NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan 5
Total questions: 41
Worksheet time: 41mins
Ang Moluccas Islands ay isang pangkat ng mga pulo sa Indonesia. Bakit maraming kanluranin ang naghangad na makontrol ang Moluccas?
Dahil malawak ang pulong ito
Upang magkaroon sila ng bagong titirhan
Upang madagdagan ang kanilang nasasakupan
Dahil dito matatagpuan ang iba’t ibang uri ng mga halamang ginagamit bilang pampalasa ng pagkain
Ang mga sumusunod ay naging bunga ng matagumpay na ekpedisyon ni Magellan maliban sa isa. Ano ito?
Nasakop ang Pilipinas
Maraming mga lupain ang natuklasan
Napatunayang bilog ang daigdig
Mararating ang silangang bahagi ng daigdig sa paglalayag pakanluran
Maraming ginawang ekspedisyon ang Espanya upang masakop ang Pilipinas. Ano ang dahilan kung bakit ninanais nilang sakupin ang ating bansa?
Nais nilang manirahan sa Pilipinas.
Nagustuhan nila ang katangian ng mga Pilipino.
Mayaman ang Pilipinas sa ibat ibang uri ng pampalasa.
Gusto nilang paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas.
Hinati ni Pope Alexander VI ang daigdig para sa dalawang bansang nanguna sa pagtuklas at pananakop ng mga bagong lupain. Aling bansa sa Europa ang nanguna sa panahong ito?
Spain at Portugal
Italy at Spain
France at Portugal
Italy at France
Pinaniniwalaang ginanap ang kauna-unahang misa sa Limasawa sa pangunguna ni Padre Pedro de Valderrama. Kailan ito ginanap?
Marso 9, 1521
Marso 12, 1521
Marso 26, 1521
Marso 31, 1521
Ang mga sumusunod ay mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa pagsasailalim sa kolonyalismo ng Pilipinas maliban sa isa. Ano ito?
Reduccion
Kalakalan
Encomienda
Sapilitang Paggawa
Ang mga sumusunod ay mga pagbabago sa paniniwalang panrelihiyon ng mga katutubong tumanggap ng Kristiyanismo MALIBAN sa isa. Ano ito?
Iisang Diyos na lamang ang kinikilala.
Nasa kapangyarihan ng mga kalalakihan ang pagiging pari.
Pagpapahalaga sa pagsasagawa ng isang ritwal
Pagpapahalaga sa pagpapatayo ng simbahan bilang banal na pook
Ginamit ng mga prayle ang dating paniniwala ng mga katutubo upang mas katanggap-tanggap ang bagong relihiyon. Ang pagsasagawa ng rituwal ay ginawang piyesta. Ano naman ang ipinalit sa paniniwala sa mga espiritu?
paniniwala sa mga Santo
pagsasagawa ng prosisyon
paggamit ng banal na tubig
pagsasagawa ng Novena
Pilit na ipinaunawa ng mga prayle na kung hindi nila sinakop ang Pilipinas ay patuloy pa ring nasa “kadiliman” ang mga katutubo. Ano ang kanilang dahilan sa pahayag na ito?
dahil sa animismo
dahil sa Kristiyanismo
dahil sa kanilang pagiging mahirap
dahil sa kawalan ng kalayaan sa pamumuhay
Kung dati ay umiinog ang buhay ng mga katutubo sa pagsamba ng mga anito upang matiyak ang kaligtasan at proteksyon, saan naman uminog ang buhay nila sa kanilang pagiging Kristiyano?
sa batas ng Diyos
sa pagsisimba
sa pagdarasal sa mga santo
sa pagsali sa mga selebrasyon ng pista
Sa pamamagitan ng Kristiyanisasyon, nagtalaga ng mga gawain ang mga prayle sa simbahan noon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawaing ito?
ang pag-awit ng mga awiting simbahan
pagdarasal ng rosaryo at pagsasaulo sa mga dasal
pagsasagawa ng misa ng mga pari sa simbahan
pamumuno ng isang ministro sa pagsasagawa ng novena
Ginamit ang Puwersang Militar upang maisailalim sa kolonyalismo ang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI naglalarawan ng Pwersang Militar?
Pananakot sa mga tao gamit ang dahas at lakas
Paggamit ng armas sa pagpasok sa mga lugar
Paniningil nang mahigpit sa mga buwis
Panghuhuli ng mga guwardiya sibil sa mga Pilipino
Dinakip at pinarusahan ng mga armadong Espanyol ang isang katutubong sumasamba sa mga anito. Anong paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa binasang sitwasyon?
Kristiyanisasyon
Puwersang Militar
Divide and Rule
Reduccion
Nagkakagulo at nagpapatayan ang mga katutubong Pilipino. Alin sa mga paraan ng pagsasailalim sa Pilipinas ang isang halimbawa ng binasang sitwasyon?
Kristiyanisasyon
Puwersang Militar
Divide and Rule
Reduccion
Pinalitan sa pamamagitan ng selebrasyon ng mga pista ang mga rituwal na isinasagawa ng mga katutubong Pilipino upang pasalamatan ang mga espiritu. Anong paraan ang ginamit ng mga Espanyol dito?
Kristiyanisasyon
Puwersang Militar
Divide and Rule
Reduccion
Ang kalakalang galyon ang isa sa kalakalang panlabas ng Pilipinas na pinangasiwaan ng Espanya. Nakabubuti ba ang kalakalang galyon sa kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino?
Oo, dahil maraming produkto mula Mexico at Spain na dumating sa Pilipinas.
Hindi, dahil ang mga Espanyol lamang at hindi Pilipino ang tuwirang nakilahok sa kalakalan.
Oo, dahil pinaunlad nila ang kultura ng mga Pilipino dahil sa mga produktong tinangkilik mula sa Mexico.
Hindi, dahil marami ang dumanas ng hirap sa paglalayag ng mga galyon.
Una sa mga patakarang pang-ekonomikong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang tributo o sistema ng pagbubuwis. Alin sa mga ito ang mabuting epekto ng paggamit ng tributo?
Pinaghati-hatian ng mga pinunong Espanyol
Ipinampatayo ng mga bahay ng mga Pilipinong regular na nagbabayad ng buwis
Ipinampatayo ng mga gusaling pangdepensa bilang paraan ng pagpapalakas ng seguridad ng kolonya
Ipinampatayo ng malaking gusali kung saan parehong nakakakuha ng mga kakailanganin ang mga Espanyol at mga Pilipino
Ang polo y servicio ay ang patakaran ng sapilitang paggawa. Ano ang naging kalagayan ng mga Pilipinong sumailalim sa polo y servicio?
Naipadadala sila sa malalayong lugar at napalayo sila sa kanilang pamilya.
Nabibigyan sila ng ayudang pagkain sa panahon ng kanilang pagtatrabaho.
Nakakauwi sila sa kanilang pamilya sa panahon ng pagtatanim at pag-aani.
Nababayaran sa takdang oras ang kanilang pagtatrabaho at nakapagpapadala sila ng pera sa kanilang pamilya.
Ang lahat ng kalalakihan sa kolonya na 16 hanggang 60 taong gulang ay pwersahang pinalahok sa sistemang Polo y Servicio. Ano ang idinulot nito sa mga Pilipino?
Marami ang namatay sa hirap at gutom.
Napayaman ang mga lupang sakahan.
Lumaki ang bilang ng mga katutubo.
Napagbuklod ang mga pamilya.
Ang encomienda ay pinamumunuan ng mga encomiendero. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan sa pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga encomiendero?
Namigay sila ng mga lupain.
Nakipagsabwatan sila sa mga katutubo.
Naging mapang-abuso sila sa kapwa Espanyol.
Naging mapagmalabis sila sa paniningil ng buwis.
Ang monopolyo sa tabako ay tuwirang pinangasiwaan ng pamahalaang Espanyol. May takdang dami at presyo ng aning tabako ang ipinagbibili ng mga magsasaka sa pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang idinulot ng monopolyo ng tabako sa mga Pilipino?
Nakapagpuslit sila ng ibang produkto.
Maraming mamamayan ang nagkatrabaho.
Yumaman ang mga pinunong namamahala.
Nakapaglakbay ang mga magsasakang Pilipino.
Ang monopolyo sa tabako ay tuwirang pinangasiwaan ng pamahalaang Espanyol. May takdang dami at presyo ng aning tabako ang ipinagbibili ng mga magsasaka sa pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang idinulot ng monopolyo ng tabako sa mga Pilipino?
Nakapagpuslit sila ng ibang produkto.
Maraming mamamayan ang nagkatrabaho.
Yumaman ang mga pinunong namamahala.
Nakapaglakbay ang mga magsasakang Pilipino.
Ang kalakalang galyon na tinawag na Kalakalang Maynila-Acapulco ay kalakalang pinangasiwaan ng Espanya gamit ang mga barkong pangkalakalan na galyon. Alin ang MABUTING epekto ng kalakalang galyon?
Nabago ang pamamaraan ng pagsasaka.
Yumaman nang husto ang mga Pilipinong kasali sa kalakalan.
Nakilala ang kahusayan ng mga Pilipino sa paggawa ng matitibay na barko.
Parehong umunlad ang kabuhayan ng mga Espanyol at Pilipinong lumahok sa kalakalan.
Sa sistema ng monopolyo ng tabako, ang bawat mag-anak ng magsasaka ay nagtatanim ng 40,000 halaman ng tabako sa isang taon. Alin sa mga sumusunod ang maging epekto sa mga magsasaka kung ang kanilang ani ay nasira o nasalanta ng bagyo?
binibigyan ng ibang uri ng itatanim
binibigyan ng isa pang pagkakataon
magiging doble ang ibibigay na panibagong binhi
pinagmumulta o babawian ng lupang sinasaka
Ang isa sa mga simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Espanya ay ang pagbabayad ng buwis. Alin sa mga ito ang mga patakarang ipinatupad tungkol sa pagbabayad ng buwis?
Ang mga mahihirap lamang ang pinagbayad ng buwis.
Ang anyong salapi lamang ang tinatanggap na bayad ng buwis.
Malayang mamili ang mga katutubong Pilipino ng paraan ng kanilang pagbabayad.
Lahat ng lalaking may edad na 19-60 taong gulang ay pinagbabayad ng tribute.
Ang cedula personal ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis. Alin ang nagpapahayag tungkol sa cedula personal?
Ikinukulong ang mga Pilipinong nahuhuling walang dalang cedula personal.
Nakapagpagaan sa buhay ng mga Pilipino ang pagpapatupad ng cedula personal.
Nakapagpapatunay ng pagkakakilanlan ng namumunong Espanyol ang cedula personal.
Pinagmumulta ang mga Pilipinong mahulihan ng cedula personal.
Ang sapilitang paggawa ay patakarang kolonyal na ipinatupad ng mga Espanyol. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag sa pakinabang ng patakarang sapilitang paggawa?
Napataas ang antas ng agrikultura.
Napalapit ang loob ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Nakapagpatayo ng mga imprastrukturang de kalidad ngunit mataas ang bayad.
Napagwatak-watak ang mga katutubo at naiwasan ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol.
Itinatag ni Basco ang kapisanang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng Bayan noong 1781 na naglalayong paunlarin ang kabuhayan sa ating bansa. Bakit nagsumikap si Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas na paunlarin ang ekonomiya ng bansa?
upang makilala sa buong bansa
upang mabigyan ng gantimpala ng hari
upang makapagsarili ang bansa at hindi na umasa sa tulong ng ibang bansa
upang makalikom ng maraming kita at makapagpayaman
Makatarungan ba ang pagkakaroon ng sistemang Kasama noong panahon ng Espanyol?
Oo, dahil naging pantay ang hatian sa ani.
Oo, dahil pantay an naging kontribusyon sa mga kakailanganin sa pagsasaka.
Hindi, dahil ang hatian sa puhunan ay nakaatang lamang sa magsasaka
Hindi, dahil ang kontribusyon sa mga kakailanganin sa pagsasaka ay sinagot ng mga haciendero.
Naging mapagmalabis ang mga encomiendero sa paniningil ng tributo o buwis. Alin sa mga sumusunod ang nagpabaon sa utang at nagpahirap nang husto sa mga katutubong Pilipino?
Pinagbayad ng buwis kahit ang mga bata.
Ang mga lupain ay pinangasiwaan din ng mga Pilipino.
Namili ang mga Pilipino na magbabayad ng pagkain o ginto para sa kanilang buwis.
Ipinamigay ng mga Pilipino ang kanilang ibang mga produkto sa mga encomiendero
Ano ang hangarin ng pagkakatatag ni Basco y Vargas sa kampanyang Royal Company of the Philippines?
paunlarin ang agrikultura at industriya ng kolonya
makipagkompetensiya sa kalakalang galyon
palakasin ang kalakalan sa pagitan ng Mexico at Espanya
paramihin ang mangungutang na Pilipino para mas mataas ang makukuhang interes
Ano ang tungkulin ng isang Gobernador Heneral?
Mangolekta ng tribute
Mangasiwa sa katahimikan ng lugar
Maglikom ng buwis sa mga mamamayan
Pangasiwaan ang pamahalaang sentral ng Pilipinas
Sa Royal Decree noong Marso 20, 1863, may itinatag ang Espanyang ang layunin ay pangasiwaan ang mga kolonya ng Espanya kung saan kabilang na dito ang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na konseho ang kumakatawan sa layuning ito?
Ministry of Spain
Viceroyalty of Spain
Ministry of Overseas
Royal and Supreme Council of Indies
Ang mga batas at kautusang ipinatupad sa Pilipinas bilang kolonya ng Espanya ay naaayon sa Compilation of the Kingdoms of Indies. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga batas at kautusang nakasaad sa Compilation of the Kingdoms of Indies?
Pampolitika
Panrelihiyon
Pang-ekonomiya
Panlipunang aspekto ng pamumuhay
Sinuspinde ng gobernador-heneral ang ipinag-uutos ng Hari. Anong karapatan ang ipinapakita ng gobernador-heneral?
Audencia
Complase
Hudisyal
Vice-real patron
Pinamumunuan ng gobernador-heneral ang Royal Audencia. Sino mula sa mga sumusunod ang tumutulong sa gobernador-heneral sa paglilitis?
Alkalde mayor
Gobernadorcillo
Cabeza de barangay
Oidores o huwes
Ang alkalde mayor ay nabibilang sa pamahalaang lokal. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa alkalde mayor?
Namamahala sa sangay ng ehekutibo
Pinakamataas na hukuman ng bansa
Humahawak sa mga gawain sa alcaldia
Pinakamababang katungkulan ng pamahalaang lokal
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang gobernadorcillo?
Namamahala sa sangay ng ehekutibo
Nangungulekta ng tributo ng barangay
Humahawak ng matataas na posisyon sa pamahalaan
Naglilikom ng buwis sa buong bayan at nangangasiwa sa katahimikan ng lugar
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama ang ipinahahayag tungkol sa cabeza de barangay?
Naglilikom ng buwis sa buong bayan
Namamahala sa sangay ng ehekutibo
Nangungulekta ng tributo ng barangay
humahawak ng matataas na posisyon sa pamahalaan
Alin sa sumusunod na konsepto ang ipinapakita niya?
Polo y servicio
Paggawa ng padron
Sistemang encomienda
System of checks and balance
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy tungkol sa visita?
Ang visita ay pagbibigay ng parangal sa gobernador-heneral.
Ang visita ay hukumang tagasiyasat sa mga gawain ng gobernador-heneral.
Ang visita ay ang walang abisong pag-imbestiga sa gobernador-heneral.
Ang visita ay ang regular na pagbisita ng visitador-general sa gobernador-heneral.
