WorksheetsPagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Total questions: 41
Worksheet time: 23mins
Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
Walang kusang- loob
Di kusang-loob
Kusang-loob
Kilos ng tao
Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng ______.
Kilos ng tao
Di kusang-loob
Kusang-loob
Nakasanayang kilos
Nakapulot si Jackelen ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
Buong husay na ginagawa ni Kert ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto
Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang
Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob
Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos
Ang tao ay walang alam kaya't walang pagkukusa sa kilos
Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos
Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang "dagdag timbang" pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?
Walang kusang- loob
Di kusang-loob
Kusang-loob
Kilos ng tao
Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama?
kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong
kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang
kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong
kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong
Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos?
kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili
kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos
kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob
kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng masamang bunga
Noong unang ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang kamalayan sa mga nakakapinsalang epekto nito. Ito ay tinutukoy ang tungkol sa?
kamangmangan
takot
masidhing damdamin
karahasan
Si Necole ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata na nangangailangan ng pinansiyal na tulong. Ito ay isang halimbawa ng?
kusang-loob
walang kusang loob
di kusang loob
boluntaryo
Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
Tingnan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Niyaya si Jeymark ng kanyang kaklase na huwag pumasok at pumunta sa computer shop. Hindi kaagad siya sumagot ng oo bagkus ito ay kaniyang pinag-iisipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang magiging epekto nito kung sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Jeymark?
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
Tingnan ang kalooban
Magkalap ng patunay
Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binigyang halaga mo kung ang iyong pasiya makapagpapasiya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya?
Magkalap ng patunay
Maghanap ng ibang kaalaman
Tingnan ang kalooban
Umasa at magtiwala sa Diyos
Sa tuwing dumarating sa buhay ni Rheyan ang pagpapasiya, palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Reyan?
Tingnan ang kalooban
Isaisip ang posibilidad
Maghanap ng ibang kaalaman
b at c
Sa anong kategorya nabuo ang mga yugto ng makataong kilos?
Isip at kilos-loob
Intensiyon at layunin
kilos-loob at paghuhusga
dignidad at layunin
Anong hakbang ng moral na pagpapasya ang may mga halimbawa na tanong bilang gabay para sa mabuting pagpapasya?
Magkalap ng patunay
Isaisip ang posibilidad
Tingnan ang kalooban
Magsagawa ng pasya
Anong hakbang ang nagsasabi na kailangan makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito?
Magkalap ng patunay
Isaisip ang posibilidad
Tingnan ang kalooban
Magsagawa ng pasiya
Anong hakbang ang ipinapahiwatig sa katanungan na: Ano ang nararamdaman ko ukol sa sitwasyon?
Tingnan ang kalooban
Isaisip ang posibilidad
Magkalap ng patunay
Magsagawa ng pasiya
Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Jero ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Jero ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil______.
kinuha niya ito nang walang paalam
kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto.
Ang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit ang matagal nang minimithi ni Jirec. Nagkaroon siya ng pagkakataong matingnan ang susi sa pagmamarka (answer key) na nasa ibabaw ng mesa ng kanyang guro. Anong uri ng
Anong uri ng kilos na may kapanagutan ang ipinakita ni Jirec?
walang kusang loob
kusang loob
di-kusang loob
Kilos loob
Anong uri ng kilos ang ipinakita ng mga tao kay Daneka?
makataong kilos
kilos ng tao
mapanagutang kilos
kilos loob
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang makataong kilos?
Nabasag ang mamahaling plorera na nabangga ni Chloe nang siya ay nadulas sa paglalakad sa makintab na sahig.
Kinausap ni Jen ang mga hurado upang masiguro niyang siya ang mananalo sa paligsahan sa pag-awit.
Natapon ang hinahawakang baso ni Maryel nang biglang gulatin siya ng kanyang nakababatang kapatid.
Biglang napasigaw si Fyona ng malakas dahil sa nangyaring pagsabog sa labas ng bahay.
Bakit ang kilos ng tao (acts of man) ay itinuturing na kilos na walang kapanagutan sa sinumang gagawa ng kilos?
Ang kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya.
Ang kilos ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
Ang kilos ay hindi sinadya at kulang sa pagkukusa.
Ang kilos ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.
Bakit ang kilos na kusang loob ay may kaakibat na kapanagutan?
Ang lakat ng kilos ay may kaakibat na pananagutan.
Ang pagsagawa ng kilos ay may kaalaman at pagsang-ayon.
Ang gumagawa ng kilos ay walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon.
Ang kilos ay ayon sa kanyang kalikasan at hindi maaaring tanggihan.
May pananagutan ba si Joneto sa kanyang ginawa?
Oo, dahil may kaalaman at kusa niya itong ginawa
Oo, dahil alam niyang hindi kanya ang pagkain
Wala, dahil hindi niya kilala ang may-ari.
Wala, dahil likas sa tao ang kumain.
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kilos ng tao (acts of Man)?
Pagsagot sa mga tanong sa aralin
Paghikab dahil inaantok
Pagsigaw sa kagalit na mag-aaral.
Paghuhugas ng mga pinggan.
Anong uri ng salik ang nakaapekto sa makataong kilos ni Jayka?
Kamangmangan
masidhing damdamin
karahasan
gawi
Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
makataong damdamin
makataong pasiya
makataong kakayahan
makataong kilos
Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos
maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob ng kilos
kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas
Anong uri ng salik ang nakaapekto sa makataong kilos ni Roj?
karahasan
gawi
kamangmangan
takot
Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
hindi maaaring gawing mabuti ang masama
maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos
maaaring gawin ang mabuting kilos na masama
maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama
Ito ay gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.
takot
kamangmangan
gawi
karahasan
Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin.
karahasan
masidhing damdamin
kamangmangan
takot
Sino sa sumusunod ang gumawa ng kilos na dahil sa takot?
Si Jenelen na maingat na hinugasan ang mga mamahaling pinggan.
Si Almarken na kinupit ang kinitang pera ng kaniyang ama.
Si Dwayt na umilag sa suntok ng kalaban.
Si Prence na laging natutulog sa klase.
Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa karahasan?
Ang pagnanakaw ng kotse ni Jany sa kanyang kapitbahay.
Ang pag-iingat ni Marie na hindi mabasag ang flower vase na kanyang dala.
Ang pagsisinungaling sa tunay na pagkatao ni Paul.
Ang pag-ilag ni Jak sa suntok ni John nang mag-away sila.
Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
Kamangmangan
Gawi
Takot
Karahasan
Nasa anong yugto ng makataong kilos si Cathlen?
Nais ng layunin.
Intensiyon ng layunin
Pag-uunawa sa layunin
Praktikal na paghuhusga sa pagpipili
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob?
Layunin
Sirkumstansiya
Paraan
Kahihinatnan ng Makataong Kilos
Tumutukoy sa panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin?
Sirkumstansiya
Layunin
Paraan
Kahihinatnan ng Makataong Kilos
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos?
layunin
katungkulan
paraam
sirkumstansya
