NEW
Font size
WorksheetsIkalawang Markahan sa AP6
Total questions: 40
Worksheet time: 33mins
Matapos isuko ng mga Espanyol ang Maynila sa mga Amerikano, ipinag-utos ni Pangulong William Mckinley ang pagpapairal ng batas-militar sa Pilipinas. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakatatag ng batas-militar sa panahong ito?
Upang lalong mapaamo ang mga Pilipino
Para mas mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas
Sapagkat ito ang hinihingi ng pagkakataon dahil hindi pa mapayapa ang bansa
Upang mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong sumuko sa mga Amerikano
Ang Batas Pilipinas ng 1902 o Batas Cooper ay inihain ni Henry Allan Cooper na pinagtibay noong Hunyo 2, 1902. Ano ang itinakda sa batas na ito?
Ito ang nagtakda sa pagbibigay ng karapatan sa malayang pananalita, pagpapahayag at nagbigay sa mga halal na Pilipino na mamuno.
Ito ang nagtakda sa pagkabilanggo sa mga Pilipinong may pagkakautang.
Ito ang nagtakda sa pagbibigay ng karapatan sa mga Amerikanong alipinin ang mga Pilipino.
Ito ang nagtakda sa pagiging pantay-pantay sa harap ng batas lamang.
Ang Batas Payne-Aldrich ay unang pinagtibay na batas ng mga Amerikano sa pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa Amerika. Bakit hindi gaanong nakinabang ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano?
Dahil mataas ang buwis na ipinataw ng mga Amerikano sa kalakal ng mga Pilipino
Dahil kontrolado ng mga Amerikano ang pamamalakad sa ekonomiya ng Pilipinas
Dahil tumanggi ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano
Dahil hindi naibigan ng mga Amerikano ang produkto ng mga Pilipino
Nilikha ang Asemblea ang Pambansang Sanggunian sa Kabuhayan o National Economic Council upang mapag-aralan ang kabuhayan sa Pilipinas. Ano ang pangunahing tungkulin ng National Economic Council?
Upang mabigyan ng tahanan ang mga tao
Upang makapagtinda ng lupa sa mga magsasaka
Upang makapagtatag ng pamayanan sa malalayong lugar
Magsaliksik ng mga bagay na may kinalaman sa kabuhayan, pananalapi, pagpapahusay at pagpapa-unlad ng mga industriya.
Ano ang tawag sa unti-unting pagsasalin ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapangyarihang mamahala sa mamamayang Pilipino.?
Federal
Nacionalista
Pilipinisasyon
Sedisyon
Alin sa mga sumusunod ang ipinangako ng pamahalang sibil sa pamumuno ni Gobernador Taft?
Pagpaparami ng magsasaka
Pagbibigay ng libreng pabahay
Pagpapadami ng sundalong Pilipino
Pagsasanay sa malayang pamamahala sa sarili
Ang Misyong OSROX ay pinadala sa Estados Unidos sa kagustuhan ng mga Pilipinong makapagsarili. Sa anong tawag din ito kilala?
Batas Hare-Hawes-Cutting
Batas Tydings-McDuffie
Misyong Pangkalayaan
Pamahalaang Militar
Ang Batas Tydings-McDuffie ay ukol sa batas pangkalayaan ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa probisyong nakapaloob dito?
ganap na kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon
kontrolin ng Estados Unidos ang ekonomiya ng Pilipinas
pagkilala sa mga sagisag ng Estados Unidos tulad ng bandila
magpadala ng kinatawan ng bansa sa kongreso ng Estados Unidos
Anong batas ang nagtakda ng pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas bilang Mababang Kapulungan na kakatawan sa mga Pilipino bilang tagapagbatas?
Batas Cooper
Batas Gabaldon
Batas Jones 1916
Batas Bilang 1870
Isa ang Batas Gabaldon 1907 na nagawa sa ilalim ng Asamblea ng Pilipinas. Ano ang nakapaloob sa batas na ito?
batas tungkol sa pagtatayo ng mga paaralan sa buong Pilipinas
batas na nagtadhana sa pagpapadala sa Estados Unidos ng dalawang residenteng komisyonado
batas sa pagkilala ng Estados Unidos sa kalayaan ng Pilipinas na magkaroon ng matatag na pamahalaan
batas na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na matamo ang kalayaan sa oras na may kakayahan na sa pamamahala at pagsasarili
Ang panukalang batas ni Fairfield tungo sa kalayaan ng Pilipinas ay pinaniniwalaang ibigay ito ng Estados Unidos. Kailan ito itinaguyod?
1902
1919
1921
1924
Ayon sa batas pangkalayaan, ilang taon ang paghahanda at pagsasanay ng Pilipinas bago ito tuluyang mapalaya ng mga Amerikano?
5 taon
10 taon
15 taon
20 taon
Alinsunod sa Saligang Batas ng 1935, nagkaroon ng pambansang halalan noong Setyembre 7, 1935. Bakit nagkaroon ng halalan sa panahong ito?
Upang piliin ang pambansang wika para sa bansa
Upang piliin ang mamamahala sa Pamahalaang Komonwelt
Upang piliin ang mamumuno sa sandatahang lakas ng bansa
Upang piliin ang mamumuno sa pandaigdigang labanan ng mga bansa
Ang Saligang Batas ay nagtakda ng tatlong sangay ng pamahalaan na magkakahiwalay subalit magkakapantay ang mga tungkulin at pananagutan. Paano pinili ang mga namuno sa bansa gaya ng pangulo, pangalawang pangulo, at iba pa?
Sa pamamagitan ng halalan
Sa pamamagitan ng paligsahan
Sa pamamagitan ng social media
Sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan ng pangulo
Nagkaroon ng listahan ng karapatan ang mga mamamayan o tinatawag na Bill of Rights. Bakit mahalaga ang Bill of Rights?
Ito ang nagbigay ng bagong pag-asa sa mga Pilipino.
Ito ang nagbigay proteksyon sa mga mamamayan laban sa anomang uri ng pang-aabuso.
Ito ang nagbigay-tulong sa mga mamamayan sa oras ng kalamidad o pangangailangan.
Ito ang nagturo sa mga mamamayan ng mga kaalamang pangkabuhayan o sa pagnenegosyo.
Binigyang-pansin ang tatlong mabibigat na suliranin sa panahon ng Komonwelt. Alin sa mga ito ang hindi naunang binigyang-pansin ni Pangulong Quezon?
Pagpapatatag ng tanggulang pambansa
Pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
Pagkakaroon ng matibay at matatag na pamahalaan
Pagbibigay ng mataas sa suweldo sa mga manggagawa
Bilang isang mahalagang sangkap ng pagsasarili, pinag-ukulan ng pansin ni Pangulong Quezon ang paglinang ng Wikang Pambansa. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pambansang wika?
Upang magkaisa ang mga Pilipino
Upang maging sikat ang mga Pilipino
Upang maging mapayapa ang mga Pilipino
Upang maging maunlad ang buhay ng bawat Pilipino
Ang mga Hukbong Panlupa, Pandagat, at Panghimpapawid ay binuo bilang bahagi ng Sandahang Lakas ng bansa. Bakit kailangan pang magkaroon ng reserbang lakas ang Sandatahang Lakas ng bansa?
Upang mapanatili ang kayamanan ng bansa
Upang mapanatiling malinis ang ating bansa
Upang makatulong sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa
Upang makatulong sa pagtatanggol sa bansa sa oras ng kagipitan
Lulan ng barkong USS Thomas, kailan dumating ang may 600 tunay na mga gurong Amerikano na kilala sa katawagang Thomasites?
Hunyo 12, 1901
Agosto 23, 1901
Agosto 23, 1908
Hunyo 18, 1908
Kung ang simbolo ng mga Espanyol ng pananakop ay espada, ano naman ang sumisimbolo sa pananakop ng mga Amerikano?
armas
krus
paaralan
simbahan
Ang pagpapatayo ng mga paaralan para sa mga may gustong maging guro ay pinapatunayan sa Batas Blg 74. Anong paaralan ang itinatag para sa mga guro?
Centro Escolar University
Pamantasan ng Pilipinas
Philippine Normal School
University of Sto. Tomas
Noong panahon ng Amerikano ay naging maunlad ang komunikasyon. Ano ang ipinakilalang makabagong paraan ng komunikasyon na naitatag sa bawat munisipalidad?
telegraph
Istasyon ng radyo
tanggapan pangkoreo
kumpanya ng komunikasyon
Sa mga ipinatayong paaralan noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas, anong mga aklat ang kanilang ginamit sa pag-aaral?
Mga aklat ng dayuhan
Mga aklat tungkol sa relihiyon
Mga aklat na nilimbag sa Amerika
Mga aklat na sinulat ng mga Pilipino
Habang hawak ng Amerika ang bansang Pilipinas, inagaw ito ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang halimbawa ng pagbabago sa edukasyon noong panahon ng Hapones?
Pagkakaroon ng curfew
Sistemang “buy and sell”
Paggamit ng wikang Tagalog at Niponggo bilang opisyal na wika
Pagpapalabas ng mga pelikula tungkol sa husay ng kanilang armas
Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming pangyayaring hindi kaaya-aya sa ating mga Pilipino. Ayon sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari, alin ang nauna?
Pagbomba ng Pearl Harbor
Pagtatag ng Ikalawang Republika
Pagdeklara na “Open City” ang Maynila
Pag-atake ng mga Hapones sa Maynila
Kung ang Abucay Line ang kauna-unahang depensa sa Bataan, ano naman ang tinatawag na “Rock of Bataan”?
3rd Division
40th Division
41st Division
51st Division
Ang USAFFE ay grupo ng mga sundalong Amerikano at Pilipino na lumaban sa mga Hapones at pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Ano ang kahulugan ng USAFFE?
United State Allied Forces in the Far East
United State Armed Forces in the Far East
Unified State Armed Forces in the Far East
United Summit Armed Forces in the Far East
Ang Corregidor ay isang islang nakalagak sa bukana ng Look ng Manila at nagsilbing huling tanggulan ng sundalong Amerikano at Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Paano nakatulong ang Corregidor sa digmaan?
nagsilbing huling tanggulan ng bansa
nagsilbing paaralan ng mga Pilipino at Amerikano
nagsilbing ospital sa mga sugatan at may sakit na sundalo
huling pinagtaguan nina Heneral MacArthur at Pangulong Quezon
Nakasalig sa edukasyon ang patakarang kultural ng mga Hapones. Alin sa mga sumusunod ang isa sa patakaran sa pagtuturo na nakatuon sa layunin ng mga Hapones?
Maipaliwanag ang kahulugan ng Greater East Asia Co-Prosperity Spere.
Maipaunawa sa mga Pilipino ang wastong paggamit ng wikang Ingles.
Ipagpatuloy ang pagsulat sa wikang Ingles kasama ang Wikang Hapones
Maiwaksi ang mga pagpapahalaga at kultura ng mga Pilipino
Alin sa mga sumusunod ang isa sa paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones?
Pagkakaroon ng masaganang pagkain
Pagkakaroon ng malayang pamumuhay
Pang-aabusong sekswal sa kababaihan
Pag-aalaga ng mga isda at pagsasaka nang sapilitan
Ano ang dahilan kung bakit kailangang lumipat ng tirahan ang mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno nga mga Hapones?
Dahil tumaas ang presyo ng mga bilihin
Sapilitan silang pinag-aaral ng Wikang hapon o Niponggo.
Maraming daan, gusali, ga tulay at sariling tirahan ang nasira
Dahil pinagtatanim sila ng maraming tabako, abaka at niyog.
Ano ang tawag sa kilusang may katulad na simulain sa mga gerilyang binuklod ng mga magsasakang labis na naghirap?
KKK
GERILYA
USAFFE
HUKBALAHAP
Sa pamumuno nina Luis Taruc, Jesus Lava at Jose Banal, naitatag ang Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapones o ang HUKBALAHAP. Bakit naitatag ang kilusang ito?
Para makalaya sa mga Hapones
Para makamit ang kapayapaan
Para mapaalis ang mga Hapones
Para maibalik ang mga lupang sakahan na kinamkam ng mga Hapones
Maraming grupong gerilya ang naitatag noong panahon ng mga Hapon. Bakit naitatag ang mga grupong ito?
Para makalaya sa mga Hapon
Para makaiwas sa mga Hapon
Para makatulong sa mga Hapon
Para maiwasto ang pagkakamali ng mga Hapon
Sa pamumuno ni Luis Taruc ay nabuo ang kilusang HUKBALAHAP noong Pebrero,1942. Sa paanong paraan nakatulong ito sa pagkamit ng kalayaan ng mga Pilipino?
Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng iisang wika.
Ang mga magsasaka ay may mga sariling hayop na.
Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng kaliwanagan sa pag-iisip.
Ang mga magsasaka ay nagkaroon ng kalayaang bungkalin ang kanilang mga lupain
Bukod sa mga gerilya ay masasabing malaki rin ang ginampanan ng mga sebilyan sa pakikibaka sa mga Hapones. Alin ang hindi naging ambag ng mga sibilyan?
Naging espiya sa pagdating ng mha puwersang Hapones
Kumupkop sa mga gerilyang hinahabol ng mga Hapones
Kumupkop sa mga Hapones na hinahabol ng mga gerilya
Nagbigay tulong pinansiyal at materyal para matustusan ang pangangailangan ng mga gerilya
Hindi lamang kalalakihan ang nagpakita ng katapangan sa pakikipaglaban sa mga mananakop kundi pati na rin ang kababaihan. Paano naipakita ng kababaihan ang kanilang pagmamahal sa bansa lalo noong panahon ng digmaan?
Hindi tumutulong sa kapwa Pilipino
Sila ang taga-sumbong sa mga lihim ng mga Pilipino.
Hinihikayat nila ang iba na itigil na ang paglaban sa mga dayuhan.
Paggamot sa mga sugatan at pagpapakain sa mga Pilipinong sundalo
Ang mga sumusunod ay mga paraang ginawa ng mga Pilipino upang maipakita ang pagmamahal sa bansa. Alin sa mga gawain sa ibaba ang HINDI nagpapakita ng pagmamahal sa bansa?
Pagiging taksil sa sariling bayan
Pagbubuwis ng buhay para sa inang bayan
Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan gamit ang sining at panitikan
Pagtulong sa mga nangangailangang kapwa Pilipino sa panahon ng digmaan
Nadama ng maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga pamamaraang ginamit sa Timog Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar at iba pa upang lumaya?
Pagsunod at paghintay
Pagtutol at pakikipagtulungan
Pakikipagtulungan at pagpapabuti
Pananahimik at pagwawalang bahala
Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan?
Pagsisilbi bilang espiya ng mg Hapones upang mapadali ang buhay
Pagsang-ayon sa mga nais ipatupad ng mga mga banyagang mananakop ng ating bansa
Pagtulong sa mga nasugatan at pagbibigay ng pagkain sa mga sundalong nakikipaglaban
Pagsasawalang kibo sa mga kamaliang nagaganap sa lipunan basta’t hindi ka nadadamay
