ni Ferdinand Magellan?
Mactan
Moluccas
Limasawa
Leyte
Ilang taon nasakop ng Espanya ang Pilipinas?
233
333
303
332
Ano ang epekto ng ekspedisyon ni Magellan?
natalo ang mga katutubong Pilipino at lumikas patungo sa bundok
napatunayan na bilog ang daigdig at tama ang paniniwala ni Columbus tungkol sa hugis ng daigdig
naging matagumpay ang pananakop ni Magellan sa Pilipinas
naging maunlad ang Pilipinas
Alin ang naging sagisag ng pwersa ng kaharian ng Espanya?
sibat
pana
itak
krus
Alin ditto ang mga pangunahing kagamitan na nakatulong sa mga manlalakbay upang maisagawa ang paghahanap ng bagong lupain?
compass at caravel
caravel at krus
mapa at bangka
compass at teleskopyo
Kailan sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan na kung saan nagwagi si Lapu-lapu sa labanan?
Mayo 27, 1521
Abril 12, 1521
Abril 27, 1521
Setyembre 20, 1251
Saan naganap ang unang misa sa Pilipinas?
Limasawa
Cebu
Leyte
Homonhon
Sino ang pare na nagsagawa sa kauna-unahang misa na ginanap sa Pilipinas noong Marso 31, 1521?
Padre Pedro Valderrama
Padre San Laz
Sino ang pare na nagsagawa sa kauna-unahang misa na ginanap sa Pilipinas noong Marso 31, 1521?
Padre Pedro Valderrama
Padre Damaso
Padre San Lazaro
Padre Pio
Ano ang tawag sa misyon ng mga prayle upang mahikayat ang mga katutubo na tanggapin ang relihiyong Kristiyanismo?
pananakop
pagmimisa
pagbibinyag
Kristiyanisasyon
Ang pinakamahalagang impluwensiya ng mga kastila sa Pilipinas ay ______________.
kristiyanisasyon
kristiyanismo
pradisyon
pagsasaka
Natutunan ng maraming Pilipino ang kaugaliang panrelihiyon tulad ng ________.
pagnonobena
pagsisimba
magprusisyin
Lahat ng nabanggit
Kautusang sapilitang pagpalipat ng tirahan ng mga Pilipino sa mga bagong pamayanan.
tributo
reduccion
Bayanihan
Sapilitang Paggawa
Ano ang layunin ng reduccion?
mas madaling masubaybayan ng mga Espanyol ang katutubo
mas mabuting nakatira sa isang pamayanang may pagkakaayos kung saan may sentro
ang dating kaayusan ng mga katutubo ay para sa Espanyol ay hindi nagpapakita ng sibilisasyon
lahat ng nabanggit
Maliban sa isa, saan nakatira ang mga katutubong Pilipino bago naitatag ang reduccion ng mga Espanyol?
dagat
ilog
sapa
bundok
Ang tawag sa bayang itinatag ng mga Espanyol batay sa patakarang reduccion ay ____________.
bario
syudad
pueblo
plaza
Bakit mas madaling maipatupad ng Kolonyalismo kung pagsama-samahin ang mga tao sa isang lugar gaya ng pueblo?
mas madali maipapatupad ng mga batas sa mga katutubo
mas madali ang pangongolekta ng buwis
mas madali ang pagbabantay at paghuli sa mga lumalabag sa batas
lahat ng nabanggit
Ang teyoryang ipinagkatiwala ng Haring Spain sa mga conquistador bilang pabuya o gantimpala sa pagtulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo ay tinatawag na _________________________.
tributo
reduccion
encomienda
sapilitang paggawa
Aling patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng ani ng mga magsasaka sa mababang halaga?
tributo
reduccion
encomienda
bandala
Ano ang patakaran na ipinatupad noong 1850 sa lahat ng mga kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60?
sapilitang paggawa
tributo
bandala
reduccion
Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa sapilitang paggawa?
nagustuhan nila ito dahil natutuo silang magtrabaho
tinutulan nila ito dahil itoy sapilitan at walang bayad
marami sa mga Pilipino ang tumulong sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa
maramimg Pilipino ang sumunod at nagpatupad nito
Bakit pumayag ang mga katutubong Pilipino sa sapilitang paggawa?
dahil sa bibigyan sila ng mga lupang sakahan
dahil sa mga pangako na pagtatrabahuin sila na may sweldo, libreng pagkain at hindi malayo sa pamilya
dahil sa bibigyan sila ng magandang pabor hinggil sa
Ano ang naging negatibong epekto ng Sapilitang Paggawa?
hindi nasiyahan ang mga katutubo dahil hindi natupad ang mga pangako para sa kanila.
naging marahas ang mga katutubo sa lahat ng mga pinapagawa sa kanila
nagtago sa mga kabundukan ang mga katutubo para di matunton ng mga Espanyol.
lahat ng mga katutubo ay huminto sa sapilitang paggawa.
Anong maling paniniwala na kinagisnan ng mga katutubo na ipinaunawa ng mga Espanyol na hindi na dapat pang ipagpatuloy?
Paganismo
Budhismo
Muslim
Iglesia ni Kristo
Sa anong dahilan na ipinapatupad ng mga Espanyol ang patakarang Reduccion?
mas lalo silang mapalapit sa mga Espanyol.
mas makaiwas sa mga kahirapan
makabinta ang mga katutubo sa kanilang mga produkto.
mas maging madali ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Ang paninirahan sa Pueblo ay batay sa pilopsopiyang "Bajo el son de la campana" na ang ibig sabihin ay:
sa ilalim ng Katolisismo
sa ilalim ng tunog ng kampana
sa ilalim ng pamamahala ng prayle
sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol
Ito ay isang kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan sa pagbabayad ng buwis.
tiket
boleta
Cedula Personal
Falla
Anong parusa ang ipinapataw sa katutubong nahuling walang cedula personal?
maaring pagmumultahin, kung walang pangmulta ay maaaring makulong.
maaring hindi payagan manirahan sa pueblo
maaring ipapatira sa kabundukan
maaring hulihin at gawing alipin
Anong uri ng buwis sa panahon ng Espanyol na binabayaran ng mga kalalakihan upang maligtas sila mula sa sapilitang paggawa?
tiket
falla
bandala
boleta
Alin dito ang isa sa mga dahilan ng mga Espanyol sa pagpapalaganap ng relihiyon?
upang maililigtas ang kaluluwa ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagtanggap nila sa bagong relihiyon
upang malibre sila sa tributo
upang maging maunlad ang pamumuhay
upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa edukasyong Espanyol
Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy na mga Paring Espanyol na ipinadala sa Pilipinas?
Pari
Prayle
Obispo
Kura-paroko
Ano ang tawag sa mga sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapatupad at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?
Conquistador
Kura-paroko
Prayle
Obispo
Ano ang tawag sa mga Paring Espanyol na kabilang sa ordeng relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit, at Dominican.
paring regular
kura-paroko
paring sekular
obispo
