wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Yan ESP 8

Total questions: 90

Worksheet time: 1hrs 1mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito maging birtud

a)

Pagpapatawad

b)

Pagmamahal

c)

Pagpapasalamat

d)

Pagsasakripisyo

2.

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng taong mapagpasalamat, MALIBAN sa___________

a)

Marunong magpahalaga

b)

Puno ng biyaya

c)

Mapagpakumbaba

d)

Mareklamo

3.

Bilang pasasalamat ni Antonette sa kanyang bestfriend dahil tinulungan siya nitong gawin ang kanyang project, binigyan nya ito ng bracelet. Anong paraan ng pasasalamat ang kanyang isinabuhay?

a)

Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat

b)

Pagpapadala ng liham pasasalamat

c)

Pagbibigay ng munti o simpleng regalo

d)

Paggawa ng kabutihang loob na walang hinihintay na kapalit

4.

Ang wallet ni Rose ay nalaglag habang siya ay nagmamadaling makauwi. May nakapulot dito at ibinigay naman agad sa kanya, ngunit hindi na sya nakapagpasalamat dahil baka hindi niya maabutan ang kanyang ama na paalis na din. Bago matulog ay ipinagpasalamat niya na naibalik ang kanyang wallet at ipinagdasal nya ang taong nagbalik nito sa kanya, gayundin ay ipinagpasalamat niyang naabutan pa niya ang kanyang ama bago ito tuluyang makaalis dahil isang buwan ulit bago sila muling magkikita. Anong paraan ng pasasalamat ang isinabuhay niya?

a)

Pagkakaroon ng ritwal na pasasalamat

b)

Pananalangin ng pasasalamat sa araw-araw

c)

Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik

d)

Paggawa ng kabutihang loob na walang hinihintay na kapalit

5.

Kumpletuhin: Ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman ay isang ugali na nakapagpapababa sa ________________.

a)

pagkatao

b)

indibidwal

c)

boses

d)

tao

6.

Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.

a)

MENTALITY

b)

ENTITLEMENT

c)

ENTITLEMENT MENTALITY

d)

ENCOURAGEMENT MENTALITY

7.

Kung ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagampanan mo ang iyong moral na obligasyon, ito naman ang kawalan ng pasasalamat na nakapagpapababa sa pagkatao.

a)

gratitude

b)

ingratitude

c)

entitlement mentality

d)

crab mentality

8.

Isang pamamaraan ng pasasalamat na kung saan nagagawa ang isang simpleng gawain na ikatutuwa ng ibang tao.

a)

pagbibigay ng liham

b)

Pagbibigay ng regalo

c)

paggawa ng kabutihang loob

d)

lahat ng nabanggit

9.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?

a)

Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit walang hinihintay ng kapalit

b)

Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat

c)

Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito

10.

Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging ___________.

a)

Birtud

b)

Gratis

c)

Gratus

d)

Gratia

11.

Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang __________.

a)

Latin

b)

Ingles

c)

Espanyol

d)

Banyaga

12.

Ayon kay Susan Jeffers ng may-akda ng Practicing Daily Gratitude, “Simulan ang kasanayan sa pagsasabi ng pasasalamat kahit ___________ beses sa bawat araw.”

a)

Sampung beses

b)

Dalawang beses

c)

Anim na beses

d)

Limang beses

13.

Ang Pasasalamat ay nagbibigay rin ng _________ upang maging mabuti ang isang tao.

a)

Fortitude

b)

Optimism

c)

Encouragement

d)

Forgiveness

14.

Sa patuloy na pagpapasalamat, pinapaganda nito ang buhay na mayroon tayo.

a)

Deeper Relationship

b)

Improved Optimism

c)

Increased Happiness

d)

Enhanced well-being

15.

1.     Ito ay gawi ng isang taong mapagpasalamat; ang pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutihang-loob.

a)

pagkagalit

b)

pagmamahal

c)

pagpapasalamat

d)

presensiya

16.
  1. 3. Ano sa salitang Latin ang nakalulugod?

a)

gratia

b)

gratis

c)

gratus

d)

gratitude

17.
  1. 4. Ano sa salitang Latin ang kahulugan ay pagtatangi o kabutihan?

a)

gratia

b)

gratis

c)

gratus

d)

gratitude

18.
  1. 5. Ang ______ ay salitang Latin na ang kahulugan ay walang bayad o libre?

a)

gratia

b)

gratis

c)

gratus

d)

gratitude

19.
  1. 6. Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging ___________.

a)

birtud

b)

makasanayan

c)

matandaan

d)

bida

20.
  1. 7. Ayon sa kay Aesop, “Gratitude is the sign of noble _______”.

a)

hearts

b)

souls

c)

minds

d)

will

21.
  1. 8. Ayon sa kanya, ang utang na loob ay lumalalim kapag ang tumatanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo na sa panahon ng kagipitan.

a)

Susan Jeffers

b)

Aesop

c)

Santo Tomas de Aquino

d)

Fr. Albert E. Alejo, S.J.

22.
  1. 9. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa tatlong uri ng pagpapasalamat ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a)

pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapuwa

b)

pagpapasalamat sa kabutihan na ginawa ng kapuwa

c)

pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapuwa sa abot ng makakaya

d)

pagsasagawa ng panalangin sa mga biyayang natanggap

23.
  1. 10.  Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?

a)

Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit

b)

Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat

c)

Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito

d)

  Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

24.

Ito ay pagpapahalaga ng mga Pilipino na naipapakita sa pamamagitan ng pagtanaw ng utang-na-loob.

a)

Pagkakaisa

b)

Pagmamahal

c)

Pagmamalasakit

d)

Pagpapasalamat

25.

Alin sa mga sumusunod ang hindi antas ng pagiging mapagpasalamat?

a)

Pagtatago ng kabutihang natanggap mula sa iba

b)

Pagbabayad sa kabutihan ng kapwa

c)

Pagkikilala sa kabutihan ng kapwa

d)

Pagpapasalamat

26.

Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng ___________.

a)

damdamin

b)

isip

c)

kalooban

d)

konsensya

27.

Ang pagpapasalamat ay unang natutunan sa __________.

a)

dikta ng mga tao sa iyong paligid

b)

itinuturo sa kani-kanilang relihiyon

c)

mga araling natutunan sa loob ng paaralan

d)

pagmamasid sa kilos ng magulang sa tahanan

28.

Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, MALIBAN sa __________.

a)

pagpasalamat nang hindi bukal sa iyong puso at kalooban

b)

hindi pagbigay halaga sa taong gumawa sa iyo ng kabutihan

c)

kawalan ng panahon upang matumbasan ang tulong na natanggap mula sa kapwa

d)

paghingi ng suporta sa mga magulang sa iyong mga pangangaila-

ngan dahil ikaw ay menor de edad.

29.

Ang buhay na meron tayo ay isa sa mga napakalaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Paano mo Siya mapapasalamatan sa biyayang ito?

a)

Magdasal bago kumain at pasalamatan ang pagkaing nasa hapagkainan.

b)

Mag-ehersisyo araw-araw bilang pagbibigay halaga sa iyong kalusugan.

c)

Magsamba at manalangin sa Panginoon pagkagising sa umaga.

d)

Kumain ng pansit upang humaba pa ang iyong buhay.

30.

Dapat na pasalamatan ang mga taong _______________.

a)

nakagawa sa atin ng kabutihan

b)

nagbigay sa atin ng mabuting aral

c)

naging parte ng ating buhay lamang

d)

tinuturing nating mga kaibigan lamang

31.

Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, MALIBAN sa __________.

a)

pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay

b)

pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang

c)

pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagmamahal sa kaniya

d)

paghinto sa pag-aaral upang makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga ito

32.

Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?

a)

Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang may hinihintay na kapalit.

b)

Pagpapasalamat sa mga taong nakagawa sa iyo ng kabutihan lamang.

c)

Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at magpasalamat.

d)

Pagsasabi ng pasasalamat ngunit labag sa iyong kalooban.

33.

Ito ay nangangahulugan sa hindi pagkilala sa kabutihang nagawa ng iyong kapwa.

a)

Kawalan ng pasasalamat

b)

Pagmamahal

c)

Pagpapahalaga

d)

Pasasalamat

34.

Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?

a)

Kinikilala ang kabutihang natanggap mula sa kapwa sa pamamagitan

ng pagsabi ng pasasalamat.

b)

Pagsasabi ng pasasalamat sa kapwa nang hindi bukas ang kalooban.

c)

Paggagawa ng kabutihan sa iba nang may hinihintay na kapalit.

d)

Pagmamayabang sa iba na ikaw ay nakatulong sa kanila.

35.

Ang mga sumusunod ay ang magandang pakinabang na dulot ng pasasalamat, MALIBAN sa _____.

a)

kagalakan, dahil sa kinikilala mo ang kabutihang kaloob ng kapuwa

b)

pagkakaroon ng maraming kaibigan, dahil ipinapakita mo ang

pasasalamat sa kanila

c)

magaan na pakiramdam, dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa

buhay sa kabila ng pagsubok

d)

pagkatalo, dahil malaki ang halagang nawala sa iyo sa panahong ikaw

ay gumawa ng kabutihan sa iba

36.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng entitlement mentality?

a)

Kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong.

b)

Pagiging abusado sa paghingi ng tulong sa kapuwa.

c)

Pagkalimot sa pagpapasalamat ng mga anak sa kanilang magulang.

d)

Hindi pagpapasalamat ng mga anak sa magulang dahil sa tungkulin

nila na itaguyod ang mga ito.

37.

Ano ang magandang epekto ng pasasalamat sa buhay ng isang tao?

a)

Napapataas nito ang halaga ng sarili.

b)

Nagiging palaasa ang mga taong nakatanggap ng kabutihhan.

c)

Nasasanay ang taong ipagmalaki ang paggawa ng kabutihan sa iba.

d)

Lagi na lang magtatanaw ng utang-na-loob ang taong nakatanggap ng

kabutihan mula sa iba.

38.

Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.

a)

pagbibigay ng halaga sa isang tao

b)

pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan

c)

pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay

d)

pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo

39.

Ano ang ibig sabihin ng salitang "biyaya" sa salitang Griyego?

a)

Pabor

b)

Pag-ibig

c)

Galit

d)

Kagandahang-loob

40.

Ano ang isa sa mga halimbawa ng Biyayang Pisikal?

a)

Kaligayahan

b)

Presensiya ng Diyos

c)

Relasyon sa Diyos

d)

Kasaganaan

41.

Ano ang kahalagahan ng pagpapasalamat sa pagtanggap ng biyaya?

a)

Ito ay nagpapakita ng kawalan ng tao

b)

Ito ay nagpapakita ng kabutihan ng tao

c)

Ito ay nagpapakita ng yaman ng tao

d)

Ito ay nagpapakita ng kasakiman ng tao

42.

Ano ang araw-araw na ginagawa ng Panginoong Diyos ayon sa teksto?

a)

Nagpapalayas sa mga tao

b)

Nagpaparusahan ng mga tao

c)

Nagbibigay ng biyaya sa lahat ng nilalang

d)

Nagpapahirap sa mga tao

43.

Ano ang desisyon ng Diyos sa tao dahil sa Kaniyang pag-ibig?

a)

Pagpaparusahan

b)

Pagpapalain

c)

Pagpapalayas

d)

Pagpapahirap

44.

Ano ang kahalagahan ng pagtanggap ng biyaya sa buhay ng isang tao?

a)

Nagpapakita ng kasakiman

b)

Nagpapakita ng kabutihan

c)

Nagpapakita ng kawalan

d)

Nagpapakita ng kasamaan

45.

Ano ang isa sa mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos?

a)

Pagiging mapanira

b)

Pagdarasal at pagsamba

c)

Pagiging walang pakialam

d)

Pagiging mapanakit

46.

Ano ang kahalagahan ng pagtanggap ng biyaya sa buhay ng isang tao?

a)

Nagpapakita ng kasakiman

b)

Nagpapakita ng kabutihan

c)

Nagpapakita ng kawalan

d)

Nagpapakita ng kasamaan

47.

Ano ang isa sa mga halimbawa ng Biyayang Pisikal?

a)

Kaligayahan

b)

Presensiya ng Diyos

c)

Relasyon sa Diyos

d)

Kasaganaan

48.

Ano ang kahalagahan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kapwa?

a)

Nagpapalakas ng samahan

b)

Nagpapalakas ng hidwaan

c)

Nagpapalakas ng pag-aaway

d)

Nagpapalakas ng pagkakawatak-watak

49.

Ano ang dalawang uri ng biyaya?

a)

Pisikal at Mental

b)

Pisikal at Ispiritwal

c)

  Ispirtwal at Mental

d)

Mental at Emosyonal

50.

 

Alin sa sumusunod ang may tamang halimbawa ng biyayang pisikal?

a)

Parangal, Dangal, Tagumpay, Kabiguan

b)

     Katahimikan, Dangal, Kabiguan, Kalusugan

c)

Kasaganaan, Kaunlaran, Katahimikan, Kalusugan

d)

Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Kasaganaan, Kaunlaran, Tagumpay

51.

Kung nakatanggap ka ng bigas at inumin noong panahon ng enhanced community quarantine mula sa nagmamalasakit mong kapitbahay. Anong uri ng biyaya ang iyong natatanggap?

a)

EMOSYONAL

b)

ISPIRITWAL

c)

MENTAL

d)

PISIKAL

52.

Dahil sa pagpapahiram ng laptop ng iyong kapitbahay ay matagumpay mong naisagawa ang online na pagtatalumpati na isang performance task sa asignaturang EsP 8. Anong uri ng biyaya ang ibinigay sa iyo ng Diyos sa pagkakasangkapan ng mga taong nagmamahal sa iyo?

A.       Kaunlaran

B.       Kasaganaan

C.       Parangal

D.      Tagumpay

a)

KAUNLARAN

b)

KASAGANAAN

c)

PARANGAL

d)

TAGUMPAY

53.

  Dahil sa hirap ng buhay ay minsan nararanasan mong makakain ng dalawang beses sa isang araw. Subalit nanatili pa rin ang lakas ng iyong pangangatawan dahil sa awa at tulong ng Diyos. Anong biyayang pisikal ang ipinahiwatig ng mga pangungusap?

a)

KALUSUGAN

b)

KASAGANAAN

c)

PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG TAO

d)

PARANGAL

54.

Alin sa pagpipilian ang dapat natin pakatandaan sa salitang biyaya maging ito man ay pisikal o ispirtwal?

I.       para sa lahat

II.     galing sa Diyos

III.      galing lamang sa tao

IV.      nararapat na pasalamatan

V.     hindi na kailangang pasalamatan

a)

     I, II, III

b)

   I, III, IV

c)

   II, IV, V

d)

   I, II, IV

55.

Kung may higit tayo na pasasalamatan ay Siya yaong araw-araw na nagbibigay ng biyaya sa lahat ng nilalang. Para kanino ipinahiwatig ang pangungusap na ito?

A.  sa Diyos

B.  sa hayop

C.  sa halaman

D.  sa taong mapagbigay

a)

Ss DIYOS

b)

Sa HAYOP

c)

sa HALAMAN

d)

sa taong mapagbigay

56.

Ang salitang GRIYEGO ng BIYAYA?

a)

CHARIS

b)

CHARR

c)

CHAROT

d)

CHARIZ

57.

Tumutukoy sa mga kilos na hindi pinag-isipan o hindi ginusto.

a)

Human Acts

b)

Acts of Man

c)

Human Behavior

d)

Action

58.

Tumutukoy sa mga kilos na pinag-isipan, sinuri at malayang naisasagawa.

a)

Human Acts

b)

Acts of Man

c)

Human Behavior

d)

Action

59.

Ang ________ ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang siya ay maging malaya na gawin kung ano ang tama at mabuti.

a)

Dignidad

b)

Kalayaan

c)

Karangalan

d)

Isipan

60.

Ito ang gabay ng tao para malaman kung tama at mabuti ang kaniyang ginawa o gagawin.

a)

Dignidad

b)

Kalayaan

c)

Batas Moral

d)

Natural na Batas

61.

Ito ay ang mga gawaing hindi ipinilit bagkus ay kusang ginagawa.

a)

Pinag-isipang Kilos

b)

Boluntaryong Kilos

c)

Makataong Kilos

d)

Mapanagutang Pagkilos

62.

Ito ay ang mga pagkilos at paggawa na hindi basta basta.

a)

Pinag-isipang Kilos

b)

Boluntaryong Kilos

c)

Makataong Kilos

d)

Mapanagutang Pagkilos

63.

Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na kalayaan?

a)

kusang-loob

b)

pagmamahal

c)

makasarili

d)

responsibilidad

64.

Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?

a)

Kalayaang pumili

b)

Pagkamit ng hustisya

c)

Karapatang bumili at magtinda

d)

Responsibilad at pagsilbi

65.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay pagtugon nang may pagmamahal at paglilinkod?

a)

Nagagawa ni Asuncion ang bumili ng mga kagamitan na sunod sa uso.

b)

Malakas ang loob ni Agustin kaya lahat ng ayaw niya ay nasasabi niya ng walang kasinungalingan.

c)

Kadakilaan sa kalooban ni Ginang Teresa ang magbigay ng ayuda sa mga bahay ampunan kahit kaunti.

d)

Matamlay si Corason na sumama sa kanyang nanay sa lugar ng mga bakwit dahil may lakad sila ng kanyang kaibigan.

66.

Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?

a)

Magpasa ng batas sa kongreso.

b)

Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang- aapi sa social media.

c)

Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.

d)

Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyu.

67.

Pagganap o paggawa ng isang trabaho na nagbibigay ng kadakilaan sa tao.

a)

kusang-loob

b)

sapilitang paggawa

c)

pag-amin ng kamalian

d)

paniningil ng kabayaran

68.

Masakit ang kalooban na gawin ang isang bagay dahil walang magandang maidudulot sa iyo.

a)

kusang-loob

b)

sapilitang paggawa

c)

bolunterismo

d)

pagkukusa

69.

Kadalasang naaantig ang ating kalooban na gawin sa panahon ng kalamidad kung saan ang pansariling kaligtasan ay maisasantabi para makatulong sa maraming biktimang nangangailangan ng tulong.

a)

kusang-loob

b)

sapilitang paggawa

c)

bolunterismo

d)

pagmamahal

70.

Ang nakatatadang kapatid ay dapat palaging mapagbigay sa nakababata niyang kapatid.

a)

Tama, dahil dapat siyang maging huwaran.

b)

Tama, dahil ang mga panganay ay laging mapagbigay.

c)

Hindi, dahil magiging kapritsoyo ang mga nakababatang kapatid.

d)

Hindi, dahil depende ito sa kilos na ipapakita o ginagawa ng isang kapatid.

71.

Si Betina ay pinayuhan ng kanyang magulang na kumuha na lang ng enhinyerong kurso kaysa sa nars na gusto niya. Subalit ipinaglaban niya ang kaniyang gusto dahil nars talaga ang nais niyang maging propesyon. Anong uri ng kalayaan ang namayani kay Betina.

a)

Kalayaan sa pangangatawan

b)

Kalayaan sa isipan

c)

Kalayaan sa moral

d)

Kalayaan sa ispiritwal

72.

Si Jackson ay minabuti na lang tumahimik at sumang-ayon sa kagustuhan ng kanyang mga kaibigan na lumiban sa klase at maglaro ng mobile legend sa computer shop. Sumama na lang din siya dahil sa aantukin lang siya sa loob ng kanilang klase. Anong uri ng kalayaan ito?

a)

Kalayaan sa isipan

b)

Kalayaan sa kalooban

c)

Kalayaan sa moral

d)

Kalayaan sa ispiritwal

73.

Si Ginang Maria ay hinayaan na lang niyang mag ingay at magsalita ng saloobin ang kanyang mga mag-aaral sa Edukasyong Pagpapakato. Anong aspekto ng kalayaan ang namamayani sa sitwasyong ito?

a)

Freedom for

b)

Freedom from

c)

Freedom of exercise

d)

Freedom of specification

74.

Ang mga sumusunod na katangian ay dapat iwasan ng tao upang magamit niya ng lubusan ang kaniyang kalayaan, maliban sa:

a)

Pagmamahal

b)

Kapritso

c)

Pangmamataas

d)

Katamaran

75.

Upang maging na malaya ang tao, kailangan niyang tandaan na ang kalayaan ay laging may kaakibat na:

a)

Karapatan at Batas

b)

Moral at Ispiritwal

c)

Kultura at Relihiyon

d)

Responsibilidad at Pananagutan

76.

Ginagamit ang kaniyang Kalayaan sa pagtugon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Madalas ay inuuna ang iba kaysa sa sarili. Anong uri ng kalayaan ito?

a)

Freedom of the will

b)

Horizontal Freedom

c)

Vertical Freedom

d)

Moral Freedom

77.

Ito ay tumutukoy sa pagpili kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kanya. Malaya ang tao kapag walang humahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay.

a)

Freedom of the will

b)

Freedom of the mind

c)

Horizontal Freedom

d)

Vertical Freedom

78.

Ano ang karaniwang katuturan ng salitang kalayaan?

a)

Paggawa ng nais na gawin.

b)

Pagtulong sa kapwang nangangailangan.

c)

Ang mga magagandang ugali.

d)

Ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan.

79.

Ang kaakibat ng KALAYAAN ay RESPONSIBILIDAD.

a)
b)
80.

 Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito.

a)
b)
81.

 Isa sa aspekto ng kalayaan ang (Freedom For) o Kalayaan Para Sa: masasabing malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay.

a)

b)

82.

Kapag wala ang aking mga magulang sa aming tahanan, ipinagagawa ko ang lahat ng ayaw kong gawain sa aking nakababatang kapatid.

a)
b)
83.

Ginagawa ko pa rin ang pumasok at sinisikap na makinig sa guro upang matuto kahit na nahihirapan akong unawain ang kanyang talakayan.

a)
b)
84.

“Ang kalayaan bilang katangian ng kilos-loob na itinakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito.”Ito ay ayon sa pahayag ni__________?

a)

Tomas Aquino

b)

Sto. Tomas de Aquino

c)

Ramon Agapay

d)

E. Esteban

85.

Ito ay karaniwang binibigyang katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng ninanais.

a)

A. freedom from

b)

B. freedom for

c)

C. horizontal freedom

d)

D. vertical freedom

86.

"Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod." Ano ang mensahe nito?

a)

A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.

b)

B. Ang pagiging malaya ay nakabata sa kilos ng tao.

c)

C. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.

d)

D. Ikaw ay malaya kapag naipapakita ang pagmamahal at paglilingkod.

87.

Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng mabuti. Ano ang tinutukoy na mabuti?

a)

Ang pagkakaroon ng kalayaan.

b)

Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa

c)

Ang magamit ang kalayaan sa tama ayon sa inaasahan

d)

Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti

88.

Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?

a)

Magpasa ng batas sa kongreso.

b)

Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa social media

c)

Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.

d)

Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyo.

89.

Ano ang pinakahinahangad ng tao sa kaniyang pag-iral upang maisagawa niya ang lahat ng kaniyang naisin at gustong gawin?

a)

Pagmamahal

b)

Kalayaan

c)

Pagkilala

d)

Hustisya

90.

Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao.

a)

Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.

b)

Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.

c)

Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.

d)

Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali