WorksheetsESP9- ARCHIMEDES
Total questions: 51
Worksheet time: 26mins
Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?
Karapatan
Isip at kilos-loob
Kalayaan
Dignidad
Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya nang sang mga bagay na kailangan niya sa buhay.apilitan
Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.
Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang Gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
Ano ang buod ng talata? Ayon kay Scheler, kailangan hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas
Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng tungkulin.
Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.
Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
Sumasali si danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.
Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan? Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninulbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya ng simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon sa Social Security, naglalakad siya ng higit isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing). Kier Mich, 2012, ph. 145-146
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatan sa buhay
Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
Karapatang maghanpbuhay
Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan? Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.
Karapatang mabuhay
Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
Ano ang ibig sabihin ng pangungusap? Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon.
Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
Isang panloloko at paglabagsa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.
Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na nagtataguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon? Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud Pag-iwas sa eskandalo
Karapatan sa buhay
Karapatang magpakasal
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatang maghanapbuhay
Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
Karapatan sa buhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatang maghanap-buhay
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Anong tulong ang ibinibigay ng mga guro?
Tulong sa edukasyon
Tulong sa kaligtasan
Tulong sa pagkain
Tulong sa Kalusugan
Sino ang tumutulong sa mga bata upang matamasa ang karapatang makapaglaro o makapaglibang?
Kaibigan
Doktor
Sundalo
Guro
Anu-ano ang iba’t-ibang sektor sa pagpapalaki ng kabataan?
Pamilya, Kaibigan at Kamag-anak
Pamilya, Lipunan at Paaralan
Pamilya, Pamayanan at Sarili
Pamilya, Baranggay at Kapitbahay
Kailan magiging makabuluhan ang karapatan ng isang tao?
Magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
Kung igagalang niya ang Karapatan ng ibang tao.
Kung papaunlarin niya ang kanyang pangangatawan at isipan.
Wala sa nabanggi
Paano natin matatamo ang kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating lipunan?
Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa.
Kung ang lahat ng tao ay walang paki sa kanyang kapaligiran.
Kung ang mga tao ay nagdarasal.
Kung ang lahat ng tao ay nag-aaral.
Bakit dapat magkaroon ng pantay nakarapatan ang mga lalaki at babae sa lipunan?
Lahat ng tao ay may karapatang makilala at maipamalas ang kakayahan sa lahat ng panahon o sitwasyon.
Ang bawat babae at lalake ay may iisang damdamin at saloobin na dapat madinig.
Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay ng may pagkakapantay pantay at walang diskriminasyon na matatanggap.
Lahat ng nabanggit.
Paano dapat tutugon ang mga paaralan sa pinaghihinalaang sekswal na pang- aabuso sa bata?
A. Tumugon sa panahon ng pangngailangan at magbigay-alam sa mga may kapangyarihan.
B. Tawagan ang mga magulang/tagapag-alaga.
C. Magbigay ng patuloy na ginagawang suporta para sa lahat ng mga batang naapektuhan ng pang-aabuso.
D. Lahat ng nabanggit.
Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat ito ang mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib
Karapatan sa Buhay
Karapatan sa Pribadong Ari-arian
Karapatang Makapag-aral
Karapatang Sumamba
Paano naging karapatan at tungkulin ang maagap na pagbabayad ng buwis?
Dahil ito ay ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may hanapbuhay at ari-arian sa bansa.
Ang buwis ay perang panggugol ng pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan.
A at B.
Wala sa nabanggit.
Paano maipapakita ang pagiging matapat na paglilingkod ng mga manggagawang pampubliko at pampribado?
Pagpasok sa takdang oras.
Pagkakaroon ng mabuting saloobin sa paggawa.
Pakikipagkapwa o pakikisama sa mabubuting Gawain.
Lahat ng nabanggit.
Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino.
Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.
Mula sa kaisipan ng mga pilosopo
Mula sa Diyos.
Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa mga medikal na doktor?
Gawin lagi ang tama.
Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
Gamutin ang sariling saki bago ang iba.
Ingatan na huwag saktan ang tao.
Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
Ibinubulong ng anghel.
Itinuturo ng bawat magulang.
Naiisip na lamang.
Sumisibol mula sa konsensya.
Ano ang dapat gamitin upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti?
Isip at puso
Isip
Puso
Wala sa Nabanggit
Ang _____________ ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
Mabuti
Tama
Tama at Mabuti
Likas na Batas Moral
Ito ang gumagabay sa kilos ng tao.
Likas na Batas Moral
Universal Declaration of Human Rights
Tama at Mabuti
Konsensiya
Sino ang may sabi na “lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may makaunawa sa kabutihan”.
Max Scheler
Santo Tomas de Aquino
John Lock
Pope II
Tama ang isang bagay kung:
ito ay ayon sa mabuti
makapagpapabuti sa tao
walang nasasaktan
magdudulot ito ng kasiyahan
Ang mabuti ay:
paggawa ng tama
pagbuo ng sarili
pagsunod sa batas
pagsunod sa utos
Ang Mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Ang ___________ ay ang pagpili ng pnakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon.
Tama
Tama at Mabuti
Mabuti
Likas na Batas Moral
Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
ingatan ang interes ng marami
itaguyod ang karapatang-pantao
pigilan ang masasamang tao
Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
magkaroon ng kaayusan
mabilis na makamit ang kaunlaran
mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao
mapangalagaan ang karapatan ng tao
Ano ang pinakapundamental na batas na hinihingi ng magulang sang-ayon sa likas na batas moral?
batas ng tao
mahalin ang sarili
batas
Ten Commandments
Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas na batas moral:
Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.
Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor.
Pangungulit sa bata na maligo.
Pagpipilit sa mga tao na magsimba
Paano sinisikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao?
Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga Karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.
Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag- unlad ng mga mamamayan.
Ano ang obheto ng paggawa?
Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Mga taong gagamit ng produktong nilikha.
Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
Paano nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.
Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upangmapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa
Kapwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat na kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang
niya ang lahat na kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa.
Subheto ng Paggawa
Obheto ng Paggawa
Paggawa
Moralidad
Alin sa mga sumusunod ang hindi nangangahulugan ng salitang paggawa?
Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa araw-araw
Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
Isang pagkilos na hindi nababatay sa kaalaman
Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan
Ang mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.
Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kaniyang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mgabasura. Umaasa lamang siya sakaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabahao rito ng ilang taon.
Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan sa ating buhay?
Mabibiyaan ka sa ginawa mong kabutihan at mas maraming tao ang magiging malapit sayo.
Mas maraming tao ang magtitiwala sayo, ang tiwala ay napakahalaga.
Mas malapit ka sa ating panginoong Diyos at makakaasa ka sa kung ano man ang sayo.
Lahat ng nabanggit.
Paano natin maipagmamalaki ang produktong gawang Pilipino?
Sa pamamagitan ng pagpapakita na ikaw ay makabansa, may pagmamahal at pagpapahalaga sa bayan.
Sa pamamagitan ng paggawa ng mga komersyal sa radio pahayagan at telebisyon na nagpapakita ng kagandahan, kahusayan at kapakinabangan ng mga produktong Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produkto natin - ang pagsusuot ng mga damit, at palamuti sa ating katawan na gawa sa sarili nating bayan.
Lahat ng nabanggit.
Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa.
Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
Lahat ng nabanggit
Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa paggawa
May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling iyon.
Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
Tuwing eleksiyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumuto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno.
Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil nais inaalagaan niya ang kaniyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako sa paglalagyan ng basura. Ano kaya ang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
Impormasyon
Konsultasyon
Sama-samang Pagkilos
Pagsuporta
Anu-ano ang dapat Makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Pagmamahal, Malasakit, at Talento
Panahon, Talento, at Kayamanan
Talento, Panahon, at Pagkakaisa
Kayamanan, Talento, at Bayanihan
