Font size
WorksheetsFilipino VIII (Reviewer)
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Piliin ang letra ng pinakamalapit na kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. Bawal ang sa akin ay makipag-ulayaw kahit isang saglit
makipag-away
makipagkaisa
makipagkulitan
makipag-usap
Piliin ang letra ng pinakamalapit na kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. Walang habag na pinutlan ng bagwis
inallisan
pinutulan
ginupitan
binawasan
Piliin ang letra ng pinakamalapit na kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. Ako báy suminsay sa batas?
lumabag
sumunod
sumuwag
tumupad
Piliin ang letra ng pinakamalapit na kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. Napawi ang hinanakit sa ama.
poot
galit
Inis
sama ng loob
Piliin ang letra ng pinakamalapit na kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. Kakaunti lang ang parokyano.
mamimili
suki
tumatangkilik
manonood
Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay _______.
B. paghanga
C. pagkagitla
D. pagtataka
Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______.
pag-asa
pangarap
paghahangad
pag-unlad
Mga dagundong na tila mga batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig na may __________________.
pagdiriwang
Kilusan
ingay
Paraang ginamit ng may-akda sa pagsasalaysay sa kwentong “Bangkang Papel”
paawit
pagbabalik-tanaw
patula
pag-uugnay-ugnay
“Labinlimang lahat ang napatay...”, ang ibig sabihin ng pahayag ay __________________.
makikipaglamay sila
makikipaglibing sila
kasama ang ama niya sa namatay
wala sa nabanggit
Elemento ng tula na nagbibigay ng kariktan sa pamamagitan ng paglalagay ng magkakatunog na salita sa dulo ng bawat taludtod.
saknong
sukat
talinghaga
tugma
Ito ay grupo ng mga taludtod sa isang tula na maaring maglaman ng dalawa o higit pang linya.
saknong
sukat
talinghaga
tugma
Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
saknong
sukat
talinghaga
tugma
Nagbibigay ito ng mas malawak na ideya tungkol sa paksa upang mas maunawaan ang isang akda.
talinghaga
pangunahing kaisipan
tula
pantulong na kaisipan
Nilalarawan nito ang mga ideya sa paksa na pinakatatalakayin sa isang akda.
kasabihan
pangunahing kaisipan
salawikain
pantulong na kaisipan
Sa Balagtasan, nauunang naglalahad ng kaniyang pangangatwiran ang panig ng ______.
patas
sang-ayon
di sang-ayon
lakandiwa
Ang nilalaman ng tindig ng bawat mambabalagtas ay __________________________________?
maikling introduksyon
ang nagawagi sa pagtatalo
maikling pagpapakilala sa lakandiwa
mga katwiran at argumento
Ang tawag sa mga salitang ginagamit upang mapagaan ang mga pahayag ay __________________?
denotatibo
konotatibo
eupemistiko
pangunahing kaisipan
Ang _________________ ay akdang pampanitikan na may bahaging paawit at minsan ay pasalita.
sarswela
denotatibo
konotatibo
eupemistiko
Akdang pampanitikan na maaaring hango sa tunay na pangyayari sa buhay at may iisang kakintalan.
maikling kwento
kwentong bayan
sarswela
balagtasan
Ang tula ay nasa malayang taludturan kung ito ay__________________________.
walang sukat pero may tugma
may sukat pero walang tugma
may sukat at tugma
walang sukat at tugma
Upang madaling mahikayat ang nagbabasa o nakikinig sa mga detalyeng ipinahahayag, nararapat na ito ay may _______.
pagsusuri
sanhi at bunga
pag-iisa-isa
pagbibigay-halimbawa
Tinatalakay ang dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan.
sanhi at bunga
pag-iisa-isa
paghahambing
pagsusuri
Paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari.
paghahambing
sanhi at bunga
pagsusuri
pag-iisa-isa
Paraan ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay- bagay.
paghahambing at pagsasalungatan
sanhi at bunga
pagsusuri
pag-iisa-isa
Piliin ang letra ng wastong kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig sa nakasalungguhit na pahayag. Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?
A. maging marumi at mag-ulam ng asin
B. maging pulubi at kumain ng asin
C. maghirap sa buhay at magtinda ng asin
D. makaranas ng matinding hirap
Piliin ang letra ng wastong kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig sa nakasalungguhit na pahayag. Mabuti na iyong makatindig ka sa sarili mong mga paa.
A. maging matatag sa buhay
B. magkaroon ng prinsipyo sa buhay
C. tumayo sa sariling paa
D. matutong magsikap para sa sariling kapakanan
Piliin ang letra ng wastong kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig sa nakasalungguhit na pahayag.
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa ina.
A. may masamang plano na siyang naisip
B. negatibo na ang kanyang prinsipyo
C. may nabuo na siyang maling paniniwala
D. may kamandag na sa kanyang isip
Piliin ang letra ng wastong kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig sa nakasalungguhit na pahayag.
Nasa itaas ka na pati ang asawa mo.
A. nakamit na niya ang tagumpay
B. mataas na ang kanyang katungkulan sa buhay
C. naging mapagmataas na siya
D. nagging tanyag na siya sa karamihan
Piliin ang letra ng wastong kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig sa nakasalungguhit na pahayag.
Ang ibang guryon na lumilipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak.
A. naputulan ng tali at bumagsak
B. ang mapagmataas ay ibinabagsak ng Diyos
C. kapag mataas ang lipad ay napuputulan ng tali at bumabagsak
D. may mga tanyag na taong umaangat sa buhay ngunit bumabagsak din naman
Ang taludturan ng tula ay _______________________.
A. blangko berso
B. malaya
C. tradisyunal
D. ganap
Ang ibig sabihin ng “ang salitaý isang kahatulan” sa ikalawang saknong ay_______________
A. sagisag
B. palatandaan
C. batas
D. kasulatan
Sa taludtod na, “Ang hindi magmahal sa kanyang salita,” tinutukoy dito ang mga kababayan nating may isipang________
A. alipin
B. kolonyal
C. optomista
D. pesimista
Ang sukat ng tulang “ Sa Aking mga Kabata”ay ______________.
A. aaniming pantig
B. wawaluhing pantig
C. sasampuing pantig
D. lalabindalawahing pantig
Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari ayon sa sarsuwelang “Walang Sugat.” Isulat ang titik A-E sa iyong sagutang papel.
________Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
________Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
________Ipinagkasundo ni Aling Juana si Julia kay Miguel.
_______Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng Walang Sugat”.
________ Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang Bayan.
(a)
Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang sumusunod na pahayag batay sa akdang binasa.
Ilan sa mga solusyong inihahain ay: pagmodernisa ng mass transport system ng bansa, pagtatag ng bus rapid transport upang maorganisa ang paggamit ng bus at bus lanes, paglalatag ng connective infrastructure tulad ng mga kalsada, highway, tulay, airport, seaport atbp.
Sanhi at Bunga
Pag-iisa-isa
Pagsusuri
Paghahambing
Pagsasalungatan
Kung hindi ito mababago, hindi magtatagal ay aabot sa halos 6 na bilyon ang mawawala sa ekonomiya ng bansa paglipas pa ng ilang mga taon.
Pagsasalungatan
Pagsusuri
Paghahambing
Pag-iisa-isa
Sanhi at Bunga
Hindi humihinto ang pamahalaan at mga sangay nito sa pag-iisip, pagsubok at pagpapatupad ng mga pamamaraan upang kahit paano’y masolusyunan ang tumitinding kondisyon ng trapiko.
Sanhi at Bunga
Pag-iisa-isa
Pagsusuri
Paghahambing
Pagsasalungatan
Bagama’t usad-pagong ang mga sasakyan, hindi pa rin maiwasan ang pagkakaroon ng sakuna dahil sa gitgitan, pag-uunahan at kawalan ng disiplina ng mga motorista.
Sanhi at Bunga
Pagsasalungatan
Pag-iisa-isa
Paghahambing
Pagsusuri
Lumiliit ang kita ng mga pampublikong sasakyan dahil nauubos ang gasolina at oras nila sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan.
Sanhi at Bunga
Pag-iisa-isa
Pagsusuri
Pagsasalungatan
Paghahambing
Sa sarswelang “Walang Sugat”, nag-usap ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng kanilang anak. Nagkasundo na sila sa detalye ng kasal. Hindi alam ni Juana ang tungkol kina Julia at Teñong. Sinabihan ni Lucas si Teñong. Aling pangungusap ang naglalahad ng pangunahing kaisipan?
una
ikalawa
ikatlo
ikaapat
Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. May huling kahilingan ang binata.... na sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandali na lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak. Gayundin si Miguel. Aling pangungusap ang naglalahad ng pangunahing kaisipan?
una
ikalawa
ikatlo
ikaapat
Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Aling pangungusap ang naglalahad ng pangunahing kaisipan?
una
ikalawa
ikatlo
ikaapat
May mga hadlang na maaaring pumigil sa ating pagtatagumpay. Kaya marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito. Sa pagkamit ng tagumpay ay kailangang buo ang determinasyon, tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. Lagi nating tandaan na tayo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran.
una
ikalawa
ikatlo
ikaapat
Masaya ang mag-aral. Datapuwa't mahirap ang mga ilang diskurso at dagsa ang mga gawain. Hindi maipagkakailang kawili-kawili ang bawat araw na inilalaan natin sa paaralan. Ito'y dahil sa mga karanasan at alaalang nabubuo rito.
una
ikalawa
ikatlo
ikaapat
