wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 8 REBYUWER IKALAWA

Total questions: 40

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga Pilipino ay may mataas na paggalang sa mga nakatatanda sa kanila. Marunong silang makinig at sumunod sa mga utos at payo ng mga nakatatanda. Tumatalima sila sa mga patakaran o tuntunin sa kanilang paligid at higit sa lahat, marunong silang magpasalamat sa anumang bagay na kanilang natatanggap. Likas na sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting asal at ito ay kanilang naipamamalas sa iba't ibang pagkakataon.

a)

Unahan

b)

Gitna

c)

Hulihan

d)

Walang Nabanggit

2.

Ang kulay asul ay sumisimbolo sa kapayapaan at ang pula naman ay katapangan. May kahulugan ang bawat kulay. Gayundin ang kulay rosas na siyang nangangahulugan ng pag-ibig at ang dilaw naman ay nangangahulugan ng panibugho. Kasaganahan naman ang sinisimbolo ng berde at kalungkutan naman ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.

a)

Unahan

b)

Gitna

c)

Hulihan

d)

Walang Nabanggit

3.

Ang mga Pilipino ay mapamahiin. Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay nangangahulugan ng pagdating ng panauhin. Hindi dapat tumuloy sa anumang lakad kung makasalubong ng itim na pusa dahil ito'y hudyat ng kapahamakan. Mawawala ang suwerte kung magwawalis sa bahay tuwing gabi. Maging ang pagkabasag ng salamin ay pinaniniwalaan na magdudulot ng pitong kamalasan.

a)

Unahan

b)

Gitna

c)

Hulihan

d)

Walang Nabanggit

4.

Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao. Ito ay nagpapalayo sa tao mula sa kamangmangan. Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa iba't ibang sitwasyon sa buhay. Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan.

a)

Unahan

b)

Gitna

c)

Hulihan

d)

Walang Nabanggit

5.

Kapag matatag ang kalooban ng isang tao ay nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Anuman ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito inaayawan. Sa halip, buong lakas na hinaharap. Mahalagang may matatag na kalooban ang isang tao.

a)

Unahan

b)

Gitna

c)

Hulihan

d)

Walang Nabanggit

6.

Bakit mahalagang basahin ang sarsuwelang, "Walang Sugat"?

a)

Sapagkat nilalaman nito ang isang wagas na pag-iibigan.

b)

Dahil laman nito ang eksaktong mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa.

c)

Itinuturo nito ang iba't ibang pag-ibig: sa bayan, sa pamilya, at sa kapwa.

d)

Mahalaga ito dahil ito ang isang patunay ng pananakop ng ibang bansa sa'tin at at ng hindi natin pagsuko sa mga pagsubok.

7.

Ayon kay Tenong, "Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari … malupit nakikiugali…Ah, kapagka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil." Anong paraan ang pinili ni Tenong upang ipaghiganti ang kaniyang ama at ang mga kababayan mula sa pang-aabuso?

a)

pag-anib sa kalaban

b)

pagpapaubaya sa Diyos

c)

pag-aalsa at pakikipaglaban

d)

paglisan sa bayan at pagtatago

8.

Anong dalawang pag-ibig ni Teňong ang humihila sa kanya sa magkabilang direksyon? Pag-ibig sa ___________________.

a)

ama at kay Julia

b)

ina at kay Julia

c)

kapwa at kay Julia

d)

bayan at kay Julia

9.

Kung susuriin ang mga pangyayari. Ano ang pagpapakahulugan ng hindi paghalik ni Teňong sa kamay ng kura?

a)

pagpapahalaga sa bayan

b)

paggalang sa pamilya

c)

pagpapahalaga sa sarili

d)

pagtangi sa Panginoon

10.

Anong ipinahihiwatig ng pakikipagkasundo ni Maria sa kaniyang anak na si Julia kay Miguel?

a)

Pagiging isang diktador.

b)

Pagtatakda ng kapalaran.

c)

Pakikipagkasundo ng mga anak.

d)

Paninigurado sa magandang kinabukasan ng anak

11.

Bumangon si Tenong mula sa pagkakahimlay at nagsigawan ang lahat sa simbahan ng, "Walang sugat!" Alin sa mga sumusunod ang dahilan bakit pinamagatang "Walang Sugat" ang dula?

a)

wala naman talagang sugat si Teňong

b)

ang nasusugatan lang ay ang mga bihag ng kura

c)

gawa-gawa ng mga tao ang sinasabing pang-aalipusta ng mga Kastila

d)

hindi naman masakit ang makipaglaban sa mga mananakop dahil maraming nagtutanggol sa bayan

12.

"Miguel, masakit na totoo ang ulo ko, huwag mo akong kausapin: damdam ko'y makarinig lamang ako nang salitaan ay parang nginatngat ng aso ang ulo ko... at ang kumausap sa akin ay ibig kong..." Ang ipinapahiwatig sa mga salaysay na ito ay, ________________.

a)

Ayaw ni Julia kay Miguel

b)

Natatakot si Julia kay Miguel

c)

Gustong-gusto ni Julia si Miguel

d)

May pagtatangi si Julia kay Miguel

13.

"Inang, masdan mo po... at masama ang lagay ni Tatang... Inang... tingnan mo't naghihingalo...Tatang… tatang..." Sa pahayag na ito ay makikita natin na si Teňong ay may labis na __________________ ?

a)

Pagkatuwa sa sinapit ng ama niya

b)

Pag-aalala at pagmamahal sa magulang

c)

Panghihinayang sa mangyayari sa magulang

d)

Pagkalungkot dahil hindi na niya makuha ang mana

14.

"Julia igayak mo ang loob mo ngayo'y naririto si Miguel at ang kanyang ama. Sila'y pagpakitaan ng mainam." Ang pahayag na ito ay nangangahulugang, ____.

a)

Itinadhana ang binata at dalaga na maikasal.

b)

Pinagkakasundo ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak.

c)

Ang mga magulang ay may kapangyarihang magdesisyon sa pag-aasawa.

d)

Kadalasan tinitingnan ng mga magulang ang katayuan ng mapapangasawa.

15.

Teňong: Tiya, ako po'y paparoon muna't susundan si Tatang Juana: Hintay ka, sandali at kami ay sasama. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa mabuting katangian ng dayalogong inilahad?

a)

pagmamahal sa kapwa

b)

pagpapahalaga sa kapwa

c)

pagmamalasakit sa kapwa

d)

pagbabayad ng pagsama sa kapwa

16.

Wala na ngang pagbabago __________ mayroon pa ring pag-asa.

a)

tama

b)

tunay

c)

subalit

d)

sang-ayon ako

17.

Mawala man ang lahat, __________ na ika'y mananaliti.

a)

tama

b)

hindi ako

c)

subalit ako

d)

nananalig ako

18.

Matalinong naturingan __________ tamad naman.

a)

tama

b)

totoo

c)

ngunit

d)

hindi sang-ayon

19.

Ayon sa aking napakinggan, __________ sa iyong sinabi.

a)

tama ako

b)

hindi ako

c)

totoo nga

d)

sang-ayon ako

20.

Hangga't may buhay, __________ na may pag-asa.

a)

mali

b)

tunay

c)

ngunit

d)

bagama't

21.

Ano ang kahulugan ng mga linyang, "Huwag kang iibig nang dahil sa ganda, ganda'y nagbabawa, kapag tumanda na"?

a)

Ang lahat ng bagay ay unti- unting nawawala.

b)

Ang panlabas na anyo ay 'di dapat pinagbabatayan.

c)

Nababatay ang pagmamahal sa hitsura ng isang tao.

d)

Tumatanda ang tao kaya dapat kasabay mo ang mahal mo.

22.

Ayon sa binasa, ano ang ibig sabihin ng taludtod na, "pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo"?

a)

Hindi isang laro ang pag-ibig.

b)

Kailangang paghirapan ang pag-ibig

c)

Pag-ibig ang s'yang magpapaligaya sa tao.

d)

Sa pag-ibig ay dapat napupunuan ng lubos na pasensya.

23.

Ano ang kahulugan ng mga linyang, "pilak ay may pakpak, dagling lumilipad"?

a)

Isang yaman ang pag-ibig na hindi maaaring manakaw.

b)

Madaling matukso ang mga tao sa yaman.

c)

Mabilis maubos ang yaman na bagay.

d)

'Di nagtatagal ang mga tao sa yaman.

24.

Ang linyang, "Bawat isang tao'y may lihim na daing", ay may kahulugan na?

a)

May mga awitin at tugtugin na sadyang nakapagbabalik sa isang sakit.

b)

Naaapektuhan ang taong nakaririnig sa awitin.

c)

May kaniya- kaniyang problema ang bawat isa.

d)

Maya't maya kung maalala ang mga problema.

25.

Sa taludtod na, "laging naririnig sa bawat sandali, ang lungkot ng tugtog na mapawi'y hindi", ano ang kahulugan nito?

a)

Mayroong laging nagpapatugtog.

b)

Laging natugtog ang tauhan sa nakaraan.

c)

Bumabalik ang mga masasakit na alaala.

d)

Malungkot ang mga tugtog na napakikinggan.

26.

Ano ang kahulugan ng salitang (IPINAGKIT) ayon sa pangungusap. Sa klase kapag siya ay napaupo ay para nang ipinagkit at kikilos na lamang kung tapos na ang klase.

a)

ginamitan ng gawgaw upang dumikit

b)

ipinaskil upang maging palamuti

c)

hindi umaalis sa kinalalagyan

d)

walang kakibo-kibo

27.

Ano ang kahulugan ng salitang (KALUPI) ayon sa pangungusap. Nakita niya ang hinihinalang nawawalang kalupi sa kamay ng kaniyang asawa, naiwan nang nangupit ng pambili ng pangtabako.

a)

alkansiya

b)

ipon

c)

pera

d)

pitaka

28.

Ano ang kahulugan ng salitang (MADILIM) ayon sa pangungusap. Madilim ang mukha nang magkapatid habang tinitingnan ang mga bangkang-papel na kanilang mga ginawa noong araw na nalaman nilang pumanaw ang kanilang ama.

a)

malungkot

b)

magulo

c)

maitim

d)

magulo

29.

Ano ang kahulugan ng salitang (PAGKASALAT) ayon sa pangungusapKitang- kita ang pagkasalat sa buhay ang batang babae dahil sa kaniyang luma at tagpi-tagping damit.

a)

marangya

b)

makakapa

c)

mahirap

d)

masaya

30.

Ano ang kahulugan ng salitang (NAGISING) ayon sa pangungusap. Nagising sa katotohanan ang mag-aaral nang malaman niya ang totoong pagkatao ng kaniyang hinahangaan.

a)

muling nangarap

b)

kumilos mula pagkatulog

c)

natakot sa nalaman

d)

naunawaan ang nalaman

31.

Mahilig magtanim ng gulay ang aking ama, sari-saring gulay ang kanyang tanim sa aming bakuran. Malaki ang naitutulong nito sa aming pang araw-araw na pamumuhay, dito din kasi nanggagaling ang mga ibinebenta ni nanay sa palengke, pinagkukunan din namin ito ng aming mga pangangailangan. Isang araw nakapasok  ang mga alagang kammbing ng aming kapitbahay at nagkataong walang tao sa aming bahay. Ano ang maaaring maging wakas ng kuwento?

a)

Nagtakbuhan sa loob ng barukan ang mga kambing.

b)

Naglaro ang mga kambing sa loob ng bakuran.

c)

Kinain ng mga kambing ang mga pananim.

d)

Natulog ang mga kambing sa halaman

32.

May tatlong magkakaibigan, sina Jun, Jhon at James. Sila ay laging

magkakasama. Isang araw sila ay nagtungo sa opisina ng kanilang punong guro

ng walang paalam at nasira nila ang mga gamit sa opisina ng punong guro. Ano    

  ang pinakaposibleng wakas nito?

a)

Magtatakbuhan ang tatlong magkakaibigan palayo ng opisina.

b)

Aaminin nila sa punong guro ang nagawa nilang pagkakamali.

c)

Iiwanan nilang magulo ang opisina ng punong guro.

d)

Itatanggi na sila ang may gawa ng pagkakasira.

33.

May pagsusulit sina Mika sa kanilang araling tinalakay kahapon. Nalibang siya sa paglalaro niya sa kumpyuter ng mga games at hindi na namalayan ang oras. Pumasok si Mika sa paaralan na kulang sa tulog at hindi handa para sa kanilang pagsusulit. Napansin ng guro na halos antok na antok pa si Mika kung kaya’t hindi ito makapagsagot ng maayos. Ano ang angkop na wakas para sa pangyayaring ito?

a)

Walang naisagot si Mika sa pagsusulit kung kaya mababa ang kanyang iskor.

b)

Natuwa ang guro kay Mika dahil sa mataas nitong iskor sa pagsusulit

c)

Natuwa ang guro sa ipinakitang pag uugali ni Mika.

d)

Nakatulog ng tuluyan si Mika.

34.

Patuloy ang pagkakalbo ng mga kabundukan sa hilagang bahagi ng bansa, kung kaya malimit ang pagbaha sa mga ilang lugar dito.Patuloy na hinihikayat ng gobyerno ang pagtatananim ng mga puno upang mapigilan ang pagkasira ng kalikasan, kung mangyayari ang ganitong sistema, malaki ang maitutulong nito sa mga taong naninirahan sa mga apektadong lugar. Ano ang posibleng maging wakas nito?

a)

Walang ganang magtanim ang mga tao dahil abala para sa kanila.

b)

Mapipigilan ang pagbaha at landslide na dulot ng pag ulan.

c)

Pababayaan nalang ng mga tao na patuloy na bumaha.

d)

Aasa na lang sa gobyerno kapag may sakuna.

35.

Madalas na hindi nakapagpapasa ng mga gawain sa klase si Edwin. Lumiliban din siya upang maglaro ng basketball o hindi naman kaya upang makapaghabol ng tulog mula sa pagkakapuyat sa paglalaro ng Call of Duty kapag gabi. Binigyan na ng palugit ng guro ang mga mag-aaral na hahabol ng pagpapasa ng mga gawain at kabilang si Edwin sa mga ipinatatawag ng guro ang magulang sa paaralan, ngunit ipinagsawalang bahala niya ito. Ano ang pinakaposibleng maging wakas ng pangyayari?

a)

Pupuntahan siya ng kaniyang mga guro sa bahay nila at hihikayating pumasok.

b)

Mababa ang nakuhang mga marka at ang karamihan ay hindi pasa.

c)

Ipatatawag na sila ng kaniyang mga magulang sa barangay.

d)

Papasa ang mga grado ni Edwin dahil nakapapasok siya.

36.

Kung ang tulang, “May mga Tugtuging Hindi Ko Malimot”, ay mayroog anim na

  saknong, ilang saknong naman mayroon ang tulang, “Sa Pamilihan ng Puso”?

a)

2

b)

4

c)

7

d)

28

37.

Kung ang ikaapat na taludtod ng ikaapat na saknog ng tulang, “May mga

  Tugtuging Hindi Ko malimot ay may bilang na pantig na labintatlo, anong sukat

  mayroon ang ikaapat na taludtod ng ikaapat na saknong ng tulang, “Sa

  Pamilihan ng Puso”?

a)

8

b)

12

c)

14

d)

18

38.

Ilan ang kabuuang bilang ng taludtod ang tulang, “May mga Tugtuging Hindi Ko

            Malimot” kung may dalawampu’t walo ang, “Sa Pamilihan ng Puso”?

a)

4

b)

8

c)

14

d)

24

39.

Mayroong anim na pantig ang ikalawang taludtod ng unang saknong ng tulang,

  “Sa Pamilihan ng Puso, ilan naman ang pantig ng ikaapat na taludtod ng

  ikalimang saknong ng tulang, “May mga Tugtuging Hindi Ko Malimot”?

a)

8

b)

12

c)

14

d)

28

40.

Kung ang ibig sabihin ng pamilihan ng puso sa unang tula ay ang maraming

  maaaring dahilan ng pagpili sa taong mamahalin, Ano kaya naman ang tinutukoy

  na tugtugin sa tulang, “May mga Tugtuging Hindi Ko Malimot”?

a)

awitin

b)

kaisipan

c)

tao

d)

alaala