Font size
WorksheetsREVIEW TEST IN AP 7 2ND QUARTER
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pulitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
Imperyalismo
Kapitalismo
Katolisismo
Kolonyalismo
Isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
Capitalismo
Darwinismo
Imperyalismo
Kolonyalismo
Ang konsepto ng kolonyalisasyon ay tumutukoy sa pananakop sa isang teritoryo upang ipasailalim ito sa kapangyarihan ng dayuhang bansa. Alin ang HINDI naging layunin ng pananakop ng mga bansang Kanluranin sa Asya?
Pakikipagkaibigan at pakikipag-alyansa
Pagpapalakas ng kapangyarihan at pagpapalawak ng lupain
Pakikipagkalakalan at pagpagpapalaganap ng panibagong paniniwala at pilosopiya
Paghahanap ng ruta patungo sa Asya upang marating ang mga lupain ng pampalasa
Maraming manlalayag ang naglakbay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Asya. Ano ang kahalagahan ang naidulot ng paglalakbay ni Vasco Da Gama sa panahon ng paggalugad at pagtuklas ng mga bansang kanluranin?
Natuklasan na ang mundo ay bilog
Lumawak ang lupaing sakop ng mga Portuges
Natagpuan ang malawak na kagubatan ng Africa
Nakahanap ng bagong ruta patungo sa India at mga islang Indies
Ang Constantinople ay nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungo sa mga bansa sa silangan dahil sa lokasyon nito. Alin sa sumusunod ang nagtulak sa mga taga Europa upang maghanap ng panibagong ruta upang maipagpatuloy ang kalakalan sa mga bansa sa Asya?
Naging kalaban sa kalakalan ang mga Tsino
Sinakop ng mga Espanyol ang Constantinople
Bumagsak ang Constantinople sa kamay ng mga Turkong muslim
Nawalan ng interes ang mga Europeo sa mga dadaanang lugar na walang kalakal
Naisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga Europeo ng daan papuntang Silangan na naging simula ng pananakop ng mga teritoryo. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI naging epekto ng pananakop ng mga kanluranin?
Nagkaroon ng paghahalo ng lahi
Pagtangkilik ng mga Asyano sa produktong Kanluranin
Naipakilala ang mga sistema ng transportasyon at komunikasyon
Natutuhan ng lahat ng Asyanong mapamahalaan ang kanilang sarili
Ang tatlong rutang gamit ng mga mangangalakal ay isinara nang bumagsak ito sa kamay ng mga Turkong Ottoman noong 1453 na naging daan upang kontrolin at imonopolyo ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europa. Ano ang implikasyon nito sa panahon ng paggalugad at patuklas ng mga Kanluranin sa Asya?
Naghanap ng ibang rutang daanan sa pamamagitan ng paglalayag
Pakikidigma at pagdanak ng dugo upang mabawi ang Constantinople
Pakikipagkasundo at paghiling ng kapayapaan sa mga Turkong muslim
Pagbabayad ng kaukulang halaga upang makadaan sa rutang hinarangan ng muslim
Sa panahon ng unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo, naging makapangyarihan ang mga Kanluranin sa aspetong pampolitika, pangkabuhayan, at kultural, ngunit sa kabila nito ay hindi nagkaroon ng interes ang mga Europeo na sakupin ang Kanlurang Asya dahil sa mga Turkong Muslim. Alin sa sumusunod ang magpapatunay nito?
Nais nilang makaiwas mula sa gulo na dala ng hukbong muslim
Mahina ang naging depensa ng Europeo para sila ay kalabanin
Takot ang mga Europeo sa mga Turkong muslim dahil sa kanilang karahasan
Hindi kayang sagupain at sabayan ng Europeo ang mga labanan na maaaring mangyari
Ang ginamit na pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas kung saan ipinatupad sa pamamagitan ng pagtatalaga ng Gobernador-Heneral sa kolonya bilang puno ng administrasyong kolonyal.
Internal Colonial
Surrogate Colonial
Representative Colonial
Direct Colonial
Alin sa sumusunod ang tatlong salita na maaaring bumuod sa mga layunin ng mga Kanluranin sa kanilang panggagalugad at pananakop sa mga lupain sa daigdig?
God, Gold, Spices
God, Gold, Glory
Crusades, God, Renaissance
Capitalism, Mercantilism, Gold
Bakit hindi nagtagumpay ang mga Portuges sa kanilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Malaysia?
Pinahirapan ng mga Portuges ang mga Malaysian
Malakas na impluwensiya ng relihiyong Islam sa mga Malaysian
Matinding puwersang pandigma ng mga Malaysian kumpara sa mga Portuges
Matibay na alyansang politikal at militar ng Malaysia sa iba pang bansang Asyano
Ano ang naging negatibong epekto ng imperyalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
Pagkakaroon ng malayang kalayaan at pagsasarili
Pagkakaroon ng malawakang edukasyon at kultura
Pagkakawatak-watak ng mga etniko at kultural na grupo
Pagkakaroon ng modernisasyon at pag-unlad ng ekonomiya
Isa ang Pilipinas sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga kanluranin. Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng mga Pilipino na nakipaglaban para makamit ang kalayaan. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari na may kaugnayan sa pagtugon ng mga Pilipino sa Imperyalismo at Kolonyalismong Espanyol
I. Pakikipaglaban ni Lapulapu sa mga Espanyol
II. Pamumuno ni Andres Bonifacio sa rebolusyon
III. Pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora
IV. Pagsulat ni Rizal ng nobelang Noli Me Tangere
I, II, III, IV
I, II, IV, III
I, III, IV, II
I, IV, II, III
Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Malaysia at Indonesia?
Pampalasa, maayos na daungan
Mayaman sa ginto at pilak
Pagkontrol sa sentro ng kalakalan
Makahanap ng bagong ruta patungong Asya
Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya?
Umunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon upang mapadali ang pagluwas ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan
Naimpluwesiyahan ng mga Europeo ang kultura, paniniwala at tradisyon ng mga Asyano.
Kawalan ng karapatan na pamunuan ng ating mga ninuno ang kanilang sariling buhay
Pagsisimula ng kalakalan ng mga alipin
Kung ikaw ay gagawa ng isang islogan tungkol sa sa pagtugon ng ating mga ninuno sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya, alin sa sumusunod ang pinaka-angkop na islogan tungkol dito?
Tulay sa Kinabukasan: Pagtuklas ng Bagong Mundo sa Asya!
Lakbayin ang Landas ng Pag-unlad: Pag-angat sa Buhay sa Asya!
Buhay na Bagong Simula: Pagtanggap sa Biyaya ng Katolisismo sa Asya!
Lakas ng Diwa, Yaman ng Kalayaan: Pag-asa ng Asya sa Harap ng Kolonyalismo!
Ang kanyang pag-aalsa ay naganap sa Palapag, hilagang Samar na ibinunsod din ng hindi makatarungang pagpapatupad ng sistemang polo y servicio, kung saan ang mga katutubo ay ipinadadala pa sa malalayong lugar tulad ng mga pagawaan ng barko sa Cavite at iba pang lugar.
Agustin Simuroy
Dagami
Lapu Lapu
Macario Sakay
Ang pag-aalsa ni Pantaleon Perez ng Binalotongan, Pangasinan simula 1762-1765 na naganap bilang protesta sa pagpataw ng tributo sa mga katutubong.
Agraryong Pag-aalsa
Pag-aalsa ni Palaris
Bancao
Tamblot
Isang datu mula sa Carigara, Leyte na nag-aalsa laban sa pagpupumilit ng mga Espanyol na mapabago ang pananalig ng mga mamamayan sa kanilang lugar.
Agustin Simuroy
Bancao
Dagami
Tamblot
Bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa kabayanan?
Makakarami ng singil na tributo o buwis
Upang lubusang makilala ang mga katutubong Pilipino
Para mabilang kung ilang lahat ang katutubong Pilipino
Mapapadali ang pamamahala sa mga katutubong pinagsama-sama sa pagbuo ng isang población
Alin sa mga patakaran na ipinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas noon ang makikita pa rin ang pagkakahawig ng konsepto sa sistemang pang-ekonomiya natin ngayon?
Encomienda
Polo Y Servicio
Reduccion
Tributo
Ang naging bunga sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino ng ipinatupad na mga patakaran ng mga Espanyol?
Gumaan ang buhay ng mga Pilipino.
Mahirap para sa mga katutubo ang mabuhay.
Naging maayos ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Walang nagbago sa paraan ng kanilang pamumuhay.
Ang mga lumaban sa gobyernong Espanyol ay nahati sa mga Repormista at Rebolusyonaryo. Paano mo mabibigyan ng pagkakaiba ang dalawang pangkat?
Kalaban ng Repormista ang Rebolusyonaryo dahil sa pagkakaiba ng pamamaraan nito
Rebolusyonaryo ay ang mas mahinang paraan ng paglaban sa Espanya hindi tulad ng Repomista
Repormista ay naglalayon ng bagong buhay sa Pilipinas at ang Rebolusyonaryo ay gusto maging diktaturya para sa Pilipinas
Ang repormista ay naniniwalang kaya pang magbago ang pamamalakad ng Espanyol sa mapayapang paraan samantalang ang Rebolusyonaryo ay naglalayong wakasan ang paghahari ng Espanya sa Pilipinas gamit ang dahas kung kinakailangan
Alin sa sumusunod na mga epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang maituturing na MABUTI?
Naging laganap ang racial discrimination.
Nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa sariling bansa.
Umusbong at tumindi ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.
Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino.
Ang sumusunod ay mga hangarin ng mga repormista o kilusang propaganda MALIBAN sa isa:
Itaguyod at palaganapin ang himagsikan.
Ilantad ang mga di kanais-nais na gawain ng mga prayle.
Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pamamahayag, pagpupulong at pagharap sa mga karaingan sa pamahalaan.
Paano magpagsusunod-sunod ang mga pangyayari upang mapasakamay ng Pranses ang Indochina?
I. Ang Indochina ay binubuo lamang ng ilang malalayang estado. Di naglaon, ito ay pinag-isa ni Emperador Gia Long, isang prinsipeng Annamese sa tulong ng mga Pranses
II. Nagpasimula ng kampanyang laban sa mga dayuhan na naging sanhi ng pagpatay sa mga misyonero at tagapayong Pranses.
III. Puwersahang sinakop ng mga Pranses ang teritoryo na nauwi sa isang Kasunduang Pangkapayapaan
IV. Sinakop ng France ang kabuuang kahariang Annamese. Di naglaon, ang Cambodia ay inangkin din ng mga Pranses bilang Protectorate.
IV, III, II, I
II, III, IV, I
I, II, III, IV
III, IV, II, I
Noong 1874, napagtibay din ang Kasunduan ng Pangkor na kumilala kay Raja Abdullah bilang Sultan ng Perak. Bilang kapalit, tinanggap ng Sultan ang British Resident sa Perak na magsisilbing tagapagpayo sa lahat ng bagay maliban sa relihiyon at kaugalian ng mga Malay. Ito ang nagpasimula ng Residential System sa Malaya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan dito?
Ang pagtira sa bansa ay mabibigyan ng halaga sa larangan ng ekonomiya ng bansa
Ang pagpapagamit ng porsyon ng lupain sa mga magsasaka para sa produktong eksport
Ang Resident ang nangasiwa sa hustisya at kaayusan, sa pagkolekta ng pondo o kita, at sa pamamalakad ng estado.
Isang demokratikong pamahalaan kung saan ang partido na may pinakamalaki o malakas na representasyon ang siyang bubuo sa lehislatura ng pamahalaan at ang namumuno naman dito ang tatayong punong ministro o chancellor ng bansa
Naging opisyal na kolonya ng Britain ang Burma noong Enero 1, 1886, matapos ang tatlong madugong Digmaang Anglo-Burmese. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagiging mahalaga nito para sa mga British?
Mataas na pagtingin ng British sa mga taga Burma
Malaking teritoryong gustong makontrol ng British sa Burma
Ang lokasyon ng Burma sa India na sakop din ng Great Britain
Magagamit nila ito upang mapigilan ang mga magtatangkang sumakop sa Silangang India
Paano magpagsusunod-sunod ang bawat kaganapan sa pagtugon ng Cambodia sa pamamahala ng Pranses?
I. Ipinakita ng mga Cambodian ang kanilang pagkadismaya sa pagpapataw ng buwis ng mga Pranses sa pamamagitan ng isang DEMONSTRASYON ng mahigit sa 100,000 magsasaka sa Phnom Penh upang umapela sa hari.
II. Nagkaroon ng pag-aaresto at pagkulong sa mga pinaghihinalaang instigador ng demonstrasyon.
III. Pinaslang si Bardez dahil sa pinarusahan nito ang ilang Cambodian na hindi nakapagbayad ng tamang buwis.
IV. Inaresto ang maraming taga-Krang Leav at pinarusahan ang mga nagkasala. Bilang parusa rin sa pamayanan, binago ang pangalan ng nayon sa "Derichan" na nangangahulugang "makahayop" at inutusan ang mga lokal na pinuno na magtayo ng stupa sa lugar kung saan napaslang si Bardez.
V. Nagamit Bardez Incident sa ilang mga propaganda para sa nasyonalismo at sa mga kilusan laban sa mga Pranses.
I,II,III,IV,V
V,IV,III,II,I
I,II,II,V,IV
IV,V,I,II,III
Paano naiba ang pagtugon ng mga Malayan sa pagtugon ng mga Pilipino at Indones sa pamamahala ng mga kolonyalistang British?
Ang mga naunag pakikipaglaban ng mga Pilipino at Indones sa mga Kanluranin ang nagtatag ng higit na pakikibaka upang matamo ng Pilipinas at Indonesia ang kasarinlan.
Hinubog naman ng impluwensiyang British ang nabuong pagkakakilanlan ng mga Malayan sa simula pa lang ng pagsisikap nitong makapagsarili.
Sinubukang baguhin ang kulturang Malay sa kanilang pananakop sa Pangkapuluang Timog-Silangang Asya
Binigyang-diin ang aspektong military sa pagkikidigma sa pagitan ng paglaban sa mga mananakop na Kanluranin
Sa kalagayan ng Thailand bilang hindi nakolonisa ng Europeo, naging matalino ba si Haring Chulalongkorn sa kaniyang pinagpasyahang reporma upang hindi masakop ng mga Kanluranin ang Thailand o nasuwertehan lamang ng Thailand ang pangyayari. Alin sa sumusunod ang iyong magpapatunay sa iyong paliwanag?
Oo, dahil nakatulong ito na payamanin ang Thailand
Hindi, dahil nagpasakop siya sa mga Europeong mananakop
Hindi, dahil hindi nya napanindigan ang lakas ng sariling bansa laban sa mga mananakop
Oo, dahil nagawang mapatunayan ng kanilang bansa na sa kabila ng makapangyarihan Kanluranin naging matatag sila sa kanilang impluwensya
Noong Disyembre 7, 1941, isang sopresang pag-atake ang ginawa ng Japan sa base militar ng Amerika at nagtagumpay na wasakin ang pwersang pandagat ng Amerika sa Pasipiko. Anong lugar ang sinasabi ng pahayag?
Maynila
Pearl harbor
Singapore
Sabbah
Sa ilalim ng pamumuno ng Hapones ay nabuhay sa takot ang mga Pilipino. Sa anong kadahilanan?
Pagsunod sa lahat ng kagustuhan ng mga Hapones
Pagbibigay ng mga ari-arian ng mga Pilipino sa mga hapones
Pagsamba ng mga Pilipino sa mga Hapones bilang mananakop
Naging laganap ang walang awang pagpaparusa at pagpatay sa mga Pilipino
Sa ilalim ng konseptong ito, ang Japan ay nangunguna sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo at impluwensya sa rehiyon, sa pamamagitan ng pagsakop at pangangasiwa sa ekonomiya ng mga teritoryo na kanilang kontrolado. Subalit, ang konseptong ito ay ginamit din upang maisulong ang pananakop ng Japan sa mga bansa sa Timog Silangang Asya at paggamit sa mga ito bilang mapagkukunan ng mga pangangailangan ng Japan sa panahon ng digmaan.
Greater Eas Asia Co-Prosperity Sphere
Spheres Of Inlfuence
Katatagan ng Nagkakaisang mga Bansa
United Nations
Sa paglusob at pananakop ng mga Hapones sa Timog-Silangang Asya dahil sa _____?
Katanyagan sa buong Asia Pacific
May Basbas ng langit ang kanilang pagsakop
Maging sentro ng kapangyarihan sa buong Asia Pacific
Maging iisang lahi Hapones ang lahat ng teritoryong Asyano sa Silangan
