wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 24

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Nabalitaan mong nasalanta ng bagyo ang iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?

a)

Isumbong sa pulis.

b)

Hayaan na lang sila.

c)

Sabihin sa mga kapitbahay.

d)

Tulungan kung ano man ang kailangan nila.

2.

Ang taong may malasakit ay___ng Diyos.

a)

kinahihiya

b)

kinakamusta

c)

kinalulugdan

d)

kinatatakutan

3.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

a)

Suntukin ang kaaway.

b)

Huwag bigyan ng pagkain.

c)

Pabayaan ang mga nagugutom.

d)

Tulungan ang nasalanta ng bagyo.

4.

Laging isaisip at __________ ang pagmamalasakit sa kapwa.

a)

ihiwalay

b)

iligtas

c)

isapuso

d)

iwanan

5.

Nakita mong nakikipag-away ang iyong kapatid na lalaki sa loob ng paaralan. Ano ang gagawin mo?

a)

Suntukin ang kapatid.

b)

Isumbong sa prinsipal.

c)

Suntukin ang kaaway ng kapatid.

d)

Awatin ang dalawang nag-aaway at kausapin.

6.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?

a)

Nakakita kayo ng pitaka ng iyong kaklase at hindi ninyo ibinalik.

b)

Nagluto si Nanay ng pagkain at binigyan niya ang inyong kapitbahay.

c)

Napansin ninyong nagnakaw ng pera ang iyong kaklase at hinayaan mo lang.

d)

Hinayaan mo lang gumala ang nahuli mong kaklaseng hindi pumasok sa paaralan.

7.

Nakita mong nagwawalis ng silid-aralan ang iyong guro. Ano ang gagawin mo?

a)

Hayaan na lamang.

b)

Sabihin sa iyong kaklase.

c)

Iwasan na hindi ka niya makita.

d)

Kunin ang walis at ipagpatuloy ang paglilinis.

8.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a)

“Bakit ba nahuli ka na naman?”

b)

“Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin,”

c)

“Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa iyo.”

d)

“Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”

9.

Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a)

Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.

b)

Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.

c)

Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao.

d)

Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.

10.

Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _________.

a)

kakayahan nilang makiramdam

b)

kanilang pagtanaw na utang na loob

c)

kakayahan nilang umunawa sa damdamin

d)

kanilang pagiging emosyunal sa pakikisangkot ng iba

11.

Binubully ni Alex ang inyong kaklaseng si Ara dahil ito ay mataba. Tinatawag niya itong “piggy piggy, oink.” Ano ang gagawin mo?

a)

huwag pansinin

b)

isumbong sa pulis

c)

ipagbigay-alam sa guro

d)

samahan si Alex sa kanyang ginagawa

12.

Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan. Ano ang gagawin mo?

a)

Sumali sa away.

b)

Huwag makialam sa away nila.

c)

Sabihin sa guro ang iyong nakita.

d)

Suntukin ang dalawang nag-aaway.

13.

May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay ninyo. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?

a)

Bahala siya sa buhay niya.

b)

Hayaan na lamang ang bata.

c)

Sabihin sa iyong mga magulang.

d)

Tingnan na lamang ang batang umiiyak.

14.

May nakasalubong kang matandang babae na maraming pasa sa mukha at hindi makalakad nang maayos. Ano ang gagawin mo para makatulong kahit wala kang kasama?

a)

Wala akong balak na tulungan siya.

b)

Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad.

c)

Bakit ko ba poproblemahin hindi ko siya kamag-anak.

d)

Humingi ng saklolo sa mga nakakasalubong ko.

15.

Pinagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng kapitbahay dahil nahuli niya itong namitas ng bulaklak. Ano ang kailangan mong gawin para hindi magalit ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?

a)

Ayokong makialam, problema nila iyon.

b)

Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin.

c)

Pagsasabihan ko na huwag nalang intindihin ang kapitbahay.

d)

Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam.

16.

Nakita mong nahulog ng iyong kaklase ang kanyang pitaka, ano ang dapat mong gawin?

a)

Ibalik ito kaagad sa may-ari.

b)

Magkunwaring hindi mo ito nakita.

c)

Tingnan muna ang laman ng pitaka, kung ito ay may laman kumuha ng kaunti at ibalik ito sa may ari.

d)

Kung ito ay may laman na pera kunin ito at ipambili ng kahit ano, at itapon na ang pitaka sa basurahan.

17.

Lumiban ang iyong kaklase dahil siya ay nilalagnat. Humiram siya sa iyo ng inyong kwaderno, ano ang dapat mong gawin?

a)

Ipahiram ito sa kaklase.

b)

Magkunwari kang walang narinig.

c)

Sabihing nawala ang iyong kwaderno.

d)

Magkunwaring lumiban ka din sa klase.

18.

Hindi sinasadyang nabasag ni Lina ang plorera ng kanyang guro kaagad niya itong inamin na siya ang nakabasag ng plorera. Si Lina ay isang batang_____.

a)

iyakin

b)

mayabang

c)

sinungaling ngunit palatawa

d)

matapat o nagsasabi ng totoo

19.

Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nakakita ng isang katutubo na sumasayaw sa parke?

a)

Batuhin dahil nakakahiya siya.

b)

Hayaan siya sa kaniyang ginagawa.

c)

Pagtawanan sila dahil sa kaniyang kakaibang kasuotan.

d)

Igalang at respetuhin dahil siya ay tao din na may pusong masaktan.

20.

May dayuhan na dumating sa ating bansa at nagtatanong sa iyo ng direksyon. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hindi sila papansinin.

b)

Tatakbo ako sa likod ng bahay at magtago.

c)

Iwasan ko sila dahil hindi ko sila maintindihan.

d)

Humingi ng tulong sa taong marunong makipag-usap ng mga dayuhan.

21.

Inutusan ka ng iyong Nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong dayuhan. Paano mo ito ibibigay sa kanila?

a)

Bahala sila sa buhay nila.

b)

Hayaang sila ang lumapit.

c)

Ilagay na lang sa mesa at iwanan.

d)

Iabot sa kanila na nakangiti kahit hindi mo na sila kakausapin.

22.

May Koreano na dumating sa inyong lugar at may itinanong sa iyo. Hindi siya makapagsalita kahit Ingles. Paano mo ito hahanapan ng solusyon?

a)

Tatakbo ako papalayo at magtatago.

b)

Tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.

c)

Talikuran siya dahil hindi siya mauunawaan.

d)

Pagtatawanan dahil hindi marunong magsalita ng Ingles.

23.

Habang nanonood kayo ng paligsahan sa barangay narinig mo ang iyong kaibigan na wala nang ginawa kundi pintasan ang mga kalahok. Kaaya-aya ba ang kanyang ginawa? Bakit? Dahil__

a)

tayong lahat ay hindi perpekto.

b)

nakakadisturbo siya sa mga kalahok.

c)

wala kang karapatang mamintas ng kapwa.

d)

nakakasira siya ng tiwala o kumpiyansa sa sarili.

24.

Dumalo ka sa pag-eensayo ng grupo bilang paghahanda sa darating na Summer Basketball League. Nakita mo ang iyong kaalitan noong isang araw na nasa isang koponan. Paano ka magpapakita ng nararapat gawin?

a)

Hindi siya papansinin.

b)

Susuntukin at tadyakan.

c)

Kaibiganin siya at kalimutan ang nangyari.

d)

Pagbutihin ang pag-eensayo upang magpasikat.