wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

V.E periodical part 2

Total questions: 19

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na mga gabay ang HINDI nagpapakita ng makataong pagkilos?

a)

May katapatan sa pag-iisip, gawa, at naninindigan sa katotohanan

b)

Maaaring gumawa ng kamalian sapagkat maaaring mapawalang-sala kung hindi sinasadya ang nagawang krimen

c)

Isinasaalang-alang kung ang pagkilos ay para sa kabutihang panlahat o kapakinabanagan ng nakararami

d)

Ito ay boluntaryo, pinag-isipang Mabuti, at malayang naisasagawa

2.

Ang lahat ng paghihirap mo kagaya ng pagising ng maaga, paggawa ng takdang-aralin at pagtulong sa pangkatang gawain ay maituturing na

a)

panloob na kilos

b)

makataong kilos

c)

kilos-loob

d)

kilos ng tao

3.

Alin ang nagpapahayag ng tunay na kahulugan ng makataong kilos?

a)

Ito ay tumutukoy sa kusang-loob na pagkilos na maaaring gawin ng tao ang anumang kaniyang ninanais

b)

Ito ay boluntaryo, pinag-isipang Mabuti, at malayang naisasagawa

c)

Batayan ng makataong pagkilos ang batas moral na ginawa ng tao upang magkaroon ng kaayusan ang mundo

d)

Pagkakaroon ng sariling ideolohiya o paniniwala

4.

Ang kasabihang "Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin" ay nagpapahiwatig na

a)

Madali ang gumawa ng kabutihan

b)

Kumilos tayo na naayon sa iyong kaligayahan

c)

Agarang pagkilos ng hindi pinag-iisipan basta ito ay nakakabuti sa nakararami

d)

Tinitimbang-timbang ang bawat kilos at piliin ang ikabubuti sa sarili at kapwa pag-isipan ang bawat kilos at isagaw ito na naayon sa iyong kagustuhan

5.

Madalas ang pagkindat ng kanang mata ni Nathan. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam kung bakit ito nagalit. May pananagutan ba si Nathan sa kanyang nagawang kilos?

a)

Meron, dahil nabastos nya ang dalaga.

b)

Meron, dahil mali ang kanyang kilos.

c)

Wala, dahil iyon ay kanyang manerismo.

d)

Wala, dahil hindi naman nya kilala ang dalaga

6.

Si Alden ay mahilig mang-asar at magbiro, kadalasan hindi niya namamalayan na nakasasakit na siya ng damdamin ng kanyang mga kaklase. Siya ba ay may pananagutan sa pambubulas?

a)

Oo, dahil hindi natutuwa sa kaniya ang kaniyang mga kaklase

b)

Oo, dahil ang pambubulas ay isang masamang gawain na nakakasakit ng damdamin ng isang tao

c)

Hindi, dahil may kalayaan tayo na gawin ang gusto natin.

d)

Hindi, dahil hindi niya alam na nakakasakit na siya ng damdamin ng iba

7.

Alin sa sumusunod ang walang pananagutan dahil sa kamangmangan?

a)

Pagbasag sa salamin ng sasakyan ng isang taong wala sa matinong pag-iisip.

b)

Pananahimik sa isang krimen na iyong nasaksihan.

c)

Pagkakaroon ng bagsak sa mga asignatura dahil sa pagiging working student.

d)

Dahil may panlabas na pwersang nagbigay ng takot na malagay siya sa panganib kaya dinepensahan niya ang kaniyang sarili.

e)

Dahil hindi kaagad nakapag-isip si Renz at di-kayang maapektohan ang isip sa biglaang pangyayari.

8.

Pauwi na si Renz galing sa Antipolo mula sa kanyang trabaho, nang biglang may humablot na magnanakaw at may hawak na patalim sa kanyang bag. Hindi nya ito ibinigay at sya ay nanlaban. Bumaba ito ng jeep at nakuha ang patalim at nasaksak niya ang magnanakaw. Bakit hindi makapananagot si Renz sa kaniyang ginawang karahasan?

a)

Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos na mas malakas kaysa sa kanya

b)

Dahil hindi kaagad nakapag isip si Renz at di-kayang maapektuhan ang isip sa biglaang pangyayari

c)

Dahil may pa labas na pwersanb nagbigay ng takot na malagay sya sa panganib kaya dinepensahan nya ang kanyang sarili

9.

Anong salik ng makataong kilos ang tinutukoy?

a)

Kamangmangan

b)

Karahasan

c)

Masidhing damdamin

d)

Takot

10.

Nabasa ni Cyrel ang mga paninirang post ni Dianne tungkol sa kanya. Naisip ni Cyrel na baka kaya ito ginagawa ni Dianne ay upang siraan siya dahil pareho silang natakbo sa parehong posisyon sa isang club sa kanilang school. Sa halip na kausapin ni Cyrel si Dianne, ginaya na lang nito ang ginawa ni Dianne at nag post din siya ng hindi magaganda tungkol dito.

a)

Kusang-loob

b)

Di kusang-loob

c)

Walang kusang-loob

11.

Si Miguel ay may manerismo na madalas na pagkindat sa kanyang kanang mata. Isang karamdaman na hindi alam at hindi nauunawaan ng karamihan. Sa kanyang pamamasyal, nakita niyang nahulog ang panyo ng dalaga at agad niya itong inabot. Nagulat na lamang siya ng siya ay sampalin at sabihang bastos. Inakala ng dalaga na sinasadya ni Miguel ang pagkindat ng kanyang kanang mata.

a)

Kusang-loob

b)

Di kusang-loob

c)

Walang kusang-loob

d)

Masidhing damdamin

12.

Nasaksihan ni Lino ang pananakit na ginawa ni Juan sa kaklase nilang si Pedro. Wala namang ginagawa si Pedro na masama kay Juan. Sadya mang nais saktan ni Juan si Pedro. Sa takot ni Lino na madamay at masaktan din ni Juan, hindi na lamang niya tinulungan si Pedro at hindi rin siya nagsabi sa kanilang guro.

a)

Kusang-loob

b)

Di kusang-loob

c)

Walang kusang-loob

13.

Anong salik ng makataong kilos ang tumutukoy sa dikta ng bodily apetite, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin?

a)

Kamangmangan

b)

Karahasan

c)

Masidhing damdamin

d)

Takot

14.

Anong salik ng makataong kilos ang tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay?

a)

Gawi

b)

Karahasan

c)

Kamangmangan

d)

Takot

15.

Nanginginig at nauutal na tinanggap ni Alex ang alok ng kaibigan na sumama sa kanilang grupo.

a)

Gawi

b)

Karahasan

c)

Masidhing damdamin

d)

Takot

16.

Sa sobrang lungkot ni Alyana dahil sa pagkawala ng kanyang alagang aso, napabayaan na niya pagsagot ng kanyang modyul.

a)

Gawi

b)

Kamangmangan

c)

Karahasan

d)

Masidhing damdamin

17.

Si Erwin ay nakatanggap ng Perfect Attendance Certificate dahil sa napanatili niya ang kanyang pagpasok ng maaga at hindi lumiliban sa klase.

a)

Gawi

b)

Kamangmangan

c)

Masidhing damdamin

d)

Takot

18.

Napalo ni Garry ng raketa ang lalaking humablot ng kanyang cellphone habang siya ay naglalakad pauwi ng kanilang bahay.

a)

Gawi

b)

Kamangmangan

c)

Masidhing damdamin

d)

Karahasan

19.

Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababaqas o nakasaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos.

a)

Kahihinatnan

b)

Kilos

c)

Layunin

d)

Sirkumstansiya