wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing dahilan ng tagumpay ng mga Griyego laban sa mga Persian sa Digmaang Griyego-Persia?

a)

Ang lakas ng kanilang hukbo

b)

Ang mahusay na estratehiya at pamumuno ng mga lider tulad ni Themistocles

c)

Ang pakikialam ng mga Romano

d)

Ang pagsuporta ng mga Minoan sa digmaan

2.

Alin sa mga sumusunod ang pinakakilalang pamana ng Kabihasnang Minoan?

a)

Arkitekturang pambansang palasyo tulad ng Knossos

b)

Paglikha ng mga mararangyang templong Griyego

c)

Pagbuo ng mga digmaan sa dagat

d)

Paglinang ng sistema ng pagtatanggol

3.

Paano nakatulong ang kalakalan ng mga Minoan sa kanilang pag-unlad?

a)

Nagbigay ito ng mga bagong teknolohiya

b)

Pinalakas nito ang kanilang pwersang militar

c)

Nagdala ito ng mga banyagang ideya at kultura

d)

Nakatulong ito sa pagpapalaganap ng relihiyon

4.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Minoan?

a)

Pag-atake ng mga Mycenean

b)

Pagsabog ng bulkan sa Santorini

c)

Digmaang panloob

d)

Pag-atake ng mga Persiano

5.

Ano ang pangunahing pinagkukunang-yaman ng kabihasnang Minoan?

a)

Agrikultura

b)

Pangangalakal

c)

Pagmimina

d)

Pagtutulungan sa militar

6.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng komprehensibong paglalarawan sa gampanin ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean sa Klasikal na Kabihasnang Griyego?

a)

Nakipagkalakalan ang mga Minoan at Mycenaean sa mga griyego

b)

Nasakop ng mga Griyego ang mga lupain ng mga Minoan at Mycenaean

c)

Ang pinaghalong kabihasnan ng mga Minoan at Mycenaean ang nagging batayan ng Kabihasnang Griyego

d)

Naging mga kaalyado nito ang dalawang kabihasnan dahilan upang lumakas ang pwersa laban sa mga kaaway

7.

Alin sa mga sumusunod na heograpikal na salik ang humubog sa mga griyego upang magtatag ng mga polis na malaya sa isa't isa?

a)

I. Mabato

b)

II. Kulang sa lupang mapagtatamnan

c)

III. Binubuo ng maraming pulo/isla

d)

IV. Nasasaklawan ng maraming dagat: Mediterranean, Ionian at Aegean

8.

Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinasanay na sa mga serbisyong militar simula edad pito. Ano ang iyong mahinuha sa sitwasyong ito?

a)

Pinahalagahan ang kanilang edukasyon.

b)

Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar.

c)

Pinahalagahan ang kanilang sandatahang-lakas.

d)

Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan.

9.

Paano nakatulong ang batas Romano sa mga kasalukuyang sistema ng batas sa buong mundo?

a)

Nagbigay ito ng mga batas na nakatuon sa relihiyon

b)

Ang mga prinsipyong nakapaloob dito ay ginagamit pa sa modernong batas

c)

Ipinakilala nito ang mga malulupit na parusa para sa mga nagkasala

d)

Ginamit ito sa mga digmaang pandaigdig

10.

Lubhang mahalaga ang Mediterranean Sea sa panahon ng Klasikal na Roma?

a)

ito ang pinagkukunan ng suplay ng isda sa rehiyon

b)

ito ang nagsisilbing ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa Europa, Asya at Africa

c)

narito ang maraming kolonya ng Roma na siyang pinaggagalingan ng mga suplay sa bansa

d)

ito ang rutang ginamit ng mga Romano upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa iba't ibang panig ng mundo

11.

Sa sinaunang Roma, ano ang karaniwang batayan ng kayamanan at kapangyarihan?

a)

Kursong tinapos

b)

Malawak na lupain

c)

Malaking bahay o mansiyon

d)

Minanang posisyon ng magulang sa pamahalaan

12.

Alin sa mga sumusunod ang bunga ng naganap na Digmaang Punic sa pagitan ng Roma at Carthage?

a)

Pagtatapos ng monarkiya at pagsisimula ng republika

b)

Pagtatapos ng republika at pagsisimula ng monarkiya

c)

Pagkakaroon ng kontrol ng Republika ng Roma sa Mediterranean Sea

d)

Pagkakaroon ng kontrol ng Carthage sa Mediterranean Sea

13.

Matapos ang isinagawang pagmamanman ni Cato sa Carthage, ano ang natuklasan at iminungkahi nito sa senado?

I. Naging mahirap ang buhay ng Carthage

II. Magaganda ang barko ng Carthage kaya dapat itong kopyahin

III. Matapos dalawang beses matalo, nananatiling maunlad ang Roma

IV. Ang Carthage ay nananatiling banta sa seguridad at kapayapaan ng Roma

a)

a. I at IV        

b)

b. II at III   

c)

c. III at IV           

d)

d. I at III

14.

Ang Battle of Actium ay naging kasaysayan ng Roma sapagkat ito'y naghudyat ng dalawang mahahalagang pangyayari. Ano-ano ang mga ito?

a)

Pagtatapos ng monarkiya at pagsisimula ng republika

b)

Pagtatapos ng republika at pagsisimula ng monarkiya

c)

Pagkakaroon ng kontrol ng Republika ng Roma sa Mediterranean Sea

d)

Pagkakaroon ng kontrol ng Carthage sa Mediterranean Sea

15.

Alin sa sumusunod ang pangunahing salik sa tuluyang pagbagsak ng Imperyong Romano?

a)

hindi matatag na pamumuno

b)

paglusob ng mga tribong barbaro

c)

may sariling paraan ang bawat isa

d)

pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayang romano

16.

Bakit iminungkahi ni Cato sa mga senador ng Roma na 'pabagsakin ang Carthage?'

a)

Nais nila itong maging bahagi ng Roma

b)

Ang Carthage ay tumangging magbayad ng buwis

c)

Ang Carthage ay nananatiling banta sa seguridad ng Roma

d)

Ang Carthage ay mahigpit na katunggali sa pakikipagkalakalan

17.

Ang mga Consul sa Roma ay binigyan ng Veto Power bilang bahagi ng check and balance sa gobyerno. Sa kasalukuyan, anong posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas ang may Veto Power?

a)

Pangulo

b)

Pangalawang Pangulo

c)

Senate President

d)

House Speaker

18.

Ano ang ibig ipahiwatig ni Augustus Caesar sa tinuran niyang 'dinatnan ko ang Roma na lungsod ng luwad ngunit lilisanin ko ito na lungsod ng marmol?

a)

Ipinapakita niya ang paglago ng Roma sa mga aspeto ng sining at kultura.

b)

Binanggit niya ang pagkatalo ng Roma sa digmaan at ang kakulangan sa mga materyales.

c)

Ipinapakita niya ang kanyang pangako na gawing mas matatag ang pamahalaan ng Roma.

d)

Ipinapahiwatig niya ang pag -unlad ng Roma sa pamamagitan ng mga proyekto sa pagpapaganda ng mga pampublikong gusali at istruktura.

19.

Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagbibigay ng pinakamahusay na paglalarawan sa pangunahing pagkakaiba ng mga plebeian at patrician sa lipunang Romano?

a)

Ang mga plebeian ay may mataas na posisyon sa pamahalaan, samantalang ang mga patrician ay may mababang katayuan sa lipunan.

b)

Ang mga plebeian ay mga magsasaka at mangangalakal, habang ang mga patrician ay mga mayayamang

may-ari ng lupa at maharlika.

c)


Ang mga plebeian ay nagmamay-ari ng mga lupa, samantalang ang mga patrician ay nagtatrabaho sa mga

    bukirin.

d)

Ang mga plebeian ay hindi kabilang sa Senado, samantalang ang mga patrician ay may karapatan sa

     pagiging konsul at senador.

20.

Ano ang papel ng senado sa Republika ng Roma pagkatapos ng pagtatatag nito?

a)

Ang Senado ay may kapangyarihang magpatupad ng mga batas at magsagawa ng digmaan.

b)

Ang Senado ay may kapangyarihang maghalal ng mga bagong hari at manguna sa pamamahala ng relihiyon.

c)

Ang Senado ay may kapangyarihan sa paggawa ng mga batas at pagpili ng mga konsul.

d)

Ang Senado ay walang kapangyarihan at tanging representasyon lamang ng mga plebeian.

21.

Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang pinakamagandang paglalarawan kay Julius Caesar bilang lider?

a)

Siya ay naging unang emperador ng Roma at nagtatag ng mga bagong batas

b)

Siya ay naging heneral na nagpanalo sa maraming digmaan at isang diktador na nagbigay ng reporma

c)

Siya ay naging konsul na nagpalawak ng teritoryo ng Roma at nagpatibay ng demokrasya

d)

Siya ay naging lider ng isang relihiyon at nagtatag ng bagong sistema ng pamahalaan

22.

Anong aspeto ng pamumuhay sa Polynesia, Micronesia, at Melanesia ang nagging malaking impluwensiya sa kanilang kabihasnan?

a)

Ang kanilang mga sistema ng pamahalaan at monarkiya

b)

Ang kanilang pag-unlad ng mga lungsod at sentro ng kalakalan

c)

Ang kanilang paggamit ng mga makina at teknolohiya mula sa Tsina

d)

Ang kanilang kakayahan sa paggalugad at paglalakbay sa Karagatang Pasipiko

23.

Ang mga sumusunod ay katangian ng Imperyong Ghana, Mali at Songhai, alin ang HINDI?

a)

matatag at malawak na imperyo

b)

naimbento ang larong pok-ta-pok

c)

pangunahing kabuhayan ang pakikipagkalakalan

d)

may malaking impluwensiya ng relihiyong Islam sa kultura at lipunan

24.

Paano nakatulong ang sistema ng mga daanan at tulay sa pagpapalawak at pagpapalakas ng Imperyong Inca?

a)

Pinadali nito ang kalakalan at komunikasyon sa mga malalayong lugar ng imperyo.

b)

Nagbigay ito ng mas madaling pag-access sa mga mina ng ginto at pilak.

c)

Nagbigay ito ng ligtas na lugar para sa mga inca upang magtago mula sa mga kaaway.

d)

Ang mga daan at tulay ay ginamit lamang para sa seremonyang relihiyoso.

25.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa paniniwala ng mga tao mula sa mga isla sa Pasipiko?

a)

Naniniwala sila kay Kristo bilang Diyos.

b)

Naniniwala sila kay Brahma, Shiva, at Vishnu.

c)

Naniniwala sila kay Buddha bilang dakilang guro.

d)

Naniniwala sila sa halaman, hayop, bato, bundok, at ilog.

26.

Paano tinugunan ng mga Aztec ang kakulangan ng lupaing mapagtatamnan?

a)

Nagtatag ng mga kolonya sa karatig lugar

b)

Gumawa ng mga artipisyal na isla sa gitna ng lawa

c)

Nakipagpalitan ng mga produkto sa mga karatig na lugar

d)

Nagsagawa ng mga ritwal ng pag-aalay ng buhay upang maiparating sa diyos ang mga kahilingan

27.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan kay Montezuma II bilang isang pinuno ng mga Aztec?

a)

Naniniwala siya sa kalikasan.

b)

Naniwala siyang si Hernando Cortes ay ang diyos na si Quetzalcoatl

c)

Naniniwala siya sa taong may mapuputing kaanyuan.

d)

Naniniwala siya sa diyos ng araw, at ulan

28.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kabuhayan ng mga mamamayang nakatira sa mga pulo sa Pasipiko?

a)

Pagmimina

b)

Pagsasaka

c)

Pangingisda

d)

Turismo

29.

Paano nakatulong ang paglalakbay ni Mansa Musa sa pagpapalaganap ng Islam?

a)

Pinaigting ang pagtanggap ng mga tao sa tradisyunal na relihiyon

b)

Nagdala siya ng mga relihiyosong iskolar at mga aklat ng Islam sa iba't ibang lugar

c)

Pinagbawal niya ang mga relihiyon na hindi Islam

d)

Ibinahagi niya ang mga turo ng Hinduismo sa mga dinadaanan niyang lugar

30.

Ano ang naging pangunahing industriya ng kaharian ng Ghana, Mali at Songhai na nagbigay sa kanila ng yaman at impluwensya sa buong Africa?

a)

Pagtatanim ng palay

b)

Kalakalan ng ginto at asin

c)

Pag-aalaga ng hayop

d)

Pagmimina ng bakal

31.

Ano ang naging epekto ng paglaganap ng Islam sa mga kabihasnang Ghana, Mali, at Songhai?

a)

Nagkaroon ng mga pag-aalitan at digmaan sa pagitan ng mga kaharian

b)

Nagkaroon ng makulay na pagpapalitan ng kaalaman at kalakalan

c)

Nagbukas ng mga bagong ruta para sa pakikisalamuha sa mga bansang Europeo

d)

Naging dahilan ito ng pagbagsak ng mga kabihasnang ito

32.

Paano naipalaganap ng mga Aztec ang kanilang kultura sa buong Mesoamerica?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo

b)

Sa pamamagitan ng pagsakop at pagtatayo ng mga imperyo

c)

Sa pamamagitan ng kalakalan at paggawa ng mga sining

d)

Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga Europeo

33.

Paano nakaapekto ang mga Romanong inhenyero sa mga kasalukuyang arkitektura?

a)

Ginamit nila ang mga pader ng mga templo sa mga modernong gusali

b)

Pinahusay nila ang paggamit ng mga arko at kupol sa mga gusali

c)

Nagbigay sila ng mga disenyong sumusunod sa kalikasan

d)

Pinalitan nila ang mga materyales gamit ang kahoy

34.

Ano ang pinakamahalagang ambag ng mga Maya sa agham at matematika?

a)

Pagpapakilala ng sistema ng pagsusulat ng hieroglyphs

b)

Pagbuo ng solar calendar at sistema ng numerasyon

c)

Pagpapalaganap ng medisina at mga herbal na gamot

d)

Pagtatatag ng mga unibersidad at paaralan

35.

Ano ang pangunahing kontribusyon ng mga kabihasnang Polynesian sa paggalugad at paglalakbay?

a)

Pagbuo ng mga advanced na teknolohiya sa agrikultura

b)

Pagpapakilala ng mga makabagong sistema ng pagsusulat

c)

Pagtutok sa paggamit ng mga bituin at kalikasan sa paglalakbay sa dagat

d)

Pagtatatag ng mga paaralan at unibersidad

36.

Ano ang naging epekto ng sistema ng pamamahala sa politika at gobyerno ng mga Romano?

a)

Pinalakas nito ang kapangyarihan ng mga hari

b)

Nagsimula ang mga demokratikong prinsipyo na nakatulong sa kasalukuyang gobyerno

c)

Pinayagan nito ang mga nasakop na bansa na magkaroon ng sariling pamahalaan

d)

Lumikha ito ng mga bagong relihiyon sa buong mundo

37.

Ano ang pangunahing kontribusyon ng mga Griyego sa larangan ng matematika?

a)

Pagbuo ng mga teoryang tungkol sa algebra

b)

Pagpapakilala ng sistema ng decimal na numerasyon

c)

Kaalaman sa geometry gaya ng Pythagorean Theorem

d)

Pagpapalaganap ng mga numerong Hindu-Arabic

38.

Ano ang pangunahing hangarin ng ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyano sa Europa na kung tawagin ay krusada?

a)

Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.

b)

Mapalakas ang kalakalan ng mga bansang Europeo.

c)

Mabawi sa kamay ng mga Turkong Muslim ang Jerusalem.

d)

Mapalawak ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa teritoryo ng mga barbaro

39.

Saan nakabatay ang pamumuhay sa ilalim ng sistemang Manor?

a)

Pagbebenta

b)

Pangingisda

c)

Pangangalakal

d)

Pagsasaka

40.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Krusada sa panahon ng Middle Ages?

a)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga bagong teritoryo

b)

Pagkuha ng mga likas na yaman mula sa mga Muslim

c)

Pagpapalawak ng teritoryo ng mga Kristiyanong kaharian

d)

Pagpapalaganap ng mga bagong teknolohiya sa agrikultura

41.

Ano ang pangunahing tungkulin ng mga magsasaka sa ilalim ng sistemang Manoryalismo?

a)

Pagtulong sa mga mangangalakal sa pagpapalaganap ng kalakalan

b)

Pag-aalaga ng mga kabayo at iba pang hayop

c)

Pagbibigay ng mga produktong agrikultural at serbisyo sa kanilang mga panginoon bilang kabayaran sa proteksyon

d)

Pagbuo ng mga estratehiya para sa digmaan

42.

Ano ang tawag sa lupang ipinagkakaloob ng hari sa kanyang vassal?

a)

dowry

b)

homage

c)

fief

d)

manor

43.

Ano ang pangunahing layunin ng Piyudalismo sa Europa noong Middle Ages?

a)

Pagpapalaganap ng isang pantay-pantay na sistema ng pamamahagi ng mga yaman

b)

Pagpapalakas ng kapangyarihan ng hari sa buong Europa

c)

Pagbuo ng isang estruktura ng pamamahala kung saan ang mga panginoon ay nagbibigay ng proteksyon at lupa sa mga vassal bilang kapalit ng serbisyo at katapatan

d)

Pagpapalaganap ng mga ideya ng liberalismo at demokrasya

44.

Paano nakatulong ang Krusada sa pag-unlad ng kalakalan sa Europa?

a)

Nagdulot ito ng pagbagsak ng mga merkado sa Europa

b)

Nagbukas ng mga bagong ruta ng kalakalan at pagpapalitan ng kaalaman sa pagitan ng Silangan at Kanluran

c)

Nagbigay ito ng oportunidad para sa mga mangangalakal na kontrolin ang mga teritoryo sa Africa

d)

Naging sanhi ito ng pagtigil ng mga kalakalan sa buong Europa

45.

Ano ang dahilan sa pag-iral ng Sistemang Piyudalismo sa Europa noong Gitnang Panahon?

a)

pagsalakay ng mga barbaro

b)

pagbagsak ng Imperyong Roman

c)

paglakas ng Simbahang Katoliko

d)

paghina ng Banal na Imperyong Roman

46.

Anong sistemang pang-ekonomiya ang umiral noong Gitnang Panahon sa Europa?

a)

Kapitalismo

b)

Manoryalismo

c)

Komunismo

d)

Merkantilismo

47.

Anong institusyon ang bukod tanging hindi pinakialaman ng mga barbaro sa kanilang pagwasak sa Imperyong Roman?

a)

Manoryalismo

b)

Piyudalismo

c)

Pamahalaan

d)

Simbahan

48.

Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa ilalim ng Middle Ages o Gitnang Panahon MALIBAN sa _______________. Ano ito?

a)

Paglakas ng Simbahan

b)

Sistemang Manoryalismo

c)

Sistemang Piyudalismo

d)

Rebolusyong Siyentipiko

49.

Sa ilalim ng Sistemang Piyudalismo, alin sa mga sumusunod ang naging pinakamakapangyarihan?

a)

Hari

b)

Mangangalakal

c)

Maharlika

d)

Kabalyero

50.

Anong grupo ng mga barbaro ang itinuturing na pinakamapanira dahil sa pandarambong at paninirang ginawa habang sinasakop ang Imperyong Romano?

a)

Anglo-Saxons

b)

Huns

c)

Vandals

d)

Visigoths

51.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na namumuhay sa manor?

a)

dito sila sumikat katulad ng hari

b)

maraming mga pagawaan ang kanilang mapapasukan

c)

takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang manor

d)

naipagkakaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan

52.

Paano nakatulong ang relihiyong Kristiyanismo sa mga kaisipan ng mga tao sa Gitnang Panahon?

a)

Nagbigay ito ng gabay at moralidad sa mga tao, pati na rin sa mga institusyong pang-edukasyon

b)

Nagbigay ito ng pag-asa sa mga tao na maging malaya mula sa mga panginoon

c)

Pinalaganap nito ang ideya ng indibidwal na kalayaan sa buong Europa

d)

Pinagmulan ito ng mga sistemang pampulitika at ekonomiya sa buong mundo

53.

Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?

a)

Paglitaw ng Burgis

b)

Pagbagsak ng kalakalan

c)

Paggamit ng salapi

d)

Paglitaw ng sistemang guild

54.

Ano ang pinakamahalagang ginampanan ng mga monghe sa pagpapalakas ng impluwensiya ng simbahan sa Kanlurang Europa?

a)

pagpapaunlad ng agrikultura

b)

pagpapalaganap ng Kristiyanismo

c)

pag-iingat ng mga karunungang klasikal

d)

pagpapakain at pangangalaga sa mga mahihirap

55.

Ano ang mahalagang papel ng Simbahang Katoliko sa Panahong Medieval?

a)

pangangalaga ng maysakit

b)

pagpapalakas ng hukbong sandatahan

c)

pagpapalago ng pamumuhay ng mga tao

d)

pangangalaga sa espiritwal na pangangailangan ng tao

56.

Sa pagbagsak ng Imperyong Romano, alin sa sumusunod ang lumakas at lumawak ang kapangyarihan?

a)

Barbaro

b)

Pamahalaan

c)

Paaralan

d)

Simbahan

57.

Bakit mahalaga ang mga unibersidad sa Gitnang Panahon?

a)

pagbukas ng paaralan sa mamamayan

b)

makatulong para sa pagbabasa at pagsusulat

c)

maging iskolar ng bayan at makilala sa lipunan

d)

Naging sentro ng edukasyon at kaisipan, kung saan pinag-aralan ang relihiyon, pilosopiya, at agham

58.

Sino ang namuno sa muling pagkabuhay ng Holy Roman Empire?

a)

Charlemagne

b)

Leo the Great

c)

Constantine the Great

d)

Gregory I

59.

Ano ang naging epekto ng mga kaisipan ng Scholasticism sa edukasyon sa Gitnang Panahon?

a)

Nagbigay ito ng bagong sistema ng pamamahagi ng yaman

b)

Pinagsama nito ang pananampalatayang Kristiyano at mga kaisipan ng mga Griyego at Romano upang mapalawak ang pag-unawa ng tao sa Diyos at kalikasan

c)

Itinaguyod nito ang pagtutok sa mga praktikal na agham at kalakalan

d)

Pinalaganap nito ang ideya ng pagtutol sa relihiyon at pananampalataya

60.

Anong ideya mula sa Griyego at Romano ang muling nabuhay sa Gitnang Panahon?

a)

Pagpapahalaga sa sining at kultura ng mga barbaro

b)

Pagpapalaganap ng ideya ng republika at demokrasya

c)

Pag-aaral ng mga akda ni Aristotle, Plato, at iba pang pilosopo ng Griyego at Romano

d)

Pagbuo ng mga bagong relihiyon na kumikilala sa maraming diyos