WorksheetsFIL 1: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng Pilipino (I)
Total questions: 30
Worksheet time: 10mins
Anong uri ng komunikasyon ang ginagamit kapag ang isang tao ay nagpupulupot ng mga kamay habang nakikinig sa isang usapan?
Vocalics
Kinesika
Chronemics
Proksemika
Kung ang isang tao ay palaging late sa mga pulong, anong anyo ng komunikasyong ‘di berbal ang maaaring maipakita?
Haptics
Proxemics
Chronemics
Vocalics
Ano ang layunin ng isang pulong-bayan?
Makapagpasaya ng mga tao
Makalikom ng donasyon
Malutas ang isyung panlipunan sa tulong ng komunidad
Magsagawa ng pang-araw-araw na komunikasyon
Anong anyo ng komunikasyon ang ginagamit kung ang isang tao ay bumabalik-balik sa parehong espasyo upang ipahayag ang galit?
Dabog
Vocalics
Proxemics
Kinesika
Aling halimbawa ang nagpapakita ng pagdadabog?
Pagsuntok sa mesa sa kalagitnaan ng usapan
Pagsabi ng "Bahala na" bago gumawa ng desisyon
Paglalakad papalayo nang walang paalam
Pagpadyak ng paa matapos utusan
Kung ang isang tao ay nagmumukmok, ano ang ipinapakita nito?
Aktibong pagtutol
Pasibong pagdadamdam
Intensiyonal na galit
Paghingi ng atensiyon
Ano ang pangunahing layunin ng umpukan?
Magplano ng proyekto
Mag-usap tungkol sa mga isyu nang impormal
Gumawa ng mahalagang desisyon
Magbigay ng pormal na talumpati
Kapag ang isang tao ay nagdadabog sa pamamagitan ng pagbagsak ng pinto, ano ang ipinapakita niya?
Galit at pagrereklamo
Takot at pag-iwas
Kasiyahan
Kawalang-interes
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng haptics?
Pagyayakap sa kaibigan bilang pagbati
Pagkaway mula sa malayo
Paggamit ng mataas na tono ng boses
Paggalaw ng mga mata bilang senyas
Anong lokal na ekspresiyon ang madalas sambitin kapag may biglaang sorpresa?
"Susmaryosep!"
"Charot!"
"Edi wow!"
"Ano ba ‘yan!"
Saang uri ng komunikasyon kabilang ang malapitang pag-upo sa isang kaibigan bilang pagpapakita ng tiwala?
Vocalics
Chronemics
Proxemics
Kinesika
Ano ang nagiging epekto ng pagdadabog sa pakikipagkomunikasyon?
Mas nagiging bukas ang talakayan
Nagdudulot ng tensiyon at pagkabahala
Nagpapalakas ng relasyon
Nagtatapos ng problema agad
Anong anyo ng komunikasyon ang nagiging mahalaga sa pagbabahay-bahay upang magbigay ng mensahe?
Chronemics
Vocalics
Kinesika
Haptics
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng damdamin ng pagtatampo?
Tahimik na hindi sumasama sa kainan
Pag-ungol habang naglilinis ng bahay
Pag-aaway sa harap ng ibang tao
Biglang pagsigaw sa kapatid
Paano makikilala ang isang ekspresiyong lokal?
Kung ito ay ginagamit lamang sa pagsusulat
Kung ito ay nagpapakita ng pormalidad
Kung ito ay madalas sambitin ng mga Pilipino sa bugso ng damdamin
Kung ito ay ginagamitan ng banyagang wika
Habang nasa group chat, si Mark ay nag-send ng maraming "ALL CAPS" na mensahe tungkol sa isang late submission. Pagtutumbas sa kasalukuyang umiiral na digital culture, anong anyo ng komunikasyon ang kanyang ginamit?
Proxemics
Vocalics
Kinesika
Chronemics
Habang nasa TikTok live, ang isang creator ay sumigaw ng "Grabe, guys!" matapos makakita ng malaking donasyon. Anong anyo ng ekspresiyon ang ginamit?
Char
Ekspresiyong lokal
Proxemics
Chronemics
Habang naglalaro ng online game, biglang nag-leave ng group chat si Kevin nang hindi nagbibigay ng paalam dahil nalaman niyang may iba pa palang group chat na hindi siya kasama. Ano ang pinakaangkop na paliwanag?
Pagdadabog
Pagtatampo
Pagmumukmok
Pagmamaktol
Kung may taong laging naglalapit ng upuan tuwing may in-person classes, anong anyo ng komunikasyon ang makikita?
Chronemics
Proxemics
Vocalics
Kinesika
Nang utusan si Jessa na maghugas ng pinggan habang naglalaro ng mobile game, bigla niyang binagsak ang kutsara sa lababo. Anong uri ng damdamin ang ipinapakita nito?
Pagtatampo
Pagmumukmok
Pagdadabog
Pagmamaktol
Kapag sinabi ng isang Gen Z ang "Bahala na" bago pumasok sa final exam, ano ang ipinapakita nito?
Kakulangan ng preparasyon
Pagtanggap ng posibleng mangyari
Pagdadabog
Pagsisisi
Habang nagka-crash ang Zoom call, sinabi ni Lara, "Ano ba 'yan!" Anong uri ng ekspresiyon ito?
Chronemics
Kinesika
Vocalics
Ekspresiyong lokal
Sa gitna ng coding session, si Josh ay nag-cross arms at tumingin sa malayo matapos hindi gumana ang kanyang script. Ano ang ipinapakita nito?
Pagtanggap
Pagmamaktol
Pagmumukmok
Pagtatampo
Habang nagba-vlog, sinabi ni Mika, "Eh di wow!" matapos marinig ang kwento ng kaibigan. Anong uri ng komunikasyon ito?
Vocalics
Haptics
Kinesika
Ekspresiyong lokal
Habang nasa fast-food, ang isang bata ay nagpadyak nang hindi siya bilhan ng fries. Ano ang ipinapakita ng bata?
Pagmumukmok
Pagmamaktol
Pagdadabog
Pagtatampo
Sa isang family outing, sinabi ni Marco, "Char lang!" matapos magbiro tungkol sa pag-uwi nang maaga. Ano ang layunin ng ekspresiyong ito?
Pagpapakita ng galit
Pagpapagaan ng usapan
Pagdidiin ng mensahe
Pagbibigay ng babala
Habang naglalaro ng volleyball, sinabi ni Anna, "Ikaw na!" matapos makakita ng magaling na spike ng kakampi. Anong uri ng ekspresiyong lokal ito?
Papuri
Yamot
Galit
Takot
Kapag si Rhea ay laging umaalis sa group chat pagkatapos ng away, ano ang madalas niyang ipinapakita?
Pagmumukmok
Pagtatampo
Pagmamaktol
Pagdadabog
Kapag ang isang kaklase ay nagtaas ng kamay habang umiiyak para magtanong sa klase, anong anyo ng komunikasyon ang kanyang ginamit?
Chronemics
Kinesika
Vocalics
Proxemics
Nang marinig ni Chloe na may bagong episode ng paborito niyang show, bumulalas siya ng, "D’yos ko po!" Ano ang ibig sabihin nito?
Yamot
Galit
Tuwa o gulat
Pag-aalala
